Connect with us

sports

Boxing legends na sina Pacquiao at Mayweather maghaharap sa basketball dito sa Pilipinas

Published

on

Ang mga alamat sa larangan ng boxing na sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr ay muling magkakaharap. Hindi sa boksing kundi sa basketball.

Kinumpirma ng magkalabang mortal sa boksing ang charity basketball game na ang koponan ng bawat isa ay palalakasin ng mga former NBA players.

Screenshotfrom FightHype

Ang exhibition basketball game nila ay gaganapin sa buwan ng Enero sa susunod na taong 2022  hindi sa Las Vegas, Nevada, na tinaguriang boxing capital of the world,  kundi dito mismo sa Pilipinas.

Kinumpirma ito ng American boxing great sa isang panayam na ibinahagi ng Fighthype.

“Me and Pacquiao actually…we’re gonna play basketball in the Philippines. That’s coming up soon….I think January,”  pahayag ni Mayweather, Jr sa panayam.

Aniya, hindi one-on-one ang basketball match. Biro ni Mayweather, malaki naman daw ang kanyang private jet kaya kasya ang isang basketball team.

Tiniyak niya na magiging interesting ang exhibition basketball match nila ng pambansang kamao.

Pulitika ba ang dahilan ng basketball match?

Image from Technotrenz

 

Nagpakatotoo si Mayweather na posibleng ang basketball match na ito ay gagawin para matulungan si Manny Pacquiao na maipanalo ang kanyang presidential bid.

“He could be bringing this over here to help him win,” aniya na inaming suportado niya ang kandidatura ni Pacquiao sa kabila ng ipinalalabas ng media na sila ay magkalabang mortal.

“Even though, they made us — it’s really the media, the media can always paint the picture the way they wanna paint the picture,” paliwanag pa ni Mayweather, Jr.

Hindi Pulitika kundi kawanggawa

Image from Manny Pacquiao

Kinumpirma rin ni Pacquiao ang charity basketball game.

“May ino-organize kaming basketball game. Bubuo siya ng team niya, mag-buo rin ako ng team ko na may dalawang former NBA player na maglalaro. Dito sa Pilipinas. Baka January,” ani Pacquiao.

Pero itinanggi niya na may bahid ito ng pulitika. Ang kikitain umano ng kanilang basketball match ay mapupuntang lahat sa kawanggawa.

Ang purpose namin is basketball game. Sports ‘yan eh. Kung ano man ‘yung pulitika natin dito, sa atin ito. Iba naman ‘yung sa amin,” paliwanag niya.

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrities

Misis ni Terrence Romeo nabaon sa utang dahil sa ‘bisyo’ ng PBA player?

Published

on

By

Imahe mula sa Instagram/PNP

Isa umano sa posibleng dahilan kung bakit nabaon sa utang ang misis ni San Miguel Beer guard Terrence Romeo ay ang pagkalulong  umano sa ‘bisyo’ ng basketball player, ayon kay Lolit Solis.

Sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, Enero 14, sinabi ni Manay Lolit na naaawa siya kay Pia Romeo (Beatrice Pia White) dahil bata pa ito subalit baon na sa utang at ngayon ay nahaharap sa iba’t-ibang kaso.

“Isang napakahirap na problema sa lahat Salve iyong PERA. Kaya na imagine ko kung gaano kabigat siguro ang ulo ni Pia Romeo, asawa ni Terrence habang araw araw siyang hinahabol ng mga taong inutangan niya ng pera,” panimula ng beteranang entertainment columnist.

“Ewan ko kung tutoo na dahil sa naging ‘bisyo’ daw sa sugal ng asawang si Terrence kaya nabaon sa utang si Pia,’ dagdag pa nito.

Imposible naman daw na hindi alam ni Terrence na may problema sa pera ang kaniyang misis.

Mas higit na nakaaawa umano ngayon ay ang anak ng mag-asawa na napakabata subalit nahaharap na sa malaking problema at kahihiyan ang kaniyang ina.

“Isang bagay kasi na dapat lagi mo nasa isip, huwag dapat lalagpas sa kinikita mo ang ginagasta mo. Huwag mo pasukin ang bisyo na magiging problema mo later on. At kung hindi kaya, huwag pilitin,” ayon pa kay Manay Lolit.

“Iyan pera kasi, pag hinahabol mo mas lalong lumalayo sa iyo, lalo kang tutuksuhin,” wika pa nito.

Parang wala na raw pagmamahal pa ang player sa misis nito dahil hinayaang harapin ang napakalaking problema nang mag-isa. Dapat umano sa mga ganitong pagkakataon ay magkasama silang lutasin ang malubhang suliranin na kanilang hinaharap.

Nauna nang napabalita na nagkahiwalay na sina Terrence at Pia bago pa man pumutok ang balitang naaresto ng mga awtoridad ang babae dahil sa iba’t-ibang kaso gaya ng carnapping at estafa.

BASAHIN: Terrence Romeo, iniwan nga ba sa ere ang asawang nasakote ng awtoridad?

Ibinulgar din kamakailan ni Ogie Diaz na isa siya sa mga pinagkakautangan ni Pia na umabot na umano sa mahigit P5-M ang nakuha sa kaniya at maaaring hindi na niya ito mabawi.

BASAHIN: Utang ng ex-wife ni Terrence Romeo kay Ogie Diaz mahigit P5 million

Continue Reading

sports

Olympic medalist Carlo Paalam may mini grocery na; nagpatayo rin ng commercial building

Published

on

By

Tiniyak ni Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam na may magandang mapupuntahan ang perang natanggap niya bilang gantimpala mula sa pamahalaan at iba pang mga donors.

Mula sa milyones na natanggap niya bilang reward sa pag-uwi ng silver medal sa boxing, nakapagpatayo na ang 23 anyos na Cagayan de Oro native ng dalawang palapag na commercial building sa loob ng 200 square meter na lote sa Upper Carmen.

Imahe mula sa Facebook| Carlo Paalam

Bukod dito, nagbukas na rin si Paalam ng isang mini grocery bilang pagsisimula sa kanilang magiging negosyo.

Sa panayam ng Business Mirror, ibinahagi ni Paalam na inipon niya ang perang napanalunan simula nang mag-uwi siya ng bronze medal sa flyweight division sa Jakarta Asian Games taong 2018. Iyon ay nagkakahalaga umano ng P950,000.

Nakatanggap din siya ng P850,000 dahil sa pagkakapanalo ng gold medal sa 2019 Southeast Asian Games.

Nitong 2020 Tokyo Olympics, hindi bababa sa P17-M ang naiuwi ni Paalam mula sa pamahalaan at iba pang mga donors.

Tokyo Olympics| Imahe mula sa Inquirer

Kuwento ni Carlo, noong 2018 niya binili ang lote mula sa kaniyang napanalunan, subalit nagsimula lamang ang pagpapatayo ng commercial building dito noong 2019.

Inabot umano ng ilang buwan ang construction dahil sa kulang sila sa budget. Muli lamang itong natuloy nang manalo na siya sa Tokyo Summer Olympics.

Ang kaniyang mini grocery ay nasa loob ng commercial building at pinangalanan niya itong ‘Paalam Store’.

Imahe mula sa Facebook| Carlo Paalam

Bukod sa grocery, mayroon ding siyam na kuwarto sa second floor na maaaring paupahan bilang apartment. Sa ground floor naman ay may ilang commercial spaces na maaaring parentahan kabilang na ang parking area.

Ihahabilin niya umano sa kaniyang mga magulang at kapatid ang pamamahala muna sa kanilang negosyo habang naghahanda naman siya para sa darating na Paris Olympics.

Bukod sa cash incentives, nakatanggap rin si Paalam ng house and lot gaya ng kapwa niya Olympic medalists na sina Nesthy Petecio (silver, boxing), Eumir Felix Marcial (bronze, boxing) at Hidilyn Diaz (gold, weightlifting) na matatagpuan sa Tagaytay City.

Kuwento pa ng dating scavenger, may plano na rin siyang pasukin ang livestock industry kapag nagkataon.

Continue Reading

sports

Pambato ng Pinas sa pole vaulting na si EJ Obiena, ooperahan sa tuhod

Published

on

By

Nakatakdang operahan sa kaliwang tuhod ang star pole vaulter na si EJ Obiena ngayong Martes, ika-11 ng Enero, sa Southwest German Center for Sports Traumatology sa Stuttgart, Germany.

Si Dr. Dimitr Alexander Jontschew, na kilalang espesyalista sa orthopedic surgery at medical director ng  nabanggit na pasilidad na accredited ng International Society of Athroscopy, Knee Surgery and Orthopedic, ang magsasagawa ng operasyon sa Pinoy Olympian.

Image from PNA

Ayon sa American businessman na si Jim Lafferty, isa sa mga advisers ni Obiena, aayusin ang isyu sa meniscus ng atleta. (Ang torn meniscus ay isa sa mga common knee injuries).

Aniya, hindi gaanong klaro ang resulta ng MRI (magnetic resonance imaging) sa tuhod ni Obiena kaya kakaiba ang operasyon na gagawin. Si Obiena ay conscious habang ginagawa ang surgery.

“The MRI was not clear on some of the other parts of his knee, it’s quite unique what they’re gonna do. EJ is gonna be conscious during the surgery,” wika ni Lafferty

Dagdag pa niya, “They’ll go in and clean up the meniscus, which is a quite straightforward procedure. Now, the doctor’s gonna take a look around. If he sees something else that has to be fixed, he wants EJ conscious, so that he can literally ask him on the spot, ‘Do you give me permission to do x or y?”

Isang linggo umanong hindi makakapag-training ang number 6 pole vaulter in the world dahil sa operasyon, subalit inaasahang makakarekober siya para makalahok sa Init Indoor Meeting sa Karlsruhe, Germany sa darating na January 28.

Huwag lang daw maging mataas ang ating ekspektasyon sa magiging performance niya sa naturang kompetisyon.

Image from PNA

Magiging handang-handa naman daw si Obiena sa Asian Championship sa Pebrero.

“What we’re thinking about is when we put the Philippine nation on the map, and that’s the Asian championship in February. He’ll be fully ready for that,” garantiya ni Lafferty.

Ang Asian Indoor Championship ay nakatakda sa February 11-13 na gaganapin sa Kazakhstan.

Hawak ni Obiena ang national at Asian record sa pole vault na 5.93 meters na nagawa niya sa International Golden Roof Cahallenge sa Innsbruck, Austria noong September last year.

 

Image from Rappler

Continue Reading

Trending