Connect with us

celebrities

Sharifa Akeel, nag-react sa bonding ng asawang si Toto Mangudadatu sa anak nito kay Ynez Veneracion

Published

on

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang post ng aktres na si Ynez Veneracion na nagpapasalamat sa dati niyang karelasyon na si Esmael “Toto” Mangudadatu, ang kasalukuyang Maguindanao Second District Representative.

Naglaan kasi ang mambabatas ng kanyang panahon para maka-bonding ang anak niya sa aktres -ang sampung-taong gulang na si Princess Keilah del Rosario.

Image from Ynez Veneracion

Ishinare ni Ynez ang ilang larawan ng mag-ama na masayang nagba-bonding. Magkakasama silang kumain sa isang restaurant sa Greenbelt sa Makati.

Aniya, masayang-masaya ang anak sa muling pagkikita nila ng ama.

“Had lunch at Greenbelt 3 with her papa Toto. Thank you for spending time with us & also for being such a good father to Keilah. She missed you so much & was so happy to see you. Until next time. Stay safe & healthy gov. Allah bless you,” post ng aktres sa kanyang Instagram account tatlong araw pa lang ang nakalilipas.

Maraming netizens ang nagkomento na parang pinagbiyak na bunga raw ang mag-ama.

Pinuri nila ang mambabatas dahil hindi raw nito kinakalimutan ang kanyang responsibillidad.

Parang pinagbiyak na bunga ‘yung mag-ama.”

 “Sana lahat ng tatay ganyan.”

 “Aww, Father and daughter priceless moments. Gov. is such a good father to her daughter and they look alike.”

Image from Ynez Veneracion

Maging ang kasalukuyang asawa ni Rep. Mangudadatu na ang dating beauty queen na si Sharifa Akeel ay nagbigay ng kanyang reaksyon sa bonding moment ng kanyang asawa sa anak nito kay Ynez Veneracion.

Pinusuan niya ang Instagram post ni Ynez. Tatlong heart emojis ang simpleng komento niya sa masayang post ng aktres.

Dahil doon ay pinuri rin siya ng mga netizens. Isa raw siyang tunay na “queen.”

“A true queen.”

 “You aren’t selfish. Now I admire you.”

 “I admire you po. Such a blessed heart. Salute po.”

Tinawag rin siya ng iba na “supportive stepmom.”

Image from Sharifa Akeel

Ang 24-anyos na si Sharifa Akeel na Miss Asia Pacific International 2018 ay ikinasal kay Mangudadatu noong Agosto ng taong kasalukuyan.

Si Sharifa ay kandidato sa pagka-governador ng Sultan Kudarat para sa May 2022 elections sa ilalim ng Aksyon Demokratiko political party ng presidential aspirant na si Manila Mayor Isko Moreno.

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

celebrities

Sen. Bong Revilla, dasal din ang hiling para kay Kris Aquino

Published

on

By

Panalangin din ang hiling at alay ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla para sa kumare niyang si Kris Aquino na dumaraan sa matinding pagsubok ngayon dahil sa estado ng kaniyang kalusugan.

Ani Bong, sana ay huwag nating hayaang mamayani ang ‘negativity’ ngayong nahaharap lahat sa matinding hamon ng pandemya.

“Sa panahong ito na dumaranas tayo ng ating kanya-kanyang pagsubok, napakahalaga po ng pakikipagkapwa-tao at pagmamalasakit sa isa’t isa,” wika ni Bong na abala ngayon sa pagpo-promote ng ‘Agimat ng Agila: Season 2’

BASAHIN: Bong Revilla, muling lilipad sa Agimat ng Agila Book 2

“We should not allow negativity to dictate our actions. We must let our compassion and humanity prevail,” dagdag pa ng senador.

Kung magugunita, si Bong Revilla ay nakulong dahil sa alegasyon ng kurapsyon na may kinalaman sa kaniyang ‘pork barrel’ noong panahon ng adminstrasyon ni Noynoy Aquino, ang kapatid ni Kris.

Subalit mistulang isinasantabi naman ng actor-politician ang usaping may kinalaman sa pulitika.

“Kaya naman nananawagan po ako sa lahat na ipagdasal po ang kalagayan ng aking kumare na si Kris Aquino, na nagdadaan ngayon sa matinding pagsubok sa kanyang kalusugan – huwag na bilang isang celebrity; o isang political figure; kundi bilang isang kapwa tao na nakikipaglaban sa karamdaman,” anito.

“Get well soon Kris. Our prayers are with you,” ayon pa sa mambabatas.

kris

Maliban kay Bong, marami pang celebrities at kilalang personalidad ang nagpaabot ng kanilang suporta sa tinaguriang ‘Queen of all Media’ dahil sa pinagdaraanan nitong hamon sa kaniyang kalusugan at personal na buhay.

Kabilang na rito sina Pokwang, Senador Kiko Pangilinan, Melai Cantiveros, at Robin Padilla.

BASAHIN: Robin: ‘Maging ano man ang kulay natin sa pulitika, kailangan natin si Kris’

Continue Reading

celebrities

Mariel inaming nagselos noon sa ‘bath tub scene’ nina Robin at Kris

Published

on

By

Inamin ni Mariel Padilla na nagselos siya noon sa isang eksena ng kaniyang mister na si Robin at ni Kris Aquino.

Ito ay matapos usisain ng netizens ang TV host-actress kung sino sa mga dating leading lady ni Robin ang kaniyang pinagseselosan.

“Not Ate Kris but the scene!!!” paglilinaw ni Mariel sa kaniyang Instagram stories na may kalakip pang larawan na magkasama ang kaniyang asawa at si Kris.

Pag-amin ni Mariel, immature pa siya noon kaya nahihiya siya sa kaniyang naging reaksyon.

“Kasi may love scene tapos may mga bath tub scene… tapos naka-diet ako tapos immature ako. Tapos nakakahiya kasi nag-react ako,” dugtong nito.

Sa tanong naman kung nagsisisi ba siya sa kaniyang pagseselos noon sa naturang eksena, sagot ni Mariel ay oo daw.

Aniya, “Do I regret it? Yes! Btw, love ate Kris to the max!!!”

Ayon sa Bandera, ang tinutukoy marahil na eksena ni Mariel ay sa Kapamilya teleserye na “Kailangan Ko’y Ikaw” kung saan nakasama ng dalawa si Anne Curtis.

Bago pa ang pag-aming ito ni Mariel, nag-alay ng panalangin si Robin para sa paggaling ni Kris Aquino.

BASAHIN: Robin: ‘Maging ano man ang kulay natin sa pulitika, kailangan natin si Kris’

Sa isang Facebook post nitong Martes, sinabi ni Robin na mahal na mahal nila ni Mariel si Kris bilang isang kaibigan.

Nalulungkot umano siya sa mga lumabas na masasamang balita tungkol sa actress-TV host sapagka’t hindi ito makatutulong sa kalusugan ng huli.

Dahil dito, nag-alay ng dasal ang aktor para sa kapatid ng yumaong Pangulong Noynoy Aquino.

“Ang aking salmo ay mabigyan ng pahinga ang kaisipan at damdamin ni Ms. Kris para siya ay makabawi at makabalik sa kanyang lakas,” wika ni Robin.

“Maging ano man ang kulay natin sa pulitika, kailangan natin si Ms. Kris,” dagdag pa ng binansagang ‘Bad Boy’ ng pelikulang Pilipino.

Continue Reading

celebrities

Vice Ganda may ‘power’ na magdesisyon para sa ‘It’s Showtime’?

Published

on

By

May ‘say’ umano si Vice Ganda sa mga desisyong ginagawa sa kanilang noontime show na ‘It’s Showtime’, ito ang ibinahagi ni Ogie Diaz.

Ani Ogie, may nakapagsabi sa kaniyang isang source na isa si Vice Ganda sa kinukonsulta o pinagkukunan ng desisyon kapag may bagong programa o segment silang ipapasok sa ‘It’s Showtime’.

“Actually ang alam ko, e, binigyan ng power si Vice na magdesisyon para sa show or magkonsulta sa kanya ang mga staff,” kuwento ng talent manager sa kaniyang co-host na si Mama Loi sa kanilang ‘Ogie Diaz Showbiz Update’.

Pakli naman ni Mama Loi, lumalabas na parang ‘creative consultant’ ng programa si Vice Ganda. Subalit ayon naman kay Ogie, BUH o ‘business unit head’ ang dating nito sa kaniya.

Sang-ayon naman dito si Ogie. Aniya, mas nakakahiya umano kapag ang kukunsultahin ay isang wala pa namang napatunayan sa showbiz.

“Nakakahiya naman kung kukunsulta ka sa hindi naman panalo sa show, so, siyempre doon ka kokonsulta sa tao na una tinitingala sa show, pangalawa, ‘yung source of energy ng show pinaghuhugutan nila,” paliwanag ng showbiz writer.

“Kasi sa totoo lang matalino naman ‘yang baklang ‘yan! In fairness to him kapag sa meeting-meeting ang dami niyang baon, doon niya naibubuhos,” dagdag pa ni Ogie.

Napag-usapan nina Ogie at Mama Loi si Vice Ganda matapos sabihin ni Lolit Solis na nagpa-power tripping umano ang sikat na komedyante sa ‘It’s Showtime’. Dahil dito nagparinig si Vice tungkol sa hindi magandang ginagawa raw ng mga ‘Marites’ na tila ang pinatatamaan ay si Lolit.

BASAHIN: Jugs sinagot ang post ni Lolit Solis tungkol sa umano’y power tripping ni Vice sa ‘It’s Showtime’

Subalit para kina Ogie, maaaring concerned lamang si Vice sa kanilang show kaya nasaktan ito sa sinabi ni Lolit. Wika pa ng dalawa, nagmamalasakit lamang ang comedian-host kaya iniisip nito ang lahat ng makabubuti sa kanilang programa.

Panoorin ang buong talakayan nina Ogie Diaz at Mama Loi sa ‘Ogie Diaz Showbiz Update’ vlog:

Continue Reading

Trending