Connect with us

Others

Usapang negosyo: Mahirap nga bang kasosyo ang kaibigan o kamag-anak

Published

on

Mahirap nga bang kasosyo ang kaibigan o kamag-anak?

Nagbahagi ng kanyang pananaw ang sikat na wealth and life coach na si Chinkee Tan kaugnay dito.

Sa totoo lang, maraming tao ang nais ding pasukin ang pagnenegosyo lalo na nitong nangyari ang pandemya. Dahil maraming naapektuhan at nawalan ng trabaho, pagnenegosyo ang naisip ng ilan upang maitawid ang mga pangangailangan ng pamilya. Kanya-kanyang diskarte, ‘ika nga.

Marami talagang nais ding magnegosyo, ngunit sa dami ng kinukonsidera at pinag-aaralan, bukod sa uri ng negosyong nais subukan, naroon din ang posibilidad na pumasok sa partnership o pakikipagsosyo lalo na kung kapos sa personal na pondo. Nariyan na ang paghahanap ng makakasosyo upang tuluyang mailarga ang naiisip na negosyo dahil kulang pa ang badyet o naiipon.

Kapag ganito ang scenario, ang kadalasang tanong – – ok lang kayang makipagsosyo sa kamag-anak/kapamilya o kaibigan?

Mayroon sigurong sasagot ng oo, kasi kaibigan nga eh, kamag-anak nga eh…so malamang hindi ka lolokohin? Mas mainam nga bang kamag-anak para ‘hindi makakatakbo’ pag nagkaproblema? O kaya ay iniisip mong mas safe kasi hindi sila ‘others’ at mas magmamalasakit sa negosyo dahil nga hindi na sila ‘iba’?

Video screenshot via Chinkee Tan YouTube

Well, wala namang mawawala kung pakikinggan muna ang mga “paalala” ni boss Chinkee  — ang popular na financial expert at author ng maraming aklat tungkol sa kaperahan at pagnenegosyo.

Kaya’t sa tanong kaugnay sa pagnenegosyo at pagkuha ng kasosyo, sino nga ba ang mas mainam? Kaibigan ba o kamag-anak? Sino ang better option?

Nagbigay siya ng walong dahilan na nararapat umano nating ikonsidera at pag-aralan bago tayo pumasok sa negosyo  na may pakikipagsosyo. Worth namang pagtuunan ng time para makapagmuni-muni dahil hindi basta basta ang pagpasok sa negosyo lalo na ngayong may pandemya. Be triply careful lang tayo.

8 Points to Ponder

Ibinahagi ng itinuturing na wealth and life coach ang walong dahilan kung bakit mahirap maging kasosyo ang kaibigan o kamag-anak sa negosyong nais mong pasukin.

Malalaman mo ito sa kaniyang YouTube video kalakip ang mga paliwanag sa bawat puntong ibinahagi niya. Inilahad niya na bilang mga kamag-anak o kaibigan, naroon ang posibilidad na:

• Mahirap silang pagsabihan (masyadong emosyonal?)
• Mahirap utusan
• Mahirap mag-suggest
• Mahirap magkaroon ng hindi pagkakaunawaan

• Mahirap kung masaktan
• Mahirap magbilangan
• Mahirap magpaliwanag
• Mahirap maningil

Isa-isa niya itong tinalakay kaya’t matamang makinig sa kanyang paliwanag at halimbawa, kung ikaw man ay nagpaplanong magnegosyo o kaya’y kinukuhang kasosyo. Mahirap din namang magsisi sa bandang huli kaya’t tignan rin ang punto de vista, ‘di ba? Tapos samahan lagi ng dasal ang bawat desisyong gagawin!

Maraming nagkomento at sumang-ayon sa kanyang vlog lalo na yaong mga nakaranas na ng kanyang mga nabanggit.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Nostalgia

Balik-tanaw: Ang mga binabakat nating barya sa papel noong tayo’y nasa elementarya pa

Published

on

binabakat barya papel

Natatandaan mo pa ba ang mga libangan ninyong magkakamag-aral kapag walang ginagawa sa eskwela? Binabakat mo rin ba sa papel ang barya noong ikaw ay nasa elementarya pa?

Isa sa mga kinaaliwang gawin noon ng mga bata ang pagbabakat ng mga barya gamit ang papel at lapis. Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, nagbalik-tanaw ang maraming social media users na naging libangan nila noong kabataan ang gawaing ito.

“Kumpleto ang kabataan mo kung nagawa mo ‘to,” saad ng nakasulat sa imaheng ini-upload ng page.

binabakat barya papel

Madalas itong gawin kapag may bakanteng oras sa paaralan o maagang natapos sa ginagawa; may mga gumagawa rin nito sa bahay bilang pampalipas ng oras kung wala naman masyadong takdang-aralin. Marami kasi ang natutuwa sa sayang dala ng mga baryang papel na maaaring paglaruan pagkatapos bakatan ng coins. Ang iba, ginagawa raw itong pera-perahan. Ang ilan, basta itinatabi lang anga binakat nila.

“Yes po, during my elementary days. Palaging humihingi ng pambili ng lapis at bond paper kina nanay at tatay,” tugon ng social media user na si C. Mejos Sabado.

“Ako, nagawa ko na ‘yan noong elementary. ‘Pag wala kang magawa noong kabataan mo, dudukot ka sa bulsa mo ng barya tapos ibabakat mo sa papel,” pagbabahagi ni R. Escopete.

“Yes na yes po! Lagi ko ginagawa iyan noon! Ang ganda kasing kaskasin kasi po natutuwa ako dahil humuhubog pera na siya at ginugupit ko kase parang pera na ang itsura n’ya, ‘di ba po, kadekada?” kumento ni W. Caparas.

May mga nagsabi rin na sa paraang ito, nararamdaman nila na marami silang pera kahit ang totoo ay barya lamang ang mayroon sila sa bulsa.

binabakat barya papel

Ikaw, ginawa mo rin ba ito noong bata ka? Ano ang hindi mo makalilimutang alaala na may kinalaman sa libangan na ito? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section ng post!

Continue Reading

beauty

Get to know our very own Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez

Published

on

By

Get to know Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez: community development worker and a Philippine Navy Marine Reservist.  Ito ang intro sa video na ibinahagi ng Miss Universe channel sa sharing platform na YouTube at sa Facebook.

Dito ay ibinahagi ng ating 26-anyos na pambato sa 70th Miss Universe pageant ang ilang personal na bagay tungkol sa kanya.

Aniya, siya ay lumaki sa pag-aaruga ng kanyang single mother. “I was raised by a single mom and she had quite a hard time managing our household.”

Makabuluhan umano ang naging papel ng volleyball sa kanyang buhay pagkat sa pamamagitan nito ay nakatapos siya ng high school at nakatuntong sa kolehiyo sa pamamagitan ng athletic scholarship.

“Being a part of the volleyball varsity team is not just something I take as an achievement, but it is something that really changed my life for the better because I was able to help my mom in some way and I was able to make her proud,” pagbabahagi niya sa video.

Ang kanyang alma mater ay ang University of San Jose-Recoletos in Cebu. Kinukuha niya ang kursong Bachelor of Arts major in Mass Communications ngunit napatigil muna dahil nagfo-focus siya ngayon sa community development work at sa pageantry.

Sa isang ulat na inilabas ng unibersidad ay sinabing: “In college, she studied at the University of San Jose-Recoletos and pursued a degree in Mass Communications. On the side, she also became one of the varsity players for volleyball. However, certain circumstances made her stop going to college. She expressed that she has plans to continue her studies and earn a diploma when circumstances allow.”

Bukod sa pagiging volleyball player, ibinahagi ni Beatrice na siya ay miyembro ng Philippine Navy Marines kung saan siya ay sumailalim sa mga physical trainings.

Sa pagtatapos ng kanyang video ay ibinahagi ng Cebuana beauty na siya ay nagpapasalamat sa suporta ng Pilipinas sa pagpapadala ng isang miyembro ng LGBTcommunity na para sa kanya ay isa umanong “big deal.”

Aniya, “It’s a big deal because we are here to give positivity and be an inspiration especially to the young children who are looking up to us — that they can be whoever they want to be when they grow up.”

Lumikha ng ingay sa kasaysayan si Beatrice bilang pinakaunang kandidata na miyembro ng LGBT na naputungan ng Miss Universe Philippines crown.

Makahahabol pa sa voting para sa ating PH representative. Magtungo lamang sa website ng Miss Universe 2021 at hanapin ang profile ni Beatrice Luigi Gomez. Your vote matters!

Support our Miss U bet Beatrice Luigi Gomez by casting your VOTE. Click the image to vote.

Makatutunggali ng ating pambato ang mahigit 70 candidates sa 70th edition ng Miss Universe na gaganapin sa Israel. Ating dalangin na sana ay masungkit niya ang pang-limang korona para sa Pilipinas!

Panoorin at i-like ang kanyang video sa Miss Universe channel via YouTube.

Samantala, maaari ring ipahayag ang suporta sa ating PH bet sa video na ibinahagi sa Facebook ng Miss Universe organization:

Click the image to watch the video

 

 

Continue Reading

animals

Sepanx is real maging sa mga alaga nating aso at pusa

Published

on

By

Ang ‘sepanx’ o separation anxiety ay hindi lang pala sa mga tao nangyayari kundi maging sa mga alaga nating fur babies gaya ng aso at pusa. Karamihan sa atin ay talagang nanatili sa bahay noong mga panahon na ipinatupad ang lockdown sa ating bansa. Mayroon pa ngang napa-work from home o kaya’y nagnegosyo sa mismong tahanan.

Dahil sa mas maraming oras na inilalagi sa bahay ngayong may pandemya, hindi lang quality time with family ang nabuo kundi pati ang mga fur parent nagkaroon din ng extra bonding at oras sa kanilang fur babies. Pero ngayong unti-unti nang bumabalik sa dati ang trabaho at mas madalas nang nasa labas ng bahay, paano maaawat ang mga pet na nasanay nang laging kasama ang kanilang bossing? Sepanx is real din ba sa mga alagang hayop gaya ng aso at pusa?

Image via Pixabay

Narito ang ilang mga palatandaan ng ‘sepanx’:

Kung ang fur baby mo ay tila balisa kapag paalis ka, naninira ng mga bagay bagay kapag nilisan mo ang bahay, sinusundan ka saan mang bahagi ng bahay ka magpunta, tila ‘nagwawala’ sa kasabikan sa iyong pagbabalik at parang minamasdan ka nang mataman bago ka man lumabas — posibleng may kinakaharap kang kaso ng separation anxiety sa iyong alaga.

Ang mga aso’t pusa na may ganitong kalagayan ay nakikitaan ng mga sintomas ng pagkabalisa at naiibang asal (behavior problems) lalo na kapag sila’y naiwang mag-isa. Ang ilan sa kanila ay naghuhukay, nagkakamot (scratch) ng mga pinto o bintana sa pag-asam na makahabol o makasama sa kanilang fur parent.

Yaong hindi makatagpo ng paraan para makalabas ay kadalasang naninira ng gamit gaya ng sofa, mga unan o anumang nasa paligid nila (destructive chewing), walang tigil o paulit-ulit na pagtahol, pag-alulong o pag-atungal.
Naroon ding ihian o dumihan nila ang mga lugar na hindi naman nila karaniwang ginagawa pagkat may nakasanayan na silang designated na area para dito.

Mayroon ding tila nagha-hunger strike o ayaw kumain o kahit uminom ng tubig kahit pa may ibang tao sa paligid bukod sa pinaka-amo ng pet.

Image via Pixabay

Ano ang mga sanhi ng separation anxiety?

Ayon sa isang artikulo sa The Humane Society, hindi gaanong malinaw kung bakit ang ibang alaga natin ay nakararanas ng ‘sepanx’ samantalang ang iba naman ay hindi. Ngunit tandaan, ang behavior ng iyong pet ay bahagi ng tinatawag na ‘panic rsponse.’ Hindi umano tayo pinarurusahan ng ating mga alaga. Bagkus ay nais lamang nila tayong umuwi na!

Narito ang ilang scenario na posibleng nagti-trigger ng separation anxiety:

  • ‘Yung maiwan sila sa unang pagkakataon
  • ‘Yung maiwan sila matapos masanay na laging may human contact o may kasama sa bahay
  • Kapag nakaranas ng isang nakato-traumang pangyayari gaya ng paglalagak sa kanila sa isang boarding kennel
  • Kapag may pagbabago sa routine ng pamilya o sa istraktura, o kaya’y pagkawala ng isang mahalagang miyembro ng pamilya or ng katulad niyang fur baby

Ano ang mga maaaring gawin kaugnay dito? Panoorin ang segment na ito ng ‘Dapat Alam Mo’ para sa ilang tips:

Source: The Humane Society

Continue Reading

Trending