Connect with us

celebrity

Kim Chiu nilinaw ang isyu sa pagkakatanggal ng larawan ni Bea Alonzo sa ABS-CBN

Published

on

Sa presscon  ng horror movie niyang “Huwag Kang Lalabas” na opisyal na kasama sa 2021 Metro Manila Film Festival, inamin ni Kim Chiu na matatakutin siya.

Image from Obra Cinema

Sa kabila niyon ay tinanggap niya ang paggawa ng naturang pelikulang katatakutan dahil na-miss na raw niya ang pag-arte sa pinilakang tabing. Ang paggawa ng horror movie raw ang paraan niya upang ma-overcome niya ang kanyang fear.

Takot daw siya sa multo pero hindi pa naman daw siya nakakakita noon dahil may pangontra siyang isinusuot – diamond earring o necklace. Ganoon daw ang paniniwala nilang mga Chinese.

Naungkat ang isyu sa kanila ni Bea Alonzo nang may nagtanong sa kanya kung natatakot  ba siya na susunod nang mawawala ang litrato niya sa ABS-CBN.

Matatandaang nabatikos siya nang ipinost niya noon ang isang video sa social media kung saan makikitang may litrato ng artista na tinatanggal sa isang hallway ng ABS-CBN.

Maririnig sa video na nagtatawanan sila ni Amy Perez habang tinatanggal ang litrato sa dingding.

Minasama ng mga fans ni Bea Alonzo ang video, na agad tinanggal ni Kim, subalit ibinalik din dahil wala naman daw siyang masamang intensyon.

Dahil naungkat sa presscon ng “Huwag Kang Lalabas” ang isyu  kay Bea Alonzo ay nagpaliwanag ang chinitang aktres.

Image from Kim Chiu’s Instagram account

“Sobra kayo! Katuwaan lang namin, nilagyan kaagad ng pangalan, buti sana kung ibang tao ‘yun. ‘Yun nga natakot din ako do’n. ‘Yun pala ‘yun, bakit sinabi ko ba kung sino ‘yun wala naman, sila lang naglagay ng meaning,” sabi ni Kim.

Isa pa hindi naman daw nila alam kung kaninong litrato ang tinanggal.

“O, parang anong gagawin natin Tyang Amy? Magtutula tayo do’n? Tapos nagkataon nagtanggalan ng pictures. Tapos sabi namin kay Kuya, sino ‘yan? Sino diyan? E, hindi sinasabi kung sino,” paliwanag pa niya.

Nilinaw niya na wala naman silang naging isyu ni Bea Alonzo dahil doon. Nauunawaan din niya ang naging reaksyon ng mga fans ni Bea dahil ganoon daw talaga ang mga fans – protective sa kanilang idol.

Composite photos of Kim Chiu and Bea Alonzo

celebrity

Xian Gaza gustong linawin kay Carla ang umano’y ‘tsismis’ tungkol kay Tom

Published

on

By

Hindi na naman nagpahuli ang tinaguriang ‘Pambansang Marites’ na si Xian Gaza pagdating sa pinakabagong pinag-uusapan ngayon sa showbiz.

Dahil mainit ang isyu tungkol sa diumano’y paghihiwalay ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana, may ‘tsismis’ din ukol dito si Xian Gaza.

BASAHIN: Tom Rodriguez at Carla Abellana, nag-unfollow sa isa’t isa?

Sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, ibinahagi ng kontrobersiyal na negosyante ang screenshot ng DM niya raw kay Carla.

Nabanggit sa mensahe ni Xian na may gusto lamang siyang linawin tungkol sa ‘tsismis’ na kaniyang narinig.

“Madam Carla, magandang umaga po. My name is Xian Gaza, National Marites of the Philippine Islands,” pambungad ng social media personality.

“May gusto lang sana akong linawin para makatulog na po ako. Dalawang gabi na po kasi akong binabagabag nito. Apektado na po ang mental health ko,” wika pa ni Xian.

Kasunod nito ay tinanong ng vlogger kung totoo raw ba ang tsismis tungkol sa mister ni Carla na si Tom.

“How true na may iba siyang nabuntis few months bago ang kasal?  Totoo ba itey? Or fake news lamang ito?” diretsahang tanong ng ‘Pambansang Marites’.

Hindi naman sinabi ni Xian kung sinagot ni Carla ang kaniyang pag-uusisa.

Nabigla ang entertainment industry at social media dahil sa biglaang pag-unfollow ng mag-asawa sa isa’t-isa sa Instagram.

Ayon naman kay Cristy Fermin, may ‘third party’ sa hiwalayang ito ng mag-asawa batay na rin daw sa impormasyong nakarating sa kaniya mula sa kaniyang mga kaibigan sa Kapuso network.

BASAHIN: Third party ang dahilan ng kontrobersya sa pagitan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana? – Cristy Fermin

Ikinasal sina Carla at Tom noong Oktubre 23, 2021 sa isang simbahan sa Tagaytay matapos ang pitong taon na relasyon.

Samantala, sa kasalukuyan ay naka-follow na muli sa isa’t isa sina Carla at Tom, subalit nananatiling tikom ang bibig tungkol sa estado ng kanilang relasyon bilang mag-asawa.

Continue Reading

celebrity

Kim Chiu muling nag-sorry sa animal lovers dahil sa viral comment hinggil sa ‘maingay na pusa’

Published

on

By

Muling humingi ng paumanhin si Kim Chiu sa mga animal lovers matapos kumalat ulit sa social media ang kaniyang komento noon hinggil raw sa ‘maingay na pusa’.

Kung matatandaan, mga ilang buwan na ang nakararaan nang mag-viral ang naging pahayag ng Kapamilya aktres sa ‘It’s Showtime’ na ikinagalit ng ilang netizens.

“Nakakainis ‘yun ‘no? Yung gusto mong sabuyan ng mainit na tubig kasi ang ingay,”  ani Kim sa segment na ‘Madlang Pi-Poll’.

Kaagad namang nag-sorry ang aktres at ipinaliwanag na hindi naman talaga seryoso ang kaniyang sinabi.

Subalit isang netizen ang muling umungkat nito matapos sumulpot ulit isa internet ang video ni Kim tungkol sa kaniyang sinabi. Pinayuhan ng netizen si Kim na mag-apologize bago pa lumala ang sitwasyon.

Sa kaniyang Twitter post, ipinaliwanag ni Kim na nais na sana niyang manahimik dahil mga ilang buwan na rin ang nakararaan nang mangyari ito.

“I cleared this already, RIGHT AFTER saying those words, and asked for apology same day same segment, coz I know that I will never do it and cleared that its not really ganun. But the thing is…” wika ng aktres.

Dagdag pa niya, putol ang video na kumakalat ngayon dahil hindi rito isinama ang kaniyang paliwanag at paghingi ng paumanhin.

“Social media or that person who posted it, opted to cut the part where I was saying my apology and explain my side that same episode. But as usual some marites will really choose to see the bad on that situation, Ganun naman minsan sa atin,” aniya.

Nakalulungkot lang daw na kahit wala ka pa namang ginawa ay naging masama ka na agad sa mata ng iba, samantala hindi umano napapansin ang ‘magaganda’ mong nagawa.

Sa kabila nito, humingi pa rin ng paumanhin si Kim Chiu sa ikalawang pagkakataon.

Aniya, “Again for things to be clear hopefully, (for the 2nd time after two months) Pasenya na po to all animal lovers, I didn’t mean to say those words, nor do those actions.”

Nakiusap rin ang ‘It’s Showtime’ host sa kaniyang mga haters at detractors na huwag nang palakihin pa ang isyu dahil wala naman talagang nasaktan.

Continue Reading

celebrity

Gretchen Barretto, truck-truck ng special rice ang ayuda sa mga health frontliners

Published

on

By

Walang pagsidlan ng ligaya at puno ng pasasalamat ang mga health workers ng San Lazaro Hospital dahil sa ayuda ni Ms. Gretchen Barretto para sa kanila.

Lingid sa kaalaman ng marami, matagal nang ginagawa ni Gretchen B. ang pagbibigay ng tulong sa mga frontliners.

Sabi nga ng contact ni Ms. Gretchen sa San Lazaro Hospital na si Dr. Cherry Abrenica, na kalaunan ay naging kaibigan na niya, ay noon pang 2014-2015 nagbibigay ng tulong ang aktres sa naturang pagamutan.

“Mga 2014 o 2015 nagsimulang magbigay ng tulong ni Gretchen dito sa amin. Dinadala pa niya ang anak at mga pamangkin,” kuwento ni Dr. Abrenica.

Umabot sa 1,328 sacks ng special rice ang ipinamahagi ni Gretchen noong nakaraang linggo sa mga manggagawa ng San Lazaro Hospital. Pinangasiwaan ng mga trusted friends niyang sina Anna Abiera, Grace Medina, Rusky Fernandez at Francis Simeon ang pamamahagi ng ayuda.

Isang imahen ni San Lazaro ang pasadyang ipinagawa ni Dr. Abrenica at iniregalo kay Gretchen bilang pasasalamat sa pagtulong nito.

Sa isang video na ibinahagi ng aktres ay makikita sa altar niya sa kanyang bahay ang naturang imahen ng santo.

“ I just received a note from Dr. Cherry Abrenica and the doctors at San Lazaro Hospital and they gave me San Lazaro and it’s now here at home with me,” lahad ni Gretchen.

Sumunod na pinadalhan ni Gretchen ng isang truck na special rice ay ang St. Luke’s sa BGC, Taguig City. Hindi lang mga medical frontliners ang nabahaginan ng bigas kundi maging ang mga security at maintenance personnel ng pagamutan.

Sa dami ng mga dinalang bigas ay umabot ng alas-nuwebe ng gabi ang turn over. Nasa 3,406 sacks of special rice ang naipamahagi.

Sinabi ng aktres na sa St. Luke’s na-confine ang kanyang ina na si Inday Barretto at nagpapasalamat siya sa buong staff ng pagamutan sa pag-aalaga sa mahal na ina.

Naka-line up na rin ang iba pang mga ospital na padadalhan niya ng mga bigas. Kabilang dito ang Philippine General Hospital, St. Luke’s Hospital-Quezon City, National Children’s Hospital at ang National Center for Mental Health sa Mandaluyong City.

Continue Reading

Trending