Connect with us

Philippine Showbiz

Chiz Escudero sinermunan ang mga alagang aso ni Heart Evangelista

Published

on

Ibinahagi ng aktres-model na si Heart Evangelista noong Huwebes ang video na in-upload sa TikTok. Maririnig ang tinig ng kanyang asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero na nakikipag-usap sa kanilang mga fur babies tungkol sa “house rules.”

Sinabi ni Chiz sa mga aso na tingnan siya habang siya ay nagsasalita at pakinggang mabuti ang kanyang mga sinasabi. Maririnig sa background ang pagtawa ni Heart sa kung paano sermunan ng mister ang mga aso nito.

Imahe kuha mula kay Heart Evangelista IG account

“Walang kagatan, walang iihi kung saan-saan. Hoy makinig ka, hoy tignan n’yo ako,” sabi ni Chiz sa mga aso.

Sino ang guilty? Nakaaaliw itong panoorin sapagkat makikita sa mukha ng mga aso kung paano sermunan ang mga ito, na talaga namang tumitingin kay Chiz kapag sinasabihan ang mga aso na makinig sa kanya.

I-click ang larawan para mapanood

Peppa, Panda at Shutiful ang pangalan ng mga fur babies ni Heart. Ngunit hindi lang aso ang kinahihiligang alagaan ni Heart kundi may alaga rin siyang pusa.

Maraming netizens ang natuwa at naka-relate sa video post. Samantala, hindi maiwasan ng iba na magkomento nang mapansin ang blanket na Hermes sa sofa.

“Buti pa yung aso nakaranas nang humiga sa Hermes samantalang ako 31 years old na kahit amoy ng hermes hindi ko alam.”  – Yhang

“Si Panda lang ang nakikinig.. but also nakahiga sila sa hermes literally having a better life than me.” – Heyitsmegabby

“Was that Chiz? hahahahaha kung ganyan siya sa dogs what more kastrict sa kids kaya niya?” – Yeollie

Imahe kuha mula kay Heart IG account

Si Heart Evangelista ay isang sikat na artista, model, endorser, at vlogger sa Pilipinas. Bukod sa kanyang mga proyekto sa pelikula at telebisyon, aktibo rin si Heart bilang isang celebrity sa social media. Kinasal sila ng  politikong si Chiz Escudero, ang kasalukuyang gobernador ng Sorsogon, noong Pebrero 2015. Nagdalantao ang Kapuso star noong 2019 ngunit nawalan ng kambal dahil sa miscarriage. Ang kanyang asawa ay muling  tumatakbo sa  pagka-senador ngayong Elekyon 2022.

Philippine Showbiz

Dating PA ni Piolo: ‘Ito na ang umpisa ng journey namin’

Published

on

By

Muling kinaaliwan ang hirit ng dating personal assistant ni Piolo Pascual na si Moi Marcampo nang magbahagi ito ng larawan nila sa Instagram.

“Ito na po ang umpisa ng journey namin sa katagang ‘pag 50 years old ka na at wala ka pang asawa, baka tayo talaga.’ hahaha. Apaka feelingera ko!!!!” sabi ni Moi sa caption ng post.

Matatandaang noong kaarawan ni Piolo ay humirit itong kapag umabot ang aktor ng 50 years old nang hindi pa nakakapag-asawa ay baka sila talaga ang nakatadhana para sa isa’t isa.

[Basahin: ‘Baka tayo talaga’: Dating PA ni Piolo Pascual may nakaaaliw na birthday message sa aktor]

“Happy birthday, my Mayor. You’re the best and you’re the yummiest, the yummier? I love you beri beri much! Ikaw lang ‘yong habang tumatanda, lalong sumasarap. ‘Pag di ka pa nakapag-asawa tapos 50 years old ka na, naku lagot, baka tayo talaga,” biro niya.

Naging personal assistant ni Piolo si Moi sa loob ng 16 taon. Nakapasok na rin ito sa mundo ng show business at nagtatrabaho na rin bilang isang chef.

Gayunpaman, nang matapos ang kaniyang serbisyo kay Piolo ay aminado itong labis siyang nalungkot.

“Noong una, siyempre kasi sobrang close namin. Tapos nung nakikita ko na umaalis sila na hindi ako kasama, parang naiinggit ako. Nadudurog ang puso ko. Kasi sanay ako na ako ‘yong nauuna sa kotse, ako ‘yong unang umaakyat,” sabi noon ni Moi.

Samantala, usap-usapan din ang namamagitan kina Piolo at aktres na si Shaina Magdayao dahil nakita silang magkasama sa beach trip kamakailan. Nang usisain tungkol dito, sinabi niyang what you see is what you get na lang sa relasyon nila.

“It’s just the same. I guess it’s better not to talk about it. Let it just die down because it’s been how many years, and we always say the same thing, anyway. So, I guess, for now, wala, wala na…’yon na iyon. What you see is what you get, as simple as that.”

[Basahin: Piolo sa mga litrato nila ni Shaina: What you see is what you get]

Continue Reading

entertainment

Lolit Solis pinuri si Jugs Jugueta sa pagbibigay-linaw nito sa usaping ‘power tripping’ ni Vice sa “It’s Showtime”

Published

on

By

Pinuri ni Lolit Solis ang pagkomento ni Jugs Jugueta sa kanyang post tungkol sa diumano’y “power-tripping” ni Vice Ganda sa noontime program ng ABS-CBN na “It’s Showtime” kung saan ang mga host ng show daw ay  nagkakaproblema sa kanya.

Kamakailan ay nagpost si Lolit sa social media na may power tripping daw si Vice Ganda sa programang “It’s Showtime”, according sa kanilang source.

Aniya, “Medyo alarming Salve iyon mga balita na nagpa power tripping si Vice Ganda. Balita na parang siya na ang nagpapa takbo ng Showtime, siya na ang nasusunod sa lahat ng galawa ng programa. Marami pang horror story na kumakalat sa pagbabago daw ng ugali ni Vice Ganda, at parang marami narin mga tao ang nasasaktan sa mga ginagawa daw nito…”

Agad namang ipinagtanggol ang IS host ng kasamahan nito sa noontime show na si Jugs Jugueta sa pamamagitan ng pagkokomento sa nasabing IG post ni Manay Lolit.

“Hanap po kayo ng bago ninyong source na Maritess, Tita… MASAYANG MASAYA PO KAMI SA SHOWTIME NGAYON!!!! Peace be with you and happy new year!” 

Matapos basahin ang komento ni Jugs, nagpasalamat si Lolit sa pagtutuwid nito sa kanyang nakalap na tsika at sa pagbabahagi ng katotohanan. Sabi ng talent manager, sana lahat ng celebrity na naisusulat nila, tulad ni Jugs,  ay may oras para ituwid iyong mga nabasa nila.

Ibinahagi ni Lolit sa kanyang Instagram acount ang pag-appreciate at pasasalamat kay Jugs.

“Appreciate ko iyon comment ni Jugs sa IG post ko about Vice Ganda, Salve. Sabi niya, hindi totoo ang mga kumakalat na balita na marami ang discontented dahil sa mga nagaganap na power tripping sa Showtime,” saad ni Lolit.

Ipinahayag din niya ang kanyang kasiyahan na maayos naman pala ang lahat sa mga host ng Kapamilya show.

“Dapat talaga na maging maganda ang samahan nila dahil araw araw silang magkasama, dapat para na silang magkakapatid. Sana lahat ng celebrity tulad ni Jugs may oras para ituwid iyon nabasa nila, mas appreciate namin iyon. Puwede naman kasi na mali ang information na nakuha namin, at puwede naman itong ituwid. Thank you Jugs for your time. Appreciate much!”  dagdag pa niya.

 

Basahin: Jugs sinagot ang post ni Lolit Solis tungkol sa umano’y power tripping ni Vice sa ‘It’s Showtime’.

Continue Reading

Philippine Showbiz

Jugs sinagot ang post ni Lolit Solis tungkol sa umano’y power tripping ni Vice sa ‘It’s Showtime’

Published

on

By

Pumalag si “It’s Showtime” host Jugs Jugueta sa post ni Lolit Solis tungkol sa diumano’y power tripping ni Vice Ganda sa noontime show.

Ani Lolit, may balitang si Vice na raw halos ang nagpapatakbo sa programa dahil gusto nitong laging masunod.

“​​Medyo alarming Salve iyon mga balita na nagpa-power tripping si Vice Ganda. Balita na parang siya na ang nagpapatakbo ng Showtime, siya na ang nasusunod sa lahat ng galawan ng programa,” sabi niya sa post.

“Marami pang horror story na kumakalat sa pagbabago daw ng ugali ni Vice Ganda, at parang marami na ring mga tao ang nasasaktan sa mga ginagawa raw nito.”

Sabi pa ni Lolit, baka dala ng pressure kaya naging off ang komedyante. “Well, baka naman dahil na rin overworked at pressured si Vice Ganda kaya kung minsan medyo off ang mga ginagawa niya, pero sana maayos niya ito bago maging huli ang lahat.”

Mahihirapan daw kasing maging kampante si Vice sa comedy kung may mga masama ang loob sa kaniya.

“Paano ka magiging kampante sa comedy kung maraming tao ang inis o galit sa iyo? Siyempre affected din ang performance mo,” aniya.

Dagdag niya pa, kung gusto ng It’s Showtime host na tumagal ang kanilang programa gaya ng Eat Bulaga ay kailangan ng magandang samahan.

“Dapat very family ang samahan nyo. Lahat masaya, lahat comfortable, walang may tampo. Dapat sincere ang samahan, walang mataas o mababa. ‘Yon team playing importante, may malasakit kayo sa isa’t isa,” komento pa niya.

“Sana nga hindi tutoo ang mga kumakalat na balita. Sayang kung ito ang magiging dahilan ng pagbabago ng kapalaran ni Vice Ganda. Ayusin agad.”

Ngunit ayon mismo sa co-host ni Vice na si Jugs, masaya sila sa show.

“Hanap po kayo ng bago ninyong source na Maritess, Tita… MASAYANG MASAYA PO KAMI SA SHOWTIME NGAYON!!!! Peace be with you and happy new year!”

Continue Reading

Trending