Connect with us

News

Mayor Vico sinagot ang ‘pahaging’ ni Eusebio na ‘di raw ramdam ang Pasko sa Pasig

Published

on

Imahe mula sa Facebook

Sinagot ni Mayor Vico Sotto ang pahaging ng kaniyang karibal sa pulitika na si dating Mayor Bobby Eusebio tungkol sa diumano’y hindi masyadong ramdam ang Pasko ngayon sa Pasig City.

Sa kaniyang Facebook post, sinabi kasi ni Eusebio noong nakaraang araw na tila kulang ang diwa ng Pasko sa lungsod ngayon dahil walang masyadong pailaw at mga parol sa lansangan.

“Parating na siya. si Hesukristo ang ating manunubos. Pasig, Ano na ang nangyari? Walang parol? Walang kumukutitap sa kalsada? Hindi maramdaman ang diwa ng Pasko,” ani Eusebio.

Screenshot mula sa Facebook| Bobby Eusebio

“Saludo kami sa mga LGUs, Barangays, na patuloy sa paggunita ng Kapaskuhan sa kabila ng pandemic ay hindi ito naging hadlang upang ibahagi ang diwa ng Pasko sa kani-kanilang mga nasasakupan,” dagdag pa ng dating alkalde na tinalo ni Sotto noong nakaraang eleksiyon.

Pinabulaanan naman ito ni Mayor Vico sa isang panayam ng ABS-CBN News. Aniya, mayroon namang mga ilaw at parol subalit hindi talaga ito ganun karami tulad ng mga nagdaang Pasko.

Mayor Vico Sotto| Imahe mula sa Facebook

Wika pa ng nakaupong alkalde, mas binigyan nila ngayon ng atensiyon ang pamamahagi ng ‘Paskong Handog’ kesa sa mga dekorasyon dahil naniniwala siyang mas kailangan ito ng kaniyang nasasakupan ngayong panahon ng pandemya.

“Mayroon naman, hindi lang siguro siya nakakaikot, hindi lang ganoon karami…Halimbawa, ang nabibigyan lang dati ng Pamaskong Handog, kung sino lang yung malapit sa nakaupo,” paliwanag ni Sotto.

“Ngayon binibigyan natin lahat ng bahay dito. ‘Yun ‘yung hinahanap ng tao. Ako, bilang mayor, kung ano ‘yung gusto ng tao, ‘yun ‘yung binibigay natin using their funds,” wika pa nito.

Screenshot mula sa Twitter| Vico Sotto

Ibinahagi rin ni Mayor Vico sa kaniyang social media posts na gumastos ang pamahalaang lungsod ng Pasig ng nasa P236.4-M para ipambili ng ‘Pamaskong Handog’.

Para umano sa kaniya, parang hindi tama na sobrang magarbo ang gastos ngayong panahon ng pandemya at kailangan talaga nilang i-prioritize ang paggastos ng pondo ng lungsod.

“May ilaw naman, hindi lang ganun ka bongga, but mayroon pa rin naman,” paliwanag nito.

Screenshot mula sa Twitter| Vico Sotto

Si Mayor Vico ay muling tumatakbo bilang alkalde ng Pasig City at kaniyang makakalaban ang nakaupong Vice Mayor na si Iyo Caruncho-Bernardo.

Ang 32-anyos na alkalde rin ang tumapos sa halos tatlong dekadang paghahari ng mga Eusebio sa Pasig City nang talunin niya ang nakaupong mayor noong na si Bobby Eusebio.

Advertisement
2 Comments

2 Comments

  1. Pingback: Mayor Vico pinatanggal ang mga election-related materials sa mga public properties sa Pasig - NewsPresenter

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

News

Gov. Jonvic Remulla sa mga bumabatikos sa pagpanig kay Bongbong Marcos: Everyone is free to choose

Published

on

By

Pinanindigan ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ang pahayag na naniniwala siyang nakatadhanang manalo sa pagkapangulo si dating Sen. Bongbong Marcos.

“Maraming letga sa huling post ko kung saan sinulat ko na mananalo si BBM sa Cavite. Maraming letga sa aking pananaw na ginuhit ng tadhana na maging Pangulo si BBM. Maraming letga sa aking impresyon na panahon na ni BBM bilang susunod na lider ng bansa,” ani Gov. Remulla sa isang post.

Sa kabila nito ay pinaninindigan niya raw ang kaniyang paniniwala at hindi raw siya hihingi ng paumanhin sa kahit sino.

“To all those who reacted (special mention to the first time visitors of the page who dropped by just to make their feelings known), let me make one thing clear: I am owning up to my words. I will never apologize to anyone for what I wrote or what I believe is the most likely outcome,” sabi niya.

Basahin: ‘It’s his destiny’: Cavite Gov. Jonvic Remulla naniniwalang mananalo si Bongbong Marcos sa pagkapangulo

Ayon pa kay Gov. Remulla, mahalaga para sa kaniya na marinig ang iba’t ibang panig sa usaping politika. Masaya rin umano siyang makitang marami ang nagmamahal sa bansa.

“I welcome hearing all sides – even with the extreme emotions and expletives. It only proves one thing: We all care about our country. Sa galit at gayak pa lang ay nakikita ko na marami pa rin ang nagmamahal sa bansa,” paliwanag niya.  

“To everyone, thank you very much for the feedback. It gives me a great sense of hope that our love for the country remains steadfast and the virtues we want in our leaders are precise and clear.”

Paalala niya rin, ang bawat isa ay may karapatang pumili ng lider.

“Let the final arbiter be the people. Meanwhile, everyone is free to choose sides. Let’s choose the issues that matter. Most importantly, let us choose our leaders wisely. Every vote counts. For every vote is a win for our democracy. It’s a win for our future.”

Continue Reading

Money

P142-M jackpot sa lotto napanalunan ng mananaya mula Leyte

Published

on

By

Isang mapalad na mananaya sa Leyte ang mag-uuwi ng mahigit P142-M na jackpot prize sa Lotto 6/49.

Sa draw na ginanap nitong Linggo, Enero 16, masuwerteng natamaan ng mananayang taga-Abuyog, Leyte ang lumabas na mga numerong 02-05-04-31-01-46.

Ito ay may kaakibat na premyong nagkakahalaga ng P142,679,606.40, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Binati rin ng PCSO sa kanilang Facebook page ang masuwerteng bettor at pinakabagong milyonaryo.

Bukod dito, 14 na bettors din ang tamang nakahula ng limang numero mula sa anim na lumabas. Sila ay mag-uuwi ng P50,000 kada isa bilang second prize.

Noong nakaraang araw, isa ring bettor mula sa Albay ang nanalo ng jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 na nagkakahalaga ng mahigit P65-M.

Noong Biyernes, Enero 15, ginanap ang bola kung saan lumabas ang mga numerong 39-29-09-21-19-20. Napanalunan ng mapalad na Bicolano ang kabuuang gantimpala na nagkakahalaga ng P65,991,571.

Ang masuwerteng tiket ay binili umano sa Tabaco City, Albay.

Ito na ang pang-apat na beses ngayong buwan na ang jackpot prize ay napanalunan ng nag-iisang bettor.

Samantala, wala namang nanalo sa Ultra Lotto 6/55 na may kasalukuyang jackpot na P49,500,000. Sa bola nito ring Linggo, lumabas ang mga numerong 13 – 34 – 17- 41 – 58 – 53.

Ang premyong mahigit sa P10,000 ay kakaltasan ng 20 porsiyentong buwis bilang pagsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Para sa mga nanalo, maaari lamang silang magtungo sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City bitbit ang kanilang winning ticket.

Continue Reading

News

Lalaking nagpresenta ng fake na RT-PCR test result, COVID-positive pala

Published

on

By

Imahe mula sa Check Point Blog

Isa na namang pasaway na balikbayan ang hindi sumunod sa mandatory quarantine protocol para sa mga umuuwi ng Pilipinas mula sa ibang bansa.

Batay sa ulat ng ABS-CBN News, isang lalaking galing Australia ang nagpumilit na umalis sa kaniyang hotel na tinutuluyan kahit hindi pa lumalabas ng resulta ng RT-PCR test.

Dumating umano sa bansa ang nasabing balikbayan noong Enero 2 at tumuloy sa Lelita Hotel para sa kaniyang mandatory quarantine. Enero 6 naman nang siya ay sumailalim sa RT-PCR test.

Subalit ayon sa management ng hotel, bago pa man lumabas ang resulta noong Enero 7, nagpumilit nang bumaba sa kaniyang kuwarto ang lalaki dahil dumating na umano ang susundo sa kaniyang mga kaibigan.

“Ang sabi niya po, wala daw po siyang pakialam kung ano yung sasabihin, kung ano ‘yung gagawin. Basta lalabas daw po siya,” kuwento ng manager ng hotel.

Nagpadala rin umano ang lalaki sa email ng resulta ng RT-PCR test na negatibo subalit nang kanila itong i-i-check ay pangalan ng babae ang nakalagay.

Bukod dito, lumalabas na nagpositibo rin sa COVID-19 ang nasabing balikbayan nang dumating na ang resulta.

Ayon pa sa management, nang bumaba raw ito sa kaniyang kuwarto ay talagang nagpupumilit at dala na ang lahat ng kaniyang bag na naka-impake.

Dahil dito, napilitan tuloy silang tumawag ng pulis at Philippine Coast Guard dahil hindi na nila makontrol ang lalaki.

Kinausap daw ng mga pulis ang lalaki at pinabalik ito sa kaniyang kuwarto bago ginawan ng blotter report. Kinumpirma rin ng mga awtoridad ang RT-PCR test na unang isinumite ng balikbayan sa laboratory at napatunayan ngang peke ito.

Makaraan ang ilang araw ay sinundo na sa hotel ang pasaway na balikbayan ng mga personnel ng Bureau of Quarantine (BOQ) at dinala ito sa isang pasilidad.

Hindi man lang daw nag-sorry sa kanila ang lalaki nang umalis ito at hindi na nila nalaman pa kung nasaan na ito ngayon.

Noong nakaraang linggo ay laman din ng balita ang dalawang balikbayang babae – na tinawag na ‘Poblacion Girl’ at ‘Massage Girl’ – na hindi sumunod sa ipinatutupad na mandatory quarantine matapos dumating galing sa ibang bansa.

Continue Reading

Trending