Connect with us

Uncategorized

Nasaan na nga ba ang matinik na kontrabidang si Ruel Vernal?

Published

on

Isa si Ruel Vernal, Norberto Panarada Venancio sa tunay na buhay, sa mga kilalang kontrabida sa pelikulang Pilipino simula pa noong 1970s, pero nawala siya sa sirkulasyon dakong 2000s. Nasaan na kaya siya ngayon?

Sa mahigit tatlong dekada niya sa lokal showbiz ay naging markado ang mga papel na ginampanan ni Ruel Vernal sa maraming pelikulang nagawa niya.

Image from Kevin Vernal

Madalas siyang kontrabida sa mga pelikula ni “Da King” na si Fernando Poe, Jr. Kasama rin siya sa award-winning movie ni Lino Brocka na “Insiang” kung saan siya ang nagpahirap sa title role na ginampanan ni Hilda Koronel.

Sa katunayan, siya ang hinirang na Best Supporting Actor noong 1976 dahil sa pelikulang “Insiang.”

Isang versatile actor si Ruel Vernal na minamani lang ang pagganap bilang kontrabida sa mga serious action movies o action-comedy movies man.

Nakilala rin siya bilang mukha ng Red Horse beer at ng isang brand ng electric fan.

Sa ngayon si Ruel Vernal ay 75 anyos na at kasalukuyang naninirahan sa Florida, USA kapiling ang kanyang pamilya.

Ang dalawang anak niyang lalaki na sina Kevin at Mark ay naging artista rin subalit nagdesisyon na manirahan sa Amerika kung saan nagsilbi sila sa U.S. Army.

Ayon kay Kevin, taong 2005 nang magtungo sa Amerika ang kuyang si Mark at noong 2006 ay sumunod siya doon.

Noong mga panahong iyon ay matamlay na ang showbiz career ng kanilang ama kaya sinusustentuhan nila ito. Kalaunan ay ipinetisyon nila si Ruel upang doon na rin sa Amerika manirahan.

Image from Kevin Vernal

“Alam mo naman if you’re a veteran in the Philippines, pag wala kang mga connections or anything, they don’t give a shit about you. ‘Pag laos ka na, you’re done. That’s how show business is in the Philippines.Unlike sa Hollywood, pag tumatagal ka, nagkakaroon ka ng net worth,” ayon kay Kevin na isa na ngayong investor.

Dakong 2009-2010 daw nakarating sa Amerika ang ama.

“If I’m not mistaken nakapunta siya ng U.S. around 2009 or 2010,” aniya.

Sa ngayon ay ang pagpunta sa gym at pananatiling fit ang pinagkakaabalahan ng ama. Plano raw nitong umuwi noon sa Pilipinas ngunit nagkaroon ng pandemya kaya naudlot.

Kapag wala nang pandemya ay posible raw na ituloy ng ama ang pagbabakasyon sa Pilipinas.

Image from Kevin Vernal

Social News

‘When mommy is life but majorette is lifer’: Buntis na dating majorette, nagpabilib

Published

on

By

Matindi ang tawag ng musika kaya’t hindi na nakapagpigil pa ang isang babae na magpakitang gilas sa publiko nang dumaan ang isang banda. Kaya lang ay buntis siya!

Ibinahagi ni Sharmaine Federizo sa kanyang Facebook account nitong January 23 ang video ng isang buntis habang nagme-majorette performance ito sa gitna ng kalsada.

“ATE YUNG BATA!   HHAHAHAHAHA” ang caption ni Sharmaine sa video clip. Kapansin-pansin namang malaki na rin ang tiyan ng ginang.

Makikitang hawak ng babae ang dalawang baton at nagme-majorette moves ito sa saliw ng tugtog ng banda. Halatang na-miss ni ate ang kanyang majorette days ah! Ang galing niya!

Maririnig sa video ang hiyawan ng mga tao at may mga sumisigaw pa ng “Ate ang bata!”. Maliksi kasi at ‘bouncy’ ang ‘da moves’ ng babae kaya’t hindi maiwasang mag-alala ng ibang nanonood sa kanya.

Ang buntis ay nakilalang si Nicole Caimoy Marbella na isa palang dating lead majorette. Siya ay taga Tanay Rizal  at nagdaraos ng pista sa kanilang lugar noong Linggo.

Instant celebrity

Humakot agad ang naturang video ng mahigit 13k reactions at may halos 700K views na sa Facebook clip pa lang.

Marami ang naaliw at mayroon din namang nabahala sa pag-indak ng ginang. Baka daw kasi ito mapaanak nang wala sa oras.

“Hooyyyu. Nicoleeeeee… Uwi.. Makukurot kita jan.”

“Ako lang ba yung kinakabahan kasi baka matamaan tyan nya haha.”

“Pag passion mo talaga kahit ilang dekada ang lilipas pag nagawa mo uli ang saya ng feeling parang ako passion ko sumayaw dito ko na lang sa TikTok nilabas.”

“Galing ni ate.”

“When mommy is life but majorette is lifer.”

“Tapo paglabas nung baby nag mamajorette na rin HAHAHAHAHHAH cotton buds hawak n’ya.”

“ay Bongga hehehehh dating majoret ata.”

May mga naka-miss din noong panahon na nagma-majorette pa sila. “Yung laking Banda ka nakakamiss to nung Elem/highschool.”

Naalala ko nung nag majoritte din ako during my teenage ang saya saya lalo na kapag naka uniform na kami at nagpaparade”.

Panoorin ang video:

Continue Reading

Uncategorized

Netizen na nagpa-booster: ‘Naputol ‘yung syringe, halos hindi nai-vaccine ‘yung laman at tumapon’

Published

on

By

Sa panibagong pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, hinihikayat ng pamahalaan ang mga indibidwal na magpabakuna at booster jabs. Inilunsad din ang mga bagong patakaran para lamang mapalawak ang pagbabakuna sa bansa.

Ang netizen na si Jomari Benaza mula sa Nueva Ecija ay gustong maging bahagi nito kaya naman, sa kabila ng pagiging abala, naglaan siya ng isang araw para makakuha ng booster shot.

Gayunpaman, nang makauwi siya, napagtanto ni Jomari na hindi niya natanggap ang kumpletong dose ng booster shot.

Sa isang video na ipinost niya sa TikTok, makikita na nakaupo si Jomar habang hinihintay ang kanyang vaccine. Nang maitusok ng nagbabakuna ang syringe ay bigla itong naputol at halos hindi naiturok ang lahat ng vaccine.

“Nagulat na lang ako pag-uwi sa bahay nakita ko ’yung video na ganun ang nangyari. Kaya pala sobrang sakit ng aking braso at hanggang pag-uwi sa bahay, nakaramdam na ako ng sobrang sakit ng aking braso,” ani Jomari sa Philippine star.

“Naputol ang syringe at bigla nyang hinila ’yung karayom ​​na naiwan sa aking braso. Halos hindi nai-vaccine ’yung laman at tumapon. Hindi rin naman ako ininform nung vaccinator na ganun ang nangyari kahit sana umulit na lang ako ng isang vaccine ulit,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Jomari na bumalik daw siya nang araw din ng kanyang vaccination sa vaccination site sa Pag-asa Gym sa Barangay F.E. Marcos, San Jose City, upang subukang muling magpa-booster shot, ngunit sinalubong sila umano ng pananakot mula sa supervisor ng inoculation drive.

“Tinatakot po nila ako na bawal daw mag-video without consent nung vaccinator nasa batas daw ’yun. Pero kung hindi naman po ako nagpa-video hindi ko malalaman mali pala ’yung ginawa sa akin. Booster vaccinated lang ako sa papel pero hindi sa tamang dose,” aniya.

Matapos ang talakayan ng supervisor ng lugar ng pagbabakuna at isang doktor, sa wakas ay natanggap ni Jomari ang booster shot.

Sinabi ni Jomari na siya ay nag-post ng video upang mapalawak ang awareness na ang mga pagkakamali sa pagbabakuna ay nangyayari din at upang himukin ang publiko na bantayan ang mga bagay-bagay kapag binibigyan ng inoculation.

“Sana sa mga susunod na magpapa-vaccine maging aware po baka hindi po fully injected ‘yung gamot. Sa card lang sila vaccinated tulad ko,” aniya.

Continue Reading

social media

Wil Dasovich may kwelang bwelta sa viral post ng ex-GF; Alodia nagpaliwanag

Published

on

By

Nag-viral ang social media post ng popular na content creator at cosplayer na si Alodia Gosiengfiao kamakailan lang.

Napukaw kasi ang pansin ng mga netizens sa caption ng post niya kasama ng isang litrato kung saan nakasuot siya ng golden gown na obra ng designer na si Mara Chua.

“Hi. Ako nga pala ‘yung sinayang mo,” ang nag-viral na post ng cosplayer.

Inakala ng mga followers niya na patama iyon kay Wil Dasovich na dati niyang boyfriend.

Ang mga sumusunod ay ilan lang sa napakaraming komento ng netizens sa post ni Alodia.

Sayang nga.

 Kuya Wil, sinayang mo pa ‘to oh.”

 Bwisit ka Wil. Sinayang mo Queen A namin. Maglaway ka ngayon.”

 Nagkomento rin si Wil Dasovich sa comment ng kapatid ni Alodia na si Ashley Gosiegfiao, pero agad niya iyong binura.

’Wag na, nagbo-blow-up na phone ko. Alam ko na. Naku po,” sabi ni Wil sa burado niyang komento na na-screenshot ng isang follower ni Alodia.

Ilang oras lang ang lumipas ay nag-post naman si Wil Dasovich sa sarili niyang social media account na halatang reaksyon sa post ng dating kasintahan.

Kwela ang sagot ni Wil sa post ni Alodia kaya naman agad din iyong nag-viral.  Mayroon na iyong higit 22,000 shares, 19,000 comments at 366,000 ang nagbigay ng “Haha” reactions.

“Hi, ako nga pala ‘yung sinaing mo,” hirit ni Wil kasama ang larawan na hawak niya ang isang rice cooker na may sinaing.

Narito ang ilan sa mga komento sa post niya:

 “Haha, I knew you would post something like this, bro!”

 “Boss Alodia Gosiengfiao, nagpaparinig si Boss Wil , oh.”

 “Bumawi ka pa talaga. Pakurot nga.”

 “Huwag mong iwanan baka masunog. Love n’yo pa ang isa’t isa. May mga hugot, eh.”

 Samantala, ipinaliwang ni Alodia na ang post niya ay isang meme quote na nabasa niya. Pinasalamatan niya rin ang mga followers na nagpahayag ng suporta sa kanya.

Thank you guys for the support but yesterday’s post was based on a meme quote I saw somewhere on the intraweb but a few people took it seriously so sorry for the confusion!  I’ve been posting memes daily for a while now because I like sharing funny things. Even have a page dedicated to it which has been up for almost a decade – Alodia Memes.

Continue Reading

Trending