Connect with us

Social News

Netizen naglabas ng himutok kaugnay sa kumareng nag-PM, ‘Sorry mahirap lang talaga si Ninang’

Published

on

“Ganito na ba huminge ng tulong ngayon may presyo na? Ang sakit lang sa part ko… Sorry mahirap lang talaga si ninang”

Naglabas ng sama ng loob ang isang ninang sa kanyang social media account. Kalakip ang ilang screenshots ng chat sa isa niyang kumare ay napahimutok na lamang ang dalagang ninang.  Kapag ganitong magpapasko ay maraming nakakaalala sa mga ninong at ninang.

Image via Pixabay

Nagsimula ito sa pag-message ng kanyang kumare kaugnay sa ibinahagi niyang ‘My Story’ na tila kumain sila ng kanyang ‘jowa’ (katipan) sa labas . Komento sa kanyang larawan, “Puro kayo kain ah baka naman gusto mo tulongan inaanak mo kahit isang libo lang kahit di ka na magbigay ng pamasko mare.”

Tumugon naman si ninang at nagtanong kung seryoso ba ang kanyang kumare sa hinihingi nitong isang libo. Ipinaalam din niya na nakapamili na siya ng pamasko sa 22 niyang inaanak at nagtitipid siya dahil marami siyang bibigyan.

Nasabihan pa siyang madamot at kain nga daw sila nang kain ng kanyang jowa at pati katawan niya ay pinuna nito; “kaya antaba mo na eh tapos isanlibo wala ka imposible ang damot mo na inaanak mo naman to.”

Barya lang umano sa ninang ‘yung isanlibo. “Barya lang sayo yan ang dami nyong pera eh.”

Nang padalhan niya ng screenshot ng laman ng kanyang Gcash ang kumareng nangatok sa PM ay pinagdudahan pa ito. “837 we syempre meron ka pa dyan sige na mare need ko lang talaga may sakit kc si  (inaanak) sigeh na ikaw lang talaga malalapitan ko (emojis) 

Screenshot ng Facebook post

Nagkapalitan pa sila ng mensahe na ang kinauwian ay ang pagpapadala ng ninang sa kanyang kumare ng halagang P830 sa pamamagitan ng GCash  bilang tulong sa inaanak na diumano ay may sakit at siya lamang daw ang malalapitan.

Pumayag na rin ang kumare sa bandang huli. “Sige ayos na yan wala naman akong magagawa kung ayaw mong gawing isanlibo,” bitaw pa nito. Nang tila naiinip na sa pagpasok ng transfer ay nag-call pa ito nang ilang beses sa ninang ng kanyang anak.

Nang ipinadala na ang resibo ng transfer ay tila nangantiyaw pang bakit hindi pa isinama ang syete pesos na butal. “Hindi mo pa sinama yung 7 pesos pero sigeh salamat mare sa 830,” sabi nito.

Screenshot ng Facebook post

Umabot ng mahigit 90K shares ang himutok post ng ninang netizen na naglabas lang naman daw ng sama ng loob at hindi niya sukat akalaing maraming makaka-relate. Mayroon ding mga nagduda na baka scripted lamang at gumamit ng dalawang cellphone ang nag-post. Ngunit bukod sa kaibigan, pati nanay ng netizen ay nangaral na rin tungkol dito.

Komento ni Jho Castaneda “gusto klang ipaalam sa mga nanay ng inaanak ni melanie, wala pong pera c melanie bnibigyan klang yan, kung nkkita nyo na laging nkain libre lang po un, ang mga nanay ng mga nenang ng anak, wag nyong obligahin ang nenang kung magbgay o ndi, magpasalamat na lang tau kung may magbibigay, lalo na wag nyong presyuhan kung magkano, wala pong permamenteng work c melanie nag aaral payan, kya wala pong pera c melanie kya wag nyong obligahin dapat ndi nyo kinuha na nenang c melanie alam nyo naman na walang work na permaminte ok”

Magkakasolian kaya ng kandila? Image via Pixabay

Saad naman ng isang kaibigan : “totoo pong nangyari yn kay melai…wag kc kayong judgmental..porket may nakita kayong ganyan e nila lahat mo na…. may mga tao talagang demanding kesyo kumare sagot mo cake s bday ng inaanak mo sana 2 layer naman kc common na ang isa… mare may sapatos yun nalang gift mo s inaanak mo… mare wag laruan o damit pwd cash mo nalang ako nalang mamili.. lahat na yn naencounter ko n po.. kaya ginagawa ko hinihingi ko baptismal ng anak nila.. in the end d pala ako nakalista.. kasama ka naman s last nanga edited pah..”

Samantala, isang Facebook post tungkol sa mga ninong at ninang ang nag-viral din sa social media. Isa itong paalala na hindi dapat ginagawang obligasyon ang pagbibigay ng regalo, materyal man o cash, sa mga kinukuhang ‘pangalawang magulang.’ Sana lahat ng magulang ganito ano?

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Social News

Wedding vow ng groom na sobrang kabado: ‘tinitipan kita ng kanyang bahay ang aking bahay na may bahay’

Published

on

By

Para sa mga couples, ang kanilang wedding day ang ‘pinakamahalagang araw’ sa kanilang buhay, lalo na kapag talagang mahal n’yo ang isa’t isa. Hindi nakapagtataka na sa araw na iyun ay may halong kaba at pananabik ang mga ikakasal kapag nasa altar na.

Nag-viral ang isang video clip na ibinahagi ng Facebook page na Tambayan ni mael; kung saan ay mapapanood ang pagpapahayag ng wedding vow ng groom.

Dahil yata sa labis na kaba ay hindi makapag-concentrate ang ating bida sa kanyang linyahan sa kasal.

Bitaw niya sa kanyang bride, “Stephanie sa harap ng Diyos at ng kanyang sambayanan tinitipan kita ng kanyang bahay… ang aking bahay (napapikit)… na may bahay.” 

Hindi mapigilang matawa ng mga naroroon kabilang na ang bride at ang paring nagdadaos ng kanilang matrimonyo. Agaw pansin din ang reaksyon ng bride.

“House and lot ang gusto mo ah, hindi si Stephanie!” biro ng pari. “Ulit-ulit” dagdag pa nito.

Inulit muli ng pari ang pagdidikta ngunit ilang beses pa ring nagpaulit-ulit ng sabi ng ‘bahay’ ang groom.

 

“Stephanie sa harap ng Diyos at ng kanyang sambayan tinitipan kitang aking maging bahay …, pag-ulit ng groom na humakot na naman ng tawanan.

Hindi nagtagal ay ibinigay na lamang ng pari ang kanyang librong hawak sa groom. “Basahin mo na nga,” ani father.

Ayun, nabuo din sa wakas ang wedding vow ng groom. Truly unforgettable wedding!

Ang mga netizens ay sobrang naaliw kaya naman ang video ay nagkaroon na ng 315k reacts, 9K comments at 7.1M views as of posting.

“Yung Kinakasal ka pero Bahay na agad ang nsa isip mo.”

“Congratz po imbes maiyak kasi kasal puro tawa ako eh pero ang cute n’yo po mag jowa este mag asawa pala.”

“I LOVE the Future Wife’s Gestures…If di mo pa na experience yong Tap sa dib2 at kurot sa pisngi then you don’t know how much LOVE that goes with it.”

“I can imagine how their life will be full of laughters and joy God bless your union.”

“The happiest bride that I’ve ever seen…Congrats to both of you.”

Nagbahagi din ng video sa YouTube ang newly weds na sina Steph at Alfie Magpantay.

Continue Reading

celebrities

Seth Fedelin sa mga fans: ‘SethDrea will conquer the world’

Published

on

By

Nitong Linggo, Enero 23, 2021 ay nakasama si Seth Fedelin sa isinagawang digital benefit program ng “Isang Daan sa Pagtutulungan” na  para sa mga biktima ng bagyong Odette.   Doon ay natanong siya kung paano ang relasyon nila ni Andrea. Sinagot naman ito ni Seth at sinabing ”SethDrea will conquer the world”.

“SethDrea will conquer the world at siguro naman sa sinabi kong ‘yun nasagot ko na ‘yung tanong niyo. SethDrea is forever,” aniya.

Nagpahayag din si Fedelin ng mensahe sa kaniyang ‘mahal’.

“Kakarating ko lang ng bahay, kakatapos ko lang kumain at maya-maya papasok na rin ako sa Zoom. Gusto ko lang ulit ipaalala sa’yo kung ano ‘yung tayo, saan tayo nagsimula. Alam natin sa isa’t isa ‘yung mga bagay-bagay,” sabi niya.

“Let’s conquer the world. I miss you,” dagdag pa niya.

Naging mainit na paksa sa social media kamakailan sina Andrea Brillantes at Francine Diaz, dahil usap-usapan ng mga fans ang tungkol sa status ng kanilang pagkakaibigan.

Napansin ng mga tagahanga nila na tila hindi na naka-follow ang mga young actress sa isa’t isa sa Instagram, na humantong sa mga haka-haka kaya’t nag-trend sila sa Twitter.

Ang maliwanag na pagkaputol ng ugnayan nila sa social media ay nangyari nang mag-upload ang aktres na si Francine ng kanyang family picture kasama si Seth na kilalang screen partner ni Andrea.

Si Seth Yancy Fronda Fedelin ay isang aktor, modelo, mang-aawit at mananayaw. Unang lumabas sa telebisyon si Seth bilang housemate sa reality show na Pinoy Big Brother: Otso. Mula noon ay lumabas na siya sa iba’t ibang pelikula at serye sa telebisyon, tulad ng ‘Kadenang Ginto’ at ‘Huwag Kang Mangamba’.

Sina Andrea at Francine, kasama sina Seth at Kyle Echarri, ay mga orihinal na miyembro ng The Gold Squad, na nabuo sa panahon ng kanilang drama na “Kadenang Ginto” noong 2018. Ang tambalan nina Andrea at Seth ay kilala bilang “SethDrea” habang ang loveteam nina Francine at Kyle ay tinaguriang “KyCine.”

Nagkasamang muli ang apat sa primetime series na “Huwag Kang Mangamba” noong 2021.

Continue Reading

Social News

‘When mommy is life but majorette is lifer’: Buntis na dating majorette, nagpabilib

Published

on

By

Matindi ang tawag ng musika kaya’t hindi na nakapagpigil pa ang isang babae na magpakitang gilas sa publiko nang dumaan ang isang banda. Kaya lang ay buntis siya!

Ibinahagi ni Sharmaine Federizo sa kanyang Facebook account nitong January 23 ang video ng isang buntis habang nagme-majorette performance ito sa gitna ng kalsada.

“ATE YUNG BATA!   HHAHAHAHAHA” ang caption ni Sharmaine sa video clip. Kapansin-pansin namang malaki na rin ang tiyan ng ginang.

Makikitang hawak ng babae ang dalawang baton at nagme-majorette moves ito sa saliw ng tugtog ng banda. Halatang na-miss ni ate ang kanyang majorette days ah! Ang galing niya!

Maririnig sa video ang hiyawan ng mga tao at may mga sumisigaw pa ng “Ate ang bata!”. Maliksi kasi at ‘bouncy’ ang ‘da moves’ ng babae kaya’t hindi maiwasang mag-alala ng ibang nanonood sa kanya.

Ang buntis ay nakilalang si Nicole Caimoy Marbella na isa palang dating lead majorette. Siya ay taga Tanay Rizal  at nagdaraos ng pista sa kanilang lugar noong Linggo.

Instant celebrity

Humakot agad ang naturang video ng mahigit 13k reactions at may halos 700K views na sa Facebook clip pa lang.

Marami ang naaliw at mayroon din namang nabahala sa pag-indak ng ginang. Baka daw kasi ito mapaanak nang wala sa oras.

“Hooyyyu. Nicoleeeeee… Uwi.. Makukurot kita jan.”

“Ako lang ba yung kinakabahan kasi baka matamaan tyan nya haha.”

“Pag passion mo talaga kahit ilang dekada ang lilipas pag nagawa mo uli ang saya ng feeling parang ako passion ko sumayaw dito ko na lang sa TikTok nilabas.”

“Galing ni ate.”

“When mommy is life but majorette is lifer.”

“Tapo paglabas nung baby nag mamajorette na rin HAHAHAHAHHAH cotton buds hawak n’ya.”

“ay Bongga hehehehh dating majoret ata.”

May mga naka-miss din noong panahon na nagma-majorette pa sila. “Yung laking Banda ka nakakamiss to nung Elem/highschool.”

Naalala ko nung nag majoritte din ako during my teenage ang saya saya lalo na kapag naka uniform na kami at nagpaparade”.

Panoorin ang video:

Continue Reading

Trending