Connect with us

events

Arnel Pineda at Journey, nagpayanig sa Times Square sa New York noong New Year’s Eve

Published

on

Nagpayanig sa Times Square sa New York City ang Pinoy rock sensation na si Arnel Pineda na frontman ng American rock band na Journey.

Isa ang Journey sa mga musicians na nagpasaya sa crowd na nagtipon-tipon sa Times Square para sa annual Dick Clark New Year’s Rockin’ Eve show na ginanap noong December 31, 2021 para salubingin ang Bagong Taon.

Image from Journey

Kinanta ni Arnel, sa gitna ng hiyawan ng mga fans, ang hit songs nilang “Any Way You Want It” at “Don’t Stop Believing.”

Ishinare ng banda sa kanilang official Instagram account ang ilang litratong kuha sa performance ng grupo.

“Happy New Year to you all. Great time last night ringing 2022 in NYC,” post ng Journey Music Official sa Instagram.

Bukod sa Journey ay marami pang music artists ang nag-perform noong gabing iyon. Kabilang dito sina KAROL G; AJR and duo Daisy The Great; Avril Lavigne and Travis Barker; Big Boi with singer Sleepy Brown, Don Omar; French Montana; Macklemore, Ryan Lewis with singer Windser at Maneskin.

Nagpakitang gilas din sa husay ng kanilang performances sina  Ja Rule and Ashanti, Mae Muller with Polo G; Polo G; Masked Wolf; OneRepublic at Walker Hayes.

Ang DJ sa event ay Derrick Jones na mas kilala sa stage name na D-Nice, samantalang si Ryan Seacrest naman ang host ng taunang event.

Ang Dick Clark New Year’s Rockin’ Eve na isa nang tradisyon sa New York ay  noong 1972 pa nagsimula. Isa itong New Year’s Eve television special na ini-ere sa ABC.

Image from Journey

Tampok sa annual New Year’s Eve Countdown sa Times Square ang tinatawag na “ball drop” na hudyat ng paghihiwalay ng taon. Isa iyong bola na nasa espesyal na flag pole na nasa tuktok ng One Times Square Building na bumababa simula 11:59 p.m. at matatapos eksaktong alas-dose ng hatinggabi.

Ang ball drop ay sinisimulan pagkatapos ng performances ng mga music artists.

Image from Journey

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

current events

Pagtakbo ni Marc Pingris nang naka-bra sa loob ng village nila, inaabangan na

Published

on

By

Mukhang mapapasubo ang dating superstar sa Philippine Basketball Association na si Marc Pingris dahil sa mga salitang binitiwan niya.

Inaabangan na siya ng marami kung pangangatawanan niya ang pangako.

Image from Marc Pingris

“Hello guys, Marc Pingris here. Rooting po para sa Pilipinas sa M3 tournament. ‘Pag nanalo ang Pilipinas sa M3 ang gagawin ko po is tatakbo po akong naka-bra dito sa village namin. Gagawin ko po ‘yan para sa M3 Pilipinas,” ang sabi ng binansagang Pinoy Sakuragi ng PBA sa isang video noong December 11, 221.

Nilagyan niya pa ito ng hashtag na #PilipinasLangMalakas.

Nag-dare pa siya sa mga followers niya sa Facebook kung ano ang gagawin kapag nanalo ang Pilipinas sa M3 championship.

“Ikaw ano’ng gagawin mo kapag nanalo ang Team Pilipinas sa M3 World Championship?” aniya.

Ang M3 Mobile Legends  Bang Bang World Championships ang taunang international esports tournament para sa larong Mobile Legends Bang Bang na nilalahukan ng mga teams mula sa iba’t ibang panig ng mundo na maghaharap-harap para tanghaling wolrdwide champion.

Ang M3 championship ay inorganisa ng Moonton Games.

Image from Marc Pingris

Ang M3 championship na idinaos sa Singapore ay nagsimula noong December 6 at natapos noong December 19.

Parehong koponan mula sa Pilipinas ang nagharap sa Grand Finals matapos nilang pataubin ang mga nakalaban sa lower bracket playoffs – ang Blacklist International at ang ONIC Philippines.

Hindi pa man nagsisimula ang laban sa pagitan ng Blacklist International at ONIC Philipipnes ay marami na ang nagmensahe sa manugang ni Bossing Vic  Sotto na ihanda na ang sarili sa pagtakbo ng naka-bra dahil tiyak na Team Pilipinas ang mag-uuwi ng korona.

Image from Mobile Legends Official

“Mukha tatakbo ka na lodi Marc Pingris. ‘Matic na PH team mag-champion sa M3.”

Ang Blacklist International ang nag-champion.

“Hahaha idol kailan ka tatakbo sa village nang naka-bra. Sure na ‘yun . Wala ka na magagawa. Wait ko ‘yung upload mo. Ang saya nito.”

 “Idol dapat nakatibak din po pagtakbo.”

 “Waiting po Kuya Marc Pingris.”

 “Hello sir. Remind lang po.”

Image from MPL

Continue Reading

beauty

Get to know our very own Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez

Published

on

By

Get to know Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez: community development worker and a Philippine Navy Marine Reservist.  Ito ang intro sa video na ibinahagi ng Miss Universe channel sa sharing platform na YouTube at sa Facebook.

Dito ay ibinahagi ng ating 26-anyos na pambato sa 70th Miss Universe pageant ang ilang personal na bagay tungkol sa kanya.

Aniya, siya ay lumaki sa pag-aaruga ng kanyang single mother. “I was raised by a single mom and she had quite a hard time managing our household.”

Makabuluhan umano ang naging papel ng volleyball sa kanyang buhay pagkat sa pamamagitan nito ay nakatapos siya ng high school at nakatuntong sa kolehiyo sa pamamagitan ng athletic scholarship.

“Being a part of the volleyball varsity team is not just something I take as an achievement, but it is something that really changed my life for the better because I was able to help my mom in some way and I was able to make her proud,” pagbabahagi niya sa video.

Ang kanyang alma mater ay ang University of San Jose-Recoletos in Cebu. Kinukuha niya ang kursong Bachelor of Arts major in Mass Communications ngunit napatigil muna dahil nagfo-focus siya ngayon sa community development work at sa pageantry.

Sa isang ulat na inilabas ng unibersidad ay sinabing: “In college, she studied at the University of San Jose-Recoletos and pursued a degree in Mass Communications. On the side, she also became one of the varsity players for volleyball. However, certain circumstances made her stop going to college. She expressed that she has plans to continue her studies and earn a diploma when circumstances allow.”

Bukod sa pagiging volleyball player, ibinahagi ni Beatrice na siya ay miyembro ng Philippine Navy Marines kung saan siya ay sumailalim sa mga physical trainings.

Sa pagtatapos ng kanyang video ay ibinahagi ng Cebuana beauty na siya ay nagpapasalamat sa suporta ng Pilipinas sa pagpapadala ng isang miyembro ng LGBTcommunity na para sa kanya ay isa umanong “big deal.”

Aniya, “It’s a big deal because we are here to give positivity and be an inspiration especially to the young children who are looking up to us — that they can be whoever they want to be when they grow up.”

Lumikha ng ingay sa kasaysayan si Beatrice bilang pinakaunang kandidata na miyembro ng LGBT na naputungan ng Miss Universe Philippines crown.

Makahahabol pa sa voting para sa ating PH representative. Magtungo lamang sa website ng Miss Universe 2021 at hanapin ang profile ni Beatrice Luigi Gomez. Your vote matters!

Support our Miss U bet Beatrice Luigi Gomez by casting your VOTE. Click the image to vote.

Makatutunggali ng ating pambato ang mahigit 70 candidates sa 70th edition ng Miss Universe na gaganapin sa Israel. Ating dalangin na sana ay masungkit niya ang pang-limang korona para sa Pilipinas!

Panoorin at i-like ang kanyang video sa Miss Universe channel via YouTube.

Samantala, maaari ring ipahayag ang suporta sa ating PH bet sa video na ibinahagi sa Facebook ng Miss Universe organization:

Click the image to watch the video

 

 

Continue Reading

celebrity

That’s it! Marian Rivera opisyal nang ipinakilala bilang miyembro ng ‘Selection Committee’ sa Miss Universe 2021

Published

on

By

Ipinakilala na bilang isa sa siyam na mga hurado ng Miss Universe 2021 ang 37-anyos na Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Para sa aktres-host-modelo at entrepreneur, napakalaking karangalan ang siya ay mapili, pati na rin sa ating bansa. “At nakakataba talaga ng puso na magkakaroon tayo ng chance na maging part ng isang napakalaking event na mapapanood sa buong mundo,” pahayag niya bago pa man tumulak patungo sa Israel kung saan gaganapin ang prestihiyosong pageant.

“Para sa akin minsan lang siguro bigyan ng pagkakataon ang isang tao na mabigyan ng ganitong kahalagang gagampanan.” Kaya naman walang pagsidlan ang kanyang kagalakan sa oportunidad na ipinagkaloob sa kanya.

Imahe mula sa Facebook / Marian Rivera

Sa pahayag ng Miss Universe Organization, kabilang si Marian sa lupon ng mga hurado na bubuo sa finals selection committee para sa 70th Miss U. Ang coronation night ay magaganap sa Eilat, Israel sa Disyembre 12 (Disyembre 13, Philippine Time).  Kokoronahan ni Miss Andrea Meza ng Mexico ang kanyang successor sa gabing iyon.

Sa Miss Universe Organization website ay matatagpuan ang mga larawan at detalye kaugnay sa pageant, pati na ang opisyal na pagpapakilala sa mga hurado.

Sa profile ni Marian ay mababasa ang mga sumusunod:

Marian Rivera is the Philippines’ premier celebrity.

She is a multi-awarded actress and host. She catapulted to fame with her leading roles in highly successful shows that were hits in Southeast Asia such as “MariMar”, “Dyesebel”, and “Amaya”. She continuously made her mark with iconic roles in “Darna” and “Temptation of Wife”.

Among her international successes, Marian Rivera was nominated for Best Actress in a Lead Role at the 18th Asian Television Awards. She starred in numerous blockbuster films. She was twice nominated for Best Actress by the prestigious Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards for her roles in “Kung Fu Divas” and “Ang Panday 2”. She was lauded as the Phenomenal TV Star and won numerous Best Actress awards for her TV performances.

Marian Rivera released two studio albums: the Marian Rivera Dance Hits and Retro Crazy. Both of which were awarded platinum. She was declared a Hall of Famer as the sexiest in the Philippines by FHM Magazine, winning the coveted award thrice in 2008, 2013 and 2014.

She is highly regarded as the most sought after celebrity endorser with over twenty five active endorsements and brand partnerships. She is the queen of social media in the Philippines with over 25 million followers on Facebook. She is the most followed celebrity in the Philippines.

Beyond entertainment, Marian Rivera is a successful entrepreneur launching Flora Vida, her own floral business, in 2017. She expanded Flora Vida in 2020 to include homewares and furniture, and recently, to a clothing line, which was sold out in a matter of days.

Marian Rivera supports a variety of causes and advocacies including operations for children with cleft lips and palates, an ambassador to the Little People, an advocate to children and women with disabilities, and is a staunch supporter of breastfeeding. She was given the Breastfeeding Influencer and Advocate Award by the Mother and Child Nurses Association in 2016. Marian Rivera has two children with husband, Dingdong Dantes.

Kasama ni Marian sa Selection Committee ang iba pang empowered women na sina Adamari Lopez, Adriana Lima, Cheslie Kryst, Iris Mittenaere, Lori Harvey, Rena Sofer, Rina Mor Goder, at Urvashi Rautela.

Samantala, bumuhos rin ang suporta at pagbati kay Marian na tila mas lalong naging blooming base sa mga larawang kanyang ibinabahagi sa kanyang Facebook account. Pagbibiro pa ng iba, “Miss Marian for the Win  <3  Bring home the crown Miss Marian!”

Continue Reading

Trending