Connect with us

entertainment

Marian Rivera, open makatrabaho ang mga foreign actors

Published

on

Matapos ang kanyang stint bilang isa sa mga judges ng Miss Universe 2021 na ginanap sa Israel ay nais namang gumawa ni Marian Rivera ng isang international movie.

Bukas daw siya na makatrabaho ang mga foreign actors.

Image from Marian Rivera

Ang problema lang daw ay ang kanyang schedule. Nakatutok kasi siya sa kanyang pamilya. Hindi raw niya kayang iwan ang mga anak niyang sina Zia at Ziggy.

“Oo naman, why not? Ang problema lang diyan ay kailan? Dahil hindi ko na kayang iwan ang mga anak ko ‘di ba? So let’s see” sabi ng magandang aktres sa isang interview.

Nagbiro pa siya na may isa raw siyang isang kondisyon sakaling gumawa ng international film. Dapat daw ay kasama niya ulit ang mister niyang si Dingdong Dantes.

Matatandaang si Dingdong ang kasama niya sa Israel noong judge siya sa Miss U.

“Oo, isasama ko uli si Dong,” pabirong wika ni Marian.

Bago ang panayam na ito sa kanya, nauna nang nagpahayag ang isang Thai actor na gusto nitong makasama sa isang proyekto ang Pinay actress.

Sinabi ni Nonkul Chanon, ang star ng Thai thriller series na “Bad Genius,” na nais niyang makasama sa isang proyekto si Marian Rivera.

Inamin niya na hinahangaan niya ang husay sa pag-arte ng Kapuso Primetime Queen. Ito ay napanood ng marami kung saan ay nagkaroon ng online media conference kamakailan, kabilang si  Nonkul Chanon at ang mga kapwa kilalang heartthrobs na sina Mario Maurer at Gulf Thanawut.

Image from TNT

Matatandaang noong Mayo ay ipinakilala ang tatlo bilang brand ambassadors para sa local telecommunications service provider na TNT sa ilalim ng new campaign na “Kilig Saya.”

Very vocal ang tatlo sa pagnanais na makatrabaho ang mga Pinoy artists, pero si Nonkul Chanon ang espesipikong nagbanggit na ang gusto niyang makapareha ay si Marian Rivera.

Napanood niya raw ang mga naging pagtatanghal ng aktres sa mga shows nito na ipinalabas sa bansang Thailand. Labis siyang humanga sa husay umarte ni Marian kaya’t pumasok sa kanyang isipan ang pagnanais na makatrabaho ito.

Marimar poster

celebrity

Kim Chiu muling nag-sorry sa animal lovers dahil sa viral comment hinggil sa ‘maingay na pusa’

Published

on

By

Muling humingi ng paumanhin si Kim Chiu sa mga animal lovers matapos kumalat ulit sa social media ang kaniyang komento noon hinggil raw sa ‘maingay na pusa’.

Kung matatandaan, mga ilang buwan na ang nakararaan nang mag-viral ang naging pahayag ng Kapamilya aktres sa ‘It’s Showtime’ na ikinagalit ng ilang netizens.

“Nakakainis ‘yun ‘no? Yung gusto mong sabuyan ng mainit na tubig kasi ang ingay,”  ani Kim sa segment na ‘Madlang Pi-Poll’.

Kaagad namang nag-sorry ang aktres at ipinaliwanag na hindi naman talaga seryoso ang kaniyang sinabi.

Subalit isang netizen ang muling umungkat nito matapos sumulpot ulit isa internet ang video ni Kim tungkol sa kaniyang sinabi. Pinayuhan ng netizen si Kim na mag-apologize bago pa lumala ang sitwasyon.

Sa kaniyang Twitter post, ipinaliwanag ni Kim na nais na sana niyang manahimik dahil mga ilang buwan na rin ang nakararaan nang mangyari ito.

“I cleared this already, RIGHT AFTER saying those words, and asked for apology same day same segment, coz I know that I will never do it and cleared that its not really ganun. But the thing is…” wika ng aktres.

Dagdag pa niya, putol ang video na kumakalat ngayon dahil hindi rito isinama ang kaniyang paliwanag at paghingi ng paumanhin.

“Social media or that person who posted it, opted to cut the part where I was saying my apology and explain my side that same episode. But as usual some marites will really choose to see the bad on that situation, Ganun naman minsan sa atin,” aniya.

Nakalulungkot lang daw na kahit wala ka pa namang ginawa ay naging masama ka na agad sa mata ng iba, samantala hindi umano napapansin ang ‘magaganda’ mong nagawa.

Sa kabila nito, humingi pa rin ng paumanhin si Kim Chiu sa ikalawang pagkakataon.

Aniya, “Again for things to be clear hopefully, (for the 2nd time after two months) Pasenya na po to all animal lovers, I didn’t mean to say those words, nor do those actions.”

Nakiusap rin ang ‘It’s Showtime’ host sa kaniyang mga haters at detractors na huwag nang palakihin pa ang isyu dahil wala naman talagang nasaktan.

Continue Reading

entertainment

Vice Ganda, ‘di dapat nagbabalat-sibuyas kung kasingkapal ng repolyo ang mukha – Cristy Fermin

Published

on

By

May panibagong banat ang kolumnista at show host na si Cristy Fermin sa komedyanteng si Vice Ganda tungkol sa isyu ng pagiging “marites.”

Magugunitang hindi nagustuhan ni Vice Ganda ang pahayag ni Lolit Solis na naaalarma siya sa mga balitang nagpa-power tripping ang komedyante sa “It’s Showtime” noontime vairety show…na ang komedyante umano ang nasusunod sa lahat ng galaw ng programa.

May bwelta naman si Vice kay Lolit na binanggit pa niya ang pangalan sa noontime show. Sinabi niya na kasunod daw ng mga magnanakaw ay ang mga marites.

“Kaya ang daming nagpapaka-Marites kasi akala nila ay pag Marites, cute ka. No. Ang pangit ng Marites. After ng magnanakaw, kriminal, Marites,” ganting banat ni Vice sa pahayag ni Lolit, na ipinagtanggol naman ng katoto niyang si Cristy Fermin.

Sabi ni Cristy Fermin, totoong may mga katrabaho si Vice Ganda na masama ang loob dito, subalit hindi lang makapagsalita nang diretsahan.

“Maraming nakakarating na kwento kay Manay Lolit na gusto nga niyang isipin na hindi totoo pero ang daming nagpaparating sa kanya na marami na rin daw po ang masama ang loob kay Vice Ganda sa Showtime at hindi lamang po makapagsalita dahil alam n’yo na this,” ani Crity Fermin.

At sa latest episode nga ng “Cristy Ferminute,” muling may banat si Nay Cristy kay Vice Ganda.

Hindi raw dapat nagbabalat-sibuyas si Vice kung kasing kapal na ng repolyo ang mukha.

“Huwag kang nagiging balat-sibuyas kung kasingkapal na ng repolyo ang mukha mo. Kasi nagbabalat-sibuyas ka pa, nagagalit ka pa kapag ang marites pinagpipistahan ka ,” ani Nay Cristy.

Bakit daw ba nagagalit si Vice sa mga marites samantalang ang mga isyu na pinag-uusapan ay galing din naman sa mga posts ng komedyante.

“Ano’ng malay ng publiko sa buhay n’yo. Sa iyo ‘yan nanggagaling. Kaya huwag nagbabalat-sibuyas kung kasingkapal ng kung anu-anong gulay ang mga mukha. Tigilan mo ang pagpo-post tungkol sa sarili mo at kay Ion at sa kung ano ang kayamanang nasa iyo, wala ka ring matitikman na kahit ano mula sa mga marites.”

Continue Reading

entertainment

Kris, nasaktan sa pagbabalewala ni Mel Sarmiento sa damdamin ni Bimby

Published

on

By

Excited ang mga nagmamahal kay Kris Aquino nang mabalitaan na posibleng magkabalikan sila ng ex-fiance na si Mel Sarmiento.

Isinulat kasi ng entertainment columnist na si manay Lolit Solis na may mga senyales daw na babalikan ni Mel si Kris dahil talagang mahal daw niya ito. Pero sinabi mismo ni Kris na walang balikang magaganap.

Image from Kris Aquino

Halos wala na raw respetong natitira si Kris para sa dating nobyo dahil sa mga ginawa nito sa kanya. Napagtanto raw niya na ginamit lang siya ni Mel at hindi naman talaga minahal.

Ang lalo pang ikinasasama ng loob ni Kris ay ang pagbabalewala ng dating kasintahan sa naramdaman ng anak na si Bimby tungkol sa nangyari sa kanilang relasyon.

Ni minsan daw ay hindi kinumusta ni Mel ang kalagayan ni Bimby.

“It became clear to me what his true feelings for me had been and how little respect i had left for him… let’s not involve my sons, because Mel failed to have the common decency to acknowledge that he hurt Bimb and never once checked on how my son was taking all of this,” lahad ni Kris.

Nalaman din umano ni Kris na ilang beses nagmensahe kay Mel ang ate niya sa pagbabakasakaling maayos pa ang kanilang relasyon.

Subalit hindi man lang umano pinansin ni Mel ang ate ni Kris.

“It spoke volumes to me nung nalaman ko from my Ate that she had tried several times to message Mel trying to find a way to communicate with him and hopefully still create a bridge but he actually snubbed my Ate,” sabi pa ni Kris.

At ang pinakasukdulan daw ay nang malaman niya na nag-imbento si Mel ng maraming kuwento para lang masabi na close ito sa yumaong si Pres. Noynoy Aquino.

“And siguro yung final straw for me was the fact kinaya niyang mag-imbento ng napakaraming kwento bilang “patunay” na close talaga sila ni Noy,’ ani Kris.

Continue Reading

Trending