Connect with us

social media

Sikretong itinatago ng TikTok star na si Sassa Gurl ipinagtapat kay Karen Davila

Published

on

Maituturing na isang tunay na star sa TikTok si Sassa Gurl na napakaraming napapasayang tao dahil sa mga patawang video niya.

Milyun-milyon ang mga views ng mga TikTok video niya na sinusundan ng mahigit 4.2 million followers.

Screenshot from Sassa Gurl’s TikTok video

Pero sa kabila ng pagiging masayahin ni Sassa Gurl ay mayroon pala siyang itinatagong sikreto; sikretong ibubunyag niya sa isang episode ng vlog ni Karen Davila.

Binisita ni Karen si Sassa Gurl sa bahay na tinitirhan nito kasama ang kanyang ina. Inamin ng TikTok influencer na hindi kanila ang malaking bahay. Sila lang ang tagabantay niyon dahil ang tunay na may-ari ay nangibang bansa.

“O ang laki ‘di ba? Ganyan. Pero ending hindi amin ‘to. Yes. Ano ‘yan…ano’ng tawag dito…dati kasi ang “press release” ko sa mga tao  ‘ay, bahay namin ‘to’ …ganyan,” pagtatapat ni Sassa Gurl dahil ayaw raw niyang i-down ng mga tao.

Pero sa totoo, nanghihingi lang sila ng ulam sa mga kapitbahay dahil wala silang pera.

Kasambahay lang daw sila ng may-ari ng bahay na tinitirhan. Nagyayaman-yamanan lang daw siya at wala raw dapat makalabas na impormasyon na nakikitira lang sila sa malaking bahay.

Tinanong siya ni Karen Davila kung kailan niya inamin na hindi sila ang may-ari ng bahay at kasambahay lang sila.

“Ngayon pa lang, madam. Eto na, alam n’yo na, ganun,” natatawang pag-amin ni Sassa Gurl.

Screenshot from Karen Davila’s vlog

“Baklang Kanal” ang tawag si Sassa Gurl sa sarili niya. Lumaki siya sa squatter area at palipat-lipat ng bahay. Kasambahay ang ina at tagabantay silang dalawa ng bahay. Kulang rin ang kinikita ng dalawa kaya’t karaniwan silang walang Noche Buena at pinalilipas na lang ang Pasko. Ngayon ay pasasayahin natin sila,” sabi ni Karen Davila sa vlog niya.

Sakay ng van, dinala ni Karen Davila ang mag-ina sa isang Puregold branch kung saan nabigyan sila ng mga biyaya.

Tatlong malalaking pushcart ang ibinigay sa mag-ina na pupunuin nila ng anumang magustuhan sa loob ng sampung minuto.

Screenshot from Karen Davila’s vlog

Labis labis ang pasasalamat ni Sassa Gurl at ng kanyang ina sa Puregold, lalo na kay Karen Davila.

Sabi ni Karen, ang mga nakikita ng mga tao sa social media, celebrity man o ordinaryong tao, ang lahat ay may kanya-kanyang pinagdaraanan tulad ni Sassa Gurl.

Panoorin natin:

social media

Friendster is back? DICT warns of new website possibly used for phishing

Published

on

By

The Department of Communications and Technology (DICT) has warned the public against signing up with the ‘revived’ Friendster as the website may possibly be used for phishing.

This after a social media page, Stunner, posted on Saturday about the revival of the once massively popular social networking platform and supposedly accepting new sign ups.

“Thousands of people have already signed up for the “new” Friendster. However, CERT-PH has assessed that the said website is possibly used for phishing,” said DICT in a statement on Facebook.

While the ‘new’ Friendster appears to be a legitimate website upon CERT-PH’s initial investigation, its current IP address hosting the website (23.106.120.84) supposedly ‘had previous reports about phishing, brute force and DDoS attacks, hacking, and host exploitations’.

The link provided uses .click, which is a non-popular top level domain, while the original Friendster uses .com domain.

It also does not include an ‘About Us’ page and uses WordPress which is not used for social networking platforms as it is more of content management system.

CERT-PH further recommends the following actions to be taken: Do not click suspicious links to avoid future potential threats; Do not register to this website because your data may be compromised; and in addition, providing and capacitating employees with cybersecurity knowledge and information to minimize threats.

Before Facebook’s rise to global popularity, Friendster was the top social networking services way back in 2004.

With rival platforms such as Facebook, MySpace and Hi5 gradually eating up on its subscribers, Friendster eventually shut down its social networking services in 2015 mainly due to the lack of the company’s technology which led to a bad user experience.

In 2011, Friendster tried to shift from a social networking platform to a gaming and entertainment platform but this too did not help in regaining its old glory and eventually closed down as a company in 2018.

Continue Reading

social media

‘Uwi ka na ‘Tay’: Larawan ng Angkas driver na 24 oras nang bumibiyahe, umantig sa netizens

Published

on

By

Pinusuan ng mga netizens ang larawan ng Angkas driver na nakunan ng isang photographer habang binabasa ang mensaheng ipinadala sa kaniya ng kaniyang asawa.

Kuwento ni Dominic Sales sa kaniyang Facebook post, naisipan niyang sumakay ng Angkas patungong Mall of Asia noong isang araw at ligtas naman siyang naihatid ng driver sa parking lot ng mall.

Pinasalamatan niya umano si Kuyang Angkas subalit mistulang hindi siya nito narinig dahil abala ang driver sa pagbabasa ng message sa kaniyang phone.

Ang mensahe ay mapapansing nagmula sa misis ng driver na nakikiusap na umuwi na ito dahil halos isang araw na raw bumibiyahe sa kalsada.

“’Tay uwi ka na. Saan ka na Tay?” ayon sa unang mensahe.

“Tatay uwi ka na 24 oras ka na nagbiyahe,” sumunod na mababasa sa pangalawang mensahe.

Humanga naman si Dominic sa message na natanggap ni Kuya bagama’t hindi niya ito sinasadyang basahin dahil kinunan niya lang umano ng larawan ang driver.

“I apologize for posting this, but I feel compelled to do so in order to recognize your greatness as a husband or a father. You will surely inspire many people, and I am now one of them!” wika ng photographer.

“I gave you a 5-star rating not only as an Angkas driver, but also as a MAN OF PERSEVERANCE for working all day and night to provide a meal for your family while sacrificing your health and sleep! You truly embody “HALIGI ng TAHANAN.” I pray that you can go home safe, reset, sleep and have a good meal with your family,” dagdag pa ni Dominic sa kaniyang post.

Umantig naman sa mga netizens ang larawang ito ni Dominic na agad nag-viral sa social media.

Heto ang ilang comments:

“…Thank you sa pag appreciate ng trabaho namin sa kalsada.. mahirap talaga pero dahil sa pamilya.. lahat lumalaban.. Salute sa lahat ng nagtatrabaho sa kalsada..”

“Alam ko lahat tayo may karapatan to complain about life because I do that a lot, pero photos like this make me think na there are people who have it worse than I do. It makes me think minsan na I should be grateful for what I have because a lot of people work to acquire it.” dagdag naman ng isa pa.

“Kaya be good to others po, kasi di natin alam kung paano sila kumayod para sa pamilya nila. Salute sayo kuya, sana po di kayo magkasakit, May God bless you more than you deserve!”

Marami rin ang nagsabing sana raw ay alagaan din ni Kuyang Angkas ang kaniyang kalusugan para na rin sa pamilyang naghihintay lagi sa kaniyang pag-uwi.

Continue Reading

social media

‘Wag barat sa mahirap’ post, naghahatid ng paalala sa mga taong mas nakaluluwag sa buhay

Published

on

By

Lahat ng tao ay dumadaan sa pagiging consumer o buyer. Bata man o matanda ay nakararanas mamili. Pero anong klaseng mamimili ka ba?

Sana naman ay hindi ka kauri ng isang mamimili sa viral na kuwentong umiikot ngayon sa social media na ibinabahagi ng maraming Facebook pages at nga indibidwal.

Sa kuwento kasing ibinahagi ng Partido News Online (at ng iba pa) na ngayon ay mayroon nang mahigit 63k shares at 248K reactions at 10k comments ay tinalakay ang isang uri ng mamimili na labis ang pambabarat sa isang nagtitinda ng saging na saba sa tabi ng kalsada.

Ayon sa kuwentong naghahatid ng mensahe para sa lahat, isang customer ang nagtanong kung magkano ang tindang saging nito at tumawad sa tindera.

Tatlong piso ang bawat isa ngunit ang mamimili ay nais itong bilhin sa halagang piso lamang bawat isa.

Aniya, “I’ll take 6 bananas for one peso each or I will leave.” May himig ng pagbabanta, ‘di ba?

Dahil wala pang benta kahit isa ay napilitan ang tindera na pumayag upang magkabuwena-mano na siya; umasang mabe-break nito ang matumal niyang paninda.

Feeling wagi ang nakabili sa presyong mamiso. Umalis na ito lulan ng kanyang magarang sasakyan at nakipagkita sa kaibigan sa isang 1st class na restawran, um-order ng kanilang ninais na pagkain at kumain lamang nang kaunti mula sa marami nilang in-order. Nagbayad ang mayaman ng P2,200 at may tip pang P300 dahil P2,500 ang kanyang ibinayad. Isang ordinaryong insidente lamang iyon sa may-ari; ang makatanggap ng malaking tip o ‘keep the change.’

Pagmumuni-muni

Tanong sa naturang kuwento, “Why do we always show we have the power to bargain when we buy from the needy ones? And why do we get generous to those who do not even need our generosity?”

Sa mahigit 10,000 na komento ay naroon ang pagsang-ayon. “That’s the reality. Nakakalungkot.”

“Sad reality but this is true to people who don’t have kindness to those people in need,, instead of helping these people who really need foods to eat in order to survive in life…laging kawawa yung mga taong totoong nangangailangan sa buhay para mabuhay.”

“Thats true… That is really a big question why do we néed to be generous to those who don’t need it, can we reverse it let’s be generous to those people who are really in need.”

Salamat na lamang at mayroong mga mas malawak ang pag-iisip at pang-unawa sa mga kagaya ni Nanay na nagtitinda ng saging.

“Ako mahilig bumili sa mga ganyan kahit di ko kelangan, hindi ko rin ugali tumawad kasi may business ako, lagi ko iniisip sitwasyon nila eh sitwasyon ko din.”

“Kaya ako di ako tumatawad sa mga palengke/wet market even doon sa mga naglalako, kasi nga sa mga mall wala namang ganon e pareho lang naman sila naghahanap buhay, my sister and friends they laugh kapag kasama nila ko tapos di daw ako tumatawad, sabi ko nahihiya ako. (nahihiya ako na sa maliit na halaga kung pano sila kumikita e babaratin ko pa).”

“Let’s not haggle na lang when we buy from the poor and let them keep the change. A small amount means a lot to those who struggle in life.”

“Try to have pity on these vendors and buy without bargaining in whatever is available. It would touch your hearth to see the smile on their faces and the feeling of gratitute for the much needed help you have shared!”

Sabi nga ng isang netizen, kapag lumaki ka sa hirap matututo ka talagang makuntento sa biyayang walang labis, walang kulang. Kapag sanay ka sa hirap hindi ka basta basta maitutumba ng problema. Minsan nga nakukuha mo pang tumawa kahit ang bigat na. Kung pagod ka, pahinga Lang.

Ang sa atin lang, huwag na sanang maging sanhi ng pagbigat ng buhay ng iba ang ating pagiging sobrang barat na halos hingiin na ang binibili. Tandaan, mas pinagpapala ang mapagbigay at umuunawa at higit na masarap sa pakiramdam kapag ikaw ang nasa panig ng tumutulong at nagbibigay. Ibig sabihin kasi noon ay mas nakaluluwag ka kaysa sa iyong mga tinutulungan.

Continue Reading

Trending