Connect with us

celebrity

Sandara Park, wish bumalik sa Pilipinas para mag-perform sa mga Pinoy fans

Published

on

Dalawang taon na ang nakalipas nang huling bumisita sa bansa si Sandara Park. Hindi na nga raw niya maalala ang ginawa niyang shows dito kaya gustung-gusto na niyang bumalik sa Pilipinas para makapag-perform ulit sa kanyang mga Pinoy fans.

Image from Sandara Park

Sa Twitter, sinabi ni Sandara na ang Christmas wish niya ay muling makabalik sa Pilipinas para mag-perform sa stage.

“2 years na ako hindi nakapunta sa Philippines. Kelan ba last show ko sa Philippines?  Parang ‘di ko na naalala and mga shows puro untact. Ang Xmas wish ko is to go back to Philippines and be onstage again with you guys,” tweet niya noong araw ng Pasko.

Huling bumisita rito si Sandara noong 2019. Nag-celebrate siya noon ng kanyang 35th birthday sa Bohol.

Nagkaroon pa siya ng reunion sa co-finalists niya sa Star Circle Quest na si Joross Gamboa at Raphael Martinez. Sa mga hindi nakakaalam, ang Star Circle Quest ay isang talent search program na sinalihan ni Sandara noong 2004. Si Hero Angeles ang winner noon.

Nagsimula ang showbiz career niya sa Pilipinas bilang artista at singer matapos maging runner-up sa Star Circle Quest. Napamahal siya sa mga Pinoy fans at tinawag na “Pambansang Krung-Krung.”

Image from Sandara Park

Ginawa niya ang unang pelikula – ang “Bcuz of U” -katambal si Hero Angeles. Dahil sa performance niya sa pelikulang iyon ay itinanghal siyang Best New Actress sa  21st PMPC Star Award for Movies.

Pinasikat rin niya ang kantang “In or Out” na bumenta ng 100,000 physical copies. Ang self-title album niyang Sandara ang tanging album ng isang South Korean artist na naging certified platinum ng Philippine Association of the Record Insutry.

Nang matapos ang kontrata niya sa Star Circle ay bumalik si Sandara at pamilya sa South Korea noong 2007.

Noong 2009 ay pumirma siya ng kontrata sa YG Entertainment kung saan siya nagsimula bilang si “Dara” sa K-pop girl group na 2NE1 kasama sina Bom, CL at Minzy.

Image from YG Entertainment

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrity

Alexa Ilacad, nakatanggap ng billboard surprise mula sa kanyang mga tagahanga

Published

on

By

Inilabas ni Alexa Ilacad ang kanyang bagong pop ballad single na “Paano,” isang kanta na isinulat niya noong siya ay nakaranas ng kanyang unang heartbreak. Nang pagdaanan niya umano ang masakit na karanasan noong 2016, isinulat niya sa Notes app ng kanyang cellphone ang lahat ng nararamdaman niya at lahat ng “how’s” na kanyang naiisip.

Bilang suporta, nakatanggap si Alexa ng billboard surprise galing sa kanyang mga tagahanga kung saan naging usap-usapan ito sa social media.

Noong Biyernes, Enero 21, 2022, ibinahagi ng singer-actress kung gaano siya na-speechless matapos malaman na nag-set up ang mga fans nila ni Eian Rances ng billboard sa Pasig City para sa kanyang bagong inilabas na kanta.

“Oh my gosh. YOU GUYS!! I’m speechless.. Thank you! What have I done to deserve this,” tugon ni Alexa sa kanyang mga tagahanga.

Ibinahagi ng AlEian fans sa Twitter ang isang clip ng kanilang billboard kasama ang kanilang mensahe ng pagbati para sa kanilang idolo.

“Congratulations Alexa! We are so proud of you,” saad ng AlEian fans.

Sa isa pang tweet, nagpasalamat si Alexa sa kanyang mga tagahanga sa pagdiriwang ng paglabas ng kanyang bagong kanta.

“Literally crying rn this means so much to me!!! thank you for celebrating with me  so lucky to have you all by my side,” ani Alexa.

Simula nitong Enero 22, 2022 ay makikita na rin sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas ang billboard na ginawa ng ALEian fans para kay Alexa at nagpapasalamat naman dito ang aktres kung saan ay umani ito ng maraming views.

“Once again, I am speechless and blown away by how well you love us, AlEians Exploding head What have we done to deserve this? My heart is overflowing with gratitude Pleading face THANK YOU! Face screaming in fear This is soooo extra- i love it! Wish i could hug you all, but virtual hug nalang muna for now”

Ang kantang ‘Paano‘, ay available na sa Spotify, Apple Music at sa lahat ng digital platforms.

 

Continue Reading

celebrity

YouTube channel ni Ivana Alawi may 1 billion views na

Published

on

By

Isang panibagong milestone na naman ang narating ni Ivana Alawi sa kanyang pagiging vlogger.

Umabot na sa mahigit 1 billion ang total views ng mga video niya sa YouTube sa loob lang ng mahigit tatlong taon. Makikita sa “About” section ng kanyang YouTube channel na nagsimula siya sa vlogging noong May 31, 2018.

May 127 videos na ang nagawa ng aktres at mayroon na siyang 14.8 million subscribers. Ang most viewed video niya ay ang “A Day in My Life” na ginawa niya noong 2019. Mayroon na iyong mahigit 29 million views.

Sumunod naman ang mga sari-saring pranks na milyun-milyon din ang hinakot na views. Ang “Prank on Strangers on the Street” ay may mahigit 23 million views at ang “Na-Prank si Ivana: May BF si Mona” ay may 28 million views.

Hindi na nakagugulat na umabot na sa isang bilyon ang views ng YouTube channel niya dahil ang bawat vlog na ibinabahagi niya ay tinatangkilik ng masugid niyang mga followers sa lahat ng social media platforms.

Ang bawat video na ibinabahagi niya ay umaabot sa mahigit isang milyon ang views.

Noong nakaraang taon, si Ivana ang itinanghal na “YouTube PH Top Content Creator.” Isa sa mga trending video ni Ivana noong 2021 ay ang “Na-Prank si Mama Alawi” kung saan sinurpresa niya ng bagong kotse ang inang si Mama Alawi.

Kabilang sa Top 10 YouTube PH content creators of 2021 sina Zeinab Harake (no.2), Alex Gonzaga (no. 30, Toni Gonzaga (no. 40, Donnalyn Bartolome (no. 5), Vice ganda (n0. 6), Skusta Clee TV (no.7), Mika Salamanca (n0. 8), Hash Alawi (n0. 9) at Cong TV (no. 10).

Nag-number one naman ang kapatid ni Ivana na si Hash sa Top 10 Breakout Creators ng YouTube Philippines.

Kasama rito sina Wilbert Tolentino (no. 2), Boy Tapang (no. 3), Andrea B. (no. 4), MPL Philippines (no. 5), AJ Raval (no. 6), Herlene Hipon (no. 7), Mygz Molino (no. 8), Bonoy & Pinty Gonzaga (no. 9), at Luis Manzano (no. 10).

Continue Reading

celebrity

Kakai Bautista, may paalala sa mga kabataan: “Matuto muna kayong maglaba”

Published

on

By

Nag-post ang aktres-komedyante na si Kakai Bautista sa kanyang Facebook account kung saan sinabi niyang huwag magpakasalaula ang mga kabataan.

Paalala ng aktres sa mga kabataan na nag-iinarteng adult sa social media na matuto munang maglaba ng underwear: “Kahit may katulong pa kayo sa bahay, kayo dapat ang naglalaba nyan. NO TO SALA-ULA,” aniya.

“Kayong mga kabataan, bago kayo mag-aarteng adult sa social media, matuto muna kayong maglaba ng mga panty at brief n’yo,” aniya.

“Tama po miss Kakai Bautista kailangan matuto na ang mga kabataan kahit man lang underwear ay labahan nila…kahit mayaman ka man o mahirap hindi lang sa paglalaba ng underwear matuto ang kabataan dapat sa gawaing bahay din kasi sa totoo lang po marami tamad na kabataan ngaun, puro lang asa sa magulang o lola simpleng gawaing bahay lang pag inutusan mo naka muryot agad si face….peace lang,” kuwento ng isa sa mga followers ni Kakai.

Kasunod ng kanyang pag-post sinabi niyang siya ang naglalaba ng kanyang mga underwear.

“FYI ako ang naglalaba ng mga panties ko. Babad muna tapos banlaw,” aniya.

“Si Lucy minsan taga banlaw. Ayoko kase talaga ipalaba sa iba. Personal hygiene ‘yun eh,” hirit ng komedyante.

“Taas kamay ng mga adult na pero sila paren naglalaba ng underwear nila!” dagdag pa niya.

Bumuhos naman ang mga tugon sa kanyang mga post. Mahigit isang libo ang nagbahagi rin ng kanilang saloobin at may mga larawan pa.

“Kaming mahirap lang idol kayang kaya po namin Yan di lang panty panglahatan sino membro sa bahay salitan lang yan turo ng mama namin saming magkapatid mawala man sila busog raw kmi sa kaalaman at pangaral nila,” komento ng isang netizen.

Sa panahon ngayon ay magandang mulat lalo ang mga kabataan sa mga gawaing bahay para saan man sila mapunta ay hindi sila kawawa na wala silang alam gawin. Sabi nga ng nanay ng karamihan, pag mapupuri ang isang bata – unang mapupuri ang kanyang mga magulang at kung siya man ay mapintasan, una ding mapipintasan ang kanyang magulang sapagkat ‘di niya naturuan ang anak niya habang ito ay bata pa.

Continue Reading

Trending