Connect with us

celebrity

AJ Raval, mas type gumawa ng action movies kaysa magbilad ng katawan

Published

on

Nakilala si AJ Raval sa pagganap sa mga pelikula na kinakailangan niyang magbilad ng kanyang katawan, pero kung papipiliin, sinabi niya na mas pipiliin niyang gumawa ng mga maaaksyong pelikula.

Si AJ ay isa sa labing walong anak ni Jeric Raval sa iba’t ibang nakarelasyon. Isang mahusay na action star si Jeric kaya naman hindi nakapagtataka kung idolohin siya ng anak sa paggawa ng action movies.

Image from AJ Raval

Binigyang katuparan ng Viva Films ang pinapangarap ni AJ na gumanap ng role na kinakailangan ng umaatikabong aksyon sa bago niyang pelikula na “Hugas” kung saan muli niyang makatatambal si Sean de Guzman.

Ibang-iba raw ang “Hugas” kaysa sa mga nauna nilang ginawang pelikula ni Sean.

“Unang-una siyempre action ito at may mga training kami rito para maging astig ‘yung mga kilos namin. Siguro ‘yung bond namin ni Sean, meron kaming natural chemistry. ’Yung bond namin naging mas deep kasi nagka-work na kami nang ilang beses. Also, lumalabas din kami minsan kahit walang work. Siguro sa mga love scenes namin makikita n’yo du’n yung love,” paliwanag ng dalaga.

Sana raw ay mas marami pa siyang action movies na magawa. Idol raw niya ang ama at gusto niyang sundan ang mga yapak nito sa pagiging isang action star.

“Siyempre idol ko tatay ko at sa kanya ako open, kung bakit nag-artista ako, at paano nag-start dahil sa dad ko. Siyempre gusto ko sumunod sa yapak niya. Gusto ko mag-action din. Gusto ko ‘yung mga fight scene na MMA, may Muay Thai, parang ganu’n. Mas nahihirapan ako mag-strip kesa sa action stunts. Kasi ang action sa akin parang normal na lang din na ginagawa ko,” sabi ni AJ.

Image from AJ Raval

Tinuruan daw siya ng ama sa mga fight scenes tulad ng pagsipa nang mataas at kung paano gawing maangas ang ekspresyon ng maamo niyang mukha.

“Tapos sa fight scenes tinuruan niya ako sumipa nang mataas at sumuntok nang diretso. Tinuruan niya ako sa mga ganu’ng bagay. At saka kasi maamo ‘yung mukha ko, mukha akong bata so itinuturo niya sa akin kung paano maging maangas ‘yung facial expression,” kuwento pa niya.

Dahil sa sunud-sunod na mga pelikula ay naipagpagawa na raw ni AJ ng bahay ang nanay at mga kapatid niya. Naghati raw sila sa gastos ng amang si Jeric. Nakabili na rin daw siya ng bagong sasakyan at pinag-iipunan na ang pampagawa ng sariling bahay.

Image from AJ Raval

celebrity

Kim Chiu muling nag-sorry sa animal lovers dahil sa viral comment hinggil sa ‘maingay na pusa’

Published

on

By

Muling humingi ng paumanhin si Kim Chiu sa mga animal lovers matapos kumalat ulit sa social media ang kaniyang komento noon hinggil raw sa ‘maingay na pusa’.

Kung matatandaan, mga ilang buwan na ang nakararaan nang mag-viral ang naging pahayag ng Kapamilya aktres sa ‘It’s Showtime’ na ikinagalit ng ilang netizens.

“Nakakainis ‘yun ‘no? Yung gusto mong sabuyan ng mainit na tubig kasi ang ingay,”  ani Kim sa segment na ‘Madlang Pi-Poll’.

Kaagad namang nag-sorry ang aktres at ipinaliwanag na hindi naman talaga seryoso ang kaniyang sinabi.

Subalit isang netizen ang muling umungkat nito matapos sumulpot ulit isa internet ang video ni Kim tungkol sa kaniyang sinabi. Pinayuhan ng netizen si Kim na mag-apologize bago pa lumala ang sitwasyon.

Sa kaniyang Twitter post, ipinaliwanag ni Kim na nais na sana niyang manahimik dahil mga ilang buwan na rin ang nakararaan nang mangyari ito.

“I cleared this already, RIGHT AFTER saying those words, and asked for apology same day same segment, coz I know that I will never do it and cleared that its not really ganun. But the thing is…” wika ng aktres.

Dagdag pa niya, putol ang video na kumakalat ngayon dahil hindi rito isinama ang kaniyang paliwanag at paghingi ng paumanhin.

“Social media or that person who posted it, opted to cut the part where I was saying my apology and explain my side that same episode. But as usual some marites will really choose to see the bad on that situation, Ganun naman minsan sa atin,” aniya.

Nakalulungkot lang daw na kahit wala ka pa namang ginawa ay naging masama ka na agad sa mata ng iba, samantala hindi umano napapansin ang ‘magaganda’ mong nagawa.

Sa kabila nito, humingi pa rin ng paumanhin si Kim Chiu sa ikalawang pagkakataon.

Aniya, “Again for things to be clear hopefully, (for the 2nd time after two months) Pasenya na po to all animal lovers, I didn’t mean to say those words, nor do those actions.”

Nakiusap rin ang ‘It’s Showtime’ host sa kaniyang mga haters at detractors na huwag nang palakihin pa ang isyu dahil wala naman talagang nasaktan.

Continue Reading

celebrity

Gretchen Barretto, truck-truck ng special rice ang ayuda sa mga health frontliners

Published

on

By

Walang pagsidlan ng ligaya at puno ng pasasalamat ang mga health workers ng San Lazaro Hospital dahil sa ayuda ni Ms. Gretchen Barretto para sa kanila.

Lingid sa kaalaman ng marami, matagal nang ginagawa ni Gretchen B. ang pagbibigay ng tulong sa mga frontliners.

Sabi nga ng contact ni Ms. Gretchen sa San Lazaro Hospital na si Dr. Cherry Abrenica, na kalaunan ay naging kaibigan na niya, ay noon pang 2014-2015 nagbibigay ng tulong ang aktres sa naturang pagamutan.

“Mga 2014 o 2015 nagsimulang magbigay ng tulong ni Gretchen dito sa amin. Dinadala pa niya ang anak at mga pamangkin,” kuwento ni Dr. Abrenica.

Umabot sa 1,328 sacks ng special rice ang ipinamahagi ni Gretchen noong nakaraang linggo sa mga manggagawa ng San Lazaro Hospital. Pinangasiwaan ng mga trusted friends niyang sina Anna Abiera, Grace Medina, Rusky Fernandez at Francis Simeon ang pamamahagi ng ayuda.

Isang imahen ni San Lazaro ang pasadyang ipinagawa ni Dr. Abrenica at iniregalo kay Gretchen bilang pasasalamat sa pagtulong nito.

Sa isang video na ibinahagi ng aktres ay makikita sa altar niya sa kanyang bahay ang naturang imahen ng santo.

“ I just received a note from Dr. Cherry Abrenica and the doctors at San Lazaro Hospital and they gave me San Lazaro and it’s now here at home with me,” lahad ni Gretchen.

Sumunod na pinadalhan ni Gretchen ng isang truck na special rice ay ang St. Luke’s sa BGC, Taguig City. Hindi lang mga medical frontliners ang nabahaginan ng bigas kundi maging ang mga security at maintenance personnel ng pagamutan.

Sa dami ng mga dinalang bigas ay umabot ng alas-nuwebe ng gabi ang turn over. Nasa 3,406 sacks of special rice ang naipamahagi.

Sinabi ng aktres na sa St. Luke’s na-confine ang kanyang ina na si Inday Barretto at nagpapasalamat siya sa buong staff ng pagamutan sa pag-aalaga sa mahal na ina.

Naka-line up na rin ang iba pang mga ospital na padadalhan niya ng mga bigas. Kabilang dito ang Philippine General Hospital, St. Luke’s Hospital-Quezon City, National Children’s Hospital at ang National Center for Mental Health sa Mandaluyong City.

Continue Reading

celebrity

Ken Chan, may malalaking negosyo dahil sa pagsunod sa payo ng mga magulang

Published

on

By

Sampung taon na rin ang showbiz career ng aktor na si Ken Chan.

Nagsimula siya bilang isa sa mga co-hosts sa “Walang Tulugan” ng yumaong German Moreno at ngayon ay isa na siya sa mga bankable male actors sa local showbiz industry.

Bukod sa pagiging mahusay na artista, nalilinya na rin ang aktor sa pagnenegosyo. Sa ngayon ay mayroon na siyang tatlong businesses na inaatupag. Filipino-Chinese si Ken kaya naman nananalaytay sa kanyang mga ugat ang dugo ng pagiging negosyante.

Noong November 2020 ay ibinida ng aktor ang ipinagagawang branches niya ng iFuel gasoline stations na umabot na sa lima.

“Just visited two of my iFuel Gasoline Station branches in Baliuag, Bulacan and San Fernando, Pampanga and I couldn’t be happier with the progress coming along. Can’t wait to show you my three new branches in the works. Stay tuned to find out in which cities!” pagbibida ni Ken noong 2020.

Co-founder din siya sa negosyong Aromagicare, na ang produkto ay affordable wellness massage chair at therapy oils.

At kamakailan lang ay inilunsad niya ang Cafe Claus, ang cafe-bakery na nagse-serve ng American at Pinoy dishes bukod pa sa cake at pastries.

Wika ni Ken, bata pa lang siya ay pangarap na raw talaga niya ang magkaroon ng sariling negosyo at ngayon nga ay natupad na iyon dahil sa kanyang pagsusumikap.

Malaking factor daw ang payo ng  kanyang mga magulang noon sa pagkakaroon niya ng puhunan sa negosyo. Mula noon hanggang ngayong may matagumpay na siyang showbiz career ay ina-apply pa rin daw niya sa buhay ang pagtitipid na natutuhan mula sa mga magulang.

“Ang turo ng mga magulang ko, kapag kumita ako ng sampung piso, ’yung gagastusin ko ’yung piso at ’yung siyam na piso, itatago ko. Ini-apply ko ’yun sa buhay ko simula pa nang mag-artista ako at hanggang ngayon po,” lahad niya.

Napatunayan raw niya na kapag may mga pangarap ka at pinaniwalaan ang iyongsarili ay matutupad ang mga iyon.

Continue Reading

Trending