Connect with us

business

Nilagang kamote na tinirikan ng kandila iniregalo sa birthday ng 2nd richest man sa Pilipinas

Published

on

Bonggang party ang inaasahan ng marami sa birthday ng multi-billionaire (in US dollars) na si Manny Villar, pero ninais niyang idaos nang simple ang espesyal na araw na iyon.

Sa halip na lavish party na angkop para sa pangalawa sa pinakamayaman sa Pilipinas, kasunod ng Sy siblings na mga anak ni Henry Sy ng SM empire, minabuti ni Manny Villar na enjoy-in ang pagsalubong sa morning sunrise sa rooftop ng Crossing Cafe, ang pinakabago nilang cafe business.

Imagre from Manny Villar

Habang minamasdan ang pagsikat ng araw ay dinalhan siya ng anak niyang si Camille, na nagsisilbi ngayong Deputy House Speaker sa House of Representatives, ng paborito niyang Kamote Cake.

Hindi iyon cake na may kamote flavor kundi ilang piraso ng nilagang kamote na hindi pa natatalupan na tinirikan ng isang birthday candle.

“I welcomed my birthday catching the sunrise at the rooftop of our newest cafe, The Crossing Cafe, located in the 2,500-hectare Villar City. My daughter Camille joined me and brought one of my faves, camote. Thank you, darling, for the camote cake,” saad ng Facebook post ng real estate tycoon na dati ring nagsilbi bilang senador.

Pinasalamatan din niya ang lahat ng bumati sa kanya.

“To everyone who greeted and sent me warm wishes, thank you very much. I am very happy and I couldn’t think of a better way to celebrate my special day,” aniya.

Si Manny Villar ay ay nagdiwang ng kanyang ika-72 taong kaarawan noong Lunes, December 13.

Imagre from Manny Villar

Tulad ng nabanggit niya, ang bagong negosyo nilang Crossing Cafe ay matatagpuan sa Villar City, ang 2,500-hectare property na gagawing bagong central business district,

Ayon kay Manny Villar, ang Villar City ay ang pinakahuling development project na gagawin niya sa buhay niya. Sabi niya, dahil sa sobrang laki ng proyekto “it will take more than the rest of my life to develop because of its size. There is no other property near this size this close to Metro Manila.

Imagre from Manny Villar

business

P500 sapat na para sa simpleng Noche Buena, ayon sa DTI; netizens umalma, natawa

Published

on

By

Sapat na umano ang halagang 500 pesos upang makabili ng mga pagkaing ihahanda sa Noche Buena para sa pamilyang Pilipino na may apat hanggang limang miyembro; ito ay ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Sa panayam ng GMA News, sinabi DTI Undersecretary Ruth Castelo na posibleng pagkasyahin ang nabanggit na halaga basta maghanap lang ng mga bundled items para makatipid.

“Kailangan talagang maging wais ang consumer. Sa price guide, we encourage na konsultahin nila. Tumingin ng bundled products kasi makikita mo ang savings,” paliwanag ni Castelo.

Batay sa kuwentada ng DTI, maaari umanong makabili ngayon ng Noche Buena items ang P500 gaya ng mga sumusunod: spaghetti bundle (P112), salad bundle (P116.50), Pinoy pandesal (23.50), keso (P41.75), ground pork (P31.25) at hamon (P163).

Ang kabuuang gastos sa kuwenta nito ay umabot lamang sa P488 kaya mayroon pang sukling barya ang limandaang piso ng mamimili.

Inamin din ni Castelo sa hiwalay na panayam na ‘makatarungan’ naman at hindi rin nila mapipigilan ang pagtaas ng presyo ng panghanda sa Noche Buena dahil ‘monitoring’ lamang ang maaari nilang gawin.

“Justified naman talaga yung pag-increase nila ng presyo, hindi natin mapipigilan,” wika ng opisyal. “Ang Noche Buena products, hindi po natin nireregulate. Binabantayan lang natin to check price movement, pero hindi po tayo nag i-impose ng penalty sa kanya. We do not even issue notices of violation.”

Mayroon pang ibinahagi ang DTI sa kanilang Facebook page na suhestiyon para sa Noche Buena bundles. Ang isa rito ay nagkakahalaga lamang ng P631.95 habang ang isa naman ay P1,000.

Kaugnay nito may agam-agam naman ang maraming netizens at konsyumer sa mga suhestiyong ito ng DTI.

Marami sa kanila ay natawa na lamang at naniniwalang hindi sapat ang mga naturang halaga lalo pa’t hindi naman dito kasama ang mga sahog sa spaghetti tulad ng sibuyas,bawang, bell pepper, mantika, hotdog, ketchup at keso na pawang nagmahal na ang presyo.

Dismayado rin ang karamihan dahil tila raw napakababa ng tingin ng gobyerno sa mga karaniwang pamilyang Pilipino para sa ganitong uri ng pagsasalo-salo gaya ng Noche Buena.

Continue Reading

business

Steve Jobs’ worn out Birkenstock sandals sell for $218,000 at auction

Published

on

By

A pair of sandals owned and worn by the late Apple founder Steve Jobs have been sold for more than $200,000 at an auction by Julien’s.

The brown suede leather Birkenstock Arizona sandals was worn by Jobs in the late 70s and 80s. It was sold to an undisclosed buyer for $218,750.

“Steve Jobs wore these sandals during many pivotal moments in Apple’s history. In 1976, he hatched the beginnings of Apple computer in a Los Altos garage with Apple’s co-founder Steve Wozniak while occasionally wearing these sandals,” said Julien’s in its listing.

The footwear had been Birkenstock’s in many past exhibitions including those in Salone del Mobile in Milano, Italy; Birkenstock Headquarters in Rahms, Germany; Birkenstock’s first United States store in SoHo, New York; and with the History Museum Wurttemberg in Stuttgart, Germany, among many others.

The item had an initial value at $60,000 before it was sold for the highest bid mentioned; said to be the highest price ever paid for a pair of sandals at an auction.

Julien’s said the Birkenstock pair was previously part of a collection of Mark Sheff, Jobs’ estate manager in Albany, California. It was also previously sold for $2,000 at an auction in 2016.

Sheff told Insider in an interview that Jobs ‘kept very few things’ and the pair of sandals was one of those he acquired from the former Apple CEO.

“We kept some, shared some with the landscapers and friends and brought some to Goodwill. The collection we ended up with is quite random,” Sheff narrated.

Jobs is known for his simple outfit; oftentimes wearing only jeans, turtleneck shirts and sandals even on business meetings.

“The sandals were part of his simple side. They were his uniform. The great thing about a uniform is that you don’t have to worry about what to wear in the morning,” his ex-partner Chrisann Brennan recalled in an interview with Vogue.

Job’s iconic Birkenstock are well used but still intact with the original adjustable buckles and the stamping on the inner edge of the suede leather foot straps.

Its cork and jute footbed also retains the imprint of Steve Jobs’ feet, which had been shaped after years of use, according to Julien’s.

Continue Reading

business

Andrea Brillantes @19, CEO na ng bagong business venture

Published

on

By

Natupad na ni Andrea Brillantes ang isa sa mga pangarap niya noong bata pa siya matapos siyang hirangin bilang pinakabatang celebrity CEO ng isang business venture na nakatakdang ilunsad sa lalong madaling panahon.

Inanunsyo ng 19-anyos na aktres na siya ang CEO ng isang kumpanyang pinangalanang A.B.G. Trading Inc. sa  pamamagitan ng ilang larawan sa kanyang Facebook page nitong Sept. 1. Dahil hindi pa nailulunsad ang kumpanya, ang nature ng kanyang negosyo ay hindi pa ipinahayag.

“5 years old pa lang ako alam ko na ang gusto kong gawin sa buhay ko, ang mag artista. Pero maraming hindi nakakaalam na dream ko talaga ang magkabusiness for my family.”

“This business that I am launching this November has been in development for so long and I am so happy that I can finally share it with you all very soon.”

“I am so thankful that I have the right team with me in my corporation. Please follow my journey as a first time CEO and business owner.”

“Lubos akong nagpapasalamat sa suporta ninyong lahat. I am so blessed and grateful for all of you. Mahal na mahal ko kayo.”

“Congratulations to our youngest celebrity CEO.We’re very excited for your newest business venture coming this holiday.” saad sa isang Facebook post

Matapos mai-post ni Andrea ang kanyang anunsyo, maraming netizens ang nagkomento dito.

“Congratulations Andrea Brillantes. Stay humble and kind. You deserve all the blessings! More blessings are coming soon. God bless you! “

“Amazing congratulations sa age nyang 19 CEO na siya good luck and stay safe always.”

“Congratulations. Good move to venture into business. Good luck and do great as you do as an artist. Just an unsolicited advice: “The real true secret in any venture is God. Make Him the center of your business and definitely He will make it abundantly grow. He will carry your team/company victoriously in every challenge you face.”

Continue Reading

Trending