Connect with us

Philippine Showbiz

Melai Cantiveros, itinuturing na lucky charm ng Gonzaga sisters

Published

on

Itinuturing ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga na lucky charm nila ang komedyanteng si Melai Cantiveros.

Naniniwala ang magkapatid na kaya nakapasok sa 2021 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikula nilang ExorSis ay dahil kay Melai.

Image from Showbiz Chika

“Si Melai ang lucky charm namin. Kasama kami kapag nandiyan si Melai,” sabi ni Toni sa virtual media conference para sa kanilang horror-comedy na pelikula.

Laking pasasalamat ni Toni sa muling pagsigla ng local film industry sa gitna ng pandemya. Aniya, bonus nang maituturing ang pagkakapasok ng ExorSis sa MMFF.

“Sobrang grateful. Siyempre nagpapasalamat dahil nga ‘di ba hindi naman tayo sigurado sa mga pangyayari sa cinemas. ’Yun, thankful kami na nabigyan kami nang chance na maipasa. Tapos sobrang bonus na in-announce na nakapasok,” pasasalamat ng aktres na isa na ring movie producer.

Naniniwala ang Gonzaga sisters na sa husay ni Melai ay nararapat lang umano na mabigyan na siya ng recognition.

“Sobrang dami naming nagmamahal kay Melai and I think it’s really about time na she’s recognized as a really serious actress,” sabi naman ni Alex.

Dagdag pa niya, ginagalingan ni Melai ang kanyang pagganap hindi dahil awards ang hangad nito kundi nais lang talagang magbigay ng saya sa mga fans.

Image from TinCan

“Pero I think Melai, parang she will still do her best even if without ‘yung mga awards na ‘yon because she really loves what she’s doing. Ang pinaka mas importante kay Melay hindi awards, ‘yung relationship niya sa tao, ‘yung impact niya sa tao. And I think walang award ang makaka-ano sa kanya because she is Melai,” paliwanag ni Alex.

Para naman kay Melai, ang makasama sa trabaho ang Gonzaga sisters ay isa nang karangalan para sa kanya.

“Kaya nga sinasabi ko, ‘pag kasama ko silang dalawa, grabe parang nanalo na ako ng mga award-award na ‘yan. Kasi grabe talaga silang magkapatid. Trophy ko talaga sila, ang buong Soriano at Gonzaga,” pag-amin ni Melai.

At dahil itinuturing na lucky charm, pangarap daw ni Toni na mag-produce ng pelikula na si Melai ang bida.

Image from TinCan

 

Philippine Showbiz

Expectation vs Reality: LJ Reyes ibinahagi ang precious moment nila ni Aki

Published

on

By

May pagmamalaking ibinahagi ng aktres  na si LJ Reyes ang isang mahalagang sandali nila ng 11-taong-gulang na anak na si Aki sa kanyang Intagram account kamakailan.

“Kisses overload for this baby boy. Ay ‘di na pala baby!” saad niya sa kanyang caption.

Maraming mommies ang makakarelate kay LJ, dahil dumarating talaga ‘yung panahon na hindi na baby ang baby mo!

Mabilis lumipas ang mga oras at araw kaya halos  ‘di namamalayan ng aktres na lumalaki na ang panganay na anak niyang Akio.

“Expectation vs. reality,” aniya. “Kisses overload for this baby boy. Ay ‘di na pala baby! In private pwede pa s’ya i-kiss, in public bawal na. ‘Wag n’yo ko sumbong ah!”

 

Makikita rin sa mga larawan na nagbibinata na ang anak; may pakulay na sa buhok at kulay berde pa!

Maraming followers naman ang nagkomento sa mag-ina;

“ABA!! Green hair naaaaaaaa fave color yan ni ninang!!!!” – chariz_solomon

“Hahaha big boy na!” – ivorjullian

“I know what you mean… My son still okays kissing him in public but not unli kiss he said.”

“So cuteeeee akiiiii!”

“Grave lookalike talaga ni Pao Avelino. Mana sa tatay pogi”.

Si LJ ay kasalukuyang nasa New York kasama ang kanyang mga anak na sina Aki at Summer Ayanna. Lumipad patungong U.S. ang aktres noong Setyembre pagkatapos ng breakup nila ng longtime partner na si Paolo Contis.

Si Aki ay anak ni LJ sa dating karelasyon, ang aktor na si Paulo Avelino, habang si Summer ay anak niya kay Contis.

Samantala, nagbahagi ang aktres patungkol sa self worth, kabilang na ang larawan niya na masayang-masaya. Binitawan ni LJ ang mga katagang maghahatid ng inspirasyon sa mga taong may pinagdadaanan at kinukuwestiyon na ang self-worth.

“You are enough,” paalala niya. “Yes! To all of you reading this, I want to remind you that YOU are ENOUGH. Why? Because YOU are God’s best creation. You were created from His image. You are His masterpiece!”

Basahin: ‘You are enough, you were created from His image’: IG post ni LJ nagdala ng inspirasyon sa social media

 

Continue Reading

celebrities

Bea Alonzo, Dominic Roque nagdiwang ng kanilang unang anibersaryo

Published

on

By

Masayang ipinagdiwang ng magkasintahan na sina Bea Alonzo at Dominic Roque ang kanilang unang anibersaryo.

Sa Instagram, nagbahagi si Bea ng cute na larawan nilang dalawa na magkayakap at may taus puso pang mensahe para sa kanyang nobyo.

“It took so much patience from you, but here we are,” ani Bea. “And I have to say, and it’s one of the best decisions I’ve ever made. Happy anniversary, hun,” aniya.

Wow naman! Ito na nga ang pinakahihintay ng lahat — ang malaman kung kailan napasagot ni Dominic si Bea!

Maraming friends at followers ang kinilig sa kanyang ibinahaging larawan. May napasabi pa ng ‘Etoo na talaga yungg anivvvvv.’

“Happy anniversary BEADOM”

“OMG!!!!!!! HAPPY ANNIVERSARY”

“Happy anniversary guys!! ilyy both so much anddddddd the long wait is over, we finally know the real date!!!”

Samantala, kamakailan ay sinagot ng aktres ang isang netizen na nag-usisa kung kailan niya balak magpakasal at bumuo ng sariling pamilya kagaya ng ilang mga kasabayan sa show business.

Basahin: Bea sa netizen na nagtanong kung kailan siya magpapakasal: ‘It’s not a race’

Ipinaliwanag ng aktres na hindi siya nagmamadali dahil naniniwala siyang may kaniya-kaniyang timeline ang bawat isa.

“Hindi ako nagmamadali. I’d like to take my time. It’s not a race after all. I believe we all have our own timeline,” saad ng aktres.

Agosto noong nakaraang taon nang kumpirmahin ni Bea ang relasyon nila ni Dominic Roque, ngunit bago ito ay matagal nang usap-usapan ang tungkol sa namumuong romance sa dalawa.

“It just came out naturally. Alam ko na prior to the posting, marami nang haka-haka ang mga tao. It’s not like I was trying to hide it, I think I was just trying to be careful given my past experience. Siyempre, gusto kong masiguro muna kung saan siya pupunta bago siya gawing official,” sabi noon ng aktres sa panayam ng 24 Oras.

Continue Reading

entertainment

‘Ikaw ang aking liwanag’ mystery girl post, hindi galing kay Joshua

Published

on

By

Tapos na nga ba ang pila? Totoo ba na may jowa na ang sikat na aktor na si Joshua Garcia?

Sigaw ng mga netizens, sana all may liwanag!

Usap-usapan ngayon ang isang larawan na ibinagi ng isang Facebook fan page na Joshua Garcia kung saan makikita ang aktor na may katabing babae na hindi maaninag ang mukha. Kung sino nga ba ang masuwerteng mystery girl, ‘yan ang malaking katanungan.

Ang naturang post ay may caption na ‘Ikaw ang aking liwanag’ na mayroong heart emoji.

Wala namang masama sa naturang larawan, subalit nawindang ang mga fans ng aktor sa nakita.

Marami namang tagahanga ang nagkomento na wala na, finish na!

Kaya tanong ng mga netizens, siya na nga ba ang nagpapatibok ng puso ngayon ng aktor?

Maraming namang marites ang nakasagap at nakakuha ng mga larawan na magpapatunay na ang babaeng nasa lawaran na kasama ni Joshua ay walang iba kundi ang Kapamilya actress na si Ria Atayde.

Magkakasama kasi sa isang ‘triple date’ ang magkakaibigang sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Joshua Garcia, Ria Atayde, at Alora Sasam sa isang beach. Kasama rin ang pet dog ni Kathryn na si Snowy.

Ibinahagi pa ni Kathryn sa kaniyang Instagram post ang pakwela nilang mga litrato na may ka-holding hands sila. Wala namang ‘face reveal’ kung sino nga ba ang kahawakan ng kamay ni Joshua sa kanila.

“Why double-date when you can triple-date?! Also, my vote for the ‘Cutest Brunch Date’ award goes to the girl in pink sweater. Hihihi,” saad sa caption ni Kathryn.

Batay sa mga ibinahagi litrato ni Joshua sa kanyang Instagram account, mukhang kasama rin nila ang Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo, gayundin ang komedyanteng si Yubs Azarcon.

Ang mga tagahanga ni Joshua ay kinilig sa nakitang larawan kung saan kasama niya sa jetski boat si Ria.

May mga fans naman na nagsasabing huwag basta lagyan ng malisya ang pagkakaibigan ng dalawa. Hindi ibig sabihin na magkasama sa iisang larawan ay may ‘something’ na nagaganap.

Sa katunayan daw, lumalabas na si Ria ang ‘ate-ate’ daw nila sa grupo ng mga magkakaibigan. Ang tawag sa kanilang grupo ay ‘Nguya Squad’ kung saan isa umano sa mga orihinal na miyembro si Ria.

Hindi lamang ito ang unang beses na nagkaroon ng isyu ang pagkakaibigan nina Joshua at Ria. Noong 2021 pa man ay may umusbong na chika na lumalabas daw umano ang dalawa kapag wala ang grupo.

“We laughed about it. It’s actually like something, ‘Uy rumored boyfriend halika rito.’ Like, I mean, we are friends,” paglilinaw ni Ria sa naging panayam ng  ‘Pop Cinema’ ng Cinema One sa kaniya noong 2021.

Samantala, magkasama sa ngayon sina Joshua at Ria sa teleseryeng ‘Viral Scandal’ sa Kapamilya Channel.

Sa ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon kung may namamagitan nga ba sa dalawa na higit pa sa pagkakaibigan. Si Joshua ay nili-link din ngayon sa sikat na vlogger-actress na si Ivana Alawi. Umamin naman si  Ivana sa kanyang vlog noong Agosto 2021 na si Joshua ang kanyang celebrity crush.

Biro ng mga netizen, ‘Tuloy ang pila kay Juswaaa!’

Continue Reading

Trending