Connect with us

Inspiring

Talentado! Baguhang artist iginuhit sa resibo ang mga karakter ng pelikulang ‘Encanto’

Published

on

Wow! Umani ng paghanga ang isang baguhang artist dahil sa pagkakalikha niya ng work of art sa isang resibo.

Mas nakilala ang young artist na si Eldo Caspillo ng Maragondon, Cavite nang ibahagi ang kanyang likha ng Bayan mo, ipatrol mo; kung saan ay itinanghal nila ang pagguhit nito sa imahe nina Mirabel, Isabel at Luisa Madrigal ng pelikulang ‘Encanto’ gamit ang graphite at charcoal powder.

Ayon sa Bayan mo, ipatrol mo, unang beses pa lamang ni Eldo na gumuhit sa resibo at limang oras niyang nilikha si Mirabel. Pagkatapos ay sinunod na niya ang  dalawa pang kapatid nito sa kuwento na sina Isabela at Luisa.

“The Madrigal Sister | Encanto Luisa, Isabela and Mirabel Lapis sa resibo Skl po, hope y’all like it,” pagbabahagi naman niya sa kanyang Facebook wall.

Makikita na mahusay sa pagguhit si Eldo bagama’t ayon sa kanya ay one year pa lamang siya sa pagguhit.  Tunay na talentado!

Para kay Eldo, paborito niya ang karakter ng magkakapatid dahil maganda silang mga halimbawa sa mga manonood.

Samantala, siya ay sumali kamakailan sa isang paligsahan sa pagguhit at napabilang siya sa top 5. Masaya niya itong ibinahagi sa kanyang Facebook post at makikita rin sa page ng MangguGuhit.

“Top 5 “TRACES OF LIFE” Charcoal and graphite on vellum paper One Reference Challenge | Pro Category All Glory to God! Salamat po sa Group Page ng MangguGuhit sa opportunity na ito po,” saad niya sa kanyang caption

Ipinalabas ang Encanto ng Disney Studios noong Nobyember 2021.

Ang movie na encanto ay tungkol sa magkakapatid na Madrigal. Ang mga Madrigal ay isang pambihirang pamilya na nakatira sa mga bundok ng Colombia sa isang kaakit-akit na lugar na tinatawag na Encanto. Ang mahika ng Encanto ay biniyayaan ng kakaibang regalo ang bawat bata sa isang pamilya — bawat bata maliban kay Mirabel. Gayunpaman, maaaring siya na ang huling pag-asa ng mga Madrigal kapag nalaman niyang nasa panganib na ngayon ang mahika na nakapaligid sa Encanto.

Ang “Encanto” ay matagumpay na tinangkilik ng mga manonood na may iba’t ibang edad.

Panoorin ang Encanto trailer:

Inspiring

‘Slowly but surely’: OFW in Japan shares getting a house built for their parents

Published

on

By

“How do I love thee? Let me count the ways…”

“Sabi nila hindi raw obligasyon ng mga anak ang kanilang magulang. Pero para sa akin obligasyon kong pasayahin ang aking sarili sa pamamagitan ng pagpapasaya at pagsuporta sa aking mga magulang.”

These are the words of an OFW in Japan regarding her feelings towards her parents whom she wants to be happy by giving them support and happiness in the way she knows how.

In a post on the Home Buddies Facebook page she shared photos of their former home; narrating their simple and humble life in Masbate.

“Ito ang aming tahanan for almost 12 years. Pero bago ito, tumira muna kami sa mas payak na tahanan sa bukid at nakitira din sa bahay ng kamag-anak. Ang tahanang ito ay puno ng masasayang ala-ala at mga pangarap.”

She further shared how their humble dream home turned into reality.

Eversince they were small kids it had been the siblings’ dream to have their own comfortable and beautiful home for their entire family, most especially for their parents who are both hardworking.

Being the eldest, Jea had to lead the flock while opting to forego her plans of pursuing a college degree. She had to work early in life to sustain her siblings’ education so they would have a better future, she said. Moreover, it was part of their plan to soon be able to join forces when they start on their dream home.

 

“Not just for them to have a better future, but for me to have a KASANGGA sa pagtupad sa pangarap na yun (emojis) At hindi naman ako nabigo, may napagtapos ako  🙂   Kasabay noon, pinalad akong makapunta dito sa Japan para magtrabaho,” she shared.

Thereafter, she and her siblings started their ‘operation savings’ until they reached their 200K goal (July 2020) to start on the construction of their dream home.

SLOWLY BUT SURELY

It was a continuous struggle, she said. Budget was so tight so their family had to halt construction every now and then until they come up with more savings.

Their father even had to sell their carabao to help and their mother did her fair share by taking a loan from her Cardbank.

It was a ‘slowly but surely’ effort on their part to reach the culmination of their goal. It became a family effort altogether. Just wow!

Jea is super grateful to the Lord for guiding and blessing them. Their hardwork, she said, were all worth it. Much has to be done still, but in good time they will manage it – again.

“Andaming pinagdaanan bago ito tuluyang nabuo. Pero ang lahat ng yun sobrang worth it, lahat ng pagod at mga sakripisyo lalo na ako dito sa malayo, pawing-pawi. (emojis)  LORD, SOBRANG SALAMAT PO. Ang sarap sarap po sa puso.  <3   Yung pangarap lang namin noon, realidad na ngayon,” she expressed.

She also disclosed how thankful she is for the family effort; admitting they reached their goal because of everyone’s part towards realizing their dream.

“Pinaghirapan, pinagpaguran at pinagtulungan naming lahat ito, hindi lang ako.(heart emojis) Tunay ngang mas magaan at mas madali kapag sama-sama sa pagtupad ng pangarap ang isang pamilya. We’re all in this together. Salamat sa aking mga magulang sa lahat ng suporta at tulong. Salamat sa aking mga kapatid na hindi ako hinayaang mag-isa sa mga gastusin, dahil kahit nandito ako sa Japan, di ko kakayanin kapag ako lang.”

She also thanked those who had a crucial part in their progress. “Salamat kay Tita Delia sa pagpapatira sa bahay nya habang on going construction kami. Salamat sa aming Foreman, Tiyo Alipio na napakadedicated at salamat sa mga taong nagbayanihan at tumulong nang walang bayad noong unang simula. At SALAMAT po ulit LORD.”

Every photo shared by Jea tells a story.  Be inspired!

 

Continue Reading

Inspiring

Magkapatid muling nagkita matapos ang tatlong dekadang hindi nagkasama at nagkausap

Published

on

By

Paano kung malaman mong ang kapatid na hindi mo na nakita o nakausap sa loob ng tatlong dekada ay buhay pa pala?

Labis na naging emosyonal ang pagkikita ng magkapatid na sina Lola Encarnacion at Lolo Seliaco ng Negros Occidental matapos ang tatlong dekadang hindi nagkasama at hindi rin nagkausap man lang.

Sa pamamagitan ng social media ay muling nagkita ang magkapatid na ngayo’y kapwa senior citizens na.

Unang nag-viral online ang video ni Lola Encarnacion Solis, 73, na mag-isang namumuhay sa sira-sirang bahay sa kabundukan ng Talisay, Negros Occidental.

Para matulungan si Lola Encarnacion ay inilapit ng grupong Kapusan Outreach ang kuwento ni Lola sa Digicast Negros para makita ng kaniyang mga kamag-anak ang kaniyang sitwasyon.

Ilang netizens naman ang nagtulungan para sa matanda. Nagtulungan rin ang Felix G. Yusay Foundation Inc., militar, pulisya, at Kapusan para magawan ng bagong bahay si Lola Encarnacion.

Nang ibahagi sa social media ng Negros Occidental Police Provincial Office ang mga larawan ni lola Encarnacion, may tumawag sa kanilang apo nito at nagsabing buhay pa ang isa nitong kapatid na si Ciriaco, na ngayon ay 87 anyos na.

Inihanda ang pagkikita ng dalawa at naging emosyonal ang mga sumunod na tagpo. Mahabang kwentuhan hinggil sa kanilang buhay ang mga sumunod na eksena.

Napag-alaman na si Lolo Seliaco ay malabo na ang mga mata, at ang pandinig naman ni Lola Encarnacion ang tila humihina na. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang sila ay hindi maghabol ng kuwentuhan. Imagine, 30 years na hindi kayo nagkita!

Inalok na rin ng mga anak ni Lolo Seliaco na manirahan na lang si Lola Encarnacion sa kanila ngunit tinanggihan niya ito dahil hindi raw siya sanay sa mataong lugar. Babalik pa rin si Lola sa kanyang bagong gawang tahanan at nangakong dadalaw pa rin ito sa kanila.

Ilang netizens naman ang humanga sa pagtulong ng mga kapulisan, militar, foundation at netizens para magkatagpo ang magkapatid.

“Tingnan mo nga naman ang tulong nagagawa ng social media grabe kung wala ang social media baka hindi na sila ng nagkita. Pati ‘yung mga ka pulisan at sundalo natin at tulong na rin ng mga concern citizens natin. God Bless you. All May Bagong buhay at Bagong Pag asa.”

“Sana laging ganito nababasa namin nakakataba ng puso. Pagpalain kayo lolo at lola. Hiling ko ang inyong mas mahaba pang buhay.”

Continue Reading

celebrity

LJ Reyes, nagbahagi ng inspiring words sa mga taong may pinagdadaanan

Published

on

By

Sa kanyang Instagram post ay nagbahagi si LJ Reyes ng ilang nakai-inspire na salita sa mga taong may pinagdadaanan, lalo na sa mga taong nalulungkot.

“No matter where you are in life, there would be people who would pull you down to the ground,” panimula niya.

Ipinaalala din ng aktres sa lahat na ang ating sarili ay maaaring maging pinakadakilang bayani. Ayon kay LJ, kahit kailanganin ng isang tao na paalalahanan ang kanyang sarili araw-araw, ayos lang iyon at magpatuloy lamang sa pagbangon.

“But always remember that yourself could always be your greatest hero and that you have to always see and believe in your potential! Even if you have to remind yourself every single day. You are loved. You are valued. You are strong! And you will continue rising up!”

Kamakailan lamang ay nagbigay din siya ng inspirasyon sa mga netizens, gayundin sa mga kapwa nanay kaugnay sa paghahanap ng ‘better version of herself’.

Sa Instagram post ay ibinahagi niya ang ilan niyang mga larawan kalakip ang mensahe kaugnay sa self-love.

Ayon kay LJ, nakatanggap siya ng mga mensahe mula sa mga taong nakaranas din ng mga karanasan niya.

“On my journey to finding a better version of myself! It’s not easy at all. Definitely not. Self-care/self-love is a bit thin when you have two other lives depending on you. (But of course I wouldn’t have it any other way!) Along the way, I have received messages and talked to people with similar experience or even those with a different one but took all their might and faith to rebuild.”

Tahasan na inamin ng celebrity mom na na-inspire siya sa pakikipag-usap sa mga ganoong tao na may empowering stories to tell.

“Honestly, you have inspired me more than I have inspired you! And one day, someday, I would be able to give back the strength I found from hearing these empowering stories of faith and perseverance! For the mean time, know that each one of you is beautiful. Each one of you deserve to feel loved. Each one of you is in the hands of God. Stay wonderful!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)

Continue Reading

Trending