Connect with us

Philippine Showbiz

AJ Raval, ipinagtanggol ni Teresa na ina ni Diego Loyzaga

Published

on

Ipinagtanggol ni Teresa Loyzaga si AJ Raval sa mga ipinapakalat na tsismis kaugnay dito.

Si Teresa, na kasalukuyang nasa Perth, Australia, ay ang ina ni Diego Loyzaga na nakarelasyon noon ni Cesar Montano na siyang ama ni Diego.

Image from Teresa Loyzaga’s Instagram account

Nagpadala ng isang text message si Teresa sa showbiz reporter-kolumnista na si Cristy Fermin habang umeere ang radio program niyang Cristy Ferminute na mapapanood din sa YouTube.

Sa programa, sinasabi ni Cristy Fermin na marami ang nagpapadala ng mga text messages sa kaniya patungkol kay AJ. Aniya, maging asong nagugutom ay hindi kayang sikmurain ang mga bagay na ibinabato sa bagong aktres.

Dapat daw na gumawa na ng hakbang si AJ upang mabago ang image niya upang hindi maapektuhan ang umuusbong niyang showbiz career.

Habang nagbibigay siya ng reaksyon sa mga kumakalat na balita at sa mga isyung ibinabato kay Aj Raval ay dumating ang mensahe mula kay Teresa Loyzaga.

Screenshot from Cristy Ferminute

Binasa niya ang text message.

“’Naranasan ko na sira-siraan noon.’ Si Teresa Loyzaga ‘to, nagte-text,” ani Crity Fermin.

“Ang paninira sa ibang tao ay hindi kahit minsan naging solusyon. Nakilala ko si AJ. She seems like a nice girl and kilala ko rin ang dad niya. Sana tumigil na ang paninira. Life should be happy. Lahat nagkakamali at nadadapa. Kahit may anak or wala, she’s a woman. Ako po nanganak and naging single mom. Let’s respect AJ also. Sana si chismosong frog ang layuan niya,” ang saad pa ng text ni Teresa Loyzaga ayon kay Nay Cristy.

Image from Aj Raval’s Facebook account

Hindi pinangalanan kung sino ang tinutukoy na chismosong frog, pero nagbigay si Cristy Fermin ng mga clue na magtuturo sa kontrobersyal na si Xian Gaza.

Hanga si Cristy sa ginawa ni Teresa dahil sa isyu ni AJ Raval at Barbie Imperial ay ang anak niyang si Diego Loyzaga ang napuruhan, pero sa kabila niyon ay nagawa pa nitong ipagtanggol si AJ na pilit na ginagawan ng isyu ng isang kontrobersyal na social media influencer.

“Alam mo saan ka nakakita, anak na niya ang napupuruhan. Siyempre lahat ng mahal ng anak niya, mahal din niya, mahal niya si Barbie. E kung ako nga, nanay-nanayan lang e, kung sino mahal ni Diego, ng ‘apo’ ko, mahal ko rin, ‘di ba?” ani Crity Fermin.

Image from Barbie Imperial’s Instagram account

Philippine Showbiz

Lotlot de Leon hindi ikinahihiya ang pagiging ampon

Published

on

By

Buong tapang na sinabi ng aktres na si Lotlot de Leon na hindi niya ikinahihiya ang pagiging isang ampon.

Sa isang Instagram post ay nagbahagi siya ng larawan na nagpapaalalang maging ang mga kagaya niyang adopted ay may karapatan din.

“Adoptee rights are human rights because though they may have been bought, sold, given away, taken, stolen, imported, exported, brokered, and treated like commodities, adopted persons are HUMAN BEINGS!” saad sa larawan.

Sa caption naman, sinabi niyang marami siyang ipinagpapasalamat, kabilang na ang magaganda at hindi magagandang karanasan sa buhay.

So let’s just put this out here already! Yes I am adopted and yes I am also human! I am not a commodity, I am my own person who has feelings too. I am grateful for many things in my life. I am grateful for all the good and bad things that I have been through because those are what molded me to be who I am today!” ani Lotlot.  

“I accept what was and what is! I will keep on moving forward owning this life that was given to me.”

Kaya naman paalala niya sa mga nasa parehong sitwasyon, huwag ikahiya ang kanilang pinanggalingan.

“For those who are like me, never be ashamed of where you came from and your story!  Continue to live your life because this is 100 percent yours! Love those who truly love you!”

Mensahe niya naman sa mga patuloy sa pangdi-discriminate sa mga ampon, “let go of the bigotry. It’s so unbecoming of a supposed ‘human being.’”

Marami naman ang nagpahayag ng kanilang suporta at pagmamahal para kay Lotlot, kabilang na si Nadia Montenegro.

“If all adoptive children were like you, this world would be a better place. Know that I’ve been blessed my entire life for having you in mine. Napakabuti mong tao, nanay, kaibigan. I’ve seen you take so much in even when you couldn’t but you did,” sabi nito.

Kamakailan lamang ay sinagot ni Lotlot ang komento ng isang netizen na nagsabing kaya niyang tiisin ang inang si Nora Aunor matapos niya hindi dumalo sa family reunion.

Basahin: Lotlot, sinagot ang netizen na nagsabing natitiis niyang hindi dalawin ang inang si Nora Aunor

Continue Reading

Philippine Showbiz

Korina Sanchez nais ipakulong ang trolls

Published

on

By

Nais ng broadcaster na si Korina Sanchez na tugisin ang mga troll na nanggugulo sa kaniyang social media accounts.

Paniwala ni Korina, ang mga troll na ito ay binabayaran ng mga taong hindi kayang sabihin nang harapan ang kanilang komento tungkol sa iyo.

Trolls are usually hired and orchestrated by people who don’t have the guts to just confront you and tell you what they think, to your face. Or malaki ang kontrata para manira. Or baka kasi super inggit lang. Or bored sila and unhappy. Or obsessed with a person or an idea,” sabi ni Korina sa isang Instagram post.

“Imbes na ayusin na lang nila ang sarili nilang buhay. Ang ganda pa naman ng buhay sana. I guess hanggang doon na lang sila? I hope not. I still believe in the good in people. But I’ve lived long enough to know some people are just… INSANE.”

Hinimok niya rin ang mga follower na makipag-ugnayan sa kaniya kung naranasan din nilang maging target ng mga troll.

“If you’re a victim of online harassment by paid trolls, e-mail me on [email protected] and I will give you the tips on how to put them in their place. There are administrative and legal remedies for this,” saad sa post ng broadcaster.

“Ipakulong natin sila. Hiyain muna natin nang todo bago pakulong. I’m in touch with the Senate about this currently. I’m on your side, being a victim myself. There’s a way.”

Sa ngayon, i-block daw muna nila ang mga nang-aatake sa kanila. “Anyway, let’s chat in private. I can also advise you about the legal parameters. Let the devils stay in hell, right? Let’s put them back there. #TulunganTayo #D*athToTrolls God’s on our side on this one.”

Kamakailan lamang ay marami ang pumuna sa post ni Korina tungkol sa pagiging mapalad niya dahil hindi pa siya tinatamaan ng COVID-19 sa kabila ng muling pagdami ng kaso sa bansa.

Continue Reading

celebrity

Solenn Heussaff, preggy with Baby #2 na nga ba?

Published

on

By

Napaisip ang followers ng celebrity na si Solenn Heussaff matapos nitong magbahagi ng isang larawan sa kanyang Instagram account. May Baby #2 na kaya soon?

Ang ibinahagi niyang larawan ay may caption na: “Fun days with you. Love this leotard from @bumpsuit, so easy to wear and also stretches if you get preggo!”

Napansin ng netizens na tila nakapang-maternity na kasuotan ang aktres habang buhat ang anak na si Thylane sa kanyang Instagram post.

Hindi napigilan ng kanyang mga followers na magpahayag sa comment section ng kanilang sapantaha kaugnay sa larawan. Nagpo-promote lang kaya siya ng @bumpsuit o sadyang nagbibigay na siya ng hint na another #BabyBolz is on the way?

“I assume that you just simply announced that you’re pregnant.  Congrats in advance if true.. Ate na si Tili ” – altheajoy0729

“Yehey another baby, keywords: bumpsuit and preggo” – helloac

keyword PREGGO,” switzluv214

Marami rin sa kanila ang nagsimulang bumati kay Solenn:

“Congratsss!!!???” – bhuds

“OMG!!!! I can’t with another Tilibolz or a boy version of her if ever this is true” – sunnysideup

Hindi pa naman kinukumpirma ni Solenn kung totoo nga ba na magkakaroon na sila ng baby #2 ng asawa niyang si Nico.

Noong 2012 nagsimulang makipag-date si Solenn kay Nico na isang negosyanteng Argentine.

Noong Disyembre 2014, inihayag ni Solenn ang kanilang relasyon ni Nico.

Ikinasal ang dalawa noong Mayo 21, 2016, sa Combourg, France. Noong Agosto 2019, inihayag niya ang kanyang pagbubuntis sa pamamagitan ng Instagram.

Isinilang niya si Thylane Katana sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig noong Enero 1, 2020. Nitong simula ng taon ay sa France nila ipinagdiwang ang ikalawang kaarawan ni Tili.

Continue Reading

Trending