Connect with us

animals

Lolang nagdalamhati nang mabagansya ang mga alagang aso, sinurpresa ng KMJS

Published

on

Sino ba naman ang hindi mananaghoy kung ang itinuturing mong pamilya ay inilayo na sa iyo at baka hindi mo na muling makakasama? Ganyan ang pighati na naramdaman ng isang homeless na lola nang mapabilang ang kanyang mga alagang sa nabagansiya. Pero to the rescue ang KMJS!

i-CLICK ANG IMAHE para mapanood ang KMJS video

Nag-viral ang video ng isang lolang nakatira sa lansangan na labis ang paghihinagpis nang mabagansya ang dalawang asong alaga niya.

Makikita sa video na ibinahagi sa Facebook page ng Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) na todo ang pag-iyak ng senior citizen nang lola habang nasa loob ng sasakyan ang alagang si Blackie at Brownie na hinuli ng mga awtoridad dahil pagala-gala sa kalye at banta sa kaligtasan ng publiko.

May batas kasi na nagbabawal sa  mga pagala-galang aso upang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng mga nadadale ng rabies at upang maisulong na rin ang responsible pet ownership.

Hindi kinaya ng pakiusap ng lola ang pangyayari kaya’t wala itong nagawa kundi managhoy na lamang at magpaalam sa mga aso na itinuring na niyang pamilya.

Ayon sa paglalahad ng matanda na nakilala bilang si Lola Ligaya sa bayan ng Minglanilla sa Cebu, sa plaza niya natagpuan ang dalawang aso na tinawag niyang Blackie at Brownie. Nanginginig daw ang mga iyon sa gutom kaya pinakain niya at naging kasa-kasama na sa araw-araw. Ang dalawang aso umano ang kayakap niya sa gabi.

Screenshots via KMJS YouTuibe video

“Simula nu’n, lagi na kaming magkakasama. Sa gabi, kayakap ko silang matulog. Pamilya ko na kung ituring ang mga aso ko. Wala na kasi akong ibang kasama… sila lang,” malungkot na pagbabahagi ni lola.

Milyon-milyon ang hinakot na views ng kuwento ni lola sa Facebook. Mahigit 502,000 ang nag -like at iba pang reactions at higit 26,000 ang nagbigay ng mga komento at nakisimpatiya kay lola Ligaya.

Dito na tuluyang inalam ang kalagayan ni Lola Ligaya at kung ano ang magagawa para maging masaya naman ang kanyang Pasko at ang mga susunod na yugto sa kanyang buhay at sa kanya ring mga alaga.

“Lagi lang akong maghihintay at iiyak kung hindi magbabalik ang mga alaga ko,” lumuluha niyang pagbabahagi sa KMJS.

Napag-alaman na ang kanya palang mga alaga ay dinala sa Municipal Nursery and Dog Pound sa Minglanilla. Hindi umano puwedeng isauli ang mga aso kay Lola Ligaya, lalo’t delikado kung sa kalsada ulit ito ititira. Puwedeng maibalik kay Lola ang kanyang mga alaga kung may sarili siyang tahanan at hindi palaboy-laboy rin.

Screenshot from KMJS video

Lumalabas na si Lola pala ay pinatitira na noon pa sa isang DSWD Shelter, ang Safe Haven, ngunit ayaw nito.  Pinakausap siya sa ilang opisyal at sa dating homeless din na naging maayos ang buhay sa shelter. Sa wakas ay napapayag na siya. Dahil dito ay maaari pa rin silang magkita nina Brownie at Blackie. Bilang dagdag pampasaya, hinatiran ng KMJS ng mga gamit at tulong si Lola Ligaya.

Tarararan! Sa wakas! Nagkita na silang muli ng kanyang mga aspin!

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

animals

Michael V kay Parrot Pepper: “I never expected losing a pet could be this heartbreaking”

Published

on

By

“At ngayon na wala na s’ya, I realized, ang sakit pala. I never expected losing a pet could be this heartbreaking…”

Kamakailan ay nagbahagi si Beethoven Michael Del Valle Bunagan a.k.a. Michael V, o si ‘Bitoy’, ng isang kuwento kaugnay sa kanilang pet parrot na tinatawag nilang “Pepper.” Pinamagatan niya itong ‘For Pepper’  na kailan lang ay lumisan na at hindi na makababalik.

Ito umano ang kanilang first time na mawalan ng pet. “It’s our first time losing a pet after a long while,” pambungad ng 52-anyos na aktor, comedian at recording artist.

Ikinuwento niya kung paano sila nagkaroon ng parrot. Ang kanilang bunso pala ang may gusto talaga nun at dalawa pa ang biniling sun conure (parakeet) ng kanyang maybahay upang hindi malungkot. Kalaunan ay nakawala ‘yung isa at hindi na nakabalik. Si Pepper ang natira nilang pet. One time umano ay nakawala rin si Pepper ngunit kinabukasan ay muling bumalik matapos mabasa ng ulan, at tila natuto na ito ng leksyon.

 

Sa kasamaang-palad, isang araw ay nakalipad umano ito sa bakod at agad na nadale ng pusa. Hindi na siya naisalba.

Malungkot na lahad ni Bitoy, tangan niya sa kanyang kamay ang walang buhay ngunit mainit-init pang alaga. Kung marunong lang umano siyang mag-CPR sa mga ibon ay ginawa na niya agad. Pero wala na’ huli na. Lahat umano sila sa bahay ay nag-iyakan.

Mas lalo daw silang naiyak nang mapagtanto nila kung gaano sila napasaya ni Pepper lalo na nitong pandemic.

“Natuto s’yang lumipad at dumapo sa amin pag tinatawag namin s’ya. Madalas literal pa na nakikitawa s’ya sa ‘min when he hears us laughing at humahalik sa lips namin when he gets the chance. And for a tiny creature, I never thought he’d be able to express love and gratitude but surprisingly, he did! Naramdaman naming lahat na mahal n’ya kami.”

Ibinahagi pa ni Bitoy ang isa pang realisasyon; na wala talaga sa size, sa gender o sa specie ang pagmamahal. “Basta nagmahal ka and they love you back, that’s all that actually matters.”

Paalala niya sa kanyang FB friends, “Kaya kayo d’yan, sana you don’t take your loved ones for granted. Lalung-lalo na if they were able to make you feel how much they love you. Mas masarap sa pakiramdam ang magmahal kesa maiwan ng mahal mo sa buhay.”

Bumuhos ang komento ng mga netizens sa kanyang Pepper story, na karamihan ay naka-relate sa kanyang nararamdaman. Ibinahagi rin ng iba ang kanilang pet story at may kalakip pang mga larawan.

Umabot na sa mahigit 50K views ang huling pasilip kay Pepper sa video na ibinahagi ni Bitoy.

I-CLICK ang imahe para sa video ni Pepper via facebook

Continue Reading

animals

Lola labis ang dalamhati nang mabagansya ang mga alagang aso

Published

on

By

Labis ang paghihinagpis ng isang lola nang mabagansya ang dalawang asong alaga niya.

Makikita sa video na ibinahagi sa Facebook page ng Kapuso Mo Jessica Soho na todo ang pag-iyak ng 60-anyos na lola habang nasa loob ng sasakyan ang alagang si Blackie at Brownie na hinuli ng mga awtoridad dahil pagala-gala sa kalye.

Screenshot from KMJS video

Ang bansa ay may batas na nagbabawal sa  mga pagala-galang mga aso upang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng mga nabibiktima ng rabies at isulong ang responsible pet ownership.

Walang nagawa ang lola kundi tumangis na lamang at sa huli ay magpaalam sa mga alagang itinuring na niyang kapamilya.

Kuwento ng matanda, natagpuan niya sa plaza si Blackie at Brownie. Nanginginig daw ang mga iyon sa gutom kaya pinakain niya.

“Dito ko sila sa Plaza nakita sina Brownie at Blackie. Nanginginig ‘yung mga aso kaya pinakain ko sila,” wika ng matanda na labis ang paghihinagpis na mawalay sa piling ang mga alaga na tangi niyang kasa-kasama.

Sa gabi raw ay ang dalawang aso ang kanyang kayakap. Wala raw siyang ibang kasama kundi ang mga alaga niya.

“Simula nu’n, lagi na kaming magkakasama. Sa gabi, kayakap ko silang matulog. Pamilya ko na kung ituring ang mga aso ko. Wala na kasi akong ibang kasama… sila lang,” hinagpis ni lola.

Hindi pa man naipalalabas sa programang KMJS ay nag-viral na ang maiksing video. Sa ngayon ay umabot na sa mahigit pitong milyon ang views niyon sa Facebook. Mahigit 458,000 ang nag -like at iba pang reactions at higit 24,000 ang nagbigay ng mga komento.

i-CLICK ANG IMAHE para mapanood ang KMJS video

 

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens na naantig kay lola.

 “Only real fur parents will understand the pain.”

 “’Yung feeling na habang nanood ka, ‘di mo namamalayang umiiyak ka na pala. Sana maibalik kay lola ang mga aso niya.”

 “’Yung mga aso na nga lang ang nagsilbing pamilya ni lola pinagkait pa.”

 “Ibalik kay nanay ang aso, pakibakunahan na lang para safe pa din.”

Tarararan! Salamat sa tulong ng KMJS! Nagkita na silang muli!

Screenshot from KMJS video

Continue Reading

animals

Camel beauty contest sa Saudi niyanig ng dayaan, 43 camels na nagpa-botox diskwalipikado

Published

on

By

Nakataya ang $66 million na premyo sa taunang King Abdulaziz Camel Festival na umaakit sa maraming camel breeders sa buong kaharian ng Saudi Arabia upang makilahok.

Ang camel festival ngayong taon na nagsimula ngayong Disyembre at matatapos sa kalagitnaan ng Enero sa susunod na taon ay ginaganap sa malaking disyerto sa Riyadh.

Image from Saudi Press Agency

Nitong ilang taong nagdaan ay nagsagawa ang mga awtoridad ng crackdown sa cosmetic enhancements sa mga camel contestants’ isang malpractice na ginagawa ng mga breeders para pagandahin ang itsura ng mga camel nila.

Kabilang dito ang plastic surgery at pagpapaturok ng botox. Ginagawa umano iyon ng mga breeders upang maging mas nakalaylay ang labi ng mga kamelyo at maganda ang hubog ng kanilang hump – ang mga katangiang hinahanap sa paligsahan.

Umabot sa 43 camels ang na-disqualify sa pageant ngayong taon dahil sa nabanggit na malpractice.

“Forty-three camels were disqualified after it was discovered they had been tampered with,” pahayag ng Saudi Press Agency.

Iyon na raw ang pinakamalaking bilang ng disqualification sa beauty contest simula nang unang magsagawa nito anim na taon na ang nakararaan.

Noong 2018, mahigit isang dosenang camels ang diskwalipikado.

Image from Saudi Press Agency

Natutuklasan ang ginagawang tampering kapag isinailalim ang mga camel sa physical at clinical examinations tulad ng x-ray para ma-detect ang cosmetic enhancements gaya ng pagtuturok ng botox.

Ayon sa isang festival official, mas gusto ng mga awtoridad na manatili sa kanilang true form at breed ang mga camel na kalahok sa pageant.

Ang cosmetic enhancements daw na ginagawa sa mga kamelyo ay itinuturing na kalupitan sa mga hayop na may karampatang multa.

“Violators face hefty fines and are banned from participating in future competitions,” ayon sa opisyal.

Image from Saudi Press Agency

Ngayong taon, nadiskubre ng mga awtoridad ang ginawa ng ilang mga breeders na pahabain ang labi at ilong ng mga camels, gumamit ng mga hormones upang palakasin ang muscles ng mga hayop, nagturok ng botox sa ulo at labi para palakihin ang mga iyon.

Ang camel beauty pageant ang pinakasentro ng festival na kinatatampukan din ng camel races, sales at iba pang aktibidad na nagpapakita sa gilas ng mga camel.

Image from Saudi Press Agency

Continue Reading

Trending