Connect with us

News

Grabe na ang mga scammer ngayon, nagpapanggap nang bank employee, hinihingi pa ang OTP

Published

on

Sobrang lakas na ng loob ng mga scammers ngayon. Pati ang one-time-password o OTP na natatanggap ng mga depositors mula sa bangko ay tahasang  hinihingi na ng mga ito sa kanilang bibiktimahin.

Ganito ang nangyari sa isang bank depositor batay sa ulat ng “24 Oras.

Image from Pixabay

Tinawagan umano ng babaeng scammer ang depositor na si Joms Donaire at nagpakilala raw ang manloloko bilang empleyado sa anti-fraud department ng isang bangko.

Sinabi raw sa kanya nito na upang ma-secure ang kaniyang bank account ay kailangan magpasok sa bank system ng ilang security questions. Kakailanganin daw nila ang username at ang huling apat na numero ng kanyang automated teller machine (ATM) card.

“Para ma-secure ‘yung account ko kailangan po nila magdagdag ng security questions sa system. So para po ma-activate ‘yun, kailangan po nila ma-verify yung aking username ‘tsaka ‘yung last four digits ng aking ATM,” pagbabahagi ni Ginoong Donaire.

Nagsimula raw ang pagdududa niya sa scammer na babae nang magtanong ito ng mga bagay na hindi niya inaasahan.

“Nagtaka ako kasi tinatanong niya kung capslock ba or hindi ‘yung aking username. So kung ive-verify niya po dapat alam na nila. Bakit pa niya tinatanong?”aniya.

“Nag-try po ako mag-forgot password at ‘yun po kung ano hinihingi ng app, ‘yun din po hinihingi nila,” dagdag pa ni Donaire.

Sa kabutihang-palad sinabi ni Donaire na hindi naman na-hack ang bank account niya.

Image from Pixabay

Nagbigay naman ng babala ang National Bureau of Investigation sa mga bagong modus ng mga scammer ngayon at kung paano iyon maiiwasan.

“Ang unang-una ho kasing telltale sign na bogus ho ‘yung tumatawag sa inyo at nagpe-pretend lang na representative coming from the bank is ‘yung may sense of urgency. Sasabihin nila na may nagta-transact under your account,” sabi ni NBI Cybercrime Division chief na si Vic Lorenzo.

“Kapag humingi ng account information ‘yung tumawag sa inyo, at the same time ‘yung mga password ninyo or OTP, scammer ho ‘yung kausap ninyo,” sabi pa ng NBI official.

Kaya dagdagan ang talas at huwag matataranta kapag may calls na ganyan. Paalalahanan din ang mga kaibigan at kapamilya.

Image from NBI

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

government

Rekomendasyong kasuhan sina Sec. Duque at ex-FDA chief Domingo, binawi ng Kamara

Published

on

By

Ilang oras lamang matapos isapubliko ang committee report na nagrerekomendang sampahan ng reklamo sina Health Secretary Francisco Duque III at dating FDA chief Dr. Eric Domingo dahil umano sa kapalpakan ng mga ito sa pagtugon sa pandemiya, binawi naman agad ito ng Kamara.

Nitong Miyerkules, Enero 26, ay inilabas ang Committee Report No. 1393 na may petsang December 16, 2021 na nagmumungkahing kasuhan sina Duque at Domingo dahil sa paglabag sa Republic Act No 6713 o ang “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees,” at sa “Anti-Red Tape Act of 2007”.

Ang dalawang opisyal umano ay dapat ksauhan dahil sa kanilang “failure to render government services such as approval of applications for automatic renewal within prescribed time.”

Kinuwestiyon din ng report ang magkakasalungat na pahayag ng DOH at FDA hinggil sa Ivermectin bilang gamot sa COVID, pagiging ‘bias’ pabor sa Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases, Inc. (PSMID), at backlogs sa mga aplikasyon sa License to Operate and Certificate of Product Registration.

Ang committee report ay nagmula sa House Committee on Good Government and Public Accountability chairperson na pinamumunuan ni DIWA party-list Rep. Michael Edgar Aglipay.

Nagkamali kaya binawi?

Subalit nitong Miyerkules din ay binawi rin ito ng Mababang Kapulungan dahil hindi pa raw tapos ang kanilang pagdinig tungkol sa nasabing usapin.

“The House of Representatives has always followed the rule of law. And in the constitution enshrined the principle of due process. The resource persons remain such and cannot be respondents unless he was able to attend all hearings and defend himself,” paliwanag ni Aglipay sa mensaheng ipinadala sa mga mamamahayag.

“So with this, the committee will conduct further hearings or get the side of Secretary Duque since he was not able to attend those hearings. Then and only then we will be able to get the full picture,” dagdag pa ng kongresista.

Inamin rin ni Aglipay na nagkamali sila dahil absent umano sa mga pagdinig si Duque at inakala nilang ini-waive ng kalihim ang kaniyang karapatang marinig sa Kongreso.

Continue Reading

Money

Poe umalma sa advisory ng BSP hinggil sa pekeng pera mula sa mga ATM: ‘Di obligasyon ng depositors’

Published

on

By

Hindi sang-ayon si Senador Grace Poe sa paalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na dapat ay suriing maigi ng publiko ang mga perang lumalabas sa mga ATM.

Para kay Poe, hindi na obligasyon ng mga depositors na siyasatin muna ang perang nakukuha nila ATM upang malaman kung tunay ito o peke.

“The burden of distinguishing counterfeit bills emanating from banks from genuine ones should not be placed on depositors. ATMs dispensing fake bills is unacceptable and must have no place in the banking system,” anang senadora sa isang pahayag.

Ginawa ito ng mambabatas matapos maglabas ng advisory ang BSP na nagpapaalala sa mga depositors na maging mapanuri sa mga perang nawi-withdraw nila sa ATM upang ‘wag malusutan ng pekeng salapi.

“The BSP reminds the public to regularly inspect banknotes for authenticity through the ‘feel, look, tilt’ approach to protect oneself against counterfeiting. Should a banknote dispensed by an ATM be suspected as a counterfeit, the holder is advised to immediately report it to the bank that owns the machine,” ayon sa advisory ng BSP.

Subalit, giit ni Poe, responsibilidad ito ng mga bangko kaya kailangang tiyakin na mayroon silang state-of the art defenses upang maiwasan ang mga ganitong bagay at para na rin sa seguridad ng kanilang banking system.

“It is our financial institutions that carry the responsibility to steadfastly guard against vulnerabilities and keenly upgrade their systems amidst the changing times to keep our people’s unflinching trust in the banking industry,” dagdag ng mambabatas.

Sa ilalim ng Republic Act 10951, ang sinumang mahuhuli at mapatutunayang namemeke ng pera ay mapapatawan ng parusang pagkakakulong ng hanggang 12 taon at multang hindi lalampas sa P12-milyon.

Continue Reading

government

Iba pang frequency ng ABS-CBN napunta rin sa SMNI ni Quiboloy, Aliw Broadcasting

Published

on

By

Bukod sa kompanya ni Manny Villar, nakakuha rin ng dating frequency ng ABS-CBN ang Sonshine Media Network International (SMNI) na pag-aari ni Pastor Apollo Quiboloy.

Sa pahayag nitong Miyerkules, kinumpirma ng National Telecommunications Commission (NTC) na naibigay sa Swara Sug Media Corp., ang kompanyang namamahala ng SMNI, ang Channel 43.

Ang Channel 43 ay dating naka-assign sa Amcara Broadcasting Network, ang block timer ng ABS-CBN para ipalabas ang programa sa kanilang set-top box TV Plus o ‘black box’.

Paliwanag ng NTC, ang SMNI ni Quiboloy ang pangatlong aplikante na naghahanap ng provisional authority (PA) para sa kanilang digital media broadcasting system simula pa noong 2007.

Ang kontrobersiyal na pastor ay kilalang malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte.  Ang SMNI ay kasalukuyang umeere sa UHF Channel 40.

Samantala, ang Channel 23 ay ibinigay naman ng NTC sa Aliw Broadcasting Corp, ang kompanyang nagpapatakbo sa radio stations na DWIZ AM at Home Radio FM.

Sa Channel 23 napanonood dati ang Studio 23 ng ABS-CBN at ang kanilang programang Sports+Action.

“Aliw was the second applicant for an authority to install, operate and maintain a digital TV in Metro Manila.  Aliw was granted the PA after the determination of its legal, technical and financial qualification,” paliwanag ng NTC.

Nauna nang kinumpirma ng NTC na ibinigay sa AMBS (Advanced Media Broadcasting System Inc.) ni Manny Villar ang Channel 2 at Channel 16 frequency na dating ginagamit ng ABS-CBN.

BASAHIN: Dating frequencies ng ABS-CBN hawak na ng kompanya ni Manny Villar

“After the technical evaluation of AMBS’ request for a simulcast channel, Channel 2 (the paired analog channel in Mega Manila of digital channel 16) was temporarily assigned to AMBS. This temporary assignment is for simulcast purposes only, and only until the analog shut-off scheduled in 2023,” pahayag ng NTC,” pahayag ng NTC.

Ang ABS-CBN ng pamilya Lopez ay nabigong makakuha ng panibagong 25-taong prangkisa matapos itong ibasura ng Kamara noong Hulyo 2020.

Continue Reading

Trending