Connect with us

celebrity

Mom-of-three Jewel Mische nagdesisyong mag-sign off muna sa social media, “I need to take a step back…’

Published

on

Nagdesisyong magpahinga muna sa social media si  Jewel Fatima Avejade Mische-Kurzer na mas kilala bilang si Jewel Mische; dating modelo at bahagi ng showbiz industry.

“I’ll be signing off of Instagram for a while.. Will occasionally sign on with an update on life. I want to savor these days with my newborn and be as hands-free as I can be for my family and soak up moments with them,” aniya sa kanyang pinned post sa sharing app.

Ang 31-anyos na former Ultimate Sweetheart ng StarStruck na naka-base ngayon sa USA ay nagsilang ng kanilang ikatlong anak ng asawa niyang si Alister Kurzer nitong Nobyembre lamang ng kasalukuyang taon.  Noong 2018 at 2020 naman sila biniyayaan ng panganay at ikawalang anak na babae rin. ‘Ika nga, her hands are full pagkat nakatutok siya sa lumalaki nilang pamilya.

Sa kanyang mensahe ng ‘pamamaalam’ ay ipinabatid din niya sa kanyang 20K followers na ayaw niyang ma-miss si Jesus ngayon Disyembre. “I also don’t want to miss Jesus this December. I want this December to revolve around Him. The reality is Christmas can often become a time of significant distraction and unnecessary busyness. I need to take a step back to breathe, pray, reevaluate, and tune my ears to the Lord.”

Naroon pa rin naman ang kanyang ‘pagpapakalma’ sa mga nakasubaybay sa kanyang mga posts. Siya’y nagpasalamat sa kanila at magpaparamdam pa rin naman daw siya sa Pasko at saka muling pansamantalang magpapaalam. “Grateful for you, friends! I’ll ‘see’ you around Christmas then head back out!”

Imahe via Instagram

Marami namang nakaunawa sa kanyang ginawang pagsa-sign off, ngunit may mga humiling na huwag siyang mag-deactivate. Inspiring kasi ang kanyang mga ibinabahagi kaya’t hindi nakapagtatakang may mga nakaabang sa kanyang mga ipino-post.

“Kindly don’t deactivate your account, dear angel, sign off lang po please. I wanna feel inspired every week by reading and viewing your old posts…”

“Merry Christmas in advance Ms. Jewel. Thanks for sharing your beautiful life to people You are a good inspiration to many.”

Si Jewel at ang Amerikano niyang asawa na si Alister ay ikinasal noong 2015. July 2018 nang dumating sa kanilang buhay si Aislah Rose, ang panganay. Sunod namang dumating sa kanilang buhay si  Emerald Jade at Yzbel Quinn.

Imahe via Instagram

Sa isang naunang post ay nai-share din ng dating Kapamilya star ang mga challenges na kaakibat ng pagiging ina at maybahay.

“This mama is feeling really drowsy lately. (sleepy emoji) I try to not use my phone when the kids are awake, and then every time I get the chance to make a post I fall asleep!! (This post was ‘due’ over 2 weeks ago) —I appreciate your prayers as the Lord leads you.. pray for my tired body and strength these several weeks with little-to-no sleep, pray for @KurzerAlex as he handles my postpartum hormones (for real, though!) and takes care of all of us, pray for Aislah & Emerald continuous smooth transition to being ‘big’ and ‘big big’ sisters.

“BTW, if you too find yourself saying ‘why is it so hard…’ know that sometimes it is. And sometimes that thing is a much bigger deal than a photo. I want you to know that you’re seen & you’ve never been the only one to say “why is it so hard?

“You’re not alone. Much love to you precious brothers and sisters in Christ, Jewel.”

 

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrity

Kakai Bautista, may paalala sa mga kabataan: “Matuto muna kayong maglaba”

Published

on

By

Nag-post ang aktres-komedyante na si Kakai Bautista sa kanyang Facebook account kung saan sinabi niyang huwag magpakasalaula ang mga kabataan.

Paalala ng aktres sa mga kabataan na nag-iinarteng adult sa social media na matuto munang maglaba ng underwear: “Kahit may katulong pa kayo sa bahay, kayo dapat ang naglalaba nyan. NO TO SALA-ULA,” aniya.

“Kayong mga kabataan, bago kayo mag-aarteng adult sa social media, matuto muna kayong maglaba ng mga panty at brief n’yo,” aniya.

“Tama po miss Kakai Bautista kailangan matuto na ang mga kabataan kahit man lang underwear ay labahan nila…kahit mayaman ka man o mahirap hindi lang sa paglalaba ng underwear matuto ang kabataan dapat sa gawaing bahay din kasi sa totoo lang po marami tamad na kabataan ngaun, puro lang asa sa magulang o lola simpleng gawaing bahay lang pag inutusan mo naka muryot agad si face….peace lang,” kuwento ng isa sa mga followers ni Kakai.

Kasunod ng kanyang pag-post sinabi niyang siya ang naglalaba ng kanyang mga underwear.

“FYI ako ang naglalaba ng mga panties ko. Babad muna tapos banlaw,” aniya.

“Si Lucy minsan taga banlaw. Ayoko kase talaga ipalaba sa iba. Personal hygiene ‘yun eh,” hirit ng komedyante.

“Taas kamay ng mga adult na pero sila paren naglalaba ng underwear nila!” dagdag pa niya.

Bumuhos naman ang mga tugon sa kanyang mga post. Mahigit isang libo ang nagbahagi rin ng kanilang saloobin at may mga larawan pa.

“Kaming mahirap lang idol kayang kaya po namin Yan di lang panty panglahatan sino membro sa bahay salitan lang yan turo ng mama namin saming magkapatid mawala man sila busog raw kmi sa kaalaman at pangaral nila,” komento ng isang netizen.

Sa panahon ngayon ay magandang mulat lalo ang mga kabataan sa mga gawaing bahay para saan man sila mapunta ay hindi sila kawawa na wala silang alam gawin. Sabi nga ng nanay ng karamihan, pag mapupuri ang isang bata – unang mapupuri ang kanyang mga magulang at kung siya man ay mapintasan, una ding mapipintasan ang kanyang magulang sapagkat ‘di niya naturuan ang anak niya habang ito ay bata pa.

Continue Reading

celebrity

Nico Bolzico may pahabol sa ‘sinayang’ post ni Alodia

Published

on

By

Matapos mapabalita ang  hiwalayang Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao noong 2021, ay naging usap-usapan na naman sila dahil sa ‘parinigang’ naganap sa kanilang social media post nitong nakaraang linggo.

Dahil sadyang makuwela ang asawa ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico, tila may sariling entry rin ito.

Ibinahagi naman ni Nico sa kanyang Instagram My Story,  ang larawan na may hawak na hanger na nakapaloob sa damit nito.

“Hi, Ako nga pala ang sinampay mo,” nakakatawang pahabol meme ni Nico. Ibinahagi niya rin ito sa kanyang Facebook wall at tinag pa ako ex-couple.

Nakita ng kaibigang si Wil ang FB post ni Nico at agad naman niya itong ibinahagi sa kanyang Facebook account. “Isang taon na tong meme may pa habol pa! Buset na ito.” Ni-repost din ni Wil ang meme sa kanyang Instagram Stories at may caption na “Dude” na may tatlong emoji reaction.

Matatandaan na ibinahagi ni Alodia sa social media noong Huwebes, Enero 13, ang kanyang larawan na suot ang sleek golden gown, na mula sa isang character ng League of Legends’ na si Leona, para sa Arcane red-carpet event sa California, USA.

“Hi. Ako nga pala yung sinayang mo,” saad ni Alodia sa caption.

Basahin: Viral post ni Alodia Gosiengfiao, patama kaya kay Wil Dasovich?

Maraming ‘marites’ naman ang nagsabing si Will ang pinaparinggan nito. Matapos itong ipost ni Alodia ay marami ang nagtag sa dating nobyong si Wil.

Kinabukasan, Enero 14, nag-post naman si Wil na tila tugon sa “parinig” ni Alodia.

“Hi, ako nga pala yung sinaing mo,” saad sa caption ng Facebook post ni Will habang topless at nakasuot lamang ng apron, at may hawak na rice cooker na naglalaman ng sinaing na kanin.

Basahin: Wil Dasovich may kwelang bwelta sa viral post ng ex-GF; Alodia nagpaliwanag

Matapos ang tila ‘parinigan’ ng dalawa ay maraming haka-haka na nagbalikan daw muli ang ex-couple subalit wala pang kumpirmasyon kung totoo ba ito o hindi.

Nagsimula ang relasyon nina Wil at Alodia noong 2018 at nagwakas ito noong Nobyembre 2021 na ikinagulat ng lahat. Hindi na nila idinetalye pa kung ano ang puno’t dulo ng kanilang hiwalayan.

Marami rin ang nagsasabi na baka may third party umano na naging dahilan ng kanilang hiwalayan, pero sa huli wala pa ring sinasabi kung totoo ba ang ang usaping iyon.

Continue Reading

celebrity

Joshua Garcia trending muli sa TikTok

Published

on

By

Kabago-bago lang sa TikTok ay nag-viral na naman? Ibang klase talaga si Joshua Garcia!

Nag-upload na namang muli ng video ang kapamilya aktor na si Joshua sa kanyang TikTok account at humakot naman ito ng maraming views at shares gaya noong nauna.

Naging mainit na usapin ang aktor sa online world noong Miyerkules, lalo na sa Twitter, nang maglabas siya ng 10 segundong clip ng kanyang pagsasayaw na may caption na: “Call Me,” ayon sa ABS-CBN news.

Tulad ng una niyang TikTok video, dinagsa pa rin ng mga netizens ang in-demand na Kapamilya actor kung saan binansagan na siya ng ilan bilang bagong “TikTok King” ng Pilipinas.

Kaya naman bawat upload ng mga simpleng pagsayaw na video sa TikTok page ay talaga namang naghi-hit agad at bumebenta sa mga followers.

Sa pagtatapos ng video, ipinakita ni Joshua ang kanyang magandang ngiti na kinakikiligan naman ng mga followers nito.

Ang pinakabagong video post ng aktor ay mayroon nang 18.6 million views, 19 na oras lamang mula nang ma-upload ito sa TikTok. Nakakuha na ito ng mahigit 3 milyon likes at 100k shares, as of posting.

Marami namang nagkomento sa kanyang video;

“Hirap ng steps mo joshua first step kailangan pogi.”

“Joshua bigyan mo naman sila ng chance.”

“Pag may new upload talaga ito yanig ‘yung TikTok world eh.”

“Nakangiti na naman akong matutulog”

“Hindi pa nga ako nakakamove-on sa isa mayroon na naman omg more pa.”

Kamakailan ay nag-trending ang kauna-unahang video na ini-upload niya na wala pang kalahating oras ay humakot na ng maramings followers at views.

Naging verified agad ang account ng aktor matapos ang video kung saan ay sinayaw niya ang trending na “Gensing Strip 2002” sa TikTok. Nakapagtala ng mahigit 93.8 milyong views ang naturang video.

Sa ngayon ang kanyang TikTok account ay mayroon nang mahigit 4.4 milyong followers at halos 18 milyon likes.

Kasalukuyang napapanood si Joshua sa primetime teleserye ng ABS-CBN na “Viral Scandal” kasama si Charlie Dizon.

Kamakailan lamang din ay inanunsyo na si Joshua ang magiging leading man  ng aktres na si Jane De Leon sa kanilang upcoming Kapamilya adaptation na “Darna” .

Continue Reading

Trending