Connect with us

celebrities

Mga pictures ni Allan K at Ahron Villena na kuha sa Boracay usap-usapan

Published

on

Tampulan ngayon ng tukso ang dabarkad na si Allan K dahil sa ilang mga litrato na ipinost niya sa social media kasama ang hunk actor na si Ahron Villena.

Kuha ang mga pictures sa Boracay at may mga kasama naman silang iba, pero malikot talaga ang lipad ng isip ng maraming netizens na gustong palabasin na isang “jowa reveal” ang ginawa ni Allan K.

Image from Allan K

“BF reveal na ba ‘yan madam ? Chariszzzzz,” pabirong tanong ng isang Instagram follower ni Allan K.

Suwerte raw ni Allan dahil na-harbat niya ang aktor.

 “Sana all may harbat. Go mama AK.”

Nagsimulang lumikot ang mga isip ng mga netizens nang i-post ni Allan ang litrato nila ni Ahron habang nasa tila isang bar sa Boracay.

“Cheers,” ang simpleng caption ni Allan K sa Instagram post niya.

Nagkomento naman agad si Ahron sa post ni Allan K.

“Thank you for tonight,” aniya.

Dahil sa naturang larawan ay hindi rin napigilan ng dabarkard na si Paolo Ballesteros ang magbiro.

“Asan ba ‘yung pamalo ko,” komento niya sa post ng co-host sa Eat bulaga.

“Hapunan” naman ang caption ni Allan K sa isa pang litrato kasama ang aktor at dalawa pa na nasa isang hapag kainan. Pinusuan ni Ahron ang post.

Image from Allan K

“Sino ang hapunan,” tanong ng isang netizen.

“Alam ko na kung sino, este, kung ano ang dessert,” ang sabi naman ng isa.

Mukhang hindi naman naapektuhan si Allan K at Ahron sa mga sinasabi ng mga judgmental na netizens na nagbibigay ng ibang kahulugan sa inosenteng mga larawan.

Sa katunayan, ipinost pa ni Allan K ang isa pang litrato nila ni Ahron kung saan magkaharap silang nakahiga sa beach bench habang nagtititigan.

“Last Day,” ang caption ni Allan sa naturang post.

Maraming kaibigang celebrities ang napa-react sa post niya.

Image from Allan K

Giselle Sanchez: “Ganda ng nanay Allan_Klownz ko, may pag-ibig.”

Donita Rose: “Ayyy, sobra naman…parang ang bagets mo d’yan madam.”

Jaya: “’Yan na nga baka paluin ka na talaga ni Pochoy (Paolo Ballesteros).”

Maging ang singer-comedienne na si Kakai Bautista na dating na-link kay Ahron ay napa-comment din.

Post ka pa nga ng madaming ganyan jowana! @allan_klownz para mas maraming manginig sa ingget. Daming miserable. Hindi maka-move on, pati ako dinadamay.”

celebrities

Kris sa mga nagpapakalat na wala na siya: ‘Sorry pero ilalaban pa na mapahaba ang oras ko’

Published

on

kris

Kamakailan lamang ay nagsimulang umugong ang mga bali-balita na wala na ang Queen of All Media na si Kris Aquino. Magkakaiba ang lugar pero halos iisa ang tinatakbo ng mga istoryang ito na naglalabas ng maling impormasyon.

Para linawin na walang katotohanan ito, nag-post ang aktres sa kanyang Instagram account, kung saan sinabi niya na pipilitin niyang kayanin pa ang lahat para sa kanyang mga anak.

kris

“It’s been disturbing that, since Friday, so many have been spreading fake news about me being either in St. Luke’s BGC or the States but always with the same theme, that I’m in the intensive and in critical condition. None of that is true,” saad niya.

Saad ni Kris, nakalulungkot isipin na para bang may mga taong nakaabang pa na sundan niya ang kapatid niya, ang late president Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III, sa kabilang buhay.

“Ayaw akong tigilan ng #fakenews and parang sobrang excited ‘yong mga troll na within one year both Noy and me would pass away. Sorry to disappoint pero buhay at ilalaban pa na mapahaba ang oras ko because Kuya Josh and Bimb still need me,” wika ng aktres.

kris

Screenshot mula sa video ni Kris Aquino | Instagram

Samantala, pinasalamatan naman ni Kris ang mga kaibigan na patuloy na nagpaparamdam sa kanya ng pagmamahal.

“To all my real friends who have gone out of their way to reach out, send me food, fruits, flowers, balloons, and just so much na nahihiya na ko-because they want to make me feel their love and affection-you have my lifelong loyalty and gratitude,” aniya.

Dagdag na mensahe niya para sa mga tao na makababasa ng kanyang post, “Good night but definitely it’s not yet goodbye.” Nilakipan niya ito ng yellow heart emoji bilang pagtatapos sa kanyang post.

kris

Continue Reading

celebrities

Seth Fedelin sa mga fans: ‘SethDrea will conquer the world’

Published

on

By

Nitong Linggo, Enero 23, 2021 ay nakasama si Seth Fedelin sa isinagawang digital benefit program ng “Isang Daan sa Pagtutulungan” na  para sa mga biktima ng bagyong Odette.   Doon ay natanong siya kung paano ang relasyon nila ni Andrea. Sinagot naman ito ni Seth at sinabing ”SethDrea will conquer the world”.

“SethDrea will conquer the world at siguro naman sa sinabi kong ‘yun nasagot ko na ‘yung tanong niyo. SethDrea is forever,” aniya.

Nagpahayag din si Fedelin ng mensahe sa kaniyang ‘mahal’.

“Kakarating ko lang ng bahay, kakatapos ko lang kumain at maya-maya papasok na rin ako sa Zoom. Gusto ko lang ulit ipaalala sa’yo kung ano ‘yung tayo, saan tayo nagsimula. Alam natin sa isa’t isa ‘yung mga bagay-bagay,” sabi niya.

“Let’s conquer the world. I miss you,” dagdag pa niya.

Naging mainit na paksa sa social media kamakailan sina Andrea Brillantes at Francine Diaz, dahil usap-usapan ng mga fans ang tungkol sa status ng kanilang pagkakaibigan.

Napansin ng mga tagahanga nila na tila hindi na naka-follow ang mga young actress sa isa’t isa sa Instagram, na humantong sa mga haka-haka kaya’t nag-trend sila sa Twitter.

Ang maliwanag na pagkaputol ng ugnayan nila sa social media ay nangyari nang mag-upload ang aktres na si Francine ng kanyang family picture kasama si Seth na kilalang screen partner ni Andrea.

Si Seth Yancy Fronda Fedelin ay isang aktor, modelo, mang-aawit at mananayaw. Unang lumabas sa telebisyon si Seth bilang housemate sa reality show na Pinoy Big Brother: Otso. Mula noon ay lumabas na siya sa iba’t ibang pelikula at serye sa telebisyon, tulad ng ‘Kadenang Ginto’ at ‘Huwag Kang Mangamba’.

Sina Andrea at Francine, kasama sina Seth at Kyle Echarri, ay mga orihinal na miyembro ng The Gold Squad, na nabuo sa panahon ng kanilang drama na “Kadenang Ginto” noong 2018. Ang tambalan nina Andrea at Seth ay kilala bilang “SethDrea” habang ang loveteam nina Francine at Kyle ay tinaguriang “KyCine.”

Nagkasamang muli ang apat sa primetime series na “Huwag Kang Mangamba” noong 2021.

Continue Reading

celebrities

‘A photo that can never happen again’: Sharon binalikan ang pagiging leading lady ng 4 popular PH action stars

Published

on

sharon action stars

Isa sa pinakapopular na aktres ng kanyang panahon, itinuturing din ng tinaguriang Megastar na si Sharon Cuneta ang pagkakataong nakakatrabaho niya ang mga haligi at icon ng showbiz industry sa bansa. Kabilang sa mga pinakaikinatutuwa niya ay ang maging leading lady ng apat na popular action stars sa Philippine movie industry: ang King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr. (FPJ) at ang iba pang icon na sina Robin Padilla, Rudy Fernandez, at Bong Revilla.

Sa Instagram, ini-upload ni Sharon ang litrato kasama ang apat na action stars at binalikan ang mga sandaling nakakatrabaho pa niya ang mga ito. Hindi naiwasan ng aktres na malungkot nang maisip na hindi na mauulit muli ang pagkakaroon nila ng litrato dahil wala na ang late action stars na sina FPJ at Daboy.

sharon action stars

“A photo that can never happen again. I miss you, Klatput and Daboy. What a privilege it is to have been these superstars’ leading lady,” saad ng Megastar sa caption ng litrato.

Katulad niya, bagama’t masayang makita ang lumang litrato ay ikinalungkot din ito ng ilang social media users na nahilig sa panonood ng action movies noong namamayagpag pa ang mga kasama ni Sharon sa larawan.

“Aww. Very grateful to be part of a generation where we enjoy real Pinoy action, comedy, and romance movies. Thank you for posting this amazing photo. God bless you, Megastar,” saad ng Instagram user na si @dmlarios.

sharon action stars

“Wow, mga artistang hinahangaan ko,” ani @aflora562.

“Ang ganda naman. Jesus loves you and I love you with the love of Jesus.”

“The legends!” kumento ni @dheeeycee.

“Mga idol ko lahat ‘to, e. Nakaka-miss ‘yong mga movie nila.”sharon action stars

Sabi naman ng ilan, mapalad sila na makita ang limang Philippine movie legends sa isang litrato.

Nakaka-miss nga namang mapanood sila! Ikaw, anong naramdaman mo nang makita ang larawan?

Continue Reading

Trending