Connect with us

News

Dating kasambahay ni Asec. Libiran timbog; mga nanakaw ‘fancy’ umano kaya ‘ipinamigay’ na lang

Published

on

Imahe mula sa Facebook| Asec. Libiran

Nahuli na ng mga awtoridad ang dating kasambahay ni DOTr Assistant Sec. Goddes Hope Libiran sa Mangaldan, Pangasinan kung saan ito nagtago nang ilang araw.

Ibinahagi mismo ni Asec. Libiran sa kaniyang Facebook post ang pagkakatiklo sa katulong na si Malou, na gumagamit rin ng mga alyas na Marilou Morales, Marilou Fernandez, Marilyn Delos Reyes at Malou Mislang.

Imahe mula sa facebook| Asec. Libiran

Subalit nasakote ng mga awtoridad ang suspek dahil sa ibang kaso ng pagnanakaw na isinampa sa lalawigan ng Laguna.

Sa panayam ng Inquirer, sinabi ni Lt. Col.Vicente Castor, hepe ng Mangaldan police na nahuli nila si ‘Malou’  sa Brgy. Gueguesangen batay na rin sa umiiral na warrant of arrest laban dito.

Fancy lang kaya ipinamigay?

Sumadya mismo umano si Libiran sa presinto sa Mangaldan para kausapin ang kaniyang dating kasambahay na hindi naman daw itinanggi ang pagnanakaw.

Screenshot mula sa Facebook| Asec. Libiran

Subalit ‘ipinamigay’ daw ng suspek ang mga ninakaw dahil mga ‘fancy’ lamang ito ayon sa kaniyang pagbebentahan sana.

“Opo. Pero sabi ng pinagbentahan ko, fancy daw. Kaya PINAMIGAY ko na lang lahat. Kahit mga nakuha sa Cavite, Laguna, fancy… Pinamigay ko na rin lahat,” ito umano ang sabi sa kaniya ni Morales.

Giit naman ni Libiran, hindi niya alam kung magagalit ba siya, maiiyak o matatawa matapos marinig ang sinabi ng katulong.

Imahe mula sa Facebook | Goddes Hope Libiran

Dati nang nag-alok ng pabuyang P50,000 ang agency ng nasabing kasambahay para sa kaniyang pagkakahuli.

BASAHIN: P50K bounty alok para sa pagkakahuli ng kasambahay ni DOTr Asec. Libiran

Ibinahagi noon ni Libiran na umabot sa P1.2-M ang halaga ng mga pera’t alahas na nanakaw sa kaniya ni ‘Malou’, kabilang na rito ang dalawang mamamahaling relo at isang diyamanteng hikaw.

BASAHIN: Opisyal ng DOTr natangayan ng alahas na nagkakahalaga ng P1.2M

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

News

Caretaker nakatatanggap na raw ng banta; nakiusap na itigil na ang pagpapakalat ng maling impormasyon

Published

on

By

Nakiusap ang caretaker ng lupang kinatitirikan ng mangga sa Asingan, Pangasinan na itigil na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon hinggil sa kaso ni Lolo Narding.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na humarap sa media ang caretaker na si Robert Hong na siyang nagsampa ng reklamo kay Lolo Narding.

Ani Hong, tatlong beses na raw silang nagharap sa barangay ng matanda subalit nagmatigas umano ito.

BASAHIN: Lolo Narding tatlong beses humingi ng paumanhin sa caretaker, batay sa record ng barangay

Nilinaw niya rin na 10 kaing, at hindi sampung kilo ang napitas na mangga sa punong nakatayo sa binabantayan niyang lupa.

Wika pa ni Hong, handa na sana siyang iurong ang kaso subalit nagulat na lang daw siya nang maglabas ng arrest warrant ang Asingan police at hinuli si Lolo Narding.

“Sinabi naman sana niya, ‘Ito na lang ang natira sa napagbentahan ko. Patawarin mo ako kung ano yung nagawa kong kasalanan at hindi ko na uulitin.’ E ‘di maluwag sa loob ko na hindi ko na itutuloy yung kaso,” kuwento ng caretaker sa Balitang Amianan ng GMA News.

Dahil sa nag-viral ang kuwento ni Lolo sa social media, umani ito ng simpatiya sa maraming netizens.

Nanawagan naman si Hong na itigil na ang pagpapakalat ng maling impormasyon hinggil sa kaso dahil nakatatanggap na raw sila ng pagbabanta mula sa mga netizens at nadadamay na rin ang kaniyang pamilya.

Iginiit naman ng anak ni Hong na nais nilang sa korte na lamang humantong ang kaso upang malinawan ang mga tao sa tunay na nangyari.

“Willing naman po talaga kami… sa korte na lang po. Kasi gusto lang po talaga namin malinawan po lahat ng tao, lalo na po sa social media, ‘yung sa part po namin. Dapat hindi sila naging one-sided,” ayon sa anak ng caretaker.

Plano namang humingi ng proteksiyon ng pamilya Hong mula sa mga awtoridad dahil sa mga natatanggap na banta.

Tunghayan ang buong ulat (simula 5:39):

Continue Reading

News

Ilang guro nawalan ng pera sa Landbank account; bangko iginiit na ‘phishing’ ang nangyari

Published

on

By

Nagrereklamo ang isang grupo ng mga guro dahil ilan umano sa kanilang miyembro ay nawalan ng pera sa kanilang Landbank account.

Ayon sa Teachers’ Dignity Coalition (TDC), posibleng na-hack ang account ng ilang guro kaya nanakawan ito ng pera mula sa kanilang payroll at savings account.

May mga natanggap umano silang tawag galing sa kanilang miyembro mula sa Metro Manila, Calabarzon at iba pang probinsiya na nagrereklamong nawalan sila ng umaabot sa P26,000 hanggang P121,000 at nailipat raw ito gamit ang online banking.

“Mula sa P26,000 hanggang P121, 000 ang nakuha sa ilan nating kaguro. Naiulat na ito sa mga LBP branches at nakatakda nating pormal na dalhin sa atensiyon ng DepEd Central Office sa araw ng Lunes,” anang TDC sa isang Facebook post.

“Tinatawagan natin ang iba pang mga guro na may katulad na karanasan na makiisa at sama-sama nating hanapan ito ng solusyon – igiit ang pagtulong ng DepEd at ang pananagutan ng Landbank- upang mabawi ang perang ating pinagpaguran,” dagdag pa ng grupo.

Kuwento ng isang guro, nakatanggap siya ng 13 na OTP verification noong Nobyembre 12, 2021. Kaagad raw na iniulat niya ito sa Landbank, subalit kinabukasan ay laking gulat niya nang nabawasan na pala ang kaniyang account ng nasa P121,000.

Ayon naman sa isa pang biktima, nawalan siya ng P84,815 sa kaniyang Landbank account noong Disyembre 30 at nai-transfer daw ito sa isang e-wallet at isa pang bank account.

‘Phishing’, hindi hacking

Samantala, iginiit naman ng Landbank na nabiktima ng ‘phishing’ ang ilang guro kaya nawalan sila ng pera sa kanilang bank account. Hindi rin umano hacking ang nangyari dahil nananatiling ‘secure’ ang kanilang sistema.

 

“[Landbank] clarifies that its systems were not hacked and remain secure, following reports that alleged unauthorized transactions were experienced by two teachers who maintain payroll accounts with LandBank,” pahayag ng bangko.

Batay umano sa kanilang inisyal na imbestigasyon, lumalabas na na-phishing ang devices ng apektadong guro kung saan nakompromiso ang kanilang personal na impormasyon.

Nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga apektadong teachers upang mahanapan ng solusyon ang problema.

Continue Reading

News

Lolo Narding tatlong beses humingi ng paumanhin sa caretaker, batay sa record ng barangay

Published

on

By

Hindi lamang isa kung hindi tatlong beses pa umanong humingi ng paumanhin si Lolo Narding sa caretaker ng lupang kinatatayuan ng kontrobersiyal na punong mangga.

Ito ay kung pagbabatayan umano ang record ng barangay, ayon sa ulat ng Inquirer.

Nauna nang sinabi ng caretaker ng lupa na si Robert Hong na handa siyang iurong ang reklamo laban kay Lolo Narding kung aaminin ng matanda ang kasalanan at mag-public apology ito na hindi pa raw nangyayari hanggang ngayon.

Subalit base sa record umano ng Barangay Bantog kung saan nagharap ang dalawa, unang humingi ng paumanhin si Lolo Narding noong Abri 26, 2021, isang araw matapos siyang akusahan ni Hong ng pagnanakaw ng manga at pagbebenta nito sa isang buyer.

Ayon umano sa transcript ng pag-uusap ng dalawa sa harap ng mga opisyal ng barangay, sinabi ni Lolo Narding na binayaran lamang siya ng P600 ng buyer para sa 10 crate ng mangga; malayong-malayo raw sa presyong dapat ay P1,200 bawat crate.

Inamin rin dito ng 84-anyos na matanda na napilitan lamang siya sa naturang sitwasyon at humingi ng paumanhin kay Hong.

Muli raw humingi ng paumanhin si Lolo Narding sa ikalawang pagkakataon sa nasabi ring meeting nila nang araw na iyon.

Noong Mayo 6 ay muling nagharap ang dalawa sa barangay at humingi ulit ng paumanhin si Lolo sa caretaker ng Lupa. Turan pa umano nito, “Bakit hindi nila ako mapatawad?” sa salitang Pangasinan.

Tuluyang sinampahan ni Hong ng reklamong pagnanakaw at trespassing si Lolo Narding noong Mayo 13, 2021 sa 7th Municipal Circuit Trial Court ng Asingan-San Manuel.

Nitong Enero 13, 2022, isinilbi ng Asingan police ang warrant of arrest laban kay Lolo Narding.

Nag-viral sa social media ang pagkakakulong sa matanda at umani ito ng simpatiya sa maraming netizens na naawa sa kaniyang sinapit, habang marami naman ang nagalit sa caretaker na nagsampa ng reklamo.

BASAHIN: Lolo Nardo binigyan ng negosyo ni Wendell Ramos

Pansamantala nang nakalaya si Lolo Narding matapos makapagpiyansa noong Enero 20, subalit ang arraignment para sa kaniyang kaso ay itinakda sa ika-8 ng Pebrero.

Continue Reading

Trending