Connect with us

politics

Kampo ni Bongbong, iginiit na nagbayad na ito ng kaniyang buwis para sa taong 1982-1985

Published

on

Imahe mula sa Facebook

Iginiit ng kampo ni dating senador at ngayon ay presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na nakabayad na ito ng kaniyang utang na buwis sa gobyerno para sa taong 1982 hanggang 1985.

Nitong Miyerkules, Disyembre 22, ay inilabas ni Atty. Vic Rodriguez, abogado at tagapagsalita ni Marcos, ang kopya ng certification na nagmula sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Atty. Vic Rodriguez| Screenshot mula sa Facebook video

Nakasaad sa naturang certification na binayaran ni Marcos ang naturang tax deficiencies na nagkakahalaga ng kabuuang P67,137.27 kasama na ang multa at interes.

Ito ay binayaran noong Disyembre 27, 2001, batay sa dokumento ng BIR, subalit pirmado ito ng ahensiya nitong ika-9 lamang  ng DIsyembre, 2021.

“In here, in this certification, malinaw po dito na binayaran, ‘yung due for 1982, ’83, ’84, and ’85. So wala pong pagkakautang si  Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na buwis, o tax deficiency, o penalty or interest,” giit ni Rodriguez sa isang presscon.

Imahe mula sa ABS-CBN News| Joyce Balancio

“It has been paid, we owe nothing to the government. Walang basehan to disqualify Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos. Uulitin ko po, Walang basehan to deny or not to give due course to his certificate of candidacy,” dagdag pa ng abogado.

Nahaharap sa ilang disqualification case si Bongbong na isinampa sa Comelec ng mga grupong kontra sa kaniyang kandidatura, partikular na yaong mga nag-aakusa ng pang-aabuso ng rehimeng Marcos noong kapanahunan ng martial law.

Nagpaliwanag rin si Rodriguez kung bakit ngayon lang inilabas sa publiko ang nasabing dokumento.

Imahe mula sa Facebook| Bongbong Marcos

Aniya, “Purposely hindi namin pwedeng ipakita dahil naghahanap o fishing for evidence ‘yong mga petitioners na walang layuning gawin kundi guluhin at i-diskaril ‘yong maayos na kandidatura ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.”

Tinawag ring ‘basura’ ni Rodriguez ang mga petisyon para sa diskwalipikasyon ng kaniyang kliyente dahil  ginugulo lamang nito umano ang Comelec na dapat sana ay kailangang i-assert na ang kanilang independence bilang constitutional poll body.

politics

Utol ni Pacquiao, si Sara ang inendorso bilang VP; Manny kakausapin ang kapatid

Published

on

By

Tiniyak ni presidential aspirant Sen. Manny Pacquiao na kakausapin niya ang kaniyang kapatid matapos mapaulat na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang inendorso nito bilang kandidato sa pagka-bise presidente.

Ayon kay Pacquiao, ipinatawag na niya ang kapatid na si Sarangani Rep. Ruel Pacquiao upang hingan ng paliwanag tungkol dito.

Subalit nitong Miyerkules ay sinabi ng Pambansang Kamao na hindi pa niya nakakausap ang nakababatang kapatid.

“Mamaya ko pa tatawagan siya dahil hindi ko pa ma-contact kanina,” ani Pacman sa panayam ng mga mamamahayag.

Susubukan niya umanong kausapin si Ruel, pati na ang isa pang kapatid na si OFW Family Club Party-list Rep. Bobby Pacquiao, tungkol sa pananaw sa pulitika ng kanilang pamilya.

“Kakausapin ko muna sila, kukumbinsihin dahil nakakahiya naman sa ating vice president. Kinuha ko ‘yung bise presidente ko dahil malaki ang tiwala ko, at ‘yung ekspiryensya sa pagserbisyo and’yan,” dagdag pa ng senador.

Si Pacman ay tumatakbo sa ilalim ng partidong PROMDI at ka-tandem niya si Buhay Partylist Rep. Lito Atienza bilang running mate.

Noong isang araw ay inanunsiyo ng Lakas-CMD na isa si Ruel Pacquiao sa sumusuporta sa kandidatura ni Inday Sara bilang pangalawang pangulo.

“Rep. Pacquiao, Gov. Solon, and the mayors of Sarangani expressed support to the vice-presidential candidacy of Inday Sara,” anang partido sa isang pahayag.

Inamin naman ni Pacman na nagulat siya matapos marinig ang anunsiyo ng Lakas-CMD. Hindi umano siya nakonsulta ng kaniyang kapatid hinggil dito.

“Bilang pamilya at bilang magkapatid ay kailangan naming magkaisa upang matiyak na tuloy-tuloy ang labang Pacquaio-Atienza,” wika pa ng mambabatas.

Continue Reading

government

Pang. Duterte nangakong papangalanan ang ‘most corrupt’, ‘inexperienced’ presidential bets

Published

on

By

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilalabas niya ang ‘baho’ ng ilan sa mga kandidato na tumatakbong presidente sa susunod na eleksyon.

Sa kaniyang ‘Talk to the People’ nitong Lunes nang gabi, nangako ang Pangulo na papangalanan niya kung sino sa mga ito ang ‘masyadong corrupt’ pati na umano ang isang walang kakayahang maging lider ng bansa.

“In due time, I will personally name the candidates, maybe what is wrong with them. Kailangan malaman ng tao because you are electing a president,” paglalahad ni Duterte.

Iginiit rin ng Pangulo na hindi siya namumulitika subalit ginagawa lamang niya ito bilang presidente at dapat ring malaman umano ng mamamayang Pilipino.

Batay raw ito sa mga impormasyong nakararating sa kaniya bilang presidente bukod pa sa kaniyang personal na karanasan at obserbasyon.

Kabilang raw sa nakarating sa kaniya ang isanng kandidato na ‘lasenggo’, mahilig mang-insulto at nagwawala pa kapag nakainom.

Isa rin umano ay ‘masyadong corrupt’ kaya hindi maaaring maging presidente.

“Akala lang kasi ng mga tao malinis pero ‘yung mga nag-transact sa business sa kanya, mga official business, pati yung mga Chinese nagreklamo na na masyadong corrupt daw,” bahagi ng Pangulo.

Mayroon din umanong ‘kulang’ pa talaga sa karanasan at walang kapasidad na mamuno sa bansa.

“Meron dito hopelessly, I think, hindi dapat mag-presidente kasi medyo kulang talaga, kulang na kulang,” anito.

Hindi naman sinabi ng Pangulong Duterte kung kailan niya tuwirang papangalanan ang kaniyang mga tinukoy na kandidato subalit bahala na raw ang mga tao kung maniniwala sa kaniyang mga ibinulgar.

“But if you reject it at ayaw ninyong maniwala, ang masasabi ko lang, bahala kayo. Besides, it’s also your country, it’s not only mine,” dagdag pa nito.

Ilan sa mga kumakandidato ngayon sa pagkapangulo ay sina dating Senador Bongbong Marcos, Vice President Leni Robredo, Senador Ping Lacson, Senador Manny Pacquiao, Manila Mayor Isko Moreno at Labor Leader Leody de Guzman.

Continue Reading

politics

Mayor Sara nais nang itigil ang liga, pageant ng mga kabataan; tutukan na lang daw ang disaster preparedness

Published

on

By

Tulad umano ng kaniyang ginawa sa Davao City, nais ni Mayor Sara Duterte-Carpio na itigil na ang mga ginagawa ng kabataan tuwing piyesta gaya ng mga liga, beauty pageant at dancing contest.

Sa halip umano, dapat ay turuan na lamang ang kabataan ng disaster preparedness o paghahanda para sa sakuna.

Sa ginanap na virtual caravan ng UniTeam nina Inday Sara at Bongbong Marcos noong isang araw, sinabi ng alkalde na ito ang kaniyang iniutos noon sa lider ng Sangguniang Kabataan sa Davao City

“Tigilan na natin yan dahil nasasayang ang pera ng gobyerno sa mga ganyan, sa mga trophy at kung ano-anung prizes na ibinibigay natin,” ani Mayor Sara.

“Sabi ko itutok natin ang ating mga Sangguniang Kabataan dito sa Davao City sa disaster preparedness,” dagdag pa ng pambatong bise president ng UniTeam.

Naging matagumpay naman umano ang programa nilang ito sa Davao kaya hindi ito mahirap dalhin sa national level, bukod pa sa may budget naman talaga ang gobyerno sa disaster preparedness training.

Kabilang din sa isusulong ng alkalde kapag nanalo sa darating na halalan ay ang mandatory military traning para sa lahat ng kabataang lalaki at babae.

BASAHIN: Inday Sara isusulong ang mandatory military training para sa lahat ng kabataang Pinoy

“Gagamitin ko ang aking opisina— Office of the Vice President — para kausapin ang ating (to talk to our) Congress and the Senate of the Philippines to make military service for all 18 years old, male and female, mandatory in our country,” lahad ng anak ng Pangulo.

Ito raw ang nakikita sa ibang bansa gaya ng South Korea at Israel.

Hindi rin umano ito gaya sa ROTC na isang subject lamang, o isang weekend o isang buwan sa isang taon.

Nilinaw naman ng alkalde na kapag pumasa ang kaniyang panukala sa Kongreso,  kasama rito ang pagbibigay ng subsidy ang lahat ng mga sasailalim sa training na pamamahalaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Continue Reading

Trending