Connect with us

News

GMA kinumpirmang sasailalim sa medical procedure si Mike Enriquez

Published

on

Screenshot mula sa You Tube

Kinumpirma ng GMA 7 na sasailalim sa isang medical procedure ang kanilang beteranong broadcaster na si Mike Enriquez at pansamantalang hindi muna ito mapapanood sa ere sa loob ng hindi bababa sa tatlong buwan.

Sa isang pahayag na inilabas ng Kapuso network nitong Lunes, Disyembre 13, inanunsiyo nito ang  napipintong medical leave of absence ni Enriquez na siya ring concurrent RGMA Network, Inc. president.

Screenshot mula sa You Tube

“He will undergo a medical procedure that will require hospital confinement and, afterwards, a minimum of three months isolation period as advised by his doctor,” ayon sa naturang pahayag.

Ganunpaman, posible umanong makabalik sa kaniyang trabaho ang GMA 7 senior radio-tv anchor bago magsimula ang Eleksyon 2022 coverage ng kanilang istasyon.

Nagpahayag din ng suporta si GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon para sa maagang paggaling ni Mike Enriquez.

Screenshot mula sa Instagram

“We support Mike’s decision to undergo the procedure that he needs. We ask for everyone’s prayers and we wish him Godspeed. We look forward to welcoming Mike back as soon as he is cleared to return to work,” ani Gozon.

Positibo naman umano ang pananaw ng batikang host ng ‘Imbestigador’ para sa kaniyang agarang paggaling na matagal na niyang napaghandaan at ipinagdarasal.

“Mike said he looks forward to the healing he has been praying and preparing for. He also looks forward to resuming his duties specially for GMA’s Eleksyon 2022 coverage,” dagdag na pahayag ng GMA.

Screenshot mula sa You Tube

Kung magugunita, taong 2018 ay nag-file din ng medical leave of absence si Enriquez bilang paghahanda para sa kaniyang bypass operation.

Kinumpirma niya rin noon na nagpapagamot siya para sa kaniyang problema sa kidneys.

Samantala, maraming tagahanga ng news anchor ang nagpahatid ng kanilang suporta at panalanging malampasan ng kanilang idolo ang suliranin nito sa kalusugan upang makabalik na sa ere.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

News

Bilang ng nawawalang sabungero, umakyat na sa 20; PNP inaalam pa kung may sindikatong sangkot

Published

on

By

Nadagdagan pa ang bilang ng mga sabungerong misteryosong nawawala habang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naunang insidente sa Laguna at Maynila.

Lumabas ngayon sa kanilang pagsisiyasat na nasa 20 sabungero na ang basta na lamang naglaho at hindi na nakita pa simula noong nakaraang taon.

Ayon sa PNP, natuklasan nilang may 10 pa palang sabungero mula sa Bulacan ang nawawala rin mahigit walong buwan na ang nakararaan, ayon sa kanilang mga kaanak.

“The plot thickens when ten men from Bulacan who were engaged in a cockfight are added to the list of missing individuals. Their kin said that it has been more than eight months now since their disappearance,” pahayag ng PNP batay sa ulat ng GMA News.

Ang sampung kalalakihang ito umano ay nagpunta rin sa kaparehong sabungan sa Sta, Cruz, Laguna.

Kung matatandaan, unang napaulat ang apat na kalalakihan mula Rizal na nagpunta sa sabungan sa Sta. Cruz noong Enero 13 ang hindi na nakita pa.

Batay sa CCTV footage ng cockpit arena, ang sasakyang ginamit ng mga biktima ay nakita pang lumabas subalit hindi malinaw kung nakasakay sila rito.

Kasunod nito ay 6 ring sabungero ang ‘naglaho’ matapos bumisita sa isang sabungan sa Sta. Ana, Manila sa kapareho ring araw.

Nakunan rin sa CCTV ang kanilang pag-alis sa sabungan sakay ng isang Tamaraw FX habang sinusundan naman ng isa pang kotse.

Kaugnay nito, patuloy pa ring pinag-aaralan ng PNP ang kaugnayan sa isa’t-isa ng tatlong magkakatulad na insidente.

“The CIDG is now connecting the dots. These incidents do have a lot in common. We will find out if there is a syndicate behind these cases,” ani PNP chief General Dionardo Carlos.’

Umapela na rin ang mga awtoridad sa pamunuan at may-ari ng dalawang sabungan upang makilala ang mga handlers at financiers ng mga nawawalang lalaki.

Continue Reading

News

COVID-19 Care Kits sa isang barangay sa Pasig tiniyak na mapakikinabangan ng mga residente

Published

on

covid-19 care kits

Dahil hindi biro ang pinagdadaanan ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19, tiniyak ng pamunuan ng isang barangay sa Pasig City na mapakikinabangan talaga ng mga residente ang kanilang COVID-19 Care Kits.

Ayon kay Barangay San Antonio (BSA) Chairman Raymond Lising, nasa 800 libreng COVID-19 Care Kits na ang ipinamigay nila sa mga residenteng nagpapagaling sa kanilang tahanan. Bawat isang kit ay inihanda upang magamit nila sa panahong naka-isolate sila at hindi makalalabas ng bahay, lalo na iyong mga wala talagang ibang maasahang lumabas.

“So far, we have provided more than 800 kits to our kabarangays who are recuperating at home. We are delivering these kits right at the doorstep of our kabarangays with symptoms of COVID-19,” ani Lising.

covid-19 care kits

Imahe mula sa Barangay San Antonio, Pasig City

Ang isang COVID-19 Care Kit ay naglalaman ng Oximeter, batteries, ascorbic acid tablets, paracetamol tablets, digital thermometer, face masks, garbage bags, at alcohol. Wika ng kapitan, pinaghandaan talaga nila ang mga kita dahil hangad niyang iparamdam sa mga residenteng may COVID-19 na hindi sila nag-iisa.

“We want our infected kabarangays to feel that they are not alone in battling COVID-19. The Barangay San Antonio is here to assist them and help them get back to health,” aniya.

covid-19 care kits

Imahe mula sa Barangay San Antonio, Pasig City

Matatandaang ang BSA ang unang barangay sa Pasig City na namigay ng libreng COVID-19 Care Kits sa mga residentang tinamaan ng nasabing karamdaman. Sa pamamagitan ng mga ito, matutulungan silang ma-monitor ang kanilang health condition habang nasa ilalim ng home isolation, ani Lising.

Hangad daw nila na tulungan ang mga residente na gumaling agad at maiwasan ang paglala ng kanilang kondisyon.

“We are closely monitoring the cases of COVID-19 in our barangay. Once we learn a resident is conducting home isolation, we immediately send him/her a BSA COVID-19 Care Kit,” saad niya.

covid-19 care kits

Imahe mula sa Barangay San Antonio, Pasig City

Bukod sa pamimigay ng libreng COVID-19 Care Kits, patuloy din ang telemedicine program na inilunsad ng barangay para makapagbigay ng free medical consultation sa mga residenteng nasa kani-kanilang tahanan.

“They may avail of the free medical service by contacting BSA on Viber at 0998-842-7154,” saad niya.

Samantala, matatandaang kamakailan ay nakipag-partner din ang BSA sa The Medical City (TMC) para makakuha ng libreng teleconsultation sa TMC doctors ang mga BSA resident sa pamamagitan lamang ng pagte-text sa 0923-4468-181.

“After contacting the TMC hotline, you need to fill out a consent form, Google form and health declaration which will be sent you,” dagdag niya.

Continue Reading

government

Rekomendasyong kasuhan sina Sec. Duque at ex-FDA chief Domingo, binawi ng Kamara

Published

on

By

Ilang oras lamang matapos isapubliko ang committee report na nagrerekomendang sampahan ng reklamo sina Health Secretary Francisco Duque III at dating FDA chief Dr. Eric Domingo dahil umano sa kapalpakan ng mga ito sa pagtugon sa pandemiya, binawi naman agad ito ng Kamara.

Nitong Miyerkules, Enero 26, ay inilabas ang Committee Report No. 1393 na may petsang December 16, 2021 na nagmumungkahing kasuhan sina Duque at Domingo dahil sa paglabag sa Republic Act No 6713 o ang “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees,” at sa “Anti-Red Tape Act of 2007”.

Ang dalawang opisyal umano ay dapat ksauhan dahil sa kanilang “failure to render government services such as approval of applications for automatic renewal within prescribed time.”

Kinuwestiyon din ng report ang magkakasalungat na pahayag ng DOH at FDA hinggil sa Ivermectin bilang gamot sa COVID, pagiging ‘bias’ pabor sa Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases, Inc. (PSMID), at backlogs sa mga aplikasyon sa License to Operate and Certificate of Product Registration.

Ang committee report ay nagmula sa House Committee on Good Government and Public Accountability chairperson na pinamumunuan ni DIWA party-list Rep. Michael Edgar Aglipay.

Nagkamali kaya binawi?

Subalit nitong Miyerkules din ay binawi rin ito ng Mababang Kapulungan dahil hindi pa raw tapos ang kanilang pagdinig tungkol sa nasabing usapin.

“The House of Representatives has always followed the rule of law. And in the constitution enshrined the principle of due process. The resource persons remain such and cannot be respondents unless he was able to attend all hearings and defend himself,” paliwanag ni Aglipay sa mensaheng ipinadala sa mga mamamahayag.

“So with this, the committee will conduct further hearings or get the side of Secretary Duque since he was not able to attend those hearings. Then and only then we will be able to get the full picture,” dagdag pa ng kongresista.

Inamin rin ni Aglipay na nagkamali sila dahil absent umano sa mga pagdinig si Duque at inakala nilang ini-waive ng kalihim ang kaniyang karapatang marinig sa Kongreso.

Continue Reading

Trending