Connect with us

charity

Mag-ama na nag-aararo nang walang kalabaw tinulungan ni Idol Raffy Tulfo

Published

on

Naantig ang batikang broadcaster at tinaguriang King of Public Service na si idol Raffy Tulfo sa mag-amang magsasaka na nag-aararo ng bukirin nang walang kalabaw.

Dahil walang kalabaw, ang mag-ama ang humihila ng araro.

Screenshot mula sa RTIA video

Ayon kay tatay Ismael Malabat, bukod sa pisikal na hirap sa ginagawa ay masakit pa sa damdamin na sila ay pinagtatawanan ng mga tao kapag nakikita sila na nag-aararo na parang kalabaw. Tinitiis na lang daw nila ang lahat.

“First time kong nakakita na tao ang humihila doon sa dapat hinihila ng kalabaw, parang napakahirap gawin ‘to,” sabi ni idol Raffy habang kinakausap si tatay Ismael at asawa nito.

Napag-alaman ni idol  Raffy na P38,000 ang kailangan ng magsasaka upang makabili ng isang kalabaw. Dahil sadyang mapagkawanggawa ay ginawa niyang P100,000 ang perang ipinagkaloob.

Ang labis na pera sa pambili ng kalabaw ay maaari raw gamitin ng pamilya ni tatay Ismael para makapagbakasyon ng dalawang linggo.

Screenshot mula sa RTIA video

Inamin ng asawa ni tatay Ismael na kadalasan ay asin lang ang inuulam nila dahil sa kasalatan sa salaping pambili ng pagkain.

Hindi pa nakuntento si Idol Raffy sa perang ibinigay sa magsasaka. Itinodo na niya ang pagtulong na ginawa sa pamilya nito.

Matapos mapansin na butas-butas ang bubong ng bahay nila tatay Ismael ay pinapalitan niya iyon ng mga bagong yero.

Screenshot mula sa RTIA video

Ipinamili rin nila ang pamilya ng magsasaka ng mga gamit na kailangan sa bahay. Kabilang ang kama, kutson, bentilador, kumot at mga kurtina na ang staff mismo ng Raffy Tulfo In Action ang nagkabit.

Kumpleto rin ang mga ibinigay na gamit sa kusina tulad ng kaldero, kawali, sandok, mga plato, baso at iba pa.

Higit sa lahat isang flat screen TV ang ipinagkaloob sa pamilya upang mapanood nila ang mga programa ni Idol Raffy kabilang na ang Raffy Tulfo In Action.

Kaya naman lubus-lubos ang pasasalamat ni tatay Ismael at buong mag-anak niya sa biyayang natanggap mula kay idol Raffy.

Screenshot mula sa RTIA video

charity

Magkapatid na nagtitinda sa lansangan, masayang-masaya sa naranasang ‘shopping galore’ at maagang pamasko

Published

on

By

Dalawang vendors na bata ang napasaya ng isang shopping spree!

Ang shopping activity ay normal na lang para sa karamihan sa atin; mapa-grocery man yan o mga pang-personal na gamit. Ngunit paano kung mga kapuspalad ang masuwerteng mabiyayaan ng regalong shopping galore spree? Gaano kaligaya kaya sila?

Ganyan ang nangyari sa magkapatid na lalaki at sa kanilang ina na masuwerteng napusuan ni Basel Manadil na bigyan ng kasiyahang hindi nila siguro malilimutan.

Sa video na ibinahagi ni The Hungry Syrian Wandered sa kanyang YouTube channel ay sinabi niyang:

Back on the street mga tao, maagang pamasko! Rewarding the best kind of people – hardworking kababayans and this time we found two brothers helping their mom make a living. Will never stop inspiring and spreading the blessings.”

Nadaanan niya ang magkapatid na nagtitinda gamit ang isang kariton na bakal at naglalakad sa kanilang likuran ang kanilang ina.

 

Patungo sana si Basel sa trabaho ngunit napagdesisyunan niyang tumigil para sa mag-iina ma itinuturing niyang mga taong hardworking na kahit mga bata pa ay tumutulong na sa magulang.

Saglit siyang nakipagkuwentuhan sa mag-iina at inabutan niya ng isang sobre ng cash ang ina upang maipandagdag sa puhunan nito sa munting negosyo. Makaraan ay isinama niya ang dalawang bata sa isang kilalang supermarket habang binabantayan ng ina ang kanilang kariton.

Shopping galore

Labis labis ang tuwa ng magkapatid na sina Jonathan at Darwin nang mapatunayang bibilhin talaga ni Basel ang kanilang nanaisin sa loob ng supermarket. Hindi magkamayaw ang dalawang bata sa pagpili ng mga nais nilang laruan. Atubili sila sa una dahil sa nakita nilang presyo ng mga laruan, ngunit in-assure sila ni Basel na ok lang. Bibilhin umano ang ano mang maibigan nila.

“Puro ka ok lang,” ang nakangiting nasabi ng batang si Darwin.

Pinapili din sila ng kasuotan mula ulo hanggang paa. May sapatos, damit, shorts, at pati sumbrero na YOLO; na nagkataong pangalan ng isa sa mga tindahan ni Basel.

Binilhan din sila ng sweat shirt upang hindi sila mabilad sa init ng araw. Suot na nila ang mga bagong damit at sapatos sa paglabas nila sa supermarket sa Las Pinas.

Mababanaag na magagalang ang mga bata at hindi mapagsamantala na tila mas nagpasaya sa pilantropong vlogger.

Isang napakasayang karanasan ito para sa mga bata at sa kanilang ina. Nagkataon namang ang isang kapatid na lalaki pala ng ina ay minsan na ring natulungan ni Basel at nabahaginan din sila sa biyayang ipinagkaloob sa kanyang kapatid kaya sila may paninda. Small world, sabi naman ni Basel.

Nais mo bang makita ang kasiyahan ng mga batang nabigyan ng masagang pamasko? Panoorin ang video ng The Hungry Syrian Wanderer na may pamagat na ““I’ll Buy EVERYTHING You Can CARRY” :

 

 

Continue Reading

Trending