Connect with us

Nostalgia

‘Di pa magastos bumiyahe!’ Mga ‘nagmaneho’ ng makinang panahi noon, bumalik sa kahapon

Published

on

makinang panahi

Nagmamaneho ka rin ba noon gamit ang padyak ng makinang panahi ninyo sa bahay?

Isa sa mga naging paboritong laro ng mga bata noon ay ang “pagmamaneho” ng makinang de-padyak na ginagamit sa pananahi. Walang pinalalampas na panahon, agad nilang pinupuntahan ang makina para umupo sa padyak at magsimulang “bumiyahe” papunta sa kung saanmang lugar sila dadalhin ng kanilang imahinasyon. Sa isang post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga sandali kung kailan hindi pa raw magastos bumiyahe at mamasyal.

makinang panahi

“Nagmamaneho ako niyan noon sa makina ng mama ko,” pagbabalik-tanaw ng social media user na si B. Pagsanghan. “Lahat kaming magkakapatid ay hindi pinalampas ang experience na iyan.”

“Ginagawang jeep,” pagbabahagi ni E. V. Rosos. “Sa ngayon buhay pa rin, kasing edad ng kuya ko, mga 70 years old. Ginagamit minsan ng isa kong kapatid.”

makinang panahi

“Ako rin nagda-drive ng makina ni Lola noon. Sumasalisi ako sa kanya,” kuwento ni M. G. Ederon. “Nag-aral din akong manahi pero hindi natuto. Iyong pinsan ko ang natuto dahil palagi siyang nanonood ng pananahi ni Lola.”

Sabi naman ni A. Crisostomo, “Noong bata ako, lagi ako nasa ilalim niyan. Nang lumaki na ako, natuto na akong manahi. Ngayon, hindi na ganiyan gamit ko, high speed na.”

makinang panahi

Samantala, wika ng iba, ang saya lamang isipin na ngayon ay manibela na ng totoong sasakyan ang kanilang hinahawakan at natupad na ang mga biyaheng nasa imahinasyon lamang nila noong mga panahong sa makinang de-padyak lamang ang “minamaneho” nila—kahit pa magastos sa panggasolina.

Ikaw, naging laro mo rin ba ito noong bata ka? Ano ang naging epekto sa iyo ng paglalaro ng makinang panahi? Natuto ka bang manahi nang tumanda ka o isa ka sa mga pinagtrabahuhan talaga ang sariling sasakyan para matupad ang pangarap mong “biyahe” noong araw? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section ng post na ito!

Nostalgia

Elementary days! Ang old school pencil sharpener na madalas nasa mesa ni titser

Published

on

old school pencil sharpener

Kabilang ang old school na pencil sharper sa mga bagay na madalas gamitin noon ng mga estudyante. Madalas itong matagpuan sa lamesa ni titser noon sa eskwela, o hindi kaya’y sa study table sa kuwarto kung saan ginagawa ang mga assignment at project.

Sa paaralan man o sa bahay, hindi maikakailang nagdala ng tuwa ang classic school supply na ito sa mga batang mag-aaral dahil bukod sa talagang mas malaki ito kumpara sa mga pantasang kasya sa kanilang pencil case, nakaaaliw din ito para sa kanila dahil sa kakaibang paraan ng paggamit nito.

old school pencil sharpener

Imahe mula sa Teaching Trio

Sa post ng Facebook page na Klasik Titos and Titas of Manila, nagbalik-tanaw ang mga “young once” sa mga gunitang nabuo sa panahon ng old school na pencil sharpener na ito. Mayroon din mga nagsabi na kailanman ay hindi sila nagkaroon ng bagay na ito dahil mga mayayaman lamang ang nakabibili nito, habang ang iba ay nanghihiram lamang sa kakilala o sa paaralan lamang nakagagamit nito.

 old school pencil sharpener
“Sa amin nakikitasa ng lapis ang mga kapitbahay namin kasi ang suwabe ng pagkatasa kapag iyan ang gamit, puwera na lang kung ang lapis mo e hindi magandang klase dahil mapuputol agad,” wika ng netizen na si P. Sta. Rosa.

“Iyong may ganito kami sa bahay noong bata kami tapos natutuwa ako magtasa kaya pati lapis ng classmate ko ay inuuwi ko, nangangakong tatasahan ko at isasauli kinabukasan,” pagbabahagi ni S. Sy.

old school pencil sharpener

Imahe mula sa Our Everyday Harvest

“Pangarap ko iyan noong bata ako,” kuwento ni G. R. Deoquino. “Mahal iyan noon kaya simpleng sharpener lang ang mayroon ako.”

Samantala, ibinahagi rin ng iba na ang litrato ng sarili nilang pantasa na hanggang ngayon ay nasa kanila pa ring pag-iingat at patuloy na nagagamit.

Ikaw, naranasan mo rin bang gumamit ng old school na pantasa? Ano ang hindi mo makalilimutan sa popular at classic school supply na ito? Mayroon ba kayo nito sa bahay o kay titser ka madalas nanghihiram? Ibahagi sa amin ang iyong kuwento!

Continue Reading

Nostalgia

Netizens binalikan ang alaala sa bunot at floor wax

Published

on

By

Naranasan mo rin bang gumamit ng bunot at floor wax para pakintabin ang sahig ng classroom noon?

Imahe mula sa Facebook

Marami ang napabalik-tanaw sa kanilang buhay-estudyante nang magbahagi ang netizen na si Ray Tanega ng larawan ng bunot at floor wax sa Facebook group na Nostalgia Philippines. “Dito ako noon natutong sumayaw,” biro niya.

Relate naman dito and ilang Facebook user, kabilang na si Ann Marie na nagsabing kahit walang music ay tiyak na sasayaw ka talaga habang gamit ang bunot.

“Sa pagbubunot, papawisan ka na. ‘Di mo na kailangang mag-Zumba,” komento naman ni Eliane A. 

“Ito yong magandang ehersisyo noong high school days,” pagsang-ayon ni Yen D.

“Araw-araw ko silang kasama dati, pero bakit ‘di ako natutong sumayaw?” pabirong tanong naman ni Cess P.

Imahe mula sa Facebook

Bukod sa katuwaan habang naglilinis, may ilan ding masayang makitang makintab ang kanilang sahig kaya naman naipasa na rin nila ang pagbubunot maging sa kanilang mga anak.

“Gumagamit pa kami niyan ngayon pampakintab ng aming sahig na semento at masaya ako na na-introduce ko ito sa mga anak ko,” sabi ni M. Rescober.

“Noon sa school at sa bahay namin gamit yan. Sa bahay ang sarap humiga at magbasa ng komiks pagkatapos o makinig sa radio drama lalo na’t malamig pa ang panahon noong araw di tulad ngayon,” sabi naman ni B. Principe.

Maging ang mga kalokohan noong kanilang kabataan ay nanumbalik din sa alaala ng iba. “Magugulat na lang classmate mo ‘pag nasa bahay na nila tapos pagtingin nila ng bag, nandoon na ‘yong coconut husk,” sabi ni C. Barlahan.

Imahe mula sa ACS

Nagpasalamat naman si Z. De Sagun dahil sa masasayang memories dulot ng throwback post. “Ako noon may paboritong bunot dahil marami kaming bunot. Thank you again for reminding me how fun my childhood was,” komento niya.

Mayroon ka rin bang ‘di malilimutang karanasan sa paggamit ng bunot at floor wax noong iyong kabataan?

Continue Reading

Nostalgia

Balik-tanaw: Tinatapat mo rin ba noon sa araw ang negatives ng film camera?

Published

on

negatives film camera

Pinaglalaruan mo rin ba noon ang negatives ng film camera?

negatives film camera

Noong wala pang mga modernong kamera, ang film camera ay sapat na para makuhanan ng litrato ang mga espesyal na okasyon at sandali. Ngunit para sa mga bata noon, hindi lamang mga larawan ang mahalaga, kung hindi maging ang negatives nito.

Sa Facebook page ng Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng maraming “young once” ang mga sandaling kinaaliwan nilang tingnan at paglaruan ang negatives ng film camera. Tinatapat nila ito sa araw para makita ang kakaibang hitsura ng mga imaheng narito. Ang iba naman ay ginagawa raw kaagad itong torotot pagkatapos i-develop.

negatives film camera

“Naaalala ko pa ang feeling, iyong nararamdaman ko na hindi ko maipaliwanag kapag tinitingnan ko ito noon. Basta!” pagbabalik-tanaw ng social media user na si S. Bacerdo.

“Hahahaha! Oo, tinatapat ko sa liwanag ng araw,” sang-ayon ni J. Giganto.

“Pinagtatawanan namin ang mga mukha riyan. Nakaka-miss ang moments noong hindi pa uso ang mga digital camera,” kumento ni A. L. Sancho.

“Hahaha! Ganiyan na ganiyan ako noong nagagamit ko pa ang camera ko,” pagbabahagi naman ni R. Apulo. “Ngayon ay nakatago na lamang sa baul.”

“Daming ganiyang film negatives dati na nagkalat sa kalye,” ani D. Martinez. “‘Tsaka ‘yan din ang ginagamit namin para tumingin sa eclipse noon.”

negatives film camera

“Film negatives ng film camera, nakatutuwang makakita ng ganito. Mayroon pa rin akong naitagong ganiyan!” sabi ni E. Tapiador.

Kuwento naman ni E. Triumfo, “‘Yong negative ng lumang pelikula, pinupulot namin matiyaga naming sinisilip sa araw.”

Ikaw, naranasan mo rin ba ang mga ito noong ikaw ay bata pa? May mga alaala ka rin bang nabuo dati dahil sa negatives ng film camera? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section at sabay-sabay tayong magbalik-tanaw sa masaya nating kahapon!

Continue Reading

Trending