Connect with us

social media

Xian Gaza nakunsensya sa ginawang paninira, nangakong magbabago simula ngayong Disyembre

Published

on

Umamin si Xian Gaza na nakukonsensya na siya sa ginawa niya sa aktres na si Aj Raval.

Nagmuni-muni siya noong unang araw ng Disyembre. Nakonsenya raw siya na parang sinira niya ang buhay ni Aj.

Imaage from Aj raval’s Facebook account

Noong Oktubre ay ibinulgar ni Xian ang relasyon ni AJ at Aljur Abrenica na naging malaking isyu para kay AJ dahil marami ang humusga sa kanya na siya ang dahilan ng paghihiwalay ni Aljur at misis na si Kylie Padilla.

At noong nakaraang buwan  lang ng Nobyembre ay naglabas din siya ng kontrobersyal na pahayag na nanliligaw si Diego Loyzaga kay AJ kahit na mayroon itong girlfriend sa katauhan ni Barbie Imperial.

Ang exposé ni Xian ang dahilan kung bakit naglabas ng saloobin si Barbie Imperial laban kay AJ.

Matapos niyang magmuni-muni at amining nakukunsensya na sa mga ginagawa niya, nangako ang kontrobersyal na social media influencer na tinawag ang sarili bilang “Pambansang Marites” na simula ngayong Disyembre ay magbabago na siya.

Hinding-hindi na raw siya makukunsensya ngayon.

Screenshot of Christian Albert Gaza’s Facebook post

“Nagmumuni-muni ako ngayon. Nakokonsensya ako kasi parang sinira ko ang buhay ni Aj Raval. Inexpose ko sila ni Aljur noong Oct. tapos sila ni Diego last month kaya simula ngayong Disyembre, magbabgo na ‘ko. Hinding-hindi na ‘ko makokonsensya,” post niya sa Facebook noong December 1, 2021.

Sa pinakabago niyang post, tila hindi na nga siya nakokonsensya dahil may bago na namang isyung ilalabas. Sangkot naman dito si Gerald Anderson na nobyo ni Julia Baretto.

“Kung ang tawag sa mga supporters ni Duterte ay DDS, sa mga supporters ni Leni ay Dilawans at sa mga supporters ni BBM ay Marcos apologists…ang tanong ng bayan ngayon, sino ang kinita ni Gerald habang nasa lock-in taping si Julia Baretto?” post niya sa Facebook ngayong ika-6 ng Disyembre.

Sa isa pa niyang post, ipinakita ni Xian Gaza ang screenshot ng mensahe niya kay Julia Barretto sa Instagram account ng aktres.

“Good morning, Mars. Baka may gusto kang itanong? Hehe,” ang post ng pambansang marites.

Screenshot of Christian Albert Gaza’s Facebook post

social media

Twitter account ni Jam Magno tuluyan nang sinuspinde

Published

on

By

Tuluyan nang sinuspinde ang Twitter account ng sikat at kontrobersiyal na social media personality na si Jam Magno.

Ibinahagi pa ni Magno ang screenshot ng kaniyang suspendidong Twitter account sa isang Facebook post na kinalaunan ay tinanggal niya rin.

Nakasaad sa screenshot na nilabag umano ni Magno ang rules sa Twitter, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

“Your account is permanently in read-only mode, which means you can’t Tweet, Retweet, or Like content. You won’t be able to create new accounts,” nasasaad dito.

Hindi naman daw malaman ng popular na vlogger kung ano ang tunay na dahilan sa pagkakasuspinde ng kaniyang Twitter account.

“HOW ON EARTH DID THIS HAPPEN? Uhm, should I be shocked? They just talked about this at the BBM interview. Am I part of the 300? I am 5000000 confused. Is it because I tweet against Leni? And because I like BBM?” wika nito.

Subalit sa kaniyang pinakahuling Facebook post, tila may bago na siyang Twitter account gamit ang ibang pangalan.

Si Magno ay kilalang masugid na taga-suporta ng kasalukuyang administrasyon at ni Pangulong Duterte.

BASAHIN: Video ng pagsuporta ni Jam Magno kay Robin Padilla, usap-usapan

Mahigpit din siyang kritiko ng mga ‘dilawan’ at oposisyon, at ni Vice President Leni Robredo.

Noong nakaraang taon ay sinuspinde rin ng Tiktok ang account ni Magno sa popular na video sharing platform.

Sa kabila nito, hindi nagpatinag ang vlogger at sinabing mapapanood pa rin siya ng kaniyang mga followers sa Tiktok Live version.

“Let me remind you that being banned on Tiktok is NOT new to me and I came back from it before. I am still going to [go] Live regardless and being declared PNG {persona non grata) even more so,” matapang na hamon nito.

Nitong Martes, ibinahagi rin ni Magno na magbabalik na siya sa Tiktok.

Aniya,” I loved not being on Tiktok. I realized Social Media does not dictate my Life because I use my platform to share what I like and I am passionate about and also it connects me to the best people. Also, it will never stop me from being who I am in real life just because you think it’s right to ban me. But if you think I am giving up despite all that you do to my profiles. NEVER.”

Continue Reading

Food

Taho vendor sa Boracay, nag-viral dahil sa cashless na pagbebenta

Published

on

By

Kapag tayo ay bumibili sa taho vendor ang ipinambabayad natin ay ang perang hawak-hawak natin, pero alam mo ba na ang ilang taho vendor sa Boracay ay tumatanggap na ngayon ng cashless payment?

Viral ngayon sa social media ang taho vendor sa isla ng Boracay na si Mang Reynaldo Indalos.

Paano ba naman hi-tech na rin kasi ang pagbabayad sa kanya ng mga customer. Si Mang Reynaldo ay tumatanggap ng bayad gamit ang GCcash at Paymaya app. May pa-QR code o ‘quick response’ code pa ito. Scan and pay, ganoon kadali!

“Sa beach maam kapag nagdadala po ako nito, ang sigaw ko po Tahooo!  kapag walang cash pwede gcash,” ani  Reynaldo sa Ulatbayan.

Ayon kay Roanne, isang online freelancer na kumuha ng video, natuwa siya sa diskarteng ito ni Mang Reynaldo kaya’t kahit walang dalang cash ay napabili na rin siya ng taho.

“I find cashless transaction mas convenient and also para iwas na rin  for covid sense. ‘Yung money syempre. ‘Yung transfer ba ng viruses sa paghawak natin ng pera,” aniya sa Ulatbayan.

 

Ayon pa sa uploader, maging ang mga maliliit na vendor sa Boracay ay naka-cashless transaction na rin.

“Bibigyan ka na talaga nila ng QR code. As in naka laminate na talaga at ipapakita na lang sa’yo,” aniya.

Para naman kay Mang Reynaldo, na anim na taon nang magtataho sa Bora, nakatulong din sa kanya ang ganitong mode of payment. Minsan kasi ay malaki rin ang tip ng mga customer at dahil sa kanyang kwelang personalidad na-feature na rin siya ng mga bloggers mula sa ibang bansa.

“‘Yung taho ko, maam, may halong pagmamahal,” ngiting sabi ni Mang Reynaldo.

“Pampatibay ba ng relasyon ‘yung taho ko, sigurado,” dagdag pa niya.

Sa panahong nasa gitna tayo ng pandemya, lumalabas lalo ang diskarte ng marami at nahihikayat ang bawat isa na sumabay sa teknolohiya na mayroon ngayon. At sa panahon din na apektado ang kabuhayan ng mga maliliit na naghahanap-buhay, mainam na sila’y ating tangkilikin at suportahan.

Continue Reading

celebrity

Kakai Bautista, may paalala sa mga kabataan: “Matuto muna kayong maglaba”

Published

on

By

Nag-post ang aktres-komedyante na si Kakai Bautista sa kanyang Facebook account kung saan sinabi niyang huwag magpakasalaula ang mga kabataan.

Paalala ng aktres sa mga kabataan na nag-iinarteng adult sa social media na matuto munang maglaba ng underwear: “Kahit may katulong pa kayo sa bahay, kayo dapat ang naglalaba nyan. NO TO SALA-ULA,” aniya.

“Kayong mga kabataan, bago kayo mag-aarteng adult sa social media, matuto muna kayong maglaba ng mga panty at brief n’yo,” aniya.

“Tama po miss Kakai Bautista kailangan matuto na ang mga kabataan kahit man lang underwear ay labahan nila…kahit mayaman ka man o mahirap hindi lang sa paglalaba ng underwear matuto ang kabataan dapat sa gawaing bahay din kasi sa totoo lang po marami tamad na kabataan ngaun, puro lang asa sa magulang o lola simpleng gawaing bahay lang pag inutusan mo naka muryot agad si face….peace lang,” kuwento ng isa sa mga followers ni Kakai.

Kasunod ng kanyang pag-post sinabi niyang siya ang naglalaba ng kanyang mga underwear.

“FYI ako ang naglalaba ng mga panties ko. Babad muna tapos banlaw,” aniya.

“Si Lucy minsan taga banlaw. Ayoko kase talaga ipalaba sa iba. Personal hygiene ‘yun eh,” hirit ng komedyante.

“Taas kamay ng mga adult na pero sila paren naglalaba ng underwear nila!” dagdag pa niya.

Bumuhos naman ang mga tugon sa kanyang mga post. Mahigit isang libo ang nagbahagi rin ng kanilang saloobin at may mga larawan pa.

“Kaming mahirap lang idol kayang kaya po namin Yan di lang panty panglahatan sino membro sa bahay salitan lang yan turo ng mama namin saming magkapatid mawala man sila busog raw kmi sa kaalaman at pangaral nila,” komento ng isang netizen.

Sa panahon ngayon ay magandang mulat lalo ang mga kabataan sa mga gawaing bahay para saan man sila mapunta ay hindi sila kawawa na wala silang alam gawin. Sabi nga ng nanay ng karamihan, pag mapupuri ang isang bata – unang mapupuri ang kanyang mga magulang at kung siya man ay mapintasan, una ding mapipintasan ang kanyang magulang sapagkat ‘di niya naturuan ang anak niya habang ito ay bata pa.

Continue Reading

Trending