Connect with us

VIDEO

Misteryosong bakas ng mukha lumilitaw sa salamin ng parlor

Published

on

Dinaragsa ng mga tao ang isang parlor sa Siaton, Negros Oriental hindi para magpagupit o para sa anupamang serbisyo kundi para usyosohin ang diumano ay misteryosong bakas ng mga mukha sa salamin.

Screenshot from KMJS video

Tampok sa isang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang hindi maipaliwanag na bakas ng mga mukha sa salamin sa parlor na pag-aari ni Jeda Curry.

Wika ni Jeda, ang salamin ay binili raw niya sa isa niyang customer noong buwan ng Hunyo upang magamit sa parlor.

Naniniwala si Jeda na may dalang suwerte sa kanila ang parlor, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, sa tuwing may suwerteng dumarating ay may kapalit daw na kamalasan iyon.

Sa tuwing malakas ang pasok ng pera ay may nagkakasakit umano sa mga miyembro ng kanilang pamilya kaya naisipan nilang sumangguni sa isang albularyo.

Nagsagawa ng ritwal ang albularyo noong Oktubre upang maitaboy daw ang masasamang espiritu na nananahan sa kanilang bahay. Ngunit matapos ang ritwal ay doon na nagsimula ang paglitaw ng misteryosong bakas ng mukha sa salamin sa parlor.

Screenshot from KMJS video

Ipinagkibit-balikat lang ni Jeda ang unang paglitaw ng bakas ng mukha at nilinisan lang niya ang salamin upang mabura ang bakas, subalit kinabukasan ay naroroon na naman ang misteryosong bakas ng mukha.

Doon na sila naghinala na kusang bumabalik ang mga bakas.

Sinubukan ni Jeda na magpahid ng pulbos sa mukha at idikit sa ibang salamin ang kanyang mukha pero hindi iyon nakabuo ng bakas ng mukha na kagaya ng lumalabas sa salamin sa parlor.

Sumangguni sila sa isang exorcist priest na nagsabing nararamdaman niya na may bad spirits na naninirahan sa bahay nila Jeda.

Screenshot from KMJS video

Napansin naman ng tiyahin ni Jeda na kamukha ng lolo nila sa tuhod ang bakas ng mukha sa salamin. Posible raw na nagpaparamdam iyon sa kanila.

Nag-imbestiga rin ang kapulisan at sinabing man-made ang bakas.  Nagbabala ang imbestigador na kung mayroong gumagawa ng prank ay puwede itong makasuhan.

Sinabi rin ni Jeda na kung may nagbibiro sa kanila ay hindi raw iyon magandang biro dahil hindi sila makatulog dahil sa takot na nararamdaman. Tiniyak niya na walang sinuman sa kanilang pamilya ang gagawa ng ganoong pananakot.

Screenshot from KMJS video

 

Sa payo ng pari ay binura ni Jeda ang mga misteryosong bakas ng mukha sa salamin.

 

celebrities

‘Nakaraan’ nina Ryan Bang at Yeng Constantino, naungkat sa ‘It’s Showtime’

Published

on

By

Nasurpresa ang mga hosts at manonood ng ‘It’s Showtime’ nitong Biyernes, Enero 28, nang biglang maungkat ni Yeng Constantino ang ‘nakaraan’ nila ni Ryan Bang.

Nagsimula ito sa komento ni Yeng  sa isang contestang ng ‘Tawag ng Tanghalan’ kung saan isa sa mga hurado.

“Minsan, kahit hindi mo nga naging jowa, e, basta nagparamdam na sa ‘yo tapos biglang nawala, naku, napakasakit talaga,” panimula ng singer, sabay hirit “‘Di ba, Ryan?”

Dahil sa pambubuking ni Yeng, napilitan tuloy si Ryan na umaming nanligaw siya dati sa singer matapos usisain ni Vice Ganda tungkol dito.

“Unang crush ko kasi si Yeng. 2010, ‘no, Yeng? Nanligaw ako kay Yeng,” pag-amin ng South Korean actor-host.

Kaagad namang nilinaw ni Yeng na hindi niya binasted si Ryan.

“Pero, hindi kita binasted! Hindi kita binasted noon. Tumigil na lang siya magpadala ng kape,” paglilinaw nito sa host.

Inamin rin ni Yeng na nakikilig siya noon nang nililigawan pa siya ni Ryan. Nalungkot din daw siya nang bigla na lamang itong tumigil sa panunuyo sa kaniya.

“Oo na-sad ako nun,” ani Yeng.

Nang usisain ni Vice kung bakit bigla na lang siyang tumigil at hindi na nagparamdam kay Yeng, napilitan na ring magpaliwanag si Ryan.

“Akala ko, ayaw mo sa akin. Kasi noong panahon na ‘yun, gumigimik kami, kasama ko sila James Reid. Siyempre lumalabas ako tuwing gabi. Inaaya ko siya, ilang beses. Tuwing inaaya ko siya tuwing gabi, hindi siya lumalabas, kaya akala ko ayaw niya sa akin,” kuwento nito.

Maliban dito, akala rin daw niya noon ay nanliligaw din kay Yeng si Richard Poon, na pinabulaan naman ng ‘Chinito’ singer.

Humingi rin ng pasensiya si Ryan kay Yeng matapos siyang ‘pagsabihan’ ni Vice Ganda.

Anito, “Yeng, pasensya na. Dapat pala nagpaalam ako, nagtanong ako sa ‘yo. Noong nanligaw ako, galing naman talaga sa puso ko ‘yon. Ikaw ‘yung pinaka unang-unang crush ko sa buong buhay ko, ikaw ‘yun.”

Panoorin ang kanilang nakatutuwang pag-amin:

Continue Reading

celebrity

Vice Ganda ipinasilip ang bagong luxury car; ‘malas’ daw sa sasakyan kaya nagpalit

Published

on

By

Ipinasilip ni Vice Ganda ang kaniyang bagong-biling luxury car na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P10-M.

Sa kaniyang vlog na ‘New Car Reveal’ nitong Miyerkules, makikitang excited ang komedyante habang hinihintay ang delivery ng kaniyang sasakyan bagama’t pilit niya ring pinipigil ang sarili.

Kuwento ni Vice, mukhang malas siya sa iba niyang sasakyan kaya nagpasiya siyang bumili na lang ng bago.

“Parang minamalas ako sa sasakyan, so sabi ko baka it’s time na bumili na ng bago para ma-dispose na ‘yung ibang lumang sasakyan since ngarag na naman siya,” pagbabahagi ng ‘Unkabogable Star’.

‘Yung isa umano ay nawalan ng preno habang nagda-drive siya. Ang isa naman daw na ginagamit niya kapag pumapasok sa ‘It’s Showtime’ ay nagloloko naman ang aircon unit, habang ang isang sinasakyan niya kapag may shooting ay ‘nangarag’ din.

Ang bagong luxury car na binili ni Vice ay kulay itim na Cadillac Escalade na tinatayang nagkakahalaga ng hindi bababa sa P10-M.

Ipinasilip niya rin sa mga viewers ang magandang interior at ilang makabagong features ng mamahaling SUV.

“Kailangan nating bumili ng bagong sasakyan for safe travels. Ingatan mo ‘yan kuya, ha,” paalala ng ‘It’s Showtime’ host sa kaniyang driver.

Kuwento pa ni Vice, noong Agosto pa nila ito hinihintay subalit hindi available ang kulay na gusto niya.

‘ES’ naman ang napili niyang ipangalan sa bago niyang ‘caru’, na umano ay katas ng kaniyang programang ‘Everybody, Sing!’.

Panoorin ang vlog ni Vice Ganda na umani na nang mahigit 1 milyong views sa loob lamang ng dalawang araw:

Continue Reading

Social News

Batang sementeryo noon, miyembro na ng SWAT team ngayon

Published

on

By

Kapag bata ka pa, hindi mo alam kung saan ka dadalhin ng kapalaran. Sino ba naman ang mag-aakala na mula sa pagiging batang-sementeryo ay  mararating niya ang estado bilang miyembro ng MPD SWAT team?

Siya si PO1 Angelo ‘Yong’ Borlongan na kabilang sa SWAT team ng MPD. Ang 28-anyos na police officer ay sa sementeryo ipinanganak at doon na rin lumaki at nagkaisip kasama ang kanyang nanay, lolo at lola.

Viral na pulis

Nag-viral si PO1 Yong dahil sa isang video sa Tiktok kung saan plano niya sanang magsayaw ngunit biglang pumasok ang kaniyang team leader  na naghahanap ng kutsilyo para tanggalin ang tali sa walis. Ang video na ito ay humakot  ng mahigit 8.7M views. Dahil dito ay ifineature siya ng Rated Korina.

Si Yong pala ay lumaki sa sementeryo kapiling ang kanyang ina at ang lolo’t lola. Ang kanyang lolo ay isang sepulturero at naging katu-katulong nito si Yong.

“Bilang isang bata, nagkaroon po ako ng pangarap sa buhay. Nakita ko po ‘yung aking mga magulang, ang aking mga lolo kung gaano kahirap,” paglalahad niya.

Walang permanenteng trabaho ang pagsesepulterero, kaya iniwanan si Yong ng kanyang ina sa kanyang lolo at lola para hanapin ang kapalaran sa ibang lugar.

“Wala ‘kong mapapag-iwanan kundi mga magulang ko lang ang pagkakatiwalaan ko, kailangan kong maghanapbuhay, pumapasok sa pabrika para kahit papano siyempre meron din silang makain. Napakahirap po ng isang single mom,” ani Alona Borlongan, nanay ni Yong.

Dumating rin sa punto na halos walang ulam at kanin lang umano ang kinakain nina Yong.

Noong 2003 bumalik at kinuha siya ng kanyang ina sa kanyang lolo at lola at pinalaki na siya ng kanyang stepfather.

Pagka-graduate sa highschool, hindi na niya inasahan na siya ay makatutuntong pa sa kolehiyo. Ngunit nagtulong-tulong umano ang mga magulang ni Yong at mga kamag-anak sa sementeryo para matustusan ang pag-aaral niya sa kursong BS Criminology.

Sa wakas ay nakatapos na siya ng kolehiyo at naging ganap na pulis nang pumasa sa board exam noong 2016.

“Siyempre po maraming salamat sa Diyos dahil maiisip mo na sitwasyon mo ganun, pero napakasaya maam, Maraming salamat sa Diyos,” aniya sa kanyang panayam sa Rated Korina.

“Naiiyak ako dahil sa dinami dami ng tao, ako pa ‘yung isa sa mga pinili ‘di ba, na maging isang alagad at tagapagpatupad ng batas, sinisikap na maging isang mabuting pulis, ‘di ba po?” aniya.

“Kaya po nakakaiyak dahil sa tuwa, walang mapaglagyan po yung tuwa,” dagdag pa niya.

Nang magkatrabaho ay umupa sila ng kanyang nanay ng bahay sa halagang P4,000 na kadikit din lang ng sementeryo. Kung dati ay sa ibabaw ng nitso siya natutulog, ngayon kahit paano ay may silid na siya at higaan.

“Hindi ko po maiiwan itong sementeryo kasi andito po ang aking comfort zone, dito po ako masaya, nandito po ang buhay ko, walang sasaya pa dito sa lugar na to kahit na ako’y bigyan pa ng pagkakataon ng diyos na mas lalong umangat pa hinding hindi ko kakalimutan ‘tong lugar na to dito na po ako eh, dito na po ako lumaki, dito na rin po ako hihimlay,” pagtatapos niya sa panayam ng Rated Korina.

Panoorin si Gwapulis:

Continue Reading

Trending