Connect with us

entertainment

Sakay na sa trip ni Jeepito, ang world’s smallest jeepney na ngiti ang hatid sa inyong mga labi

Published

on

Ang Jeepito ang world’s smallest jeepney. Ginawa ito ni Ronald Carlton Papa Tan na kilala rin bilang si “Tonton Papa” na residente ng Baguio City.

Kung nabasa ninyo ang tungkol sa kakaibang tiny house sa Baguio City na tinawag na “tank house,” si Tonton din ang may-ari at gumawa niyon.

Image from Tonton Papa

Ayon kay Tonton, pitong taon na ngayong nagpapasaya si Jeepito na ginawa noon pang 2015.

Ang layunin daw niya sa pagpapagawa kay Jeepito ay ang makapaghatid ng saya at ngiti sa mga labi ng bawat taong makakakita sa maliit na jeepney. Kasama na rin syempre ang pagpo-promote ng turismo ng bansa.

Para may ideya kayo kung gaano kaliit si Jeepito, ang haba nito ay halos 92 inches lang, may lapad na 42 inches at taas na 55 inches. Mas maliit pa ito kaysa sa maliit na kotse na Hyundai Eon.

Kasya ang apat na tao kay Jeepito – dalawang pasahero sa likod, isang pasahero sa harap at ang tsuper. Sabi nga ni Tonton eh kahit lima puwede…kung sasabit sa likuran ang isa.

Nalibot na nga ni Jeepito ang buong Pilipinas dahil marami ang mga nag-iimbita para sa mga events.

May isa nga raw hindi malilimutan si Tonton na karanasan nila ni Jeepito. Ito ‘yung sumakay ang mga NLEX Warriors, isang koponan sa Philippine Basketball Association (PBA).

Pitong basketball players na matatangkad kasama ang tinagurian sa PBA na “Man Mountain” na si Asi Taulava ang nagkasya kay Jeepito. Katabi ni Tonton sa harap si Asi, apat sa likod at nakasabit ang dalawa. Matibay rin pala si Jeepito.

Image from Tonton Papa

Aniya, nakita niya na kahit napakalalaking tao ng mga basketball players ay nagmistula silang mga bata dahil sa masayang karanasan mula sa pinakamaliit na jeepney sa buong mundo.

May mga future plans din si Jeepito dahil marami itong invitations sa mga pelikula at iba’t ibang events.

Pero, ang pinakaaabangan daw ay ang imbitasyon ng isang production company para gumawa ng isang pambatang educational program na katulad ng “Batibot” at “Flying House.”

Excited na nga raw si Tonton Papa na sana ay matuloy na iyon.

Image from Tonton Papa

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrity

Kim Chiu muling nag-sorry sa animal lovers dahil sa viral comment hinggil sa ‘maingay na pusa’

Published

on

By

Muling humingi ng paumanhin si Kim Chiu sa mga animal lovers matapos kumalat ulit sa social media ang kaniyang komento noon hinggil raw sa ‘maingay na pusa’.

Kung matatandaan, mga ilang buwan na ang nakararaan nang mag-viral ang naging pahayag ng Kapamilya aktres sa ‘It’s Showtime’ na ikinagalit ng ilang netizens.

“Nakakainis ‘yun ‘no? Yung gusto mong sabuyan ng mainit na tubig kasi ang ingay,”  ani Kim sa segment na ‘Madlang Pi-Poll’.

Kaagad namang nag-sorry ang aktres at ipinaliwanag na hindi naman talaga seryoso ang kaniyang sinabi.

Subalit isang netizen ang muling umungkat nito matapos sumulpot ulit isa internet ang video ni Kim tungkol sa kaniyang sinabi. Pinayuhan ng netizen si Kim na mag-apologize bago pa lumala ang sitwasyon.

Sa kaniyang Twitter post, ipinaliwanag ni Kim na nais na sana niyang manahimik dahil mga ilang buwan na rin ang nakararaan nang mangyari ito.

“I cleared this already, RIGHT AFTER saying those words, and asked for apology same day same segment, coz I know that I will never do it and cleared that its not really ganun. But the thing is…” wika ng aktres.

Dagdag pa niya, putol ang video na kumakalat ngayon dahil hindi rito isinama ang kaniyang paliwanag at paghingi ng paumanhin.

“Social media or that person who posted it, opted to cut the part where I was saying my apology and explain my side that same episode. But as usual some marites will really choose to see the bad on that situation, Ganun naman minsan sa atin,” aniya.

Nakalulungkot lang daw na kahit wala ka pa namang ginawa ay naging masama ka na agad sa mata ng iba, samantala hindi umano napapansin ang ‘magaganda’ mong nagawa.

Sa kabila nito, humingi pa rin ng paumanhin si Kim Chiu sa ikalawang pagkakataon.

Aniya, “Again for things to be clear hopefully, (for the 2nd time after two months) Pasenya na po to all animal lovers, I didn’t mean to say those words, nor do those actions.”

Nakiusap rin ang ‘It’s Showtime’ host sa kaniyang mga haters at detractors na huwag nang palakihin pa ang isyu dahil wala naman talagang nasaktan.

Continue Reading

entertainment

Vice Ganda, ‘di dapat nagbabalat-sibuyas kung kasingkapal ng repolyo ang mukha – Cristy Fermin

Published

on

By

May panibagong banat ang kolumnista at show host na si Cristy Fermin sa komedyanteng si Vice Ganda tungkol sa isyu ng pagiging “marites.”

Magugunitang hindi nagustuhan ni Vice Ganda ang pahayag ni Lolit Solis na naaalarma siya sa mga balitang nagpa-power tripping ang komedyante sa “It’s Showtime” noontime vairety show…na ang komedyante umano ang nasusunod sa lahat ng galaw ng programa.

May bwelta naman si Vice kay Lolit na binanggit pa niya ang pangalan sa noontime show. Sinabi niya na kasunod daw ng mga magnanakaw ay ang mga marites.

“Kaya ang daming nagpapaka-Marites kasi akala nila ay pag Marites, cute ka. No. Ang pangit ng Marites. After ng magnanakaw, kriminal, Marites,” ganting banat ni Vice sa pahayag ni Lolit, na ipinagtanggol naman ng katoto niyang si Cristy Fermin.

Sabi ni Cristy Fermin, totoong may mga katrabaho si Vice Ganda na masama ang loob dito, subalit hindi lang makapagsalita nang diretsahan.

“Maraming nakakarating na kwento kay Manay Lolit na gusto nga niyang isipin na hindi totoo pero ang daming nagpaparating sa kanya na marami na rin daw po ang masama ang loob kay Vice Ganda sa Showtime at hindi lamang po makapagsalita dahil alam n’yo na this,” ani Crity Fermin.

At sa latest episode nga ng “Cristy Ferminute,” muling may banat si Nay Cristy kay Vice Ganda.

Hindi raw dapat nagbabalat-sibuyas si Vice kung kasing kapal na ng repolyo ang mukha.

“Huwag kang nagiging balat-sibuyas kung kasingkapal na ng repolyo ang mukha mo. Kasi nagbabalat-sibuyas ka pa, nagagalit ka pa kapag ang marites pinagpipistahan ka ,” ani Nay Cristy.

Bakit daw ba nagagalit si Vice sa mga marites samantalang ang mga isyu na pinag-uusapan ay galing din naman sa mga posts ng komedyante.

“Ano’ng malay ng publiko sa buhay n’yo. Sa iyo ‘yan nanggagaling. Kaya huwag nagbabalat-sibuyas kung kasingkapal ng kung anu-anong gulay ang mga mukha. Tigilan mo ang pagpo-post tungkol sa sarili mo at kay Ion at sa kung ano ang kayamanang nasa iyo, wala ka ring matitikman na kahit ano mula sa mga marites.”

Continue Reading

entertainment

Kris, nasaktan sa pagbabalewala ni Mel Sarmiento sa damdamin ni Bimby

Published

on

By

Excited ang mga nagmamahal kay Kris Aquino nang mabalitaan na posibleng magkabalikan sila ng ex-fiance na si Mel Sarmiento.

Isinulat kasi ng entertainment columnist na si manay Lolit Solis na may mga senyales daw na babalikan ni Mel si Kris dahil talagang mahal daw niya ito. Pero sinabi mismo ni Kris na walang balikang magaganap.

Image from Kris Aquino

Halos wala na raw respetong natitira si Kris para sa dating nobyo dahil sa mga ginawa nito sa kanya. Napagtanto raw niya na ginamit lang siya ni Mel at hindi naman talaga minahal.

Ang lalo pang ikinasasama ng loob ni Kris ay ang pagbabalewala ng dating kasintahan sa naramdaman ng anak na si Bimby tungkol sa nangyari sa kanilang relasyon.

Ni minsan daw ay hindi kinumusta ni Mel ang kalagayan ni Bimby.

“It became clear to me what his true feelings for me had been and how little respect i had left for him… let’s not involve my sons, because Mel failed to have the common decency to acknowledge that he hurt Bimb and never once checked on how my son was taking all of this,” lahad ni Kris.

Nalaman din umano ni Kris na ilang beses nagmensahe kay Mel ang ate niya sa pagbabakasakaling maayos pa ang kanilang relasyon.

Subalit hindi man lang umano pinansin ni Mel ang ate ni Kris.

“It spoke volumes to me nung nalaman ko from my Ate that she had tried several times to message Mel trying to find a way to communicate with him and hopefully still create a bridge but he actually snubbed my Ate,” sabi pa ni Kris.

At ang pinakasukdulan daw ay nang malaman niya na nag-imbento si Mel ng maraming kuwento para lang masabi na close ito sa yumaong si Pres. Noynoy Aquino.

“And siguro yung final straw for me was the fact kinaya niyang mag-imbento ng napakaraming kwento bilang “patunay” na close talaga sila ni Noy,’ ani Kris.

Continue Reading

Trending