Connect with us

Social News

Batang nakatanggap ng life size standee ni Lisa ng Blackpink, viral sa social media

Published

on

Isa ka ba sa mga Pinoy na tagahanga ni Lisa ng Blackpink?

Walang pagsidlan ang kilig at saya ng apat na taong gulang na si Dylan Guillermo matapos makatanggap ng espesyal na birthday gift mula sa kaniyang mga magulang.

Viral na sa social media ang video ng unboxing ni Dylan ng regalo na naglalaman ng life size standee ng kaniyang “bias” sa K-Pop group na Blackpink.

Imahe mula sa GMA News | Kat Guillermo

Nang makita nang malapitan ang standee ng idolong si Lisa ay hindi kaagad nakaimik si Dylan ngunit maya-maya lamang ay makikitang tila naluluha at kinikilig na ito.

“Akala ko, tatawa lang. May halong kilig eh. Kahit kasi sa car gusto niya, lahat ng songs ni Lisa ang naririnig niya,” sabi ni mommy Kat Guillermo sa isang panayam sa Philippine Star.

Imahe mula sa GMA News | Kat Guillermo

Kuwento pa niya sa pahayagan, ang mga kapatid ni Dylan ang nag-impluwensya rito upang maging isang “Blink.”

Madalas ding hinihiram ni Dylan ang cellphone ng kaniyang lolo upang mapanood ang mga video ng Blackpink sa YouTube. Kaya naman para sa kaniyang kaarawan ngayong taon, hindi na nagdalawang-isip si mommy Kat na bilhan siya ng standee ni Lisa.

Nabili niya sa isang shop ang standee sa halagang P1,500 na ang kapalit ay priceless na kasiyahan ng kaniyang anak.

Imahe mula sa GMA News | Kat Guillermo

Samantala, hindi lamang sa cute na reaksyon ni Dylan natuwa ang mga netizen kundi maging sa mga magulang nito na todo ang support para sa kaniya.

“Very supportive mom. Alam niya kung paano pasayahin ang anak. Love it,” sabi ni Lyra Jane.

Ang ilang netizen, tila nakapulot na ng ideya kung anong magandang iregalo para sa mga kaibigan at kaanak nilang Blinks. “Ang cute nung bata. Pero puwede naman pala magpagawa ng standee e,” komento ni Jennie C.

“Baka maiyak ka rin kapag ginawan ng ganiyan si Lisa sa birthday mo,” biro naman ni Joy sa kaibigan.

Ang ilang Facebook users naman, tinag na ang kanilang mga kaibigan kalakip ang komentong “baka naman.”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Social News

Wedding vow ng groom na sobrang kabado: ‘tinitipan kita ng kanyang bahay ang aking bahay na may bahay’

Published

on

By

Para sa mga couples, ang kanilang wedding day ang ‘pinakamahalagang araw’ sa kanilang buhay, lalo na kapag talagang mahal n’yo ang isa’t isa. Hindi nakapagtataka na sa araw na iyun ay may halong kaba at pananabik ang mga ikakasal kapag nasa altar na.

Nag-viral ang isang video clip na ibinahagi ng Facebook page na Tambayan ni mael; kung saan ay mapapanood ang pagpapahayag ng wedding vow ng groom.

Dahil yata sa labis na kaba ay hindi makapag-concentrate ang ating bida sa kanyang linyahan sa kasal.

Bitaw niya sa kanyang bride, “Stephanie sa harap ng Diyos at ng kanyang sambayanan tinitipan kita ng kanyang bahay… ang aking bahay (napapikit)… na may bahay.” 

Hindi mapigilang matawa ng mga naroroon kabilang na ang bride at ang paring nagdadaos ng kanilang matrimonyo. Agaw pansin din ang reaksyon ng bride.

“House and lot ang gusto mo ah, hindi si Stephanie!” biro ng pari. “Ulit-ulit” dagdag pa nito.

Inulit muli ng pari ang pagdidikta ngunit ilang beses pa ring nagpaulit-ulit ng sabi ng ‘bahay’ ang groom.

 

“Stephanie sa harap ng Diyos at ng kanyang sambayan tinitipan kitang aking maging bahay …, pag-ulit ng groom na humakot na naman ng tawanan.

Hindi nagtagal ay ibinigay na lamang ng pari ang kanyang librong hawak sa groom. “Basahin mo na nga,” ani father.

Ayun, nabuo din sa wakas ang wedding vow ng groom. Truly unforgettable wedding!

Ang mga netizens ay sobrang naaliw kaya naman ang video ay nagkaroon na ng 315k reacts, 9K comments at 7.1M views as of posting.

“Yung Kinakasal ka pero Bahay na agad ang nsa isip mo.”

“Congratz po imbes maiyak kasi kasal puro tawa ako eh pero ang cute n’yo po mag jowa este mag asawa pala.”

“I LOVE the Future Wife’s Gestures…If di mo pa na experience yong Tap sa dib2 at kurot sa pisngi then you don’t know how much LOVE that goes with it.”

“I can imagine how their life will be full of laughters and joy God bless your union.”

“The happiest bride that I’ve ever seen…Congrats to both of you.”

Nagbahagi din ng video sa YouTube ang newly weds na sina Steph at Alfie Magpantay.

Continue Reading

celebrities

Seth Fedelin sa mga fans: ‘SethDrea will conquer the world’

Published

on

By

Nitong Linggo, Enero 23, 2021 ay nakasama si Seth Fedelin sa isinagawang digital benefit program ng “Isang Daan sa Pagtutulungan” na  para sa mga biktima ng bagyong Odette.   Doon ay natanong siya kung paano ang relasyon nila ni Andrea. Sinagot naman ito ni Seth at sinabing ”SethDrea will conquer the world”.

“SethDrea will conquer the world at siguro naman sa sinabi kong ‘yun nasagot ko na ‘yung tanong niyo. SethDrea is forever,” aniya.

Nagpahayag din si Fedelin ng mensahe sa kaniyang ‘mahal’.

“Kakarating ko lang ng bahay, kakatapos ko lang kumain at maya-maya papasok na rin ako sa Zoom. Gusto ko lang ulit ipaalala sa’yo kung ano ‘yung tayo, saan tayo nagsimula. Alam natin sa isa’t isa ‘yung mga bagay-bagay,” sabi niya.

“Let’s conquer the world. I miss you,” dagdag pa niya.

Naging mainit na paksa sa social media kamakailan sina Andrea Brillantes at Francine Diaz, dahil usap-usapan ng mga fans ang tungkol sa status ng kanilang pagkakaibigan.

Napansin ng mga tagahanga nila na tila hindi na naka-follow ang mga young actress sa isa’t isa sa Instagram, na humantong sa mga haka-haka kaya’t nag-trend sila sa Twitter.

Ang maliwanag na pagkaputol ng ugnayan nila sa social media ay nangyari nang mag-upload ang aktres na si Francine ng kanyang family picture kasama si Seth na kilalang screen partner ni Andrea.

Si Seth Yancy Fronda Fedelin ay isang aktor, modelo, mang-aawit at mananayaw. Unang lumabas sa telebisyon si Seth bilang housemate sa reality show na Pinoy Big Brother: Otso. Mula noon ay lumabas na siya sa iba’t ibang pelikula at serye sa telebisyon, tulad ng ‘Kadenang Ginto’ at ‘Huwag Kang Mangamba’.

Sina Andrea at Francine, kasama sina Seth at Kyle Echarri, ay mga orihinal na miyembro ng The Gold Squad, na nabuo sa panahon ng kanilang drama na “Kadenang Ginto” noong 2018. Ang tambalan nina Andrea at Seth ay kilala bilang “SethDrea” habang ang loveteam nina Francine at Kyle ay tinaguriang “KyCine.”

Nagkasamang muli ang apat sa primetime series na “Huwag Kang Mangamba” noong 2021.

Continue Reading

Social News

‘When mommy is life but majorette is lifer’: Buntis na dating majorette, nagpabilib

Published

on

By

Matindi ang tawag ng musika kaya’t hindi na nakapagpigil pa ang isang babae na magpakitang gilas sa publiko nang dumaan ang isang banda. Kaya lang ay buntis siya!

Ibinahagi ni Sharmaine Federizo sa kanyang Facebook account nitong January 23 ang video ng isang buntis habang nagme-majorette performance ito sa gitna ng kalsada.

“ATE YUNG BATA!   HHAHAHAHAHA” ang caption ni Sharmaine sa video clip. Kapansin-pansin namang malaki na rin ang tiyan ng ginang.

Makikitang hawak ng babae ang dalawang baton at nagme-majorette moves ito sa saliw ng tugtog ng banda. Halatang na-miss ni ate ang kanyang majorette days ah! Ang galing niya!

Maririnig sa video ang hiyawan ng mga tao at may mga sumisigaw pa ng “Ate ang bata!”. Maliksi kasi at ‘bouncy’ ang ‘da moves’ ng babae kaya’t hindi maiwasang mag-alala ng ibang nanonood sa kanya.

Ang buntis ay nakilalang si Nicole Caimoy Marbella na isa palang dating lead majorette. Siya ay taga Tanay Rizal  at nagdaraos ng pista sa kanilang lugar noong Linggo.

Instant celebrity

Humakot agad ang naturang video ng mahigit 13k reactions at may halos 700K views na sa Facebook clip pa lang.

Marami ang naaliw at mayroon din namang nabahala sa pag-indak ng ginang. Baka daw kasi ito mapaanak nang wala sa oras.

“Hooyyyu. Nicoleeeeee… Uwi.. Makukurot kita jan.”

“Ako lang ba yung kinakabahan kasi baka matamaan tyan nya haha.”

“Pag passion mo talaga kahit ilang dekada ang lilipas pag nagawa mo uli ang saya ng feeling parang ako passion ko sumayaw dito ko na lang sa TikTok nilabas.”

“Galing ni ate.”

“When mommy is life but majorette is lifer.”

“Tapo paglabas nung baby nag mamajorette na rin HAHAHAHAHHAH cotton buds hawak n’ya.”

“ay Bongga hehehehh dating majoret ata.”

May mga naka-miss din noong panahon na nagma-majorette pa sila. “Yung laking Banda ka nakakamiss to nung Elem/highschool.”

Naalala ko nung nag majoritte din ako during my teenage ang saya saya lalo na kapag naka uniform na kami at nagpaparade”.

Panoorin ang video:

Continue Reading

Trending