Connect with us

celebrities

‘I treasure you’: Sharon ipinagpapasalamat ang pagkakaibigan nila ng longtime friend na si Lorna

Published

on

sharon lorna

Isa sa mga longtime friend ng Megastar na si Sharon Cuneta sa beteranang aktres na si Lorna Tolentino na kinokonsidera niyang isa sa kanyang mga kapatid sa industriya.

Sa kanyang kaarawan kamakailan, isang heartfelt note ang iniwan ni Sharon kalakip ng larawan nila ng kanyang “ate”, kung saan pinasalamatan nito ang kanyang tunay at maasahang kaibigan.

sharon lorna birthday

“Happy, happy birthday, my dearest Ate LT! Thank you for your true and reliable friendship over these many years. I treasure you. I love you very much. May all your dreams come true and God bless you always!” saad ni Sharon sa caption ng larawang ini-upload niya sa photo sharing app na Instagram.

Matatandaang muling nagkatrabaho ang dalawa kamakailan matapos mapasama si Sharon sa cast ng long-running ABS-CBN action-series na FPJ’s Ang Probinsyano, kung saan kabilang na si Lorna simula pa noong 2019. Hangad daw ni Sharon na mas mas makaeksena pa si Lorna dahil napakatagal na rin daw simula noong huli silang nagkatrabaho sa Nakagapos Na Puso.

sharon lorna

“Lorna has been my ‘Ate’ since we made our one and only movie together, ‘Nakagapos na Puso.’ But we have become closer in recent years, especially when Daboy [Rudy Fernandez, Lorna’s husband] was sick and we talked more, kept in touch through texting, saw each other a bit more often,” pagbabahagi ni Sharon.

“We may not have been able to open up and make kuwento too much to each other about our own lives, but she is someone I will always look up to, and I sincerely love her very dearly,” dagdag pa ng aktres. “She is a true friend and a loving Ate. If we both had the time and many opportunities, I know that we would only become closer and be able to share more with each other! And I will always treasure Ate’s friendship and love.”

sharon lorna

celebrities

‘Nakaraan’ nina Ryan Bang at Yeng Constantino, naungkat sa ‘It’s Showtime’

Published

on

By

Nasurpresa ang mga hosts at manonood ng ‘It’s Showtime’ nitong Biyernes, Enero 28, nang biglang maungkat ni Yeng Constantino ang ‘nakaraan’ nila ni Ryan Bang.

Nagsimula ito sa komento ni Yeng  sa isang contestang ng ‘Tawag ng Tanghalan’ kung saan isa sa mga hurado.

“Minsan, kahit hindi mo nga naging jowa, e, basta nagparamdam na sa ‘yo tapos biglang nawala, naku, napakasakit talaga,” panimula ng singer, sabay hirit “‘Di ba, Ryan?”

Dahil sa pambubuking ni Yeng, napilitan tuloy si Ryan na umaming nanligaw siya dati sa singer matapos usisain ni Vice Ganda tungkol dito.

“Unang crush ko kasi si Yeng. 2010, ‘no, Yeng? Nanligaw ako kay Yeng,” pag-amin ng South Korean actor-host.

Kaagad namang nilinaw ni Yeng na hindi niya binasted si Ryan.

“Pero, hindi kita binasted! Hindi kita binasted noon. Tumigil na lang siya magpadala ng kape,” paglilinaw nito sa host.

Inamin rin ni Yeng na nakikilig siya noon nang nililigawan pa siya ni Ryan. Nalungkot din daw siya nang bigla na lamang itong tumigil sa panunuyo sa kaniya.

“Oo na-sad ako nun,” ani Yeng.

Nang usisain ni Vice kung bakit bigla na lang siyang tumigil at hindi na nagparamdam kay Yeng, napilitan na ring magpaliwanag si Ryan.

“Akala ko, ayaw mo sa akin. Kasi noong panahon na ‘yun, gumigimik kami, kasama ko sila James Reid. Siyempre lumalabas ako tuwing gabi. Inaaya ko siya, ilang beses. Tuwing inaaya ko siya tuwing gabi, hindi siya lumalabas, kaya akala ko ayaw niya sa akin,” kuwento nito.

Maliban dito, akala rin daw niya noon ay nanliligaw din kay Yeng si Richard Poon, na pinabulaan naman ng ‘Chinito’ singer.

Humingi rin ng pasensiya si Ryan kay Yeng matapos siyang ‘pagsabihan’ ni Vice Ganda.

Anito, “Yeng, pasensya na. Dapat pala nagpaalam ako, nagtanong ako sa ‘yo. Noong nanligaw ako, galing naman talaga sa puso ko ‘yon. Ikaw ‘yung pinaka unang-unang crush ko sa buong buhay ko, ikaw ‘yun.”

Panoorin ang kanilang nakatutuwang pag-amin:

Continue Reading

celebrities

Angeline Quinto, Erik Santos kinakiligan ng mga fans dahil sa kanilang kulitan

Published

on

By

Nitong nagdaang Disyembre 2021 ay nagbahagi si Angeline sa kanyang Instagram ng kanyang pregnancy test result at ito ay nagpapakitang siya ay nagdadalantao na.

“Merry Christmas. Dahil Pasko ngayon, ito ang pinakamagandang regalo ang natanggap ko. Ito ang pinakamagandang positive result sa buhay ko. Baby on the way, Yahooo,” aniya. Bumuhos ang pagbati sa singer-aktres mula sa mga followers at mga kaibigan sa industriya.

Ngayon naman ay kinakikiligan ng maraming fans nina Angeline Quinto at Erik Santos sa social media ang dalawa nang makita ang mga larawang magkasama sila.

Sa Instagram account ni Erik nitong Huwebes ay ibinahagi niya ang mga larawan nila ng actress-singer habang nagkukulitan sila sa labas ng studio ng “ASAP Natin ‘To!”

Makikitang idinikit ni Erik ang kanyang tainga sa tiyan ni Angeline.

“Ge, narinig ko sabi nya… Mommy, patuloy ang pangarap,” pagbibiro ni Erik.

Hindi naman nagpatalo si Angeline kaya humirit ito sa comments section.

“Hahahaha. Pogs umalis kana kasi, may sinabi pa si Baby, THIS IS THE MOMENT MAMA.”

Pansinin na hango sa kanta ni Angeline ang sinabi ni Erik, sa kantang “Patuloy Ang Pangarap,” habang ang kay Angeline naman ay mula sa awitin ni Erik na “This Is The Moment.”

Matatandaang sa naging panayam kay Angeline ni Karen Davila noong Oktubre 2021, ay sinabi nitong sinubukan naman daw nila ni Erik na magkaroon ng romantic relationship, ngunit hindi talaga lumapat.

“Singing partner ko po talaga si Erik, isa sa mga matatalik kong kaibigan sa industriya,” ani Angeline.

“Ginawa namin ’yun kaya lang para kaming natatawa sa isa’t isa. Kaya sabi ko ‘Pogs, ’wag nating pilitin. Talagang magkaibigan lang tayo, kasi minsan magiging sweet kami tapos matatawa na lang kami,” dagdag pa niya.

 

Nagbahagi naman ang isang netizen ng kanyang saloobin sa dalawa.

“AND IN THIS MOMENT, THE WHOLE FANDOM LOST THEIR SHITS . Omg Im cryingggg rn, I loveyouu both my AngErik. Ps. Grabee yung love mo Kuya kay Ate na kahit sa mga mahalagang pangyayari sa buhay niya di mo pa den siya pinapabayan. Get a man like Erik Santos na iche- cheer ka at hindi ka iiwan sa lahat ng ganap mo sa life.” 

“Sana kayu na lang,” saad ng isa pang netizen, at may tugon dito ang isa pang follower nila. “Pinagtagpo pero di tinadhana.”

Sa ngayon ay matalik na magkaibigan pa rin ang dalawa. At sa darating na Mayo naman ang nakatakdang pagsilang ni Angeline sa kanyang panganay na anak sa kanyang non-showbiz partner.

Continue Reading

celebrities

‘Enjoy the wind on your smiling face’: Iza inalala ang amang si Direk Lito sa ika-77 birth anniversary nito

Published

on

iza direk lito

Binalikan ng aktres na si Iza Calzado ang masasayang alaala ng kanyang ama na si Lito Calzado sa ika-77 birth anniversary nito.

Sa Instagram, ibinahagi ni Iza ang isang litrato at dalawang clips na nito lamang daw niya nakita. Dito, bakas na bakas ang personalidad ng kanyang ama: masayahin at nakapaghahatid din ng tuwa sa iba.

“Happy Birthday to the OG!” saad ng aktres sa caption ng mga l. “You would have been 77 today, Daddy Yo, and I am pretty sure that you’d still be as cute, charming, and youthful as you are in this photo.”

iza ama

Kuwento ng aktres, ang mga clip na inilakip niya ay mula sa pelikulang Drakulita na kamakailan lamang niya nakita matapos maipadala sa kanya.

“These clips from the film, Drakulita, were recently sent my way by @thereyno through @redgynn and it’s my first time to see this,” wika niya. “Makes me think of the many hats you wore—dancer, choreographer, director, producer, actor, husband, father, and friend. The life you lived and how colorful it was. You were always true to who you were. Unapologetically you.”

“Thank you for showing me what it means to be light, to love, and to be free,” pagpapatuloy niya. “I get it now. Fly and dance freely, Daddy. Enjoy the wind on your smiling face.”

Samantala, marami ang nag-iwan ng komento sa nasabing post; mula sa mga ordinaryong tao hanggang sa mga celebrity na napalapit na sa pamilya Calzado.

iza direk lito

“Saying an extra prayer for Tito Lito tonight,” wika ni @indigopaipoetry. “Happy birthday to one of the most amazing souls I had the privilege of knowing.”

“Happy birthday in heaven, Tay, always in hearts,” ani @m_sunshinedizon.

Puna naman ni @realprincesspunzalan, “Magkamukha pala kayo! You have similar bone structures.”

iza direk lito

Continue Reading

Trending