Connect with us

Social News

Delivery rider nag-donate ng 2 araw na kita sa mga nasalanta ng bagyo

Published

on

Isang Food Panda rider ang nag-donate ng kinita sa dalawang araw ng pagkayod para sa mga kababayan na nasalanta ng bagyong Odette kamakailan.

Sa isang Facebook post ay ibinahagi ni Fr. Fidel Roura, ang kura ng Quasi-Parish of Our Lady of La Salette sa San Jose del Monte, Bulacan, ang e-mail na natanggap mula sa hindi pinangalanang rider.

Imahe mula sa Facebook | Fr. Joseph Fidel Roura

Sa subject line nito ay nakalagay na “I care for my kababayan.”

“Hello po, Fr. Inilaan ko po ang kita ko sa pagbiyahe sa Food Panda ng dalawang araw po para maipadama ang pagmamahal at pagdamay ng aming pamilya sa mga sinalanta ng bagyong Odette. Hindi man po kalakihan pero sana ay makatulong. Maraming salamat at God bless po sa inyo,” sabi niya sa mensahe.

Kalakip din nito ang screenshot ng kaniyang donasyon na nagkakahalaga ng P1,500.

Sa update na ibinahagi sa Facebook page ni Fr. Fidel noong December 25 ay umabot na sa mahigit P6 million ang kanilang nalilikom sa fundraising na kanilang sinimulan kaya naman patuloy ang paghahatid nila ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Bohol, Surigao, Siargao, Sering, Dinagat Islands, Cebu, Negros Occidental, Negros Oriental, Palawan, at Southern Leyte.

Imahe mula sa Facebook | Fr. Joseph Fidel Roura

“Nakakagaan sa pakiramdam ‘yong naghihirap ka na pero nagkalaan ka pa rin ng panahon at pera para makatulong sa iba,” sabi ng kura. “Just keep the faith! Kasi hindi natutulog ang Diyos. Nakikita Niya ang kabutihang ginagawa mo.”

Marami rin ang humanga sa kabutihang puso ng rider.

“I salute you, Kuya rider! God bless you!” sbai ni Lian D.

Imahe mula sa Facebook | Fr. Joseph Fidel Roura

Samantala, ang iba naman, sinabing nakagagaan talaga sa pakiramdam ang pagtulong sa kapwa.

“Maraming taong nasa puso po talaga ang pagtulong at pagbibigay saya sa kapwa nang hindi naghahangad ng kahit anong kpalit. Maraming salamat sa mga taong ito at dahil sa kanila, maraming nagkakaroon ng pag-asa  at gumagaan ang pakiramdam dahil alam nilang may mga taong handang dumamay sa kanila,” sabi naman ni Meliza G.

 

Social News

Batang sementeryo noon, miyembro na ng SWAT team ngayon

Published

on

By

Kapag bata ka pa, hindi mo alam kung saan ka dadalhin ng kapalaran. Sino ba naman ang mag-aakala na mula sa pagiging batang-sementeryo ay  mararating niya ang estado bilang miyembro ng MPD SWAT team?

Siya si PO1 Angelo ‘Yong’ Borlongan na kabilang sa SWAT team ng MPD. Ang 28-anyos na police officer ay sa sementeryo ipinanganak at doon na rin lumaki at nagkaisip kasama ang kanyang nanay, lolo at lola.

Viral na pulis

Nag-viral si PO1 Yong dahil sa isang video sa Tiktok kung saan plano niya sanang magsayaw ngunit biglang pumasok ang kaniyang team leader  na naghahanap ng kutsilyo para tanggalin ang tali sa walis. Ang video na ito ay humakot  ng mahigit 8.7M views. Dahil dito ay ifineature siya ng Rated Korina.

Si Yong pala ay lumaki sa sementeryo kapiling ang kanyang ina at ang lolo’t lola. Ang kanyang lolo ay isang sepulturero at naging katu-katulong nito si Yong.

“Bilang isang bata, nagkaroon po ako ng pangarap sa buhay. Nakita ko po ‘yung aking mga magulang, ang aking mga lolo kung gaano kahirap,” paglalahad niya.

Walang permanenteng trabaho ang pagsesepulterero, kaya iniwanan si Yong ng kanyang ina sa kanyang lolo at lola para hanapin ang kapalaran sa ibang lugar.

“Wala ‘kong mapapag-iwanan kundi mga magulang ko lang ang pagkakatiwalaan ko, kailangan kong maghanapbuhay, pumapasok sa pabrika para kahit papano siyempre meron din silang makain. Napakahirap po ng isang single mom,” ani Alona Borlongan, nanay ni Yong.

Dumating rin sa punto na halos walang ulam at kanin lang umano ang kinakain nina Yong.

Noong 2003 bumalik at kinuha siya ng kanyang ina sa kanyang lolo at lola at pinalaki na siya ng kanyang stepfather.

Pagka-graduate sa highschool, hindi na niya inasahan na siya ay makatutuntong pa sa kolehiyo. Ngunit nagtulong-tulong umano ang mga magulang ni Yong at mga kamag-anak sa sementeryo para matustusan ang pag-aaral niya sa kursong BS Criminology.

Sa wakas ay nakatapos na siya ng kolehiyo at naging ganap na pulis nang pumasa sa board exam noong 2016.

“Siyempre po maraming salamat sa Diyos dahil maiisip mo na sitwasyon mo ganun, pero napakasaya maam, Maraming salamat sa Diyos,” aniya sa kanyang panayam sa Rated Korina.

“Naiiyak ako dahil sa dinami dami ng tao, ako pa ‘yung isa sa mga pinili ‘di ba, na maging isang alagad at tagapagpatupad ng batas, sinisikap na maging isang mabuting pulis, ‘di ba po?” aniya.

“Kaya po nakakaiyak dahil sa tuwa, walang mapaglagyan po yung tuwa,” dagdag pa niya.

Nang magkatrabaho ay umupa sila ng kanyang nanay ng bahay sa halagang P4,000 na kadikit din lang ng sementeryo. Kung dati ay sa ibabaw ng nitso siya natutulog, ngayon kahit paano ay may silid na siya at higaan.

“Hindi ko po maiiwan itong sementeryo kasi andito po ang aking comfort zone, dito po ako masaya, nandito po ang buhay ko, walang sasaya pa dito sa lugar na to kahit na ako’y bigyan pa ng pagkakataon ng diyos na mas lalong umangat pa hinding hindi ko kakalimutan ‘tong lugar na to dito na po ako eh, dito na po ako lumaki, dito na rin po ako hihimlay,” pagtatapos niya sa panayam ng Rated Korina.

Panoorin si Gwapulis:

Continue Reading

Social News

Lolong tindero, nabiktima ng pekeng pera

Published

on

By

Sa panahon ng pandemya ay marami ang labis na naapektuhan, ngunit sa kabila ng mga matitinding pagsubok, hindi dapat sinasamantala lalo na yaong mahihina at matatanda na.

Ngunit sa Santo Domingo, Ilocos Sur, isang matandang tindero ang nabiktima ng masasamang-loob sa kabila ng katandaan nito.

Napaiyak na lamang ang 74-anyos na si Pedro Salarzon nang malaman na peke ang P1,000 na ibinayad sa kaniya ng isang bumili ng paninda niya.

Ayon sa ABS-CBN, isang babae  ang bumili ng seedlings sa lolo sa halagang P40 at agad naman niya itong sinuklian. Nalaman niya kalaunan na peke pala ang buong isanlibong piso nang magpapapalit siya sa tindahan.

Sa kabila ng pandemya ay nagsisikap pa ring kumita ang matanda ngunit talagang may mga masasamang-loob na imbes na magbanat ng buto ay mas pinipiling manlamang ng kapwa.

Nakausap ng matanda ang isang pulis, si Sergeant Maximino Ramos, kaugnay sa pangyayari at nahabag naman ito sa matanda.

Pinalitan na lamang ng pulis ang pera ni Lolo ng tunay na 1000 pesos. Labis naman ang tuwa ng matanda.

Ang ganitong senaryo na nangyari kay Lolo ay sadyang hindi makatarungan at hindi makatao. Nakakaawa talaga dahil kahit matanda ay nagagawa pang biktimahin ng mga mandurugas.

Sana ay mahuli na ang nanloko kay Lolo upang hindi na ulit sila makapambiktima pa ng iba. Nawa’y mabigyang pansin ng mga awtoridad  ang mga ganitong uri ng kaso nang mabigyan man lang ng hustisya ang nangyari kay Lolo.

Maraming netizens ang naawa sa lolo at marami rin naman ang natuwa sa pulis na nagbigay tulong.

“‘Yung gumawa kay lolo nito, ikaw din ang susi kung bakit siya dudumugin ng tulong mas malaki ang balik kay lolo ng ginawa mo.”

“Your kind hearted attitude is highly appreciated. Thank you, sir!”

“Mga walang kunsensya, matanda na ‘yan niloko n’yo pa, tapos masisikmura n’yo pa ‘yon ang ipapakain n’yo sa pamilya n’yo, bahala na ang karma sumingil sa inyo sa ginawa n’yong panloloko.”

“Salute sergeant Maximo. God bless at sa babaeng manloloko double triple balik karma sayo kapal mukha mo.”

“Mga lolo ngayon ang mga kawawa….mga matatanda ang pinupuntirya ng walanghiyang mga tao.”

Continue Reading

News

Caretaker nakatatanggap na raw ng banta; nakiusap na itigil na ang pagpapakalat ng maling impormasyon

Published

on

By

Nakiusap ang caretaker ng lupang kinatitirikan ng mangga sa Asingan, Pangasinan na itigil na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon hinggil sa kaso ni Lolo Narding.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na humarap sa media ang caretaker na si Robert Hong na siyang nagsampa ng reklamo kay Lolo Narding.

Ani Hong, tatlong beses na raw silang nagharap sa barangay ng matanda subalit nagmatigas umano ito.

BASAHIN: Lolo Narding tatlong beses humingi ng paumanhin sa caretaker, batay sa record ng barangay

Nilinaw niya rin na 10 kaing, at hindi sampung kilo ang napitas na mangga sa punong nakatayo sa binabantayan niyang lupa.

Wika pa ni Hong, handa na sana siyang iurong ang kaso subalit nagulat na lang daw siya nang maglabas ng arrest warrant ang Asingan police at hinuli si Lolo Narding.

“Sinabi naman sana niya, ‘Ito na lang ang natira sa napagbentahan ko. Patawarin mo ako kung ano yung nagawa kong kasalanan at hindi ko na uulitin.’ E ‘di maluwag sa loob ko na hindi ko na itutuloy yung kaso,” kuwento ng caretaker sa Balitang Amianan ng GMA News.

Dahil sa nag-viral ang kuwento ni Lolo sa social media, umani ito ng simpatiya sa maraming netizens.

Nanawagan naman si Hong na itigil na ang pagpapakalat ng maling impormasyon hinggil sa kaso dahil nakatatanggap na raw sila ng pagbabanta mula sa mga netizens at nadadamay na rin ang kaniyang pamilya.

Iginiit naman ng anak ni Hong na nais nilang sa korte na lamang humantong ang kaso upang malinawan ang mga tao sa tunay na nangyari.

“Willing naman po talaga kami… sa korte na lang po. Kasi gusto lang po talaga namin malinawan po lahat ng tao, lalo na po sa social media, ‘yung sa part po namin. Dapat hindi sila naging one-sided,” ayon sa anak ng caretaker.

Plano namang humingi ng proteksiyon ng pamilya Hong mula sa mga awtoridad dahil sa mga natatanggap na banta.

Tunghayan ang buong ulat (simula 5:39):

Continue Reading

Trending