celebrity
AiAi Delas Alas na-shock sa exhibitionist na katabi sa eroplano
Published
4 months agoon
By
lennon
Isang nakaka-shock na insidente ang naranasan ni AiAi Delas Alas nang magtungo siya sa Los Angeles mula sa Washington,Virginia kung saan sila ngayon naninirahan ng asawang si Gerald Sibayan.
Isang lalaking exhibitionist ang nakatabi niya sa upuan sa loob ng eroplano at gumawa ng hindi kanais-nais.

Image from AiAi Delas Alas
Hindi umano niya kasama noon ang asawang si Gerald.
Noong Biyernes, ika-7 ng Enero lumapag ang eroplanong sinakyan niya sa Tom Bradley International Airport sa Los Angeles, California, na galing sa Dulles Airport sa Virginia.
Naantala ang paglabas niya sa paliparan dahil nagsagawa ng imbestigasyon ang Federal Bureau of Investigation hinggil sa nangyari. Ang mga flight attendant ng airline company ang tumayong testigo ni AiAi tungkol sa indecent exposure na ginawa ng lalaking hindi pinangalanan.
Natakot umano siya sa lalaki at biglang tumayo upang magsumbong sa isang flight attendant na noong una ay inakala niyang hindi siya naintindihan.
“Nilalabas niya yung t*t* niya. Natakot ako, bigla akong tumayo, inireklamo ko siya sa flight attendant. Nanginginig ako. Ang akala ko, hindi ako naintindihan ng flight attendant. ‘Yun pala, style niya ‘yun para hindi magkaroon ng commotion,” lahad ng komedyana.
“Nagpalipat ako ng upuan, iyak ako nang iyak. Grabe, parang naawa ako sa sarili ko. Wala kasi si Gerald, solo lang ako bumiyahe,” sabi pa niya.
Dahil inakalang hindi siya naintindihan ng flight attendant ay humingi siya ng tulong sa lalaking katabi sa nilipatan niyang upuan.

Image from AiAi Delas Alas
“Akala ko, hindi na ako tutulungan ng mga flight attendant. So, ‘yung lalakeng katabi ko sa upuan na nilipatan ko at mukhang mabait, inabutan ko ng note na may nakasulat na, ‘Pagbaba natin, puwede po bang tulungan niyo ako kasi pinagtitripan ako ng katabi ko. Natatakot po ako. ‘Yun pala, naintindihan ako ng flight attendants. Nilapitan ako ng isang male flight attendant, from Seat Number 30, pinalipat niya ako sa Seat Number 10,” kuwento pa ni Ai Ai.
Nang mag-landing na ang eroplano ay nag-announce ang piloto na huwag munang bababa ang mga pasahero dahil may aasikasuhin pa raw. Iyon pala ay may mga FBI agents na aakyat para dakpin ang suspek.
Kuwento pa ni AiAi, nakunan niya ng larawan ang suspek dahil bago pa raw mag-take off ang eroplano ay sinabihan siya ni Gerald na mag-selfie para makunan ang litrato ang katabing lalaki na mukha raw “adik-adik.”
“Aba, nang mag-selfie ako, nag-pose din siya! Nagpa-picture din siya kaya may selfie photo kami. Talagang may pakiramdam ako na may something siya dahil sa departure gate pa lang, napansin ko na siya. Gabing-gabi, nakasuot ng shades, at kapag nahuhulog ang cap na suot niya, slowmo ang kanyang kilos. Hirap na hirap siyang damputin ang cap niya,” dagdag pa ni Ai Ai.
Umabot ng isa at kalahating oras ang pagtatanong ng FBI kay AiAi bago siya nakalabas ng airport samantalang ang suspek ay tuluyan nang dinakip sa ginawa na isang federal offense.

Image from AiAi Delas Alas
You may like
-
Harry Roque kay Ai-Ai delas Alas, ‘Hindi mawawala ang iyong prangkisa’
-
Ai Ai mahinahong sinagot ang pasaring sa kaniya ni Audie Gemora: ‘I wish him well’
-
Ai-Ai delas Alas nagsayaw suot ang pulang swimsuit bilang suporta sa UniTeam
-
Ai-Ai delas Alas nag-post ng ika-8th anniversary nila ng asawang si Gerald
-
Ilang Kapamilya at Kapuso nag-react sa kasunduang pagpapalabas ng GMA ng mga pelikula ng Star Cinema
-
Ai-Ai delas Alas sinabing ‘Ako ay tagasuporta ng UniTeam, ako rin po ay may pusong OFW’
celebrity
Mariel, sinagot ang netizen kung bakit hindi siya tinatawag na mama ni Kylie at Queenie Padilla
Published
6 hours agoon
May 21, 2022By
Nami
Sa Instagram post ay ibinahagi ni Mariel Padilla ang isang cute na bag na kulay pink na may caption na, “Cutie in Toledo, but the point is, need pa bang picturan?”
Nagkomento naman ang isang netizen kung bakit hanggang ngayon ay ‘Tita’ at hindi pa rin ‘Mama’ ang tawag sa kanya nina Kylie at Queenie Padilla, ang mga anak ni Robin Padilla kay Liezl Sicangco.
Aniya, “Mariel, bakit Tita pa rin tawag sayo nina Kylie at Queenie? Hindi ba Mama??? @mareltpadilla”
Prangka naman itong sinagot ni Mariel; “My mama po sila.”
Samantala, ibinahagi naman ni Mariel ang nakatutuwang katotohanan tungkol sa mga apelyido ng kanyang mga anak na may prefix na, “De.”
Sa kanyang Instagram post ng larawan ng kanyang mga anak sa Plaza de Padilla sa Toledo, Spain ay makikita sina Isabella at Gabriela na nag-pose sa harap ng rebulto ni Juan de Padilla.
Ayon sa celebrity mom, marami siyang natatanggap na tanong kung bakit may “De” sa apelyido ng kanyang mga anak.
Ibinunyag ni Mariel na request umano ito ni Robin Padilla para parangalan ang kanilang mga ninuno. Ito rin ang dahilan kung bakit dinala niya ang kanyang mga anak sa Toledo.
“Most people ask me why my kids have “De” in their last name. It was Robin’s request when I was pregnant to honor their ancestors. Juan De Padilla is a spanish missionary, a leader in the Castilian war and a true revolutionary.
“I brought my kids to Toledo just for this photo (and also to do laundry). [So] now you know why Robin is the way he is… nasa dugo talaga nila ang pagiging Rebolusyonaryo.”
“Revolt of the comuneros maraming maraming salamat babe. Napakahalaga sa akin nito asawa ko @marieltpadilla,” komento ni Robin.
Kamaikailan lamang ay dinala rin ni Mariel ang mga anak sa monumento ni Rizal.
celebrity
‘Si Kris daw, ipinagbibilin na si Josh at saka si Bimby sa kanyang mga kapatid’ – Cristy Fermin
Published
7 hours agoon
May 21, 2022By
Nami
Muling pinag-usapan nina Nay Cristy Fermin sa kanyang latest episode ng online talk show ‘Showbiz Now Na!’, kasama sina Romel Chika at Morly Alinio, ang tungkol sa health condition ni Kris Aquino.
Inihayag din ni Nay Cristy ang mga pekeng impormasyon na sumakabilang-buhay na si Kris.
“Kailan lang lumutang ‘yung balita na patay na siya. ‘Di ba, lahat tayo naligalig? Ako naman ang feeling ko naman diyan, baka naman po pupuwede na tanggalin po muna natin sa ating puso at isip ang pagwi-wish ng kamatayan ng ating kapwa,” ani Cristy.
Hinimok din ni Cristy ang mga detractors ni Kris na tulungan ang Queen of All Media na maka-recover sa pamamagitan ng pagdarasal para sa kanya.
“Ako aminado ako, pinipitik ko si Kris pagka hindi ako sang-ayon sa kanyang mga ginagawa. Pero ilang ulit na nating sinasabi, ilang buwan na tayong humihiling ng panalangin, hanggang sa mga columns natin. Sana naman po, tulungan natin si Kris na makasalba sa pagkakataong ito.”
“Hanapin po natin sa ‘ting isip at puso ang pagmamahal sa isang kapwa tao, tutal naman po kapag siya ay nakasalba dito sa pagkakataong ito, makikita po natin, maganda ang kalalabasan ng kanyang mga anak, ng kanyang pamilya.”
Gayunpaman, Iginiit ng beteranong kolumnista na ipinagkakatiwala na ni Kris ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby sa kanyang mga kapatid kung sakaling hindi maging matagumpay ang kanyang paggaling.
“Ito po ‘yung nakakalungkot. Kwento rin po naman ito mula din sa kanilang pamilya, na si Kris daw, ipinagbibilin na si Josh at saka si Bimby sa kanyang mga kapatid. Kung ano man ang mangyari sa kanya, alam ng kanyang mga kapatid kung ano ang gagawin.”
Higit pa rito, nagpahayag ng awa si Nay Cristy sa mga anak ng Queen of All Media, lalo na kay Josh na may mga espesyal na pangangailangan. “Ako’y naaawa kay Josh at kay Bimby kasi napakabata pa nila para mawalan ng ina kung talagang wala itong kalunasan. Lalo na si Josh, may mga special needs po si Josh.”
Panoorin.
celebrity
Angelica, naging emosyonal sa natanggap na regalo mula kay Juday
Published
1 day agoon
May 20, 2022By
Nami
Hindi napigilan ni Angelica Panganiban na maging emosyonal nang makatanggap siya ng espesyal na regalo mula sa isa sa mga mabubuting kaibigan niya sa industriya na si Judy Ann Santos.
Sa kanyang IG Story, nagbigay ng ilang sulyap ang aktres sa kanyang pregnancy journey. Kasama sa post ang isang collage na ginawa niya kung saan ipinakita niya ang regalong natanggap mula kay Judy Ann, na isa sa mga ninang-to-be ng kanyang baby.
Base sa mga larawang ipinost ni Angelica, tila pinadalhan siya ni Judy Ann ng “Mama Must Haves” kit dahil isa na siyang soon-to-be mom.
“Ang sarap mag-alaga at magmahal ng nag-iisang ate @officialjuday,” ani Angelica sa kaniyang caption bago hayagang inamin na naiyak siya sa regalong natanggap.
Ayon sa aktres, lubos niyang nasisiguro na hindi hormones niya ang dahilan upang siya ay maging emosyonal.
“Sure akong hindi hormones ang nagpaiyak sakin. Talagang nakakaiyak ‘yung care na nakukuha ko mula sayo, ate. Thank you and we super love you, ninang,” aniya.
Kamakailan lamang ay ipinasilip ng aktres ang nursery room ng kanyang magiging anak kung saan nakapinta sa mga walls ang iba’t-ibang sea creatures.
Basahin: Angelica Panganiban shares glimpse of their baby’s room
Nagkaroon ng pagkaklataon si Angelica na makasama ang kaniyang mga kaibigan na sina Maxene Magalona at Glaiza De Castro noong Mayo 18.
Ibinahagi ni Maxene sa kanyang Instagram ang ilang mga larawan nila ni Angelica at Glaiza na kuha sa grace park trip nila. Sa kaniyang caption ay binati niya si Angelica sa pagbubuntis nito at nagpahayag ng kaniyang pananabik na makilala na din ang ‘little Homan’
“Exhibit A: This is what happiness looks like. The baby is now a mommy. Congratulations to @iamangelicap and @gregg_homan! @glaizaredux, @khangkers and I can’t wait to meet the little Homan.”
Makikita naman kung gaano kasaya at ka-blooming ang magkakaibigan para sa soon-to-be-mom na si Angelica.

Mariel, sinagot ang netizen kung bakit hindi siya tinatawag na mama ni Kylie at Queenie Padilla

Maris Racal shares story behind viral driving lesson with Rico Blanco

‘Si Kris daw, ipinagbibilin na si Josh at saka si Bimby sa kanyang mga kapatid’ – Cristy Fermin

Ryza Cenon offers tight hugs to fellow mommies

Michael V. explains cast changes in ‘Bubble Gang’

Clarita Carlos, hinamon si Frankie: ‘Can you write a 5,000 word essay defending your declaration?’

Loren Legarda’s other son says he’s proud of his mom: ‘She puts others before herself’

Daughter Grace Poe confirms the passing of Susan Roces, the ‘Queen of Philippine Movies’

Janice de Belen explains why she can’t work with ex-husband John Estrada

Gabbi, Julia go viral for showing the ‘two types of bridesmaids’ look
Trending
-
celebrities2 days ago
Daughter Grace Poe confirms the passing of Susan Roces, the ‘Queen of Philippine Movies’
-
Philippine Showbiz2 days ago
Janice de Belen explains why she can’t work with ex-husband John Estrada
-
politics4 days ago
Bongbong Marcos’ ‘quiet’ visit to Australia met with protests from Pinoy group
-
sports5 days ago
Efren ‘Bata’ Reyes delights Vietnamese fans at the SEA Games; assured of bronze medal in carom
-
entertainment4 days ago
Kilalanin: Wildlife photographer na kumuha ng larawan ng PH Eagle sa P1,000 bill
-
celebrities5 days ago
Pokwang, Andrew E. bump into each other in Boracay
-
celebrities3 days ago
Kaye Abad stuns netizens with her ageless beauty from 40th birthday photos
-
politics3 days ago
Cayetano on former rival Bongbong Marcos’ presidency: “Give him a chance”