Connect with us

social media

Pari nagbigay ng homily sa kasal ng ex-girlfriend

Published

on

Iimbitahan mo ba ang dati mong kasintahan sa iyong kasal?

Ang netizen na si Korina, hindi lamang basta bisita ang kaniyang ex-boyfriend dahil ito pa mismo ang nagbigay ng homily sa kasal nila ng asawang si Manuel.

Imahe mula sa YouTube | Fr. Roniel Sulit

Habang nagbibigay ng homily sa pag-iisang dibdib nina Korina at Manuel sa Parish of Sto Niño de Lipa sa Batangas ay paulit-ulit na binanggit ni Fr. Roniel Sulit na nakararamdam siya ng kaba. Aniya, nang ma-engage ang dalawa ay nag-send pa sa kaniya si Korina ng larawan ng kaniyang singsing.

“Ang sabi niya, ‘Fr., may content ka na sa vlog mo.’ Ang tanong natin ay bakit kaya? Bakit kinakabahan si Korina at bakit ako’y kinakabahan rin? Ang dami ko na hong naikasal. Ito ang pinaka… ako ay nanginginig. Ako’y pawis na pawis na,” pag-amin ni Fr. Roniel. “Bakit niya ho sinabi sa akin na i-content ko ang kaniyang kasal? Kasi ho si Korina ay aking ex.”

Imahe mula sa YouTube | Fr. Roniel Sulit

Bagama’t hindi nagkatuluyan ay masaya raw sila sa kaniya-kaniyang buhay na tinatahak nila ngayon at wala ring bitterness na nararamdaman.

“Gayunpaman, the past is past. ‘Yon ho ay matagal na. Kami ho ay may kaniya-kaniya nang buhay. Ako ay pari na at ngayong araw na ito, si Korina ay ikakasal,” dagdag niya pa.

Hiling din ng pari ang masayang buhay-mag-asawa para sa mga bagong kasal na batid niyang kapwa madasalin.

Imahe mula sa YouTube | Fr. Roniel Sulit

“Kanina, tinatanong ko si Korina, ikaw ba ay masaya? Ang sabi niya, masayang-masaya siya. Ramdam na ramdam niya na nung dumating si Manuel sa buhay niya, ‘yon ay paggalaw ng Diyos. Nang ininterview naman si Manuel, ang sabi niya, si Korina ang kaniyang lucky charm kasi mula nang dumating si Korina ay naging maayos ang kaniyang buhay,” aniya.

“Sana maging maayos, maging masaya, maging matiwasay ang inyong buhay-mag-asawa. Alam kong masaya kayo sa isa’t isa. Ang aking hiling ay sana ay magkaroon kayo ng maayos at masayang pamilya.”

Best wishes, Korina at Manuel!

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrity

Kakai Bautista, may paalala sa mga kabataan: “Matuto muna kayong maglaba”

Published

on

By

Nag-post ang aktres-komedyante na si Kakai Bautista sa kanyang Facebook account kung saan sinabi niyang huwag magpakasalaula ang mga kabataan.

Paalala ng aktres sa mga kabataan na nag-iinarteng adult sa social media na matuto munang maglaba ng underwear: “Kahit may katulong pa kayo sa bahay, kayo dapat ang naglalaba nyan. NO TO SALA-ULA,” aniya.

“Kayong mga kabataan, bago kayo mag-aarteng adult sa social media, matuto muna kayong maglaba ng mga panty at brief n’yo,” aniya.

“Tama po miss Kakai Bautista kailangan matuto na ang mga kabataan kahit man lang underwear ay labahan nila…kahit mayaman ka man o mahirap hindi lang sa paglalaba ng underwear matuto ang kabataan dapat sa gawaing bahay din kasi sa totoo lang po marami tamad na kabataan ngaun, puro lang asa sa magulang o lola simpleng gawaing bahay lang pag inutusan mo naka muryot agad si face….peace lang,” kuwento ng isa sa mga followers ni Kakai.

Kasunod ng kanyang pag-post sinabi niyang siya ang naglalaba ng kanyang mga underwear.

“FYI ako ang naglalaba ng mga panties ko. Babad muna tapos banlaw,” aniya.

“Si Lucy minsan taga banlaw. Ayoko kase talaga ipalaba sa iba. Personal hygiene ‘yun eh,” hirit ng komedyante.

“Taas kamay ng mga adult na pero sila paren naglalaba ng underwear nila!” dagdag pa niya.

Bumuhos naman ang mga tugon sa kanyang mga post. Mahigit isang libo ang nagbahagi rin ng kanilang saloobin at may mga larawan pa.

“Kaming mahirap lang idol kayang kaya po namin Yan di lang panty panglahatan sino membro sa bahay salitan lang yan turo ng mama namin saming magkapatid mawala man sila busog raw kmi sa kaalaman at pangaral nila,” komento ng isang netizen.

Sa panahon ngayon ay magandang mulat lalo ang mga kabataan sa mga gawaing bahay para saan man sila mapunta ay hindi sila kawawa na wala silang alam gawin. Sabi nga ng nanay ng karamihan, pag mapupuri ang isang bata – unang mapupuri ang kanyang mga magulang at kung siya man ay mapintasan, una ding mapipintasan ang kanyang magulang sapagkat ‘di niya naturuan ang anak niya habang ito ay bata pa.

Continue Reading

social media

Leron Leron sinta: Isang papaya, may hugis korona

Published

on

By

“Walang halong mahika, pagmasdan ang bunga ng papaya. Hindi bilog – hindi mahaba, ni walang laman ang gitna, hugis nya’y korteng korona.”

Namamangha ang ilang netizens at mga residente ng Rosario, Cavite sa papayang tanim ni Nanay Alicia Reyes Ragasajo na may bungang hugis korona.

Laking gulat ni Alicia Reyes Ragasajo, 67 taong gulang, residente ng Brgy. Bagbag 1, Rosario, Cavite nang pitasin nya ang bunga ng kanilang papaya. Ito kasi ay hugis korona, malayo sa pangkaraniwang hugis ng papaya na nakikita sa merkado. Nag-iisa lang ang bungang ito na hugis korona, habang ang ibang kasama nito ay hugis bilugan naman.

“Ito ang unang bunga ng papayang itinanim namin, sobra kaming namangha sa bungang ito. Tila hindi pangkaraniwan. At animo’y may nagpaparamdam sa amin,” paglalahad ni Nanay Alicia.

Base sa pagsasalaysay ng pamilya Ragasajo, para sa kanila, ang papayang hugis korona ay pagpaparamdam umano ng namayapa nilang kapamilya na si King Ragasajo na magdiriwang ng kanyang ika-43 kaarawan ngayong darating na Enero 22.

Ang korona ay ipinapatong sa ulo ng isang hari na umaakma naman sa pangalan ng namayapang si King at sa bunga ng papaya na hugis korona.

Pinaniniwalaan ng pamilya na bagama’t sumakabilang-buhay na si King ay patuloy pa rin silang binabantayan nito.

Si King ay solong anak na lalake ni Alicia Ragasajo. Kilala rin ito sa kanyang barangay na isang magaling na Electronic Technician.

Sa kultura nating mga Pilipino, may kani-kaniya tayong pagpapahalaga at paniniwala. Anuman ang saloobin nila, ang mahalaga ay hindi tayo nakalilimot na alalahanin ang kapamilyang namayapa na.

Habang ang mga puno ng papaya ay nananatiling hitik pa rin sa bunga ay patuloy na pinag-uusapan at pinagmamasdan kung muli itong mamumunga ng kakaiba.

Ang papaya ay isang mahusay na mapagkukunan ng Vitamin C, Vitamin E at Vitamin A. Mayroon itong papain enzyme na makatutulong sa panunaw.

Ang mga dahon nito ay maaari umanong gamitin bilang panggamot sa dengue at ang mga buto nito ay mayroon ding magandang pakinabang pagdating sa iyong tiyan.

Continue Reading

celebrity

Madam Inutz hinirang bilang ‘Outstanding Social Media Influencer’

Published

on

By

Ginawaran ang dating online seller at ngayon ay sikat na ring showbiz personality na si Daisy Lopez aka Madam Inutz ng award bilang ‘Outstanding Social Media Influencer’ para sa taong ito.

 

Ang parangal ay iginawad ng Gawad Amerika, isang non-profit organization na nakabase sa California, USA.

Ibinahagi rin ni Madam Inutz sa isang Facebook post ang kaniyang pasasalamat sa pagkakatanggap ng naturang award.

“Sa dami ng kaganapan sa buhay ko, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na mangyayari pala talaga ‘to,” ani Madam Inutz. “Sa simpleng pagtitinda ng damit kahit papano magbigay ng good vibe sa  ating mga kababayan p’wede ka palang parangalan.”

Kung matatandaan, si Madam Inutz ay sumikat matapos maging patok sa mga netizens ang kaniyang kakaiba at nakatutuwang istilo ng pagla-live selling sa Facebook.

 

Kinagiliwan ng kaniyang followers ang pagtawag niya ng ‘mga inutil’ at pagmumura sa mga nanonood sa kaniya online. Dito rin nanggaling ang kaniyang pangalan na Madam Inutz.

Kabilang sa kaniyang pinasalamatan ang mga OFWs na patuloy na sumusuporta sa kaniya at ang kaniyang manager na si Wilbert Tolentino.

“Nawa’y ‘wag kayong mapagod sumuporta sa ‘kin at lalo ko pang pagbubutihin ang magbigay ng kasiyahan sa inyo sa paraang alam ko,” anito.

“Salamat sa buong pusong tiwala mo sakin Sir (Wilbert), asahan mong mamahalin at pahahalagahan ko ang mga nabuo nating Samahan,” dagdag pa niya.

Kalalabas lamang ni Madam Inutz sa katatapos lamang n aPinoy Big Brother Kumunity Season 10 kung saan nakapasok ito sa Top 5.

Continue Reading

Trending