Connect with us

politics

Pagdagsa ng supporters sa BBM-Sara motorcade sa QC tanda raw na tama ang resulta ng mga survey

Published

on

Dumagsa ang pagkarami-raming supporters ng Uniteam nina Bongbong Marcos (BBM) at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa motorcade na isinagawa sa Quezon City noong Miyerkules, ika-8 ng Disyembre.

Image from SMNI

Huminto ang daloy ng trapiko sa malaking bahagi ng Quezon City dahil sa motorcade ng BBM-Sara tandem dahil sa daang libong nakiisa sa cavaran kabilang na ang napakaraming mga Angkas Riders.

Patunay umano iyon ng lakas ng hatak ng kanilang tambalan sa Metro Manila at tanda raw na tumpak ang resulta ng mga survey na nangunguna si BBM sa presidential race at gayundin naman si Sara sa vice presidential race na napupusuang iboto ng publiko.

Bukod sa mga lumahok sa motorcade, marami ring mga tao na may hawak na maliliit na Philippine flag ang matiyagang naghintay sa gilid ng mga lansangan upang ipakita ang kanilang suporta sa BBM-Sara tandem.

Malakas ang kanilang hiyawan na “Marcos pa rin! Marcos pa rin!”

Ang limang oras na motorcade na nagsimula sa tapat ng Commission on Audit ay nagtapos sa Welcome Rotonda.

Image from Uniteam Alliance

“Lakasan natin ang ating sigaw ng ating sinasabi na ipagpatuloy ang pagkakaisa ng Pilipinas. Ang pagpili po ninyo kay Marcos at Duterte ay boto ninyo para sa pagkakaisa, para sa mas mabuti at mas magandang kinabukasan ng ating bansa,” ang sabi ni BBM sa mga taga-suporta.

Samantala, sa pamamagitan ng tagapagsalita ni BBM na si Victor Rodriguez, humingi ng paumanhin ang Uniteam camp dahil sa grabeng trapiko na idinulot ng kanilang motorcade sa kabila ng mga ginawa nilang paghahanda.

Image from QC Government

“Hindi po kasi inaasahan ng mga naghanda sa nasabing okasyon na mao-overwhelm pa rin ang kanilang masinop at malawak na preparasyon sa dagsa ng mga taga-suporta nina Bongbong at Sara na sabik na makiisa at makita ang kanilang mga kandidato sa pagka-presidente at bise presidente,” sabi ni Rodriguez.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang Uniteam sa Quezon City government sa pagbibigay-suporta sa caravan sa pamamagitan ng pagde-deploy ng mga law enforcers, traffic enforcers at mga ambulansya.

IMage from Uniteam Alliance

News

Gov. Jonvic Remulla sa mga bumabatikos sa pagpanig kay Bongbong Marcos: Everyone is free to choose

Published

on

By

Pinanindigan ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ang pahayag na naniniwala siyang nakatadhanang manalo sa pagkapangulo si dating Sen. Bongbong Marcos.

“Maraming letga sa huling post ko kung saan sinulat ko na mananalo si BBM sa Cavite. Maraming letga sa aking pananaw na ginuhit ng tadhana na maging Pangulo si BBM. Maraming letga sa aking impresyon na panahon na ni BBM bilang susunod na lider ng bansa,” ani Gov. Remulla sa isang post.

Sa kabila nito ay pinaninindigan niya raw ang kaniyang paniniwala at hindi raw siya hihingi ng paumanhin sa kahit sino.

“To all those who reacted (special mention to the first time visitors of the page who dropped by just to make their feelings known), let me make one thing clear: I am owning up to my words. I will never apologize to anyone for what I wrote or what I believe is the most likely outcome,” sabi niya.

Basahin: ‘It’s his destiny’: Cavite Gov. Jonvic Remulla naniniwalang mananalo si Bongbong Marcos sa pagkapangulo

Ayon pa kay Gov. Remulla, mahalaga para sa kaniya na marinig ang iba’t ibang panig sa usaping politika. Masaya rin umano siyang makitang marami ang nagmamahal sa bansa.

“I welcome hearing all sides – even with the extreme emotions and expletives. It only proves one thing: We all care about our country. Sa galit at gayak pa lang ay nakikita ko na marami pa rin ang nagmamahal sa bansa,” paliwanag niya.  

“To everyone, thank you very much for the feedback. It gives me a great sense of hope that our love for the country remains steadfast and the virtues we want in our leaders are precise and clear.”

Paalala niya rin, ang bawat isa ay may karapatang pumili ng lider.

“Let the final arbiter be the people. Meanwhile, everyone is free to choose sides. Let’s choose the issues that matter. Most importantly, let us choose our leaders wisely. Every vote counts. For every vote is a win for our democracy. It’s a win for our future.”

Continue Reading

celebrity

Nadine Lustre nag-trending matapos nitong muling magpakita ng suporta sa Leni-Kiko tandem

Published

on

By

Ang singer, model, endorser, dancer at aktres na si Nadine Lustre ay muling nagpakita ng pagsuporta sa tandem nina presidential candidate VP Leni Robredo at vice presidential candidate Senator Kiko Pangilinan sa pamamagitan ng kaniyang My Story sa Instagram  nitong Enero 18, 2022.

Certified ‘kakampink’ na talaga ang aktres? Makikita sa kaniyang Instagram story post ang kuhang larawan ng Leni-Kiko tandem sa isang bahagi ng gusali.

Kamakailan ay iniulat ng The Philippine Star via Twitter na inihayag ni Nadine ang pagsuporta sa kanyang piniling iboboto sa darating na halalan 2022.

“You can support who you wanna support. And you shouldn’t be afraid to say it to people. And if you wanna support someone, you do it all the way. It’s like, why would you be ashamed of your picks,” saad ni Nadine.

Gayunpaman, sinabi ng aktres na hindi niya pipilitin ang sinuman na bumoto ng napipisil niya o ng iba. Aniya, kahit sino ay maaaring suportahan kung sino ang gusto nila.

As of this writing ay trending si Nadine sa Twitter.

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizens:

“Nadine Lustre is currently trending after showing support for VP Leni Robredo’s presidential candidacy!”

“Nadine Lustre, sending out a pink heart for all the kakampinks out there. QUEEN. #LetLeniKikoLead2022.”

“Stan the kweeen!”

“President Nadine Lustre has spoken. She is a certified Kakampink. Thank you for your support, @hello_nadine!”

“A Queen for A Queen. Nadine Lustre using her platform. Even the smallest way helps.”

Samantala, umani rin ito ng batikos mula sa mga netizen na sumusuporta sa ibang kandidato o partido.

“Luh? May nagkakalat na naman pong starlet na palaos na!”

“Canceled! Okay next!”

“Naku dear, may pelikula ka pa naman… gusto mong langawin?”

“From our DENR Secretary (kuno) Nadine Lustre. Clap! Clap! Clap! Dahil diyan, lalong hindi ko iboboto ‘yan!”

Totoo naman na kahit sino ay may karapatang mamili at bumoto ayon sa kanilang napipisil na kandidato. Ito ‘yung tinatawag na respeto sa iyong napili at sa napili ng iba.

Sa ngayon ay maraming nagtatalo-talo kaugnay sa mga kandidatong kanilang pinili. May tinatawag pa ngang ‘cancel culture’ kung saan ang isang celebrity o brand, halimbawa, ay binoboycott kapag hindi lapat sa sinusuportahan ng ilang grupo.

Ang Eleksyon 2022 ay nakatakda sa Mayo 9, 2022.

Kamakailan ay nagbigay ng tulong sa mga survivors ng bagyong Odette si Nadine at nagpa-install pa ng solar panel para sa mga residente ng Brgy. Malinao, Siargao.

 

Continue Reading

politics

Inday Sara may mensahe sa mga supporters na ayaw kay BBM: “I cannot be one with you on this”

Published

on

By

Imahe mula sa Facebook| Bongbong Marcos

May mensahe si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para sa kaniyang mga supporters na iba ang manok sa pagka-presidente.

Si Duterte-Carpio ay tumatakbo bilang pangalawang pangulo sa ilalim ng Lakas-CMD at nakipag-alyansa kay dating senador Bongbong Marcos na siyang bumubuo ng ‘UniTeam’.

Imahe mula sa Facebook| Bongbong Marcos

Sa simula ng kaniyang video message ay pinasalamatan ni Inday Sara ang kaniyang libo-libong volunteers at supporters sa iba’t-ibang panig ng bansa at ng mundo na kasama niya umano sa mga gawain para maipagpatuloy ang kaniyang kandidatura.

“Lagi ring nandiyan si Bongbong Marcos, ang aking kandidato sa pagkapangulo,”anito.

“Nang magdesisyon akong tumakbo bilang vice president, pinili ko pong ka-tandem si BBM. Dahil dito nabuo ang UniTeam BBM-Sara,” dagdag pa ng alkalde.

Imahe mula sa Facebook| Bongbong Marcos

Nangako rin umano siya ng katapataan sa alyansang pinasok niya kasama ang kaniyang partido at ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ni Marcos dahil mahalaga sa kaniya ang ‘paninindigan at isang salita’.

“I truly appreciate the love of so many for me and while I continue to respect your decision to support another presidential candidate, it is with a heavy heart that I cannot be one with you on this,” dagdag pa ni Inday Sara.

Sa kabila nito, umaasa at nagdarasal pa rin umano siya na patuloy ang suporta sa kanilang UniTeam.

Imahe mula sa Facebook| Bongbong Marcos

“Handa ang UniTeam BBM-Sara para harapin ang mga hamon sa pamamahala. Mahalin natin ang Pilipinas,” pagwawakas ng alkalde.

Kapwa nangunguna sa mga survey ang BBM-Sara tandem kahit hindi pa nagpapahayag ng suporta rito ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang ama ng alkalde.

Makakalaban ni Inday Sara sa pagka-bise presidente sina Senate President Tito Sotto, Senador Kiko Pangilinan, Rep. Lito Atienza, Doc Willie Ong at Walden Bello.

Continue Reading

Trending