Connect with us

celebrities

Willie Revillame pinagbawalang mamudmod ng pera sa mga bata’t matatanda na nasalanta ng bagyong Odette

Published

on

Kilala ang TV host-comedian na si Willie Revillame na bukas ang palad sa pagtulong sa mga kababayang nangangailangan.

Isa siya sa iilang Pinoy celebrities na agarang nagbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette. Sa katunayan ay kasama siya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglibot sa mga lugar na labis na naapektuhan ng malakas na hagupit ng bagyo.

Image from PCOO

Pero ayon sa batikang host at entertainment columnist na si Cristy Fermin, nais man daw ni Willie Revillame na abutan ng pera ang mga nadaraanang mga bata at matatanda sa lugar na pinuntahan nila ay hindi nito nagawa.

Pinagbawalan daw siya. Kahit gustung-gusto niyang gawin ay hindi niya nagawang mamigay ng pera katulad ng palagi ng ginagawa niya sa programa niyang “Wowowin.”

Posible raw kasing maging mitsa ang pamumudmod niya ng pera ng stampede.

“Sabi nga ni Willie nag-usap kami, ‘alam mo Inang ang sarap sanang mamahagi ng konting tulong lalo na sa matatanda at bata pero sinabihan ako nu’ng nagga-guide sa akin, ‘kuya Will ‘wag kang magsimula baka magka-stampede.  Kasi nga kung magbibigay siya ng isang libo sa matanda at bata, e, baka magkagulo kaya hindi niya nagawa pero gustung-gustong niyang gawin,” pagbabahagi ni Nay Cristy sa programa niyang Cristy Ferminute.

Ang ginawa raw ni Willie ay sa mga mayor na lang niya inabot ang halagang ipantutulong sa mga apektadong residente.

“’Huwag daw, sabi ng mga nakapaligid sa akin na tagaroon, dahil kapag nag-umpisa akong namigay ng pera, siguradong magkakagulo. So, ang ginawa ko, ang mga mayors ang binigyan ko ng amount na maipangtutulong sa kanila,’ kuwento umano ni Kuya Wil.

Image from PCOO

Ilang araw ding nawala si Willie sa programa niyang Wowowin dahil sa pagtulong sa mga biktima ng bagyong Odette.

Ang batikang komedyanteng si Michael V ang pansamantalang humalili sa kanya bilang si “Kuya Wowie.”

“Kaya ako nandidito, si Kuya Wil lumipad papuntang Mindanao para maghatid ng tulong sa mga kabbayan nating nasalanta ng bagyong Odette,” sabi ni Michael V.

Screenshot from Wowowin

celebrities

Mariel inaming nagselos noon sa ‘bath tub scene’ nina Robin at Kris

Published

on

By

Inamin ni Mariel Padilla na nagselos siya noon sa isang eksena ng kaniyang mister na si Robin at ni Kris Aquino.

Ito ay matapos usisain ng netizens ang TV host-actress kung sino sa mga dating leading lady ni Robin ang kaniyang pinagseselosan.

“Not Ate Kris but the scene!!!” paglilinaw ni Mariel sa kaniyang Instagram stories na may kalakip pang larawan na magkasama ang kaniyang asawa at si Kris.

Pag-amin ni Mariel, immature pa siya noon kaya nahihiya siya sa kaniyang naging reaksyon.

“Kasi may love scene tapos may mga bath tub scene… tapos naka-diet ako tapos immature ako. Tapos nakakahiya kasi nag-react ako,” dugtong nito.

Sa tanong naman kung nagsisisi ba siya sa kaniyang pagseselos noon sa naturang eksena, sagot ni Mariel ay oo daw.

Aniya, “Do I regret it? Yes! Btw, love ate Kris to the max!!!”

Ayon sa Bandera, ang tinutukoy marahil na eksena ni Mariel ay sa Kapamilya teleserye na “Kailangan Ko’y Ikaw” kung saan nakasama ng dalawa si Anne Curtis.

Bago pa ang pag-aming ito ni Mariel, nag-alay ng panalangin si Robin para sa paggaling ni Kris Aquino.

BASAHIN: Robin: ‘Maging ano man ang kulay natin sa pulitika, kailangan natin si Kris’

Sa isang Facebook post nitong Martes, sinabi ni Robin na mahal na mahal nila ni Mariel si Kris bilang isang kaibigan.

Nalulungkot umano siya sa mga lumabas na masasamang balita tungkol sa actress-TV host sapagka’t hindi ito makatutulong sa kalusugan ng huli.

Dahil dito, nag-alay ng dasal ang aktor para sa kapatid ng yumaong Pangulong Noynoy Aquino.

“Ang aking salmo ay mabigyan ng pahinga ang kaisipan at damdamin ni Ms. Kris para siya ay makabawi at makabalik sa kanyang lakas,” wika ni Robin.

“Maging ano man ang kulay natin sa pulitika, kailangan natin si Ms. Kris,” dagdag pa ng binansagang ‘Bad Boy’ ng pelikulang Pilipino.

Continue Reading

celebrities

Vice Ganda may ‘power’ na magdesisyon para sa ‘It’s Showtime’?

Published

on

By

May ‘say’ umano si Vice Ganda sa mga desisyong ginagawa sa kanilang noontime show na ‘It’s Showtime’, ito ang ibinahagi ni Ogie Diaz.

Ani Ogie, may nakapagsabi sa kaniyang isang source na isa si Vice Ganda sa kinukonsulta o pinagkukunan ng desisyon kapag may bagong programa o segment silang ipapasok sa ‘It’s Showtime’.

“Actually ang alam ko, e, binigyan ng power si Vice na magdesisyon para sa show or magkonsulta sa kanya ang mga staff,” kuwento ng talent manager sa kaniyang co-host na si Mama Loi sa kanilang ‘Ogie Diaz Showbiz Update’.

Pakli naman ni Mama Loi, lumalabas na parang ‘creative consultant’ ng programa si Vice Ganda. Subalit ayon naman kay Ogie, BUH o ‘business unit head’ ang dating nito sa kaniya.

Sang-ayon naman dito si Ogie. Aniya, mas nakakahiya umano kapag ang kukunsultahin ay isang wala pa namang napatunayan sa showbiz.

“Nakakahiya naman kung kukunsulta ka sa hindi naman panalo sa show, so, siyempre doon ka kokonsulta sa tao na una tinitingala sa show, pangalawa, ‘yung source of energy ng show pinaghuhugutan nila,” paliwanag ng showbiz writer.

“Kasi sa totoo lang matalino naman ‘yang baklang ‘yan! In fairness to him kapag sa meeting-meeting ang dami niyang baon, doon niya naibubuhos,” dagdag pa ni Ogie.

Napag-usapan nina Ogie at Mama Loi si Vice Ganda matapos sabihin ni Lolit Solis na nagpa-power tripping umano ang sikat na komedyante sa ‘It’s Showtime’. Dahil dito nagparinig si Vice tungkol sa hindi magandang ginagawa raw ng mga ‘Marites’ na tila ang pinatatamaan ay si Lolit.

BASAHIN: Jugs sinagot ang post ni Lolit Solis tungkol sa umano’y power tripping ni Vice sa ‘It’s Showtime’

Subalit para kina Ogie, maaaring concerned lamang si Vice sa kanilang show kaya nasaktan ito sa sinabi ni Lolit. Wika pa ng dalawa, nagmamalasakit lamang ang comedian-host kaya iniisip nito ang lahat ng makabubuti sa kanilang programa.

Panoorin ang buong talakayan nina Ogie Diaz at Mama Loi sa ‘Ogie Diaz Showbiz Update’ vlog:

Continue Reading

celebrities

Robin: ‘Maging ano man ang kulay natin sa pulitika, kailangan natin si Kris’

Published

on

By

Nag-alay ng panalangin si Robin Padilla para kay Kris Aquino na ngayon ay humaharap sa mabigat na pagsubok sa kaniyang kalusugan.

Bukod sa kaniyang health condition, hindi rin tinitigilan si Kris ng mga bashers at mga tsismis tungkol sa kaniyang personal na buhay.

BASAHIN: Kris sa mga nagpapakalat na wala na siya: ‘Sorry pero ilalaban pa na mapahaba ang oras ko’

kris

Sa isang Facebook post nitong Martes, sinabi ni Robin na mahal na mahal nila ni Mariel ang tinaguriang ‘Queen of All Media’ bilang isang kaibigan.

Nalulungkot umano siya sa mga lumabas na masasamang balita tungkol sa actress-TV host sapagka’t hindi ito makatutulong sa kalusugan ng huli.

“Batid ko na ang pulitika ay walang patawad at wala nang makapagpapabago don. Hindi ko rin hinihingi ang awa dahil walang awa sa pulitika, ipinanganak nga ito sa ating bayan na nakabalot sa dugo ni Andres Bonifacio,” ani Robin.

Dahil dito, nag-alay ng dasal ang aktor para sa kapatid ng yumaong Pangulong Noynoy Aquino.

“Ang aking salmo ay mabigyan ng pahinga ang kaisipan at damdamin ni Ms. Kris para siya ay makabawi at makabalik sa kanyang lakas,” wika ni Robin.

BASAHIN: Robin Padilla, nakiusap sa mga kritiko ni Kris Aquino na magpakatao

“Maging ano man ang kulay natin sa pulitika, kailangan natin si Ms. Kris,” dagdag pa ng tinaguriang ‘Bad Boy’ ng pelikulang Pilipino.

Hindi rin umano mabubuhay ang demokrasya sa bansa kung walang oposisyon, at si Kris lamang daw ang maituturing ngayong ‘mukha ng tunay na oposisyon’.

Bukod dito, ani Robin, kailangan pa ang aktres ng kaniyang dalawang anak na sina Joshua at BImby.

“Kailangan natin ang tunay na oposisyon para manatili sa direksyon ang administrasyon,” ayon pa sa aktor.

Si Robin ay kilalang kaalyado ng administrasyon at masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte. Siya ay kumakandidato ring senador sa susunod na halalan.

Samantala, si Kris naman ay isang ‘dilawan’; ang kolokyal na tawag sa mga tagasuporta ng pamilya Aquino. Hayag na rin ang kaniyang pagsuporta kay VP Leni Robredo, ang kandidato ng oposisyon.

Continue Reading

Trending