Connect with us

beauty

Kilalanin si Miss Universe 2021: Miss India Harnaaz Sandhu

Published

on

Screenshot mula sa You Tube

Nitong Lunes, Disyembre 13, ay kinoronahan si Miss India Harnaaz Sandhu bilang pinakabagong Miss Universe sa ginanap na coronation night sa Eilat, Israel.

Tinalo ng magandang dilag mula sa India ang 79 pang kandidata kabilang na ang pambato ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez na nakaabot naman sa Top 5.

Imahe mula sa Insider

Si Sandhu ang pangatlong Miss India na nakapag-uwi ng korona sa kasaysayan ng Miss Universe na kinabibilangan ni Sushmita Sen (1994), at Lara Dutta (2000).

Sino si Harnaaz Sandhu?

Sa edad na 21 anyos, ilang pageants na rin ang kanyang nasalihan ni Sandhu at nakapag-uwi ng korona ang  dalagang nagmula sa village ng Kohali sa Gurdaspur district, Punjab.

Kabilang na rito ang Miss Chandigarh 2017, Miss Max Emerging Star India 2018, at Femina Miss India Punjab 2019. Nitong nakaraang Oktubre, tinanghal siya bilang Miss Universe India na kakatawanin ang bansa sa prestihiyosong beauty pageant.

Imahe mula sa India Express

Ang kaniyang ama ay isang realtor habang gynecologist naman ang kaniyang ina. Siya ay may nakatatandang kapatid na lalaki na si Harnoor.

Taong 2006 nang lumipat sila sa England subalit bumalik din ang pamilya makaraan ang dalawang taon. Nag-aral si Sandhu sa Shivalik Public School at sa Post Graduate Government College for Girls sa Chandigarh kung saan siya kumukuha ng Master’s Degree in Public Administration.

Model, actress at beauty queen

Bukod sa pagiging beauty queen, si Sandhu ay isa ring model at aktres. Gumanap na siya sa mga pelikulang Punjabi gaya ng ‘Yaara Diyan Poo Baran’ at ‘Bai Ji Kuttange’.

Imahe mula sa Healthshots

Kahit na busy sa kaniyang ibang aktibidad, priority pa rin ng dalaga ang pag-aaral. Ayon sa kaniyang intro video sa Miss Universe: “I’m the youth of my country. I’m keen to know what’s happening in my country and how it’s administered.”

Nakapagtapos na rin si Sandhu ng Bachelor’s Degree in Information Technology bago nagpatuloy sa kaniyang kasalukuyang kurso.

Adbokasiya

Ipinagmamalaki ni Sandhu ang kaniyang inang gynecologist at sa kaniya umano siya kumukuha ng inspirasyon para maging advocate ng women’s health at menstrual hygiene.

Imahe mula sa m.beautypageants.in

Maliban dito, isinusulong rin niya ang adbokasiya para sa women’s empowerment partikular na ang karapatan ng mga kababaihan para sa edukasyon, careers, at freedom of choice.

Miss Universe Q & A

Ang mga sagot ni Miss India ang isa sa pinalakpakan at hinangaan ng maraming nanood ng Miss Universe coronation night.

Sa Top 5 question, ang tanong sa kaniya ay: “Many people think climate change is a hoax. What would you do to convince them otherwise?”

“Honestly, my heart breaks to see how nature is going through a lot of problems and to all irresponsible behavior. And I totally feel that this is the time to take actions and talk less because each action could either kill or save nature. Prevent and protect is better than repent and repair and this is what I’m trying to convince you guys today,” sagot naman dito ni Sandhu.

Screenshot mula sa You Tube

Ang naging tanong kay Sandhu at sa dalawa pang kandidata sa Top 3 Q & A ay: “What advice would you give to young women watching on how to deal with the pressures they face today?”

“Well, I think the biggest pressure the youth is facing today is to believe in themselves. Let’s stop comparing yourselves to others and let’s talk about more important things that are happening worldwide. I think this is the thing you need to do for yourself — come out, because you are the hero of your own. You have a life of your own. I believed in myself and that’s why I’m standing here today,” ang sagot ni Miss India.

Si Sandhu ay kinoronahan bilang Miss Universe 2021 ni Miss Universe 2020 Andrea Meza ng Mexico.

beauty

Hairstylist na may eye-catching flower braids hinahangaan ngayon sa social media

Published

on

flower braid hairstyle

Hanggang saan aabot ang pag-aayos mo ng buhok? Ikaw ba iyung simple at maayos na suklay lang ay kuntento na o talaga bang gumugugol ka ng ilang oras para maging mas presentable pa ang iyong “crowning glory”? Kung nasa pangalawa ka, tiyak na matutuwa ka sa hinahangaan ng marami ngayon na isang hairstylist mula sa Vietnam dahil sa mga naiiba at eye-catching flower braids na ginagawa nito.

Sa kanyang Facebook, Instagram, at TikTok accounts, pinahahanga ni Nguyen Phat Tri sa kasalukuyan ang maraming social media users sa simpleng pagpo-post niya ng photos at videos ng kanyang mga naiibang obra.

flower braid hairstyle

At masayang-masaya ito dahil noon pa man ay pangarap na niyang maibahagi ang kanyang kakayahan at ipakita sa mundo ang husay ng mga Vietnamese pagdating sa hairstyling.

“I want to inspire creativity in people who share my passion, and I hope to help Vietnam’s hair industry grow and reach the world,” saad niya.

Malayong-malayo sa unang kurso ni Nguyen ang pag-aayos ng buhok. Nagtapos siya ng pag-aaral sa An Giang University, kung saan siya nakakuha ng degree sa Biotechnology noong 2015. Ngunit dahil sa pangarap niya bilang isang hairstylist, nagdesisyon siyang tumungo sa Ho Chi Minh City para pag-aralan ang makeup at hairdressing.

Hindi naman siya binigo ng kanyang pangarap at naging maganda ang resulta ng kanyang mga flower braid.

flower braid hairstyle

Ang mga disenyo ni Nguyen at nakapag-generate ng libo-libong views sa social media. Ang pinakasimple niyang disenyo ay inaabot ng isa hanggang dalawang araw, habang ang iba naman na talagang mabusisi ay matiyagang ginagawa sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.

Sa kasalukuyan ay mayroon umanong high demand sa mga disenyong ginagawa ni Nguyen, kahit pa may kamahalan din ang ilan sa mga ito. Sa katunayan, ilan sa mga bridal design na ginagawa niya ay nagkakahalaga ng $130 hanggang $218, habang ang iba na mas mahirap gawin ay nasa $218 hanggang $305 naman.

flower braid hairstyle

Continue Reading

beauty

Ian Veneracion, naglunsad ng sariling skin care products para sa mga kalalakihan

Published

on

By

Naglunsad ang multi-talented actor na si Ian Veneracion ng sariling skin care products na para sa mga kalalakihang tulad niya ay may active lifestyle.

Timeless by Ian Veneracion ang brand ng produkto. Kabilang dito ang  facial wash, toner, serum, at sunscreen — na ang mga sangkap ay glycerin, salicylic acid, tea tree oil, at niacinamide.

Image from Ian Veneracion

Tagumpay ang launching ng mga produkto na eksklusibong idi-distribute ng I AM Worldwide Corporation, ayon sa business partner ng aktor na si Maricor Flores, na siya ring ka-partner ni Jinkee Pacquiao sa sariling skin care line.

“Grateful that the launch of Timeless was a resounding success yesterday. IAM Worldwide Corporation for the opportunity to work with you. Hi @ianveneracion1 and Paolo Bustamante, Just want to thank you for the effort you render in our venture. Yesterday’s launch was indeed a dream come true and would have not been a success if not for your cooperation and love poured into our partnership. Looking forward for greater things ahead,”  saad ni Ms. Flores sa Instagram post niya.

Sabi ni Ian Veneracion, hindi niya ilalagay sa isang produkto ang kanyang pangalang matagal na inalagan at iningatan kung hindi isya siguradao na mahusay iyon.

Image from Maricor Flores

“Hindi ko ilalagay ang pangalan ko naman sa isang produkto na hindi ako naniniwala or alam kong… you know, hindi ako sigurado. Kasi ang tagal kong inalagaan ‘yung pangalan ko so hindi ko basta ilalagay ‘yun sa produkto na hindi ako bilib,” anang aktor.

Sabi niya, matagal ang naging proseso bago ilabas ang produkto. Neg-eksperimento muna raw sila at sinubukan ang produkto bago ang ginawang launching.

“We started from zero, we came up with the product. Kaya andiyan talaga ‘yung ‘Timeless by Ian Veneracion’ because amin talaga ‘yan. Ineksperimentuhan at sinubukan. Dumalaw ako sa planta, nakita ko ‘yung operations. Iba siya sa endorsement eh. Hindi ko naman ilalagay ang pangalan ko sa produkto nang hindi ako naniniwala,” aniya.

Gumawa raw siya ng research at marami umano siyang inputs sa pagbuo ng produkto, ayon kay Ian.

Image from Ian Veneracion

Continue Reading

beauty

Ivana Alawi, pang-apat sa “100 Most Beautiful Faces of 2021”

Published

on

By

Sa ikalawang pagkakataon ay muling napasama ang pangalan ng actress-vlogger na si Ivana Alawi sa listahan ng “100 Most Beautiful Faces of 2021” na inilabas ng TC Chandler at Independent Critics noong Martes, December 28.

Mula sa 130,000 celebrities mula sa iba’t ibang bansa ay isandaan lang ang pinili ng mga hurado.

Image from Ivana Alawi

Sa isandaang celebrities na napili ay pumang-apat si Ivana Alawi sa ikalawang taon niyang mapasama sa listahan. Noong nakarang taon ay nasa 11th spot siya.

Bukod kay Ivana, dalawa pang Pinay actresses ang napabilang sa listahan – si Liza Soberano at Janine Gutierrez.

Number 18 ang ranking ngayon ni Liza Soberano na isa nang hall of famer sa naturang listahan dahil ito na ang ikapitong taon niyang mapabilang sa 100 Most Beautiful Faces.

Si Janine naman ay nasa 78th spot at ito ang unang pagkakabilang siya sa listahan ng mga celebrities na may magagandang mukha.

“The list introduces new faces to countries they ordinarily would not reach. The Independent Critics search far and wide, listening to many millions of suggestions submitted by the public over the past couple of decades,and they put together a list representative of the modern ideal of worldwide beauty,” sabi ng TC Chandler.

“Aesthetic perfection is only one of the criteria. Grace elegance, originality, daring, passion, class, poise, joy,promise, hope…they are all embodied  in a beautiful face,” ayon pa rito.

Image from TC Chandler

Isang thankless job daw ang ginagawa nila para sa listahang ito dahil hindi naman daw lahat ay sumasang-ayon sa kanilang napipili.

Ang nakasungkit ng number 1 spot sa 100 Most Beautiful Faces of 2021 ay ang Thai singer-rapper-dancer na si Lalisa Manoban na nakabase sa South Korea at miyembro ng K-pop group na Blackpink. Mas kilala siya sa tawag na Lisa.

Noong nakaraang taon ay nasa 2nd spot si Lisa. Isa na rin siyang hall of famer dahil ito na ang ika-anim na taon niya sa listahan.

Image from TC Chandler

Continue Reading

Trending