Connect with us

music

Record breaking: V ng BTS nakakuha ng 10M Instagram followers sa loob lang ng mahigit 4 hours

Published

on

Gumawa ng dalawang Guinness World records ang isa sa sa pitong  members ng BTS South Korean boyband na si Kim Taehyung o mas kilala bilang si V.

Ayon sa Guinness World Records, isinapubliko sa unang pagkakataon ng pitong BTS members ang kanilang Instagram accounts noong December 6, 2021 at agad umanong humakot iyon ng mga followers.

Image from KPOP Fandom

Na-shock ang mga ARMY sa buong mundo nang buksan ng BTS members ang kanilang Instagram accounts para makipaghuntahan sa mga tagahanga.

ARMY ang tawag sa mga fans ng BTS.

Sa kanilang pito, si V raw ang nanguna sa paramihan ng nakuhang Instagram followers. Nabasag niya ang world record para sa fastest time to reach 1 million followers on Instagram sa loob lang ng 43 minutes.

Ang Guinness World record na iyon ay dating hawak ni Taeil Moon ng NTC KPop group. Humawak din niyon sina Rupert Grint at Jennifer Aniston. Pero hindi lang iyon ang record na binasag ni V.

Dahil sa milyun-milyong ARMY ay mabilis na umabot sa sampung milyon ang Instagram followers niya. Inabot lang iyon ng apat na oras at limampu’t dalawang segundo para basagin ang record sa fastest time to reach 10 million followers on Instagram.

Sa ngayon ay umabot na sa 26.3 million ang Instagram followers ni V.

Image from AllKpop

Kung pagsasamahin ang Instagram followers ni V at followers ng mga kasama niya sa grupo ay aabot na ang mga followers nila sa halos 60 million.

Mahigit 42.3 million naman ang followers nila sa Twitter.

Ayon pa sa Guinness World Records, bagaman at ito ang unang record na nagawa ni V ngayong taon, ang BTS ay nakagawa rin ng bagong world records para sa taong 2021.

Binasag ng single nilang “Butter” ang limang world records na naitala sa YouTube at Spotify.

Kabilang dito ang Most viewed YouTube music video in 24 hours na nakapagtala ng 108,200,000 views at Most streamed track on Spotify in the first 24 hours na mayroong 11,042,335 global streams.

Dahil sa dami ng world records na hawak nila ay kasama na sila sa Hall of Fame ng Guinness World Records para sa 2022.

Image from Guinness World Records

music

Nicky Byrne ng Westlife boyband hindi malilimutan ang kindness ng mga Pinoy

Published

on

By

Sa paglabas ng kanilang comeback album, hindi napigilan ng mga miyembro ng Westlife, ang Irish boyband na napakapopular noong 1990s, na alalahanin ang mga araw na nag-tour sila sa iba’t ibang bansa.

Image from Westlife

Ang Westlife, na isa sa biggest selling bands ng United Kingdom, ay ilang beses na ring nakarating dito sa Pilipinas, grupo man sila o indibidwal na miyembro ng banda para mag-concert o kaya ay mag-promote ng bagong kanta.

Ang pinakahuling bisita nila dito ay noong 2019 para sa dalawang gabing “The Twenty Tour” concert nila sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

Sa panayam sa kanila ng OneNews kamakailan lang para sa promotion ng kanilang comeback album na Wild Dreams, tinanong ang isang miyembro nila na si Nicky Byrne kung ano ang bagay na hindi niya malilimutan tungkol sa mga Pinoy.

“I’m going to say kindness, the Filipino people have always struck me as very kind and caring and happy people. I know some Filipino people in Ireland as well. And everybody’s so kind and caring,” sagot ni Nicky.

Ikinuwento rin niya na mga Pinay nurses ang nag-alaga sa kambal niyang anak na ipinanganak na premature noong 2014.

Sa tuwing bibisita raw sila sa Pilipinas ay lagi nilang nararanasan ang pagiging masayahin ng mga Pilipino.

Nicky Byrne of Westlife

Naging tagahanga rin daw siya ni Manny Pacquiao at pinanood ang lahat ng laban nito.

“So yeah, I think the Philippines has a special place in our hearts. We’ve been there many occasions…Funnily enough we were there one time when there was a typhoon on the way…I know you guys get a lot of kind of crazy weather out there. We’ve never been there during an actual typhoon, but it can be scary. So when we see it on the news…because you’ve been there…you have a sense of extra caring clinical work. I hope everybody’s OK out there,” sabi ni Nicky.

Sinabi pa ni Nicky na plano nilang muling bumisita sa bansa sa September 2022.

Image from Westlife

Continue Reading

celebrities

Producers ng Ex-Battalion concert, nagpaliwanag kung bakit ‘mahal’ ang VIP tickets

Published

on

By

Nagpaliwanag ang producer ng upcoming concert ng sikat na Pinoy hip-hop group na Ex-Battalion kung bakit may kamahalan ang presyo ng kanilang VIP tickets.

Ang Ex-Battalion ay nakatakdang magtanghal ng kanilang first major concert na may titulong “Evoluxion: The Ex-Battalion Digital Concert” sa darating na Disyembre 11 sa Araneta Coliseum. Ito ay mapapanood din nang live via ktx.ph dakong alas-8 nang gabi sa araw ding iyon.


Imahe mula sa Facebook page ng EXB



Mabibili na ang mga tickets sa halagang P500 hanggang P2,000 habang ang VIP tickets naman ay nagkakahalaga ng P20,000 at P35,000.

Paliwanag ni RS Francisco, isa sa producers ng concert kasama ang kaniyang Frontrow co-founder na si Sam Verzosa, mayroong special promo package ang dalawang VIP tickets kaya ganun ang presyo nito.

“I was the one who actually open the idea of having VIP tickets. Of course, as we know these boys have millions of fans and kunwari ako fan nila, baka mabitin ako sa concert lang,” ani Francisco sa panayam ng Bandera.


Screenshot mula sa You Tube video



Para sa P20,000 na ticket, kasama sa package ang isang printed ticket, EXB greetings via Zoom, EXB “Inside Kwento” via zoom, signed EXB poster, EXB mask at shirt, RS mask at shirt, SV shirt at jacket, at exclusive dinner kasama ng Ex-Battalion.

Para naman sa P35,000 na ticket, kabilang naman sa package ang lahat ng benefits ng P20K na ticket at may karagdagang exclusive access pa sa Listening Party (na may kasamang cocktails) upang mapakinggan ang never-before-heard o unreleased na kanta ng Ex-Battalion na gaganapin pagkatapos ng exclusive dinner.

Ito ay bukod pa sa pagkakaroon ng access sa online concert para sa lahat ng bumili ng VIP tickets.


Imahe mula sa Facebook page ng EXB



Ayon pa kay Francisco, maaari daw kasing mabitin ang mga fans ng grupo sa simpleng ‘hi’ at ‘hello’ lamang at nais makarinig ng kuwento mula mismo sa kanilang mga hinahangaang idolo. Ito rin umano ang dahilan kaya nag-arrange sila ng exclusive dinner para sa mga VIP tickets.

“I’ve scheduled a dinner not just in any restaurant, a dinner in Manila Hotel plated dinner where in they can meet and greet and literally have photos with them, chat with them, get to know them, ask them questions live face to face,” wika ni Francisco.

Ang Ex-Battalion ang grupong nagpasikat ng mga kantang ‘Kakaiba’, ‘No Games’, ‘Tell Me’, ‘Hayaan Mo Sila’ at marami pang iba.

 

 

Continue Reading

celebrities

Amazing Maymay Entrata humakot ng papuri sa kanyang live performance ng ‘Amakabogera’ sa Wish 107.5 Bus

Published

on

By

Kumusta naman ang live performance ni Maymay ng ‘Amakabogera’ sa Wish 107.5 Bus? 

Bumubuhos talaga ang talento ni Marydale Entrata, o ang mas kilala  bilang Maymay Entrata, matapos itong tanghaling grand winner sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 Edition noong 2017.

Patuloy na sinusurpresa ng 24-anyos na PBB star ang kanyang mga tagahanga sa mga nakamamanghang kakayahan niya sa iba’t ibang larangan – bilang aktres sa pelikula man o telebisyon, bilang modelo, book author, host at mang-aawit,

Kamakailan lamang ay humakot ng papuri ang kanyang ‘Amakabogera’  live performance video sa Wish 107.5 Bus at umabot na sa halos tatlong milyon ang views nito sa YouTube.

Imahe mula sa YouTube

Ang ‘Amakabogera’ na ipinrodyus ng Star Pop head na si Roque “Rox” Santos ay isang awiting tungkol sa self-empowerment at pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili sa kabila ng mataas na pamatayan ng mundo. Siya ay inilarawan ng mga netizens bilang bagong solo star ng P-pop movement dahil sa kanyang estilo at galing.

Ang ‘Amakabogera’ ni Maymay Entrata ay isinulat nina Loriebelle Darunday at Elmar Jan Bolano at nilapatan ng musika kasama si Justin Ian Catalan. Ang opisyal na music video ng bagong hit ni Maymay ay mapapanood sa YouTube channel ng ABS CBN Star Music na mayroon na ring milyon-milyong views.

Ang kanyang mensahe sa mga ‘Amakabogera’ listeners, “Don’t ever doubt and compare yourself with others. You are beautiful, you are unique, and you are strong. Don’t let their standards snatch your crown.”

Tunay namang pinatunayan ni Maymay na marami pa siyang mailalabas na talento at kahusayan at hindi niya kailangang pagdudahan ang sarili o ikumpara ang kanyang journey sa iba. Sabi nga sa ilang bahagi ng kanyang awitin:

Pagod na akong abutin ang standards na sinasabi nila
“Ano man ang iyong gawin, talagang may masasabi sila
Isuot ang ‘yong korona’t kumaway na parang reyna
Ako’y magiging ako na aking ginusto
Amakabogera, ganda ko’y irarampa
‘Di magpapatinag sa sasabihin ng iba.

Imahe mula sa Instagram

Kaya namang tayong mga kababaihan na tila nakararamdam ng kakulangan sa ating sarili dahil sa pamimintas ng iba o pagpuna, tandaan lang na puwede tayong maging ‘amakabogera’! Keep shining, Maymay!

Continue Reading

Trending