Connect with us

Philippine Showbiz

Maggie Wilson ibinahagi ang saloobin matapos di makapiling ang anak nitong Pasko

Published

on

Naglabas ng kaniyang saloobin ang beauty queen na si Maggie Wilson matapos na hindi makasama ang anak noong araw ng Pasko.

Sa isang Instagram post ay nagbahagi siya ng throwback picture kasama ang anak na si Connor.

Imahe mula sa Instagram | Maggie Wilson

“Christmas Day didn’t pan out as planned. I had planned and cooked a beautiful dinner for family and friends with my son over. Unfortunately, I was denied that,” sabi niya sa caption.

“Over Xmas eve and Xmas day, I was refused time with my son Connor despite an agreement being made prior. It’s been 48 hours, I didn’t get to open presents with him or even have a meal with him. This kind of situation sadly happens in ‘certain’ families and is seen as ‘normal.’” dagdag niya pa.

Imahe mula sa Instagram | Maggie Wilson

Samantala, sa kaniyang Instagram stories Linggo ng gabi ay ibinahagi ni Maggie ang mga video ng anak habang nagbubukas ng regalo.

Nitong Setyembre lamang ay kinumpirma niya ang paghihiwalay nila ng asawang si Victor Consunji.

“There are strong reasons why I left and if you think I left because of another guy, you have no idea. Those reasons will be revealed in time. I have been put through so much over the last 3 months and more so the last few years,” pagbabahagi pa ni Maggie.

Imahe mula sa Instagram | Maggie Wilson

“Judge me all you want. If you think you know, you haven’t seen anything yet. I have an entire vault just filled with receipts,” saad niya pa sa post.

Bagama’t hindi nagbigay ng iba pang detalye, may mensahe rin siya sa mga kagaya niya ng pinagdaraanan.

“Till then, to everyone going through something similar, I have received and read all your messages, I stand with you, I feel for you, stay strong. We will get through this. Lastly, if anything happens to me or anyone close to me, you know where to look.”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Philippine Showbiz

Andi Eigenmann ibinahagi ang kanyang fitness journey

Published

on

By

Ibinahagi ni Andi Eigenmann sa Instagram na ang ilan sa kanyang fitness goals ay naging matagumpay isang taong matapos niyang ipanganak ang kanyang ikatlong anak na si Koa.

Ibinahagi niya ang isang compilation ng videos habang nagsasagawa ng pag-eehersisyo sa bahay,  “Was looking for some motivation and found it in myself!”

Ayon kay Andi, umabot ang kanyang timbang sa 175 lbs nang ipinagbubuntis niya ang bunsong anak na si Koa.

Dahil sa kagustuhang maibalik sa healthy shape ang kanyang katawan ay sinisikap niyang mag-ehersisyo kahit mahirap. Nabawasan siya ng 50 lbs makalipas lamang ng 10 buwan.

Wow! Sana all matiyaga mag-exercise dahil sa panahon ngayon ay food is life! 

Aminado naman ang aktres na nahinto ang kanyang pagpapapayat subalit naisip pa rin niya ang kahalagahan ng ginagawa niyang pag-eehersisyo, hindi lamang sa physical kundi para sa mental health nito.

“Suddenly being “out of place” for almost 2 months froze me up quite a bit, but I realise how much of an impact physical exercise has really had on my mental health and overall well- being,” aniya.

Pinasasalamatan din niya ang kanyang mga fitness coach at ang kanyang asawang si Philmar Alipayo dahil sa pagtulong sa kanyang fitness journey.

“I do have my own personal fitness goals, of course, but exercise and staying active really does so much more to us that keep us fit. And also I just wanted to try making a reel,”dagdag pa ni Andi.

Maraming followers naman ang na-inspire sa tiyaga ni Andi:

“Galing Andie! You’re really so inspiring – ina_feleo”

“YAAAAASSSSSS GO GURLLLL!!!!! – yassipressman”

“Galing talaga!happy islander fam fan here.”

“Wow!!!! Thats what you call HARD WORK! Good Job”

Kamakailan ay bumalik na muli ang anak na si Ellie na masayang ibinahagi ni Andi sa Instagram account nito.

Panoorin ang buong fitness journey ng aktres:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)

Continue Reading

Philippine Showbiz

Tom Rodriguez at Carla Abellana, nag-unfollow sa isa’t isa?

Published

on

By

Usap-usapan ngayon ang pag-unfollow ng mag-asawang sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa isa’t isa sa Instagram.

Unang ibinalita ng entertainment website na PEP ang tungkol dito, kalakip ang screenshots na kanilang nakuha, ngunit habang isinusulat ito ay naka-follow na si Carla kay Tom.

Naging concerned tuloy ang kanilang mga taga-suporta sa estado ng kanilang married life lalo na at kamakailan lang nang sila ay magpalitan ng I Dos sa isang Church wedding.

Ang ilan sa kanilang mga suporta, nag-iwan ng komento sa kanilang posts upang iparamdam ang kanilang pagmamahal.

“Be strong. Kaya n’yo ‘yan. Pagsubok lang ‘yan. Fight, Tom! Don’t give up. God is good,” komento ng isang Instagram user sa latest post ni Tom.

“Hi, Tom and Carla. Walang susuko sa inyong dalawa. Kaya ninyo ‘yan. Kahit ano pa ang inyong pinagdadaanan, alam naming kasama n’yo lagi ang Diyos sa inyong pagsasama,” sabi ni Maribel A.

“Marami po kaming mga fans ninyo na humahanga at nagdarasal para sa inyo. Bagama’t ako ay isa sa bago ninyong fans, natutuwa ako kapag parati ko kayong nakikita at napapanood sa Youtube at sa inyong mga social media accounts. Sana po pareho kayong hindi magbago hanggang sa inyong pagtanda,” dagdag niya.

Samantala, sa ulat ng PEP ay sinabi nilang sinubukan nilang hingan ng komento ang manager ng dalawa tungkol sa pag-unfollow nila sa isa’t isa ngunit hindi pa ito sumasagot.

Ikinasal sina Carla at Tom noong Oktubre 23, 2021 sa isang simbahan sa Tagaytay matapos ang pitong taon na relasyon.

Bago ang kanilang kasal, nagbahagi si Carla ng isa sa kanilang prenup photos at sinabing pakakasalan niya ang kaniyang soulmate.

Si Tom naman, isang araw matapos ang kanilang kasal ay nag-post pa ng larawan at sinabing gusto niyang i-flex na kasal na siya sa isang napakagandang binibini. “Wala lang… flex ko lang na ikinasal ako kagabi sa isang napakagandang binibini. Officially, nabakuran ko na sa wakas,” aniya.

Continue Reading

Philippine Showbiz

Anywhere is meaningful as long as I am with them – Andi Eigenmann

Published

on

By

Dahil hindi pa rin nakababalik sa isla ng Siargao kung saan naninirahan kasama ang kaniyang pamilya ay may napagtanto si Andi Eigenmann.

Ani Andi, nakahanap ng paraan ang kaniyang pamilya upang mag-enjoy sa pansamantalang pagtira sa “concrete jungle.” Naisip niya rin daw kasi na ang mga memorable experience nila ay hindi dahil sa lugar kundi dahil magkakasama sila.

“Happy Islanders have found ways to enjoy the concrete jungle for the meantime. Being away from our island home has made me realise that all those amazing memories had always been so special to me because of who I get to share them with. Anywhere is meaningful as long as I am with them,” sabi ni Andi sa isang Instagram post.

Gayunpaman, sinabi niyang gusto pa rin niyang umuwi sa Siargao.

“Don’t get me wrong though, we still can’t wait to get back home. I’ll always be so thankful for the island that has given me sooo much. Its greatest gift, for one– our little Siargaonons!”

Sa pagsisimula ng taon ay sinabi niyang nahihirapan siyang i-proseso ang kaniyang nararamdaman.

“Been having a tough time assessing how I feel but I realise, never mind that for now because after all of life’s uncertainty, there’s still so much to be grateful for,” sabi ni Andi.

“My kids know for sure this is not ‘home,’ but having both of us around somehow makes everything better. Although soon, papa will be going back to the island again, I am more than happy to focus on our children for the both of us knowing that he is able to help better from there.”

“Sincerest thanks for your support in helping us earn enough to help rebuild several families’ homes in Siargao by watching our December videos on YouTube,” pagpapasalamat niya.

Kabilang ang Siargao sa mga lugar sa bansa na tinamaan ng matinding hagupit ni bagyong Odette.

Continue Reading

Trending