Connect with us

Philippine Showbiz

Kiray, BF may mensahe sa pagdiriwang ng kanilang ikalawang anibersaryo

Published

on

Nagdiwang ng kanilang ikalawang anibersaryo sina Kiray Celis at ang kaniyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia.

Sa Instagram ay nagbahagi sila ng kanilang matatamis na mensahe para sa isa’t isa. 

Imahe mula sa Instagram | Stephen Estopia

Ani Kiray, nagpapasalamat siya kay Stephan hindi lamang sa pagmahahal nito kundi maging sa kaniyang respeto, katapatan, tiwala, suporta, at pag-aaruga. “Bago matapos itong araw na ‘to, gusto kitang batiin ng Happy happy happy 2nd anniversary @stephan.estopia… Mahal na mahal kita,” pagbati ni Kiray kalakip ang kanilang larawan sa beach.

Nagbahagi naman si Stephan ng larawan nila ng aktres sa isang restaurant kasama ang kaniyang pagbati sa girlfriend.

“Happy anniversary mommy! I love you very, very much!” panimula ni Stephan sa kaniyang Instagram post.

Nagpasalamat din siya kay Kiray sa lagi nitong pagsuporta sa kaniya. “Thank you, mommy, sa pagsuporta mo lagi sakin at pagmamahal. Ikaw ang pinaka the best, mommy! Wala na akong hihilingin pa. Habang buhay kitang mamahalin, asawa ko. Mahal na mahal kita!”

Hirit naman ni Kiray sa comment section, “Unli steak para sa unli na pagmamahal ko para sa iyo. Salamat sa lunch, daddy.”

Imahe mula sa Instagram | Kiray Celis

Samantala, kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang pagpapalagay ni Stephan ng tattoo ng mata ni Kiray.

“On a scale of 1 to 10, Gaano ka kamahal ng jowa mo? Ngayon, sabihin n’yong hindi ako maganda! Ngayon n’yo ko labanan,” biro ni Kiray sa isang Instagram post kasama ang larawan ng bagong tattoo ng nobyo.

“Grabe ka @stephan.estopia. Matagal na niya ‘tong sinasabi na gusto niyang gawin. Pero last Sept. 17, seryoso ka pala talaga na gagawin mo. Thank you for everything at mahal na mahal kita.”

Imahe mula sa Instagram | Stephen Estopia

 

Una nang ibinahagi ni Kiray na natagpuan nila ni Stephan ang tunay na pagmamahal sa isa’t isa matapos makaranas ng matinding heartbreak noon. Sa kabila ng sakit na naranasan ay hindi raw sila nawalan ng pag-asang muli silang iibig.

Kapag napunta ka sa maling tao, hindi ibig sabihin nun, maling tao na ulit ang mapupuntahan mo. Lahat ng iyak mo, mapapalitan ng iyak sa sobrang tawa,” sabi ni Kiray sa isang lumang tweet“Lahat ng lungkot mo, may kapalit na sobrang saya. Lahat ng paghihirap mo, mapapalitan ng ginhawa. Kasi nga nasa tamang tao ka na.” 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Philippine Showbiz

Andi Eigenmann ibinahagi ang kanyang fitness journey

Published

on

By

Ibinahagi ni Andi Eigenmann sa Instagram na ang ilan sa kanyang fitness goals ay naging matagumpay isang taong matapos niyang ipanganak ang kanyang ikatlong anak na si Koa.

Ibinahagi niya ang isang compilation ng videos habang nagsasagawa ng pag-eehersisyo sa bahay,  “Was looking for some motivation and found it in myself!”

Ayon kay Andi, umabot ang kanyang timbang sa 175 lbs nang ipinagbubuntis niya ang bunsong anak na si Koa.

Dahil sa kagustuhang maibalik sa healthy shape ang kanyang katawan ay sinisikap niyang mag-ehersisyo kahit mahirap. Nabawasan siya ng 50 lbs makalipas lamang ng 10 buwan.

Wow! Sana all matiyaga mag-exercise dahil sa panahon ngayon ay food is life! 

Aminado naman ang aktres na nahinto ang kanyang pagpapapayat subalit naisip pa rin niya ang kahalagahan ng ginagawa niyang pag-eehersisyo, hindi lamang sa physical kundi para sa mental health nito.

“Suddenly being “out of place” for almost 2 months froze me up quite a bit, but I realise how much of an impact physical exercise has really had on my mental health and overall well- being,” aniya.

Pinasasalamatan din niya ang kanyang mga fitness coach at ang kanyang asawang si Philmar Alipayo dahil sa pagtulong sa kanyang fitness journey.

“I do have my own personal fitness goals, of course, but exercise and staying active really does so much more to us that keep us fit. And also I just wanted to try making a reel,”dagdag pa ni Andi.

Maraming followers naman ang na-inspire sa tiyaga ni Andi:

“Galing Andie! You’re really so inspiring – ina_feleo”

“YAAAAASSSSSS GO GURLLLL!!!!! – yassipressman”

“Galing talaga!happy islander fam fan here.”

“Wow!!!! Thats what you call HARD WORK! Good Job”

Kamakailan ay bumalik na muli ang anak na si Ellie na masayang ibinahagi ni Andi sa Instagram account nito.

Panoorin ang buong fitness journey ng aktres:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)

Continue Reading

Philippine Showbiz

Tom Rodriguez at Carla Abellana, nag-unfollow sa isa’t isa?

Published

on

By

Usap-usapan ngayon ang pag-unfollow ng mag-asawang sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa isa’t isa sa Instagram.

Unang ibinalita ng entertainment website na PEP ang tungkol dito, kalakip ang screenshots na kanilang nakuha, ngunit habang isinusulat ito ay naka-follow na si Carla kay Tom.

Naging concerned tuloy ang kanilang mga taga-suporta sa estado ng kanilang married life lalo na at kamakailan lang nang sila ay magpalitan ng I Dos sa isang Church wedding.

Ang ilan sa kanilang mga suporta, nag-iwan ng komento sa kanilang posts upang iparamdam ang kanilang pagmamahal.

“Be strong. Kaya n’yo ‘yan. Pagsubok lang ‘yan. Fight, Tom! Don’t give up. God is good,” komento ng isang Instagram user sa latest post ni Tom.

“Hi, Tom and Carla. Walang susuko sa inyong dalawa. Kaya ninyo ‘yan. Kahit ano pa ang inyong pinagdadaanan, alam naming kasama n’yo lagi ang Diyos sa inyong pagsasama,” sabi ni Maribel A.

“Marami po kaming mga fans ninyo na humahanga at nagdarasal para sa inyo. Bagama’t ako ay isa sa bago ninyong fans, natutuwa ako kapag parati ko kayong nakikita at napapanood sa Youtube at sa inyong mga social media accounts. Sana po pareho kayong hindi magbago hanggang sa inyong pagtanda,” dagdag niya.

Samantala, sa ulat ng PEP ay sinabi nilang sinubukan nilang hingan ng komento ang manager ng dalawa tungkol sa pag-unfollow nila sa isa’t isa ngunit hindi pa ito sumasagot.

Ikinasal sina Carla at Tom noong Oktubre 23, 2021 sa isang simbahan sa Tagaytay matapos ang pitong taon na relasyon.

Bago ang kanilang kasal, nagbahagi si Carla ng isa sa kanilang prenup photos at sinabing pakakasalan niya ang kaniyang soulmate.

Si Tom naman, isang araw matapos ang kanilang kasal ay nag-post pa ng larawan at sinabing gusto niyang i-flex na kasal na siya sa isang napakagandang binibini. “Wala lang… flex ko lang na ikinasal ako kagabi sa isang napakagandang binibini. Officially, nabakuran ko na sa wakas,” aniya.

Continue Reading

Philippine Showbiz

Anywhere is meaningful as long as I am with them – Andi Eigenmann

Published

on

By

Dahil hindi pa rin nakababalik sa isla ng Siargao kung saan naninirahan kasama ang kaniyang pamilya ay may napagtanto si Andi Eigenmann.

Ani Andi, nakahanap ng paraan ang kaniyang pamilya upang mag-enjoy sa pansamantalang pagtira sa “concrete jungle.” Naisip niya rin daw kasi na ang mga memorable experience nila ay hindi dahil sa lugar kundi dahil magkakasama sila.

“Happy Islanders have found ways to enjoy the concrete jungle for the meantime. Being away from our island home has made me realise that all those amazing memories had always been so special to me because of who I get to share them with. Anywhere is meaningful as long as I am with them,” sabi ni Andi sa isang Instagram post.

Gayunpaman, sinabi niyang gusto pa rin niyang umuwi sa Siargao.

“Don’t get me wrong though, we still can’t wait to get back home. I’ll always be so thankful for the island that has given me sooo much. Its greatest gift, for one– our little Siargaonons!”

Sa pagsisimula ng taon ay sinabi niyang nahihirapan siyang i-proseso ang kaniyang nararamdaman.

“Been having a tough time assessing how I feel but I realise, never mind that for now because after all of life’s uncertainty, there’s still so much to be grateful for,” sabi ni Andi.

“My kids know for sure this is not ‘home,’ but having both of us around somehow makes everything better. Although soon, papa will be going back to the island again, I am more than happy to focus on our children for the both of us knowing that he is able to help better from there.”

“Sincerest thanks for your support in helping us earn enough to help rebuild several families’ homes in Siargao by watching our December videos on YouTube,” pagpapasalamat niya.

Kabilang ang Siargao sa mga lugar sa bansa na tinamaan ng matinding hagupit ni bagyong Odette.

Continue Reading

Trending