Connect with us

Philippine Showbiz

Judy Ann Santos ibinahagi ang cuddle moment kasama ang mga anak

Published

on

Ibinahagi ng aktres na si Judy Ann Santos sa Instagram ang cuddle moment kasama ang mga anak na sina Yohan, Lucho, at Luna.

“When your kids grow up so fast  and they still want to hug and sit on your lap.. literal na ulo na lang ang makikita sa picture,” caption ni Juday sa kaniyang post.

Imahe mula sa Instagram | Judy Ann Santos

Kagaya ng ibang mga magulang, hiling niya na sana ay kaya niyang patigilin ang oras sa ganitong mga pagkakataon. “Oh, if only I could freeze time and enjoy cuddle moments like this every single day, every single time. It’s the best feeling evah!” ani Judy Ann.

Naka-tag din sa kaniyang post ang asawang si Ryan Agoncillo. “We miss you, dad!” sabi niya.

Sumagot naman dito si Ryan at sinabing hintayin daw siya ng kaniyang mag-anak.

Imahe mula sa Instagram | Judy Ann Santos

Marami namang netizens na naka-relate kay Judy Ann, partikular na iyong mga kapwa niya ina.

“Best feeling talaga when kids hug and snuggle around you. Mommy feels,” pagbabahagi ni Emilynn S. 

Ang isang Instagram user naman, masayang ibinahagi ang parehong karanasan bilang isang ina.

“Super sweet! And I agree with you. My five-year-old daughter still sneaks in our bedroom and sleeps next to us. It is the best moment that you can experience as parents. They grow up fast and we have to take advantage of these moments where they cuddle and hug us. Happy to have a happy family like you. You are such an inspiration,” komento ng isang Instagram user.

Imahe mula sa Instagram | Judy Ann Santos

 

Napansin naman ng ilang netizens ang pagkakahawig ni Lucho sa kaniyang Daddy Ryan. 

“Akala ko si Ryan si Lucho. Ang laki niya na,” sabi ni Ellie T.

Ang isang nag-comment naman, sinabing ganito rin silang magkapatid sa kanilang ina.

“Ang sarap sa pakiramdam. Parang kami lang ng Kuya at Mama ko. Nag-uunahan pa kami para lang makaupo sa lap ni Mama. God bless po.”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Philippine Showbiz

Lotlot de Leon hindi ikinahihiya ang pagiging ampon

Published

on

By

Buong tapang na sinabi ng aktres na si Lotlot de Leon na hindi niya ikinahihiya ang pagiging isang ampon.

Sa isang Instagram post ay nagbahagi siya ng larawan na nagpapaalalang maging ang mga kagaya niyang adopted ay may karapatan din.

“Adoptee rights are human rights because though they may have been bought, sold, given away, taken, stolen, imported, exported, brokered, and treated like commodities, adopted persons are HUMAN BEINGS!” saad sa larawan.

Sa caption naman, sinabi niyang marami siyang ipinagpapasalamat, kabilang na ang magaganda at hindi magagandang karanasan sa buhay.

So let’s just put this out here already! Yes I am adopted and yes I am also human! I am not a commodity, I am my own person who has feelings too. I am grateful for many things in my life. I am grateful for all the good and bad things that I have been through because those are what molded me to be who I am today!” ani Lotlot.  

“I accept what was and what is! I will keep on moving forward owning this life that was given to me.”

Kaya naman paalala niya sa mga nasa parehong sitwasyon, huwag ikahiya ang kanilang pinanggalingan.

“For those who are like me, never be ashamed of where you came from and your story!  Continue to live your life because this is 100 percent yours! Love those who truly love you!”

Mensahe niya naman sa mga patuloy sa pangdi-discriminate sa mga ampon, “let go of the bigotry. It’s so unbecoming of a supposed ‘human being.’”

Marami naman ang nagpahayag ng kanilang suporta at pagmamahal para kay Lotlot, kabilang na si Nadia Montenegro.

“If all adoptive children were like you, this world would be a better place. Know that I’ve been blessed my entire life for having you in mine. Napakabuti mong tao, nanay, kaibigan. I’ve seen you take so much in even when you couldn’t but you did,” sabi nito.

Kamakailan lamang ay sinagot ni Lotlot ang komento ng isang netizen na nagsabing kaya niyang tiisin ang inang si Nora Aunor matapos niya hindi dumalo sa family reunion.

Basahin: Lotlot, sinagot ang netizen na nagsabing natitiis niyang hindi dalawin ang inang si Nora Aunor

Continue Reading

Philippine Showbiz

Korina Sanchez nais ipakulong ang trolls

Published

on

By

Nais ng broadcaster na si Korina Sanchez na tugisin ang mga troll na nanggugulo sa kaniyang social media accounts.

Paniwala ni Korina, ang mga troll na ito ay binabayaran ng mga taong hindi kayang sabihin nang harapan ang kanilang komento tungkol sa iyo.

Trolls are usually hired and orchestrated by people who don’t have the guts to just confront you and tell you what they think, to your face. Or malaki ang kontrata para manira. Or baka kasi super inggit lang. Or bored sila and unhappy. Or obsessed with a person or an idea,” sabi ni Korina sa isang Instagram post.

“Imbes na ayusin na lang nila ang sarili nilang buhay. Ang ganda pa naman ng buhay sana. I guess hanggang doon na lang sila? I hope not. I still believe in the good in people. But I’ve lived long enough to know some people are just… INSANE.”

Hinimok niya rin ang mga follower na makipag-ugnayan sa kaniya kung naranasan din nilang maging target ng mga troll.

“If you’re a victim of online harassment by paid trolls, e-mail me on [email protected] and I will give you the tips on how to put them in their place. There are administrative and legal remedies for this,” saad sa post ng broadcaster.

“Ipakulong natin sila. Hiyain muna natin nang todo bago pakulong. I’m in touch with the Senate about this currently. I’m on your side, being a victim myself. There’s a way.”

Sa ngayon, i-block daw muna nila ang mga nang-aatake sa kanila. “Anyway, let’s chat in private. I can also advise you about the legal parameters. Let the devils stay in hell, right? Let’s put them back there. #TulunganTayo #D*athToTrolls God’s on our side on this one.”

Kamakailan lamang ay marami ang pumuna sa post ni Korina tungkol sa pagiging mapalad niya dahil hindi pa siya tinatamaan ng COVID-19 sa kabila ng muling pagdami ng kaso sa bansa.

Continue Reading

celebrity

Solenn Heussaff, preggy with Baby #2 na nga ba?

Published

on

By

Napaisip ang followers ng celebrity na si Solenn Heussaff matapos nitong magbahagi ng isang larawan sa kanyang Instagram account. May Baby #2 na kaya soon?

Ang ibinahagi niyang larawan ay may caption na: “Fun days with you. Love this leotard from @bumpsuit, so easy to wear and also stretches if you get preggo!”

Napansin ng netizens na tila nakapang-maternity na kasuotan ang aktres habang buhat ang anak na si Thylane sa kanyang Instagram post.

Hindi napigilan ng kanyang mga followers na magpahayag sa comment section ng kanilang sapantaha kaugnay sa larawan. Nagpo-promote lang kaya siya ng @bumpsuit o sadyang nagbibigay na siya ng hint na another #BabyBolz is on the way?

“I assume that you just simply announced that you’re pregnant.  Congrats in advance if true.. Ate na si Tili ” – altheajoy0729

“Yehey another baby, keywords: bumpsuit and preggo” – helloac

keyword PREGGO,” switzluv214

Marami rin sa kanila ang nagsimulang bumati kay Solenn:

“Congratsss!!!???” – bhuds

“OMG!!!! I can’t with another Tilibolz or a boy version of her if ever this is true” – sunnysideup

Hindi pa naman kinukumpirma ni Solenn kung totoo nga ba na magkakaroon na sila ng baby #2 ng asawa niyang si Nico.

Noong 2012 nagsimulang makipag-date si Solenn kay Nico na isang negosyanteng Argentine.

Noong Disyembre 2014, inihayag ni Solenn ang kanilang relasyon ni Nico.

Ikinasal ang dalawa noong Mayo 21, 2016, sa Combourg, France. Noong Agosto 2019, inihayag niya ang kanyang pagbubuntis sa pamamagitan ng Instagram.

Isinilang niya si Thylane Katana sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig noong Enero 1, 2020. Nitong simula ng taon ay sa France nila ipinagdiwang ang ikalawang kaarawan ni Tili.

Continue Reading

Trending