Connect with us

animals

Sepanx is real maging sa mga alaga nating aso at pusa

Published

on

Ang ‘sepanx’ o separation anxiety ay hindi lang pala sa mga tao nangyayari kundi maging sa mga alaga nating fur babies gaya ng aso at pusa. Karamihan sa atin ay talagang nanatili sa bahay noong mga panahon na ipinatupad ang lockdown sa ating bansa. Mayroon pa ngang napa-work from home o kaya’y nagnegosyo sa mismong tahanan.

Dahil sa mas maraming oras na inilalagi sa bahay ngayong may pandemya, hindi lang quality time with family ang nabuo kundi pati ang mga fur parent nagkaroon din ng extra bonding at oras sa kanilang fur babies. Pero ngayong unti-unti nang bumabalik sa dati ang trabaho at mas madalas nang nasa labas ng bahay, paano maaawat ang mga pet na nasanay nang laging kasama ang kanilang bossing? Sepanx is real din ba sa mga alagang hayop gaya ng aso at pusa?

Image via Pixabay

Narito ang ilang mga palatandaan ng ‘sepanx’:

Kung ang fur baby mo ay tila balisa kapag paalis ka, naninira ng mga bagay bagay kapag nilisan mo ang bahay, sinusundan ka saan mang bahagi ng bahay ka magpunta, tila ‘nagwawala’ sa kasabikan sa iyong pagbabalik at parang minamasdan ka nang mataman bago ka man lumabas — posibleng may kinakaharap kang kaso ng separation anxiety sa iyong alaga.

Ang mga aso’t pusa na may ganitong kalagayan ay nakikitaan ng mga sintomas ng pagkabalisa at naiibang asal (behavior problems) lalo na kapag sila’y naiwang mag-isa. Ang ilan sa kanila ay naghuhukay, nagkakamot (scratch) ng mga pinto o bintana sa pag-asam na makahabol o makasama sa kanilang fur parent.

Yaong hindi makatagpo ng paraan para makalabas ay kadalasang naninira ng gamit gaya ng sofa, mga unan o anumang nasa paligid nila (destructive chewing), walang tigil o paulit-ulit na pagtahol, pag-alulong o pag-atungal.
Naroon ding ihian o dumihan nila ang mga lugar na hindi naman nila karaniwang ginagawa pagkat may nakasanayan na silang designated na area para dito.

Mayroon ding tila nagha-hunger strike o ayaw kumain o kahit uminom ng tubig kahit pa may ibang tao sa paligid bukod sa pinaka-amo ng pet.

Image via Pixabay

Ano ang mga sanhi ng separation anxiety?

Ayon sa isang artikulo sa The Humane Society, hindi gaanong malinaw kung bakit ang ibang alaga natin ay nakararanas ng ‘sepanx’ samantalang ang iba naman ay hindi. Ngunit tandaan, ang behavior ng iyong pet ay bahagi ng tinatawag na ‘panic rsponse.’ Hindi umano tayo pinarurusahan ng ating mga alaga. Bagkus ay nais lamang nila tayong umuwi na!

Narito ang ilang scenario na posibleng nagti-trigger ng separation anxiety:

  • ‘Yung maiwan sila sa unang pagkakataon
  • ‘Yung maiwan sila matapos masanay na laging may human contact o may kasama sa bahay
  • Kapag nakaranas ng isang nakato-traumang pangyayari gaya ng paglalagak sa kanila sa isang boarding kennel
  • Kapag may pagbabago sa routine ng pamilya o sa istraktura, o kaya’y pagkawala ng isang mahalagang miyembro ng pamilya or ng katulad niyang fur baby

Ano ang mga maaaring gawin kaugnay dito? Panoorin ang segment na ito ng ‘Dapat Alam Mo’ para sa ilang tips:

Source: The Humane Society

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

animals

Mga goldfish na inilalagay sa fishbowl nababaliw, mabilis matsugi

Published

on

By

Ititigil na ng isang French aquarium vendor ang pagbebenta ng mga round fish bowls dahil nababaliw daw doon ang mga isda kaya mabilis matsugi.

Sinabi ng AgroBiothers Laboratoire, ang nangunguna pagdating sa pet care sa France, na hindi na ito magbebenta ng anumang aquarium na ang capacity ay less than 15 liters. Hindi na rin ito magbebenta ng bilog na aquarium kundi puro rectangular na lang.

Ayon sa kumpanya, maituturing na animal abuse ang paglalagay ng isda sa maliit na fish bowls nang walang filtration at oxygenation.

Nababaliw daw ang mga isdang nagpapaikot-ikot sa maliit na espasyo ng round fish bowls.

“People buy a goldfish for their kids on impulse, but if they knew what a torture it is, they would not do it. Turning round and round in a small bowl drives fish crazy and kills them quickly,” paliwanag ng AgroBiothers CEO na si Matthieu Lambeaux.

Ang mga gold fish ay kayang mabuhay nang hanggang tatlumpung taon at lumaki hanggang 25 centimeters o halos ten inches kapag nasa malaking aquarium o nasa outdoor fish pond. Pero kapag nasa maliit na round fish bowl ay matsutugi iyon sa loob  lang ng ilang linggo. Masuwerte na kung tumagal iyon nang ilang buwan.

Mga social animals ang gold fish na kailangang may kasamang ibang isda, sapat na espasyo at malinis na tubig, ayon kay Matthieu Lambeaux.

Sa Germany at iba pang European countries, ang pagbebenta ng round fish bowls ay matagal nang ipinagbabawal, subalit walang ganoong batas sa France, na numero unong market sa buong Europe para sa red gold fish.

“It is a French anachronism, that is why we decided to move. We cannot educate all our customers to explain that keeping fish in a bowl is cruel. We consider that it is our responsibility to no longer give consumers that choice,” sabi  ni Lambeaux.

Noong nakaraang taon, nakapagbenta ang AgroBiothers Laboratoire ng 50,000 round fish bowls na nagkakahalaga ng 20 Euros each.

“There is demand for fish bowls, but the reality is that what we offer children is the possibility to see gold fish die slowly,” aniya.

Continue Reading

animals

Golden retriever, kinagiliwan ng netizens dahil sa pagiging ‘receptionist’ imbes na ‘bantay bahay’

Published

on

By

Kumusta naman ang inyong “guard dogs?” Naaasahan bang mangalaga sa inyong tahanan?

Ang siyam na buwang gulang na golden retriever na ito mula sa Pampanga ay kasalukuyang kinagigiliwan ng netizens matapos mapanood ng netizens ang isang video nito.

Ang golden retriever na pinangalanang Yeoreum ay makikitang sa isang TikTok video na ini-upload ni Christiana Louisse kamakailan. “Hindi po bantay ang golden retrievers, receptionists sila,” nakatutuwang caption ni Christiana sa video.

May POV ding inilagay ang uploader. Aniya, “Kumuha ka ng aso para maging bantay, pero ito yung nakuha mong aso.”

May himig ng ‘expectation vs reality’ ano? Kasi naman ang inaasahan niyang magiging bantay ng bahay ay tila walang tapang na angkin?  Lol

Makikita kasi sa video na magiliw itong sumasalubong at lumalapit sa mga bata sa labas ng kanilang bakuran. Tila nag-aabang pa nga sa mga darating…. para magpahaplos at magpakamot? Sino ba naman ang hindi mapapangiti sa panonood kay Yeoreum? Malamang, uulit-ulitin mo pang panoorin!

Umani na ng 4.2M views ang video at 610.6k heart reaksyon. May ilang commenters ang nagpahayag na ang mga golden retriever ay talagang magiliw at palakaibigan.

Ibinahagi din ng 24-year-old marketing manager sa panayam ng The Philippine STAR na katuwaan lang ang caption at hinahayaan nilang gumala si Yeorum sa kanilang tahanan. Ibinahagi rin niya na regular na binibisita ng mga bata ang kanyang aso na bigay lamang umano sa kanya.

Ang pangalang Yeoreum na salitang Korean ay nangangahulugang “summer”.

Si Yeoreum ay 11 linggong gulang nang makuha siya ni Christiana mula sa isang matandang kakilala, na nangailangang lumipat sa isang condominium kung saan bawal ang mga alagang hayop.

Nag-reconnect sila sa Instagram Story ni Christiana kung saan ipinost niya kung gaano niya kagusto ang golden retriever puppy na ito.

“They were really sad having to let him go, they were crying when they gave him to me, but thankful that, according to them, I saved him when they couldn’t do it,” sabi niya sa The Philippine STAR.

Nagpasya siyang panatilihin ang pangalan bilang parangal sa backstory ni Yeoreum. Ang dating may-ari ng aso ay nakakakuha ng mga update mula sa Instagram posts ng bagong furmom ni Yeoreum na si Christiana.

“I wanted him to be the same dog, with that backstory. Kasi feeling ko sobrang meant-to-be na someone just gave me my dream dog at the moment na I really wanted him,” aniya.

Narito ang ilan sa mga nakaaaliw na komento ng mga netizens.

“Bagsak sa pagiging guard dog…pang welcome committee lang.”

“Sila yung tipong makikipag sabwatan pa sa akyat bahay AHAHAHAHAHAHA sa sobrang friendly.”

“Pag Golden Retrievers asahan mong mananakaw yan sa bait. but i love these breeds tho. wanna have 1 pls.. Shih lang meron kame at aspin.”

Continue Reading

animals

Viral: Mga asong nagdarasal bago kumain hinangaan

Published

on

By

Malaking bahagi ang ginagampanan ng mga hayop sa buhay nating mga tao. Ang mga hayop ang nagsisilbing kasama, alaga, libangan, at taga-bantay. Tinagurian pa ngang ‘man’s best friend’ ang mga alagang aso sa kadahilanang sila ang hayop na pinakamalapit sa tao at itinuturing rin sila ng karamihan sa atin bilang isang matalik na kaibigan bukod sa kapamilya.

Sa isang video na ibinahagi ng GMA News ay makikitang tila nagdarasal ang mga alagang hayop bago kumain sa Imus, Cavite.

Sa kuha ng fur-daddy na si Fernando Bote Jr., makikita ang kaniyang mga alagang aspin na tila marunong makinig sa dasal.

Sa umpisa ay makikitang nagliligalig ang mga alaga hanggang sa  simpleng senyas lamang ng kamay ng amo at pagsabi ng magdasal muna ay agad namang pinangunahan ni Barako at sinundan din siya ng ibang mga aso.

Makikita sa ibang aso na sabik na sabik kumain ngunit sabi nga ng amo nila ‘magdasal’ muna. Hahahaha nakakatuwa naman!

Maya maya pa ay nagbigkas na ng dasal ang amo at tahimik lang ang kanyang mga alaga na animo’y nakikipagdasal bago sunggaban ang kanilang pagkain.

Ayon kay Fernando, una niyang naturuang makinig sa pagdarasal ang 3-year-old na si Barako habang nakahawak sa kaniyang braso at nakayuko. Kinalaunan ay natuto na rin ang iba pa niyang alaga.

Kumpleto raw lagi ang mga ito mula sa kanilang nanay na si Diva, at mga anak na sina Cherry, Barako at ang mga tuta.

“Kada kakain po, habang nagdadasal po si Barako, naghihintay naman po ang iba at pakiwari ko ay nakikinig po sila,” kuwento ni Fernando.

Paraan na rin daw nila ito bilang pasasalamat sa biyayang natatanggap, at kasama raw talaga lagi sa kanilang budget ang pagkain ng mga alagang aso.

“Sana po makapagbigay po kami ng inspirasyon sa lahat po ng mga fur-parents. Mahalin po natin kahit anong lahi pa ang ating mga alaga,” dagdag niya.

Hindi lamang ‘yun. Ibinahagi rin sa FB page na Barako’s friendship na natutulog sila kasama ang kanilang amo sa isang higaan na naghaharutan muna bago gumawa ng antok. Oh ‘di ba pati sa pagtulog sama-sama sila na  parang magkakaibigan lang na mag-oovernight!

Nakakatuwa naman na hindi lang tayong mga tao ang natututong manalangin, kundi pati na rin ang ating mga alaga.

Masasabi ngang tunay naman talagang may isip ang mga hayop at ang kanilang paglago ay depende sa kung paano mo sila ituturing at mamahalin.

Tara, panoorin natin sila!

Continue Reading

Trending