Connect with us

politics

Sen. Risa Hontiveros nagpiyansa sa kasong wiretapping, iginiit na walang kwenta at walang basehan ang reklamo

Published

on

Nagpiyansa si Senator Risa Hontiveros noong Martes, December 28, para sa reklamong wiretapping na isinampa laban sa kanya ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre na ngayon ay incumbent Vice Chairman ng National Police Commission.

Naglagak ang senadora ng piyansang P36,000 sa Metropolitan Trial Court kasunod ng paglabas ng arrest order laban sa kanya noong Lunes, December 27, 2021.

Screenshot from Rappler’s video

Sa kanyang statement, muling iginiit ni Sen. Hontiveros ang panawagang i-dismiss ang kaso dahil sa pagiging “worthless” at “baseless” niyon.

Ikinagulat raw niya kung bakit ang kaso na noon pang 2017 ay biglang umusad ngayon.

Kung mayroon man daw na lumabag sa batas, iyon ay si Aguirre.

“If there is anyone who violated the law, it is Mr. Aguirre along with his men who we caught cooking up a case against me,” wika ng senadora.

Matatandaang kamakailan lang ay isinampa sa korte ng Pasay City Prosecutor’s Office ang reklamo laban sa senadora matapos makitaan ng probable cause sa paglabag sa  Republic Act 4200 o ang “Anti-Wiretapping Act.”

“Hontiveros willfully, unlawfully, knowingly and secretly intercept, record, possess a copy of such record, and show or communicate to other persons, the contents of the private communication without the consent of all the parties thereto to their damage and prejudice, ” ayon sa resolusyon na nilagdaan ni Senior Assistant City Prosecutor Serafin Salazar at inaprubahan ni City Prosecutor Elmer Cris Rillo.

Screenshot from Rappler’s video

Ang kaso sa senadora ay nag-ugat mula sa reklamo na inihain ni dating Kalihim ng Department of Justice na si Vitallano Aguirre II dahil sa diumano ay ibinunyag nito ang pakikipagpalitan niya ng text messages kay dating Congressman Jacinto Paras sa isang Senate hearing noong September 2017.

Sinabi noon ni Sen. Hontiveros sa kanyang privileged speech na nadiskubre niya ang mga text messages sa pamamagitan ng isang litrato ang plano nina Aguirre at Paras na magsampa ng kaso laban sa kanya.

“Why is it my fault that the Filipino people know there is a conspiracy against me? If his text messages were set in fonts large enough to be caught on camera then he has only himself to blame. He should have known better than to conspire with others in the middle og a public event in full view of photographers’ cameras. There was no deception or subterfuge involved.”

Image from Sen. Risa Hontiveros

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

politics

Mayor Sara nais nang itigil ang liga, pageant ng mga kabataan; tutukan na lang daw ang disaster preparedness

Published

on

By

Tulad umano ng kaniyang ginawa sa Davao City, nais ni Mayor Sara Duterte-Carpio na itigil na ang mga ginagawa ng kabataan tuwing piyesta gaya ng mga liga, beauty pageant at dancing contest.

Sa halip umano, dapat ay turuan na lamang ang kabataan ng disaster preparedness o paghahanda para sa sakuna.

Sa ginanap na virtual caravan ng UniTeam nina Inday Sara at Bongbong Marcos noong isang araw, sinabi ng alkalde na ito ang kaniyang iniutos noon sa lider ng Sangguniang Kabataan sa Davao City

“Tigilan na natin yan dahil nasasayang ang pera ng gobyerno sa mga ganyan, sa mga trophy at kung ano-anung prizes na ibinibigay natin,” ani Mayor Sara.

“Sabi ko itutok natin ang ating mga Sangguniang Kabataan dito sa Davao City sa disaster preparedness,” dagdag pa ng pambatong bise president ng UniTeam.

Naging matagumpay naman umano ang programa nilang ito sa Davao kaya hindi ito mahirap dalhin sa national level, bukod pa sa may budget naman talaga ang gobyerno sa disaster preparedness training.

Kabilang din sa isusulong ng alkalde kapag nanalo sa darating na halalan ay ang mandatory military traning para sa lahat ng kabataang lalaki at babae.

BASAHIN: Inday Sara isusulong ang mandatory military training para sa lahat ng kabataang Pinoy

“Gagamitin ko ang aking opisina— Office of the Vice President — para kausapin ang ating (to talk to our) Congress and the Senate of the Philippines to make military service for all 18 years old, male and female, mandatory in our country,” lahad ng anak ng Pangulo.

Ito raw ang nakikita sa ibang bansa gaya ng South Korea at Israel.

Hindi rin umano ito gaya sa ROTC na isang subject lamang, o isang weekend o isang buwan sa isang taon.

Nilinaw naman ng alkalde na kapag pumasa ang kaniyang panukala sa Kongreso,  kasama rito ang pagbibigay ng subsidy ang lahat ng mga sasailalim sa training na pamamahalaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Continue Reading

politics

Pacquiao, palalakasin ang presensya sa social media para harapin ang mga trolls

Published

on

By

Palalakasin ng presidential aspirtant na si Senator Manny Pacquiao ang presensya niya sa social media para harapin ang mga trolls na nagpapakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa kanya.

Inamin ng Team Pacquiao campaign manager na si Salvador “Buddy” Zamora na matindi ang social media trolling laban sa senador. Nakaaapekto raw iyon sa standing ni Pacquiao sa presidential race.

Nilinaw ni Zamora na hindi sila uupa ng mga trolls para harapin ang mga bashers ni Senator Pacquiao, kundi mga supporters at volunteers na naniniwala sa kakayahan ng retired boxing champion na maging lider ng bansa.

“We are recruiting real persons who may help to handle the social media. We will be addressing these in the coming months. Such as that come May, we hope to overtake everybody,” wika ni Zamora.

Aniya, mas madalas nang makikita sa social media ang senador para tumugon sa mga katanungan ng mga tao o kaya naman ay mag-post ng mga bagay na magpapakita ng kanyang mga katangian na hindi pa nalalaman ng publiko.

“Just like what he posted yesterday. He was doing the piano and was singing. We will be doing more of that,” sabi pa ng campaign manager ni Pacquiao.

Ayon pa kay Zamora, mas mataas pa sana ang popularity rating ng pambansang kamao kung agad nilang natugunan ang mga fake news na ipinakakalat laban sa kanya.

Sabi niya, batay sa mga pinakabagong survey, nasa pangatlo si Pacquiao. Una si Bongbong Marcos at ikalawa naman ni Vice President Leni Robredo. Pero kung susuriing mabuti ang survey ay “statistically tied” daw si Pacquiao at VP Robredo.

Aniya, hindi raw totoo na dinudumog lang si Pacquiao sa mga lugar na pinupuntahan dahil sa pamimigay niya ng pera. Inihalimbawa niya ang una nitong pagbisita sa Batangas kung saan dinumog din ito kahit walang ipinamahaging pera.

Inamin ni Zamora na lahat sila sa Team Pacquaio ay kontra sa ginagawa ng senador na pagbibigay ng pera sa mga lugar na pinupuntahan, subalit mapilit daw ito dahil bahagi na raw ng buhay at adbokasiya nito ang pamamahagi ng tulong.

Tiniyak naman niya na matitigil na ito kapag  pormal nang nagsimula ang campaign period sa February 8.

Sinisilip ng Team Pacquiao ang Luneta o Bulacan para sa kick-off rally sa February 8 upang malaki ang espasyo para sa pagdagsa ng mga supporters.

Paiigtingin din ng kampo ni Pacquiao ang political advertisements sa radyo, telebisyon at sa iba’t ibang social media platforms.

Ang hindi raw nila gagawin ay ang paninira sa kapwa kandidato at sa kasalukuyang administrasyon.

Continue Reading

politics

‘Nothing personal’: Sotto iginiit na walang ‘tampuhan’ sa pagitan nila nina Sharon at Kiko

Published

on

By

Nilinaw ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na hindi nagkaroon ng lamat ang relasyon nila sa mag-asawang Sharon Cuneta at Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan.

Si Sotto ay tumatakbong bise presidente ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, habang si Pangilinan naman ay ka-tandem ni Vice President Leni Robredo.

Ang misis ni Kiko na si Megastar ay pamangkin ng asawa ni Sotto na si Helen Gamboa.

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Sotto na ‘walang personalan’ umano kung pareho man sila ngayon ng posisyong tinatakbuhan ni Pangilinan.

“Well siguro, only the future will tell. Ako, sa akin, I think of it as a political situation,” paliwanag ni Sotto. “Sa akin, nothing personal.”

Tungkol naman sa pamangkin niyang si Pasig Mayor Vico Sotto, sang-ayun din umano siya na desisyon nitong huwag munang sumabak sa national election.

“Alam mo si Mayor Vico, ano siya, focused yun eh. Nakalatag ang paa nun sa lupa. Meron siyang sariling partido, iba ang partido namin,” wika ng Senate President.

“Perhaps in the future, baka hindi natin masabi kung ano man ang ikinikilos niya,” dagdag pa nito.

Si Mayor Vico ay anak ni Vic Sotto na nakababatang kapatid ni Tito Sotto.

Ang alkalde ng Pasig ay kasapi ng Aksyon Demokratiko na ang standard bearer ay si Manila Mayor Isko Moreno, habang ang pangulo ng Senado naman ay miyembro ng Nationalist People’s Coalition (NPC).

Nauna nang sinabi noong nakaraang taon ni Sotto na hindi siya nababahala sa paghaharap nila ni Pangilinan sa susunod na halalan bilang magkalaban.

Subalit inamin din nitong ‘big deal’ umano sa kanilang pamilya ang usaping ito.

“That question would better be asked [of] my wife and my children. They have a different perspective. As far as I am concerned, sa akin I brush it off. But to them, it’s a big deal,” paglalahad noon ng Senate president.

Continue Reading

Trending