Connect with us

entertainment

‘Achievement unlocked’: Kathryn masayang makatrabaho ang favorite actor niyang si Ronaldo

Published

on

kathryn ronaldo

“Achievement unlocked.” Isa raw sa mga pinakamagagandang nangyari sa taong ito para kay Kathryn Bernardo ang makatrabaho ang beteranong aktor na si Ronaldo Valdez.

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi si Kathryn ng dalawang larawan nila ni Ronaldo, na makakasama niya sa upcoming series nila ng kanyang nobyo at ka-love team na si Daniel Padilla na 2G2BT (Too Good To Be True).

“Achievement unlocked: a photo with my favorite actor, Tito Ron!” saad niya sa caption ng mga litrato. “It’s such a privilege to be working with him for this project! Fun fact: He was our ONLY choice for the role when they pitched #2G2BT last year. No one else. Being able to do this show with him is one of the highlights of my 2021. Hayyy, my heart.”

kathryn ronaldo

Kamakailan lamang ay inilabas na ang teaser para sa pagtatambalang teleserye ng popular love team; ang series na magsisilbing comeback project nila sa telebisyon pagkalipas ng apat na taon simula nang gawin nila ang La Luna Sangre noong 2017. Ani Kathryn, ang seryeng ito, na isang romance-comedy type, ay bahagi ng selebrasyon ng ika-10 anibersaryo ng Kathniel.

“Gusto talaga naming gumawa ng parang romcom. Kasi ‘yung last serye namin was La Luna Sangre and ‘yon medyo fantasy-action siya. So sabi namin, siguro ‘yong mga fans lalo, ‘yong hinihiling nila is to see us parang gumagawa ng light na feel,” wika ng aktres.

kathryn ronaldo

“But of course andyan pa rin ‘yong dapat may matututunan ka, nandyan pa rin ‘yong core ng mga characters. But something light, just to give them a break and breather ba sa lahat ng nangyayari ngayon,” pagpapatuloy pa ng aktres.

Sa nasabing palabas, makakasama rin nina Kathryn, Daniel, at Ronaldo sina Gloria Diaz, Irma Idlawan, Smokey Manaloto, Gelli de Belen, Romnick Sarmenta,  Cris Villanueva, Alyssa Muhlach, Jenny Miller, Yves Flores, Gillian Vicencio, Matt Evans, Pamu Pamorada, Bianca De Vera, at Kristel Fulgar. Ito ay sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar, na nasa likod din ng iba pang blockbuster films ng Kathniel na Crazy Beautiful You (2015) at Can’t Help Falling In Love (2017).

kathryn ronaldo

celebrity

Kim Chiu muling nag-sorry sa animal lovers dahil sa viral comment hinggil sa ‘maingay na pusa’

Published

on

By

Muling humingi ng paumanhin si Kim Chiu sa mga animal lovers matapos kumalat ulit sa social media ang kaniyang komento noon hinggil raw sa ‘maingay na pusa’.

Kung matatandaan, mga ilang buwan na ang nakararaan nang mag-viral ang naging pahayag ng Kapamilya aktres sa ‘It’s Showtime’ na ikinagalit ng ilang netizens.

“Nakakainis ‘yun ‘no? Yung gusto mong sabuyan ng mainit na tubig kasi ang ingay,”  ani Kim sa segment na ‘Madlang Pi-Poll’.

Kaagad namang nag-sorry ang aktres at ipinaliwanag na hindi naman talaga seryoso ang kaniyang sinabi.

Subalit isang netizen ang muling umungkat nito matapos sumulpot ulit isa internet ang video ni Kim tungkol sa kaniyang sinabi. Pinayuhan ng netizen si Kim na mag-apologize bago pa lumala ang sitwasyon.

Sa kaniyang Twitter post, ipinaliwanag ni Kim na nais na sana niyang manahimik dahil mga ilang buwan na rin ang nakararaan nang mangyari ito.

“I cleared this already, RIGHT AFTER saying those words, and asked for apology same day same segment, coz I know that I will never do it and cleared that its not really ganun. But the thing is…” wika ng aktres.

Dagdag pa niya, putol ang video na kumakalat ngayon dahil hindi rito isinama ang kaniyang paliwanag at paghingi ng paumanhin.

“Social media or that person who posted it, opted to cut the part where I was saying my apology and explain my side that same episode. But as usual some marites will really choose to see the bad on that situation, Ganun naman minsan sa atin,” aniya.

Nakalulungkot lang daw na kahit wala ka pa namang ginawa ay naging masama ka na agad sa mata ng iba, samantala hindi umano napapansin ang ‘magaganda’ mong nagawa.

Sa kabila nito, humingi pa rin ng paumanhin si Kim Chiu sa ikalawang pagkakataon.

Aniya, “Again for things to be clear hopefully, (for the 2nd time after two months) Pasenya na po to all animal lovers, I didn’t mean to say those words, nor do those actions.”

Nakiusap rin ang ‘It’s Showtime’ host sa kaniyang mga haters at detractors na huwag nang palakihin pa ang isyu dahil wala naman talagang nasaktan.

Continue Reading

entertainment

Vice Ganda, ‘di dapat nagbabalat-sibuyas kung kasingkapal ng repolyo ang mukha – Cristy Fermin

Published

on

By

May panibagong banat ang kolumnista at show host na si Cristy Fermin sa komedyanteng si Vice Ganda tungkol sa isyu ng pagiging “marites.”

Magugunitang hindi nagustuhan ni Vice Ganda ang pahayag ni Lolit Solis na naaalarma siya sa mga balitang nagpa-power tripping ang komedyante sa “It’s Showtime” noontime vairety show…na ang komedyante umano ang nasusunod sa lahat ng galaw ng programa.

May bwelta naman si Vice kay Lolit na binanggit pa niya ang pangalan sa noontime show. Sinabi niya na kasunod daw ng mga magnanakaw ay ang mga marites.

“Kaya ang daming nagpapaka-Marites kasi akala nila ay pag Marites, cute ka. No. Ang pangit ng Marites. After ng magnanakaw, kriminal, Marites,” ganting banat ni Vice sa pahayag ni Lolit, na ipinagtanggol naman ng katoto niyang si Cristy Fermin.

Sabi ni Cristy Fermin, totoong may mga katrabaho si Vice Ganda na masama ang loob dito, subalit hindi lang makapagsalita nang diretsahan.

“Maraming nakakarating na kwento kay Manay Lolit na gusto nga niyang isipin na hindi totoo pero ang daming nagpaparating sa kanya na marami na rin daw po ang masama ang loob kay Vice Ganda sa Showtime at hindi lamang po makapagsalita dahil alam n’yo na this,” ani Crity Fermin.

At sa latest episode nga ng “Cristy Ferminute,” muling may banat si Nay Cristy kay Vice Ganda.

Hindi raw dapat nagbabalat-sibuyas si Vice kung kasing kapal na ng repolyo ang mukha.

“Huwag kang nagiging balat-sibuyas kung kasingkapal na ng repolyo ang mukha mo. Kasi nagbabalat-sibuyas ka pa, nagagalit ka pa kapag ang marites pinagpipistahan ka ,” ani Nay Cristy.

Bakit daw ba nagagalit si Vice sa mga marites samantalang ang mga isyu na pinag-uusapan ay galing din naman sa mga posts ng komedyante.

“Ano’ng malay ng publiko sa buhay n’yo. Sa iyo ‘yan nanggagaling. Kaya huwag nagbabalat-sibuyas kung kasingkapal ng kung anu-anong gulay ang mga mukha. Tigilan mo ang pagpo-post tungkol sa sarili mo at kay Ion at sa kung ano ang kayamanang nasa iyo, wala ka ring matitikman na kahit ano mula sa mga marites.”

Continue Reading

entertainment

Kris, nasaktan sa pagbabalewala ni Mel Sarmiento sa damdamin ni Bimby

Published

on

By

Excited ang mga nagmamahal kay Kris Aquino nang mabalitaan na posibleng magkabalikan sila ng ex-fiance na si Mel Sarmiento.

Isinulat kasi ng entertainment columnist na si manay Lolit Solis na may mga senyales daw na babalikan ni Mel si Kris dahil talagang mahal daw niya ito. Pero sinabi mismo ni Kris na walang balikang magaganap.

Image from Kris Aquino

Halos wala na raw respetong natitira si Kris para sa dating nobyo dahil sa mga ginawa nito sa kanya. Napagtanto raw niya na ginamit lang siya ni Mel at hindi naman talaga minahal.

Ang lalo pang ikinasasama ng loob ni Kris ay ang pagbabalewala ng dating kasintahan sa naramdaman ng anak na si Bimby tungkol sa nangyari sa kanilang relasyon.

Ni minsan daw ay hindi kinumusta ni Mel ang kalagayan ni Bimby.

“It became clear to me what his true feelings for me had been and how little respect i had left for him… let’s not involve my sons, because Mel failed to have the common decency to acknowledge that he hurt Bimb and never once checked on how my son was taking all of this,” lahad ni Kris.

Nalaman din umano ni Kris na ilang beses nagmensahe kay Mel ang ate niya sa pagbabakasakaling maayos pa ang kanilang relasyon.

Subalit hindi man lang umano pinansin ni Mel ang ate ni Kris.

“It spoke volumes to me nung nalaman ko from my Ate that she had tried several times to message Mel trying to find a way to communicate with him and hopefully still create a bridge but he actually snubbed my Ate,” sabi pa ni Kris.

At ang pinakasukdulan daw ay nang malaman niya na nag-imbento si Mel ng maraming kuwento para lang masabi na close ito sa yumaong si Pres. Noynoy Aquino.

“And siguro yung final straw for me was the fact kinaya niyang mag-imbento ng napakaraming kwento bilang “patunay” na close talaga sila ni Noy,’ ani Kris.

Continue Reading

Trending