Connect with us

celebrity

Before PBB: Alexa nakuhanang nagpapakain ng stray cats sa labas ng kinainang restaurant

Published

on

alexa stray cats

Hindi lingid sa kaalaman ng marami kung gaano pinahahalagahan ng former celebrity housemate na si Alexa Ilacad ang mga hayop, kaya naman nang makakita ito ng stray cats sa labas ng kinainan nilang restaurant, hindi na nag-atubili pa ang aktres na bumili ng cat food para ipakain sa mga ito.

Sa Twitter, ibinahagi kamakailan ng isang user na nakasama umano niya si Alexa at sa isang dinner at doon ay siya mismo ang nakasaksi kung paano ituring ng aktres ang mga stray cat na nakita nila noong gabing iyon.

“I can attest to this! When @alexailacad, Tita Dina, and I had dinner pre-pandemic, there were cats outside the restaurant we were at so we went to the grocery and bought some cat food for them!” kuwento saad niya sa caption ng mga litrato. Ito ay bilang reaksyon niya sa old tweet ng isang supporter ng young actress noong nasa Bahay ni Kuya pa ito.

alexa stray cats

Hinangaan ng maraming netizen ang ginawang ito ni Alexa dahil talaga naman daw naisingit pa ng aktres ang pagbili ng cat food at pagpapakain sa stray cats kahit ang oras na iyon ay para sana sa kanyang sarili.

Matatandaang nagpahayag din ng suporta ang PAWSsion Project sa aktres noong nasa Pinoy Big Brother house pa ito, “Stay strong, Alexa. We just want to share that prior to Alexa joining PBB, we got contacted by her mom asking for a video message to be shown to her as she’d always tell her mom that the reason why she works hard is so she can give back to the animals. She’s always tried in her own little ways to help strays and rescues, rescued and adopted a cat herself, even sang for our online benefit concert, and then now, wearing our Rescue shirt on this reality show.”

alexa stray cats

Magugunita rin na pinili ng aktres na ipagdiwang ang kanyang 18th birthday kasama ang mahigit 300 rescued animals sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS) noong 2018.

alexa stray cats

Imahe mula sa Instagram account ni Alexa Ilacad

celebrity

Sen. Lito Lapid inaming nakararanas pa rin ng ‘pang-aapi’ dahil hindi nakapag-aral

Published

on

By

Inamin ni Sen. Lito Lapid na sa kabila ng kaniyang edad at pagiging pulitiko ay binabalik-balikan at hindi niya pa rin maiwan ang pag-arte sa harap ng kamera.

Ayon sa beteranong actor-politician, kahit na abala siya sa pagiging mambabatas ay gustong-gusto pa rin niya ang lumabas sa mga pelikula at telebisyon.

“Kasi, ‘yun ang binuhay ko… hindi naman talaga ako pulitiko, e. Unang-una, hindi naman ako nag-aral. High school lang ako,” anang senador sa panayam ng PEP.

Dahil umano dito ay pinayuhan niya ang kaniyang panganay na anak na si Mark Lapid na mag-aral nang mag-aral.

“Sabi ko sa kanya, ‘Ipaghiganti mo ako, mag-aral ka,” bahagi pa ng action star na sumikat sa mga pelikulang ‘Ang Pagbabalik ni Leon Guerrro’, Julio Valiente, Zigomar, Tatlong Baraha’, Isaac, dugo ni Abraham, at marami pang iba noong dekada 80.

Inamin rin ni Lapid na kahit senador na siya ngayon ay nakararanas pa rin ng ‘pambu-bully’ dahil sa kawalan ng tinapos na kurso.

“Palagi akong inaapi dahil hindi ako nag-aral, ‘di ba? Kahit senator na ako, ‘yun pa rin ang sinasabi sa akin. Parang wala akong alam, ‘yun ang tingin nila sa akin,” pagbabahagi ni Lapid.

Gayunpaman, hindi  na lang daw niya ito pinapatulan dahil totoo naman talaga na kulang siya sa pinag-aralan.

“Totoo naman ang sinasabi nila na hindi ako nakapag-aral. Ano ang magagawa ko, anak ako ng labandera? Hindi ako kayang pag-aralin ng nanay ko,” saad ng mambabatas.

“Siguro ‘yung nagsasabi nun, naiinggit. Narating ko ang ganito kahit hindi naman ako nakapag-aral. Kasi, mahal ako ng Panginoon. Hindi ko na lang nga pinapansin,” wika pa nito.

Nilinaw naman ni Sen. Lapid na hindi siya nakararanas ng ‘pang-aapi’ mula sa kaniyang mga kapwa-senador kahit pa karamihan sa kanila ay nakatapos at may mataas na pinag-aralan.

Samantala, pinag-iisipan na rin umano niyang magretiro sa pagiging pulitiko at hindi na tumakbo pa sa mga darating na halalan.

Bago maging senador, si Lapid ay nagsilbi ring bise-gobernador at gobernador ng lalawigan ng Pampanga.

Samantala, muli siyang mapapanood sa telebisyon sa bagong teleserye ng Kapamilya network na ‘FPJ’s Batang Quiapo’ na muling pagbibidahan ni Coco Martin.

Continue Reading

celebrity

Otin G ido-donate sa charity ang kaniyang kinita sa TikTok Live

Published

on

By

Ibabahagi ni AC Soriano sa Home for the Golden Gays ang kaniyang buong kinita sa libreng online concert noong Enero 20 na kasabay ng 20th Anniversary concert ni Toni Gonzaga sa Smart Araneta Coliseum.

SI AC Soriano ay mas kilala rin bilang si Otin Gonzaga-Soriano at impersonator ni Toni.

Ayon sa kaniyang tweet noong isang araw, nito lang nang malaman niya na may stickers pala sa TikTok Live at ibig sabihin ay may kinita ang kaniyang online concert.

“Hello! medyo later ko na na-realize na may stickers nga pala sa tiktok live at may halaga pala yun!” wika ni Otin.

Dahil dito, dodoblehin niya umano ang naturang halaga at ibibigay sa Home for the Golden Gays; ang tahanang kumukupkop at nag-aaruga sa mga may edad nang miyembro ng LGBTQ community.

“Ang gagawin ko na lang, I will double the amount, and we’ll donate the whole amount sa home for the golden gays!” dagdag pa nito.

Magugunitang tinapatan ng ‘I Am Otin’ ni Otin G. ang Araneta concert ni Toni na ‘I Am Toni’.

Nag-trending ito sa Twitter at humamig rin ng mahigit 25,000 views at mahigit 5 million likes sa TikTok Live.

Magkakasabay na trending topic noon ang hashtags na #Araneta, #IAmOtin at #PaalamToniGonzaga.

Kabilang sa kaniyang mga special guests ay ang mga kaibigan at social media personalities na sina Sassa Gurl, Jun Salarzon, at Toniyuh habang ang buong pamagat naman ng kaniyang concert ay “I Am Otin,” the 20th Anniversary Dogshow.

Samantala, ang kabuuang kinita ni Otin ay umabot sa $207.60 o mahigit P11,000 kaya aabot sa P22,000 ang kaniyang maido-donate sa ‘Home for the Golden Gays’.

Continue Reading

celebrity

Maymay may madamdaming birthday message sa kaniyang mommy: ‘Ikaw po ang pinakamalaking inspirasyon ko’

Published

on

By

Kinilala ni Maymay Entrata ang kadakilaan at mga sakripisyo ng kaniyang inang si Lorna na nagdiriwang ng kaniyang kaarawan.

Sa isang Instagram post, binati ng Kapamilya aktres ang kaniyang mommy na ayon kay Maymay ay siyang pinakamalaki niyang inspirasyon.

“Happy Birthday mama @lorna.entrata , ikaw po ang pinakamalaking inspirasyon ko kung bakit nalalampasan ko bawat pagsubok bilang isang breadwinner,” ani Maymay sa kaniyang post.

“Inay kita pero ikaw pa yung nahihiyang humingi ng tulong mula sa akin. Kaya mas lalo akong nagaganahan ibigay po sayo lahat kasi na a-appreciate mo po lahat ng pinaghirapan ko,” dagdag pa niya.

Habambuhay niya umanong pasasalamatan ang kaniyang mommy at ang Panginoon dahil sa pagkakaroon ng inang katulad niya.

“Wala sa katiting ang pinaghirapan ko sa pinagdaanan mo ma, kaya habang buhay ako saludo at nagpapasalamat sa Panginoon na may ina/ama akong tulad mong mapagmahal, malakas ang loob at mapagpatawad,” patuloy ng Pinoy Big Brother grand winner.

“Mahal na mahal kita ma, Happy Birthday,” pagtatapos ni Maymay.

Nang mabigyan ng break sa showbiz matapos makilala dahil sa PBB, hindi nakalilimutan ni Maymay na ibahagi ang kaniyang mga blessings at tagumpay sa kaniyang pamilya lalo na sa kaniyang pinakamamahal na nanay.

Noong 2019, binilhan niya ng bahay ang kaniyang ina na isang OFW sa Japan.

“Ang mahal po kasi ng renta doon, so ngayon naiyak siya kasi may sariling bahay na siya, at hindi niya akalain na magkakabahay pa siya. Tapos, masaya rin ‘yung kapatid ko na bunso,” saad ni Maymay sa panayam noon.

Tila malayo na nga ang naabot ni Maymay sa larangan ng entertainment industry dahil bukod sa pag-arte sa telebisyon at pelikula, isa na rin siyang singer, TV host, model at noong Nobyembre lamang ay nominado ito bilang Best Asia Act sa MTV Europe Music Awards (EMA).

Continue Reading

Trending