Connect with us

Philippine Showbiz

Vice Ganda may pamaskong surpresa sa drive-thru crew ng ilang fastfood chains

Published

on

Nag-ikot si Vice Ganda sa ilang drive-thru ng mga fastfood chain upang magbigay ng surpresa sa mga crew.

Sa latest vlog niya, sinabi ni Vice na gusto raw niyang makita ang mga reaksyon ng mga crew na makakakita sa kanya. Makapagbibigay daw kaya ng good vibes sa drive-thru crew ang presensya niya?

Screenshot from Vice Ganda’s vlog

Ibinahagi niya na iba-iba ang reaksyon ng mga tao kapag nakikita siya. Mayroon daw natutuwa. May napapahiyaw pa sa sobrang kilig na nakita siya.

Mayroon din daw na parang nalilito kung si Vice Ganda nga ba talaga ang nakita  kaya hindi agad nakakapag-react at may mga tao rin daw na dedma lang, na hindi naman daw niya minamasama.

Hindi naman daw kailangang maging masaya ang lahat ng mga nakakakita sa kanya, pero masaya daw siya kapag may mga taong nagiging masaya kapag nakikita siya.

Una niyang pinasok ang drive-thru ng isang malaking fastfood restaurant sa Timog Avenue sa Quezon City. Nabanggit niya na malaki ang naging bahagi ng naturang kalsada sa buhay niya. Madalas daw sila noong gumimik doon pagkatapos ng trabaho sa comedy bar.

Umorder siya ng quarter pounder burger at 6-piece chicken nuggets. Sinadya pa niyang lakihan ang boses niya para hindi siya makilala ng crew, pero natawa na lang siya nang malaman na nakikita pala ng crew sa monitor ang mga taong nag-oorder.

Mahigit isang daang piso lang ang na-order niya pero hindi na kinuha ang sukli sa isanlibong pisong ibinayad.

Binigyan naman niya ng KeriBoom collection ng Vice Ganda Collections ang isa pang crew na nagsabing maganda raw siya.

Screenshot from Vice Ganda’s vlog

“Ang sarap sa pakiramdam na may taong masayang nakikita ka. Nakakasaya. Ang sarap sa feeling,” aniya.

Tuwang-tuwa naman ang isang crew ng drive-thru ng isa pang fastfood restaurant na pinasok niya nang regaluhan siya ni Vice ng KeriBoom kit. Gustung-gusto raw talaga nitong makabili ng ganoong make-up kaya lang ay kapos sa budget.

Nagulat pa si Vice nang pagdating niya sa kabilang window para kunin na ang inorder niya ay nag-aabang ang maraming crew para makita siya.

Screenshot from Vice Ganda’s vlog

Ilan pang fastfood restaurant ang dinaanan niya para magbigay ng saya sa drive thru crew. May nadaanan din siyang mga kabataan na tuwang-tuwang nakipag-selfie sa kanya.

Sa dulo ng vlog, sinabi niya na positive ang resulta ng biyahe niya dahil marami raw siyang napasaya.

Sabi niya, kahit saan daw siya magpunta ay nakangiti sa kanya ang mga tao, pero nagtataka raw siya kung bakit sa social media ay parang maraming galit sa kanya.

Panoorin:

Philippine Showbiz

Bong Revilla, muling lilipad sa Agimat ni Agila Book 2

Published

on

By

Magbabalik at muling mapapanood sa GMA-7 ang sequel ng Agimat ng Agila dahil tinangkilik ng televiewers ang Book 1 ng comeback project ni Senator Bong Revilla sa telebisyon, matapos ang halos walong taong pagpapahinga mula sa pag-arte.

Hindi rin inaasahan ng aktor na magkakaroon muli ng Agimat ni Agila Book 2. Ito’y dahil na rin siguro maganda at mabenta sa mga manonood ang serye.

“Action films will always be there. Mawawala iyan for a while pero babalik iyan. Maski noong panahon ng ’70s, ikinukuwento ng tatay ko [Ramon Revilla, Sr.] at ni FPJ [Fernando Poe, Jr.], nung pumasok ‘yung bold movies, nawala yung action films pero bumalik pa rin.”

“So, action films like sa television, ngayon, mas in ‘yung television, babalik at babalik iyan. Tayo naman hangga’t nandirito tayo, kaya pa natin umaksyon, gagawa tayo ng magagandang aksyon para hindi mawala ito,” paliwanag ni Bong nang tanungin siya tungkol sa kapalaran ng action movies sa naganap na virtual mediacon ng Season 2 ng Agimat ng Agila noong Linggo ng hapon, Enero 23, ayon sa PEP.ph

Kaya naman bigay todo si Bong sa kanyang pag-eensayo na halos araw-araw niya umanong ginagawa upang mabawasan ang kaniyang timbang para sa mga maseselang action stunt na siya mismo ang gumagawa.

“I’m very proud of this project at magagaling talaga ‘yung mga kasamahan ko. Talagang nagpakundisyon ako physically at siyempre, we’re not getting any younger. Mga bata itong mga kasabay ko, so kailangan magpakitang-gilas din tayo,” aniya. “I work out almost every day. I do my boxing and kick boxing. Pati yung mga rolling-rolling na iyan, pagulong-pagulong, nandoon pa rin yung training.”

“Hindi tayo puwedeng kumawala diyan kasi lalo na sa mga ginagawa nating action scenes,” ang kuwento ni Bong na nagbiro pang 35 years old lamang ang kanyang pakiramdam.

Sinabi rin ng senator na  makikita ng televiewers sa Season 2 ng Agimat ng Agila ang pagkakaiba ng kanyang physical appearance sa unang season ng drama action fantasy series na pinagbibidahan niya.

Sa pagbabalik ng ‘Agimat ng Agila,’ mas pinatindi pa ang mga eksena at pakikipagsapalaran ni Major Gabriel Labrador (Bong Revilla), kasama si Maya (Sanya Lopez), Alejandro (Roi Vinzon), Wesley (Benjie Paras), (Zeus) Gardo Versoza, Art (Betong Sumaya), at Asha (Rabiya Mateo). Mapapanood ang Agimat ng Agila Season 2, simula sa January 29, tuwing Sabado, 7:45pm. Abangan!

Paanoorin ang Agimat ng Aguila Season 2 teaser, Ang Pagbabalik.

Continue Reading

Philippine Showbiz

Kris Bernal sa pagpapamilya: ‘We aren’t planning to have a baby just yet’

Published

on

By

Kamakailan ay ibinahagi ng aktres sa social media ang kanyang nararamdaman ngayong marami ang nagtatanong sa kanya kung kailan siya magkakaanak.

Sa Instagram, nagbahagi si Kris ng isang video na may filter na nagsasabi sa mga tao kung ano ang dapat nilang gawin ngayong 2022.

Noong ginamit niya ang filter, ang nakuha niya ay “In 2022, I should get pregnant.”

Sa caption, sinabi ni Kris na makailang beses na siyang tinanong kung kailan siya magkakaanak. “I’ve been asked a lot since I got married when I’m going to have a baby. We aren’t planning to have a baby just yet, but we aren’t actively trying to prevent it either,” saad sa kanyang post.

“Of course, I adore children and aspire to have my own,” dagdag pa niya.

Sila ng asawang si Perry ay nagpaplano muna umano bago gawin ang isang bagay.  “We’re just the type of couple who plans big life events and be organized.”

“We don’t want to end ourselves in a situation where we’re like, ‘Whoops, that was quick, we’re not quite ready,'” ani Kris. Dahil sa pandemic ay hindi umano sila nakapaglalakbay o nakapag-a-adventure kahit  pa nais nila.

Bago pa man sila makabuo ng isang pamilya, kailangan muna nilang mapunan ang kanilang Bucket list at mag-enjoy nang magkasama. “We aim to go to many of the countries on our bucket list.”

“We also want a bigger house before having a baby, which is currently in the works,” aniya.

Ayon kay Kris, aware siya na “all this baby stuff is also expensive and our finances might be a bit stretched for a while.”

Samantala, patuloy ang pagdating ng projects kaya’t nais niya munang samantalahin. Gayunpaman, sinabi ni Kris na “if it comes a surprise, then so be it.”

“In God’s perfect timing. God’s timing is impeccable. His plans, always. On the other side, I’m looking forward to having a mini Perry,” pagpapatuloy ng aktres.

Matatandaan na ikinasal ang aktres na si Kris Bernal kay Perr Choi noong September 25, 2021 sa Magallanes Church sa Makati City.

Continue Reading

Philippine Showbiz

Alice Dixson ipinakita ang masayang si Baby Aura habang pinapakain ang mga giraffe

Published

on

By

Isang masayang Baby Aura ang ipinakita ni Alice Dixson  habang pinapakain niya ang mga giraffe sa kanilang bakasyon sa Ilocos.

Ibinahagi ni Alice ang kanilang bonding moments ng anak na si Baby Alicia o Aura sa isang video na ini-upload sa kanyang Instagram account.

“Aside from long necks and legs, giraffes have long… hahah! They used to be so shy when they were calves, but now they come right to you,” caption ni Alice sa kanyang post.

Makikita  rin sa video ang pagiging cute ng anak ni Alice na maririnig na humahagikhik at pinapanood ang kanyang ina habang sinusubuan ang mga giraffe.

Masayang-masaya ang mag-ina sa kanilang bakasyon.

“Great way to be introduced to these domestic animals and can roam on 100 hectare pa of land at #SafariVillage @safarihotelandvillas. Thanks Popeye for taking us and thanks Anon for the videos!” dagdag niya.

Naaliw  si Alice nang pinapakain niya ang mga giraffe; lalo na nang biglang lumabas ang dila ng hayop! “Ang haba ng dila! Wow ang habaaa!” sabi pa niya sa video.

“Habaaaaa ngaaa!” komento ng isang follower.

Makikita rin sa video na  maganda pa rin ang aktres at mapapansin ang kahinhinan nito. Iba talaga ang ganda ni Alice kahit tumatanda na!

Marami ang naaliw sa mag-ina nang mapanood ang video at napakomento sa cute nitong anak;

“Cute baby”

“Nice idols both cutie cutie and hello hello super cutie cutie adorable little girl baby little Alicia.”

“Beautiful!”

“Enjoy ms. A”

Noong Abril ng nakaraang taon, nasurpresa ang netizens nang inihayag niya sa publiko na nagkaroon na siya ng anak  — ang kanyang ‘Little Miracle’.   Isinilang ang anak niyang si Baby Aura sa pamamagitan ng isang surrogacy.

Kamakailan ay ibinahagi din niya sa kanyang Instagram account na makakasama siya sa teleseryeng ‘First Lady‘ – ang First Yaya Book 2 – kasama ang aktor na si Gabby Concepcion at Sanya Lopez, na ipapalabas ngayong Febrero 14.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)

Continue Reading

Trending