Connect with us

pets

Nakaaantig na tagpo: Alagang aso na matagal ding nawala labis-labis ang tuwa nang makita ang kanyang amo

Published

on

Nagkaroon ka na rin ba ng alagang aso o pusa? Naranasan mo na bang mawala ang minamahal mong fur baby? Kumusta naman kaya ang pakiramdam ng pet na naligaw at hindi na matagpuan ang landas pauwi sa amo?

Tiyak na maaantig ka sa kuwento kaugnay sa isang aso na matagal-tagal na rin palang nawawala.

Image via Pixabay

Sa isang video na in-upload ni Yolly Flores na isang Tiktoker sa video-sharing app na TikTok, nakasaad  ang caption na “Yung naghahanap lang kami mag-asawa sana ng Mercury na may stock n Biogesic Pero yung 3 weeks nang nawawalang Aso ng pinsan ng Asawa ko ang nakita namin.”  

Kasagsagan umano ng paghahanap ng paracetamol dahil nagkakaubusan na nito sa mga pamilihan kaugnay sa biglang pagtaas ng Covid-19 infections at at flu.

Sa paghahanap nila ng gamot ay hindi nila sukat akalain na ang tatambad sa kanila ay ang alagang aso ng kanilang pinsan na halos isang buwan na ring nawawala. Si Backy pala ay nakarating sa malayo at hindi na nakabalik. Sa comment box ay sinabi ni Yolly na  nakita nila ito sa Banawe corner Roosevelt St. sa Quezon City. Ang layo umano ng narating nito. Halos hindi nila ito nakilala pagkat pumayat daw at napakarumi.

Ang lalaking nasa video ay ang pet owner mismo ni Backy na tinawagan pala ni Yolly upang magtungo agad doon. At upang hindi na muling mawala ay nagdala na ito ng dog leash.

“Tinawagan ko po family nila, kami pong mag asawa nakakita, hinawakan ko na po si  Backy nag videocall na po ako sa family kung siya nga ba si Backy,” tugon ni Yolly sa isang netizen na nagtanong.

Makikita sa video na labis ang emosyon ng aso nang makita ang kanyang amo. Nagtatatalon kasabay ng impit na pag-iyak at labis na kagalakan nito pagkat batid niyang ang pamilyar na mukha ang garantiya na siya ay makauuwi na.

@yollygirlYung naghahanap lng kmi mag Asawa sana ng Mercury n may stock n Biogesic Pero yung 3weeks ng nawawalang Aso ng pinsan ng Asawa ko ang nakita namin.♬ God Is Good – Paul Overstreet

Marami ang natuwa at naantig sa muling pagkikita ng mag-amo. Narito ang ilang komento ng mga netizens,

@Mizzy: Grabe naiyak talaga ako “Imagine you’re hungry, afraid and in pain but you can’t speak” pano pa fur baby”

@Jamie : miss na miss nya talaga mga amo nya  sana po if needed wag nyo na lang palabasin, or kung lalabas samahan po sana”

@Marron : HOOOOOY NAIYAK AKOOOO SOBRANG SAYA KO PARA SA INYO!

May mga netizens na nagpahayag na gusto rin nilang lumabas at magbaka-sakali na muli rin nilang makikita ang kanilang mga alagang hayop na nawawala.

Hindi man naisasatinig, maging ang mga aso ay nakararanas din ng stress at anxiety. Mahihinuha na ang pagkikita nila ng kanyang amo ay nagbibigay ng kapanatagan at tuwa sa aso pagkat ito’y nanganghulugan na siya ay ligtas na.

Imahe mula sa TikTok

 

Aba, sikat na si Backy. Nakaabot na siya sa Kapuso Channel. Panoorin sila sa video ng GMA News.

Para naman sa mga humingi ng update kay Backy, pinaunlakan sila ni Yolly at nagbahagi pa ng ilang videos ng fur baby matapos itong maiuwi at mapaliguan.

@yollygirlito napo sya sobrang saya nakaligo narin sya’♬ original sound – Ylloy Nemul – Yollyflores

  • Image via Pixabay

  • Imahe mula sa TikTok

  • Imahe mula sa TikTok

  • Imahe mula sa TikTok ni Yolly

  • Imahe mula kay Yolly Flores

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

animals

Bookstore na nagsisilbi ring tahanan ng mga pusa, bentang-benta sa cat lovers

Published

on

Halos kalahating buwan pa lamang simula nang ito ay binuksan ngunit naging paboritong tambayan at atraksyon na para sa mga cat lovers ang isang bookstore na matatagpuan sa Aix-en-Provence, France. Bukod kasi sa puno ito ng magagandang klase ng aklat, ang Mon Chat Pitre ay isa ring tahanan para sa anim na magagandang pusa.
Ayon sa Oddity Central, simula nang buksan ang bookstores nitong nakaraang Hunyo ay kinawilihan na ito ng mga mahihilig sa pusa. Sa bawat sulok ng shop, makakakita ka ng mga pusa na may iba’t ibang ginagawa. May natutulog sa mga libro. May naglalaro. May nagmamasid sa mga tao. May mga agad ding  “nag-e-entertain” ng mga customer na pumapasok dito.
At ito ang talagang nasa isipan ng mga nasa likod ng bookstore na sina Solène Chavanne at Jean-Philippe Doux, mga television journalist na nangarap magkaroon ng isang espesyal na tindahan ng aklat kung saan payapang makapamimili ang mga bookworm habang nasa paligid ang mga magaganda at mababait na pusang mas magpapaganda pa ng araw nila.
Anim na pusa raw ang matatagpuan sa nasabing bookstores at lahat sila ay in-adopt mula sa isang local shelter. Sa kasalukuyan, ang mga pusa raw ay kinokonsidera rin ng mga nagmamay-ari ng shop bilang  ambassadors ng mga napabayaang pusa.
Kapag may customer daw na interesadong mag-alaga ng mga pusa, maaari rin sa kanilang humingi ng tulong kung paano makapagsisimula, lalo na at marami pang mga katulad nila sa mga local shelter na kalapit ng bookstore.

Samantala, para naman hindi mapagod ang mga pusa sa dami ng mga bisitang nakikipaglaro at kumakarga sa kanila, naglaan ang may-ari ng isang lugar sa likod ng shop na nagsisilbi nilang “retreat area”.

Sa lugar na ito, hindi raw maaaring pumasok ang mga bisita at ang matatagpuan lamang ay ang kanilang mga laruan at higaan. Kapag ayaw muna nila sa loob ng tindahan, pumupunta sila sa nasabing lugar. Cats’ haven!

Continue Reading

animals

Asong nawalan ng paa natutong maglakad na parang isang tao

Published

on


Simula nang mawalan ng isang paa, biglang nagbago ang lahat para sa Brittany Spaniel dog na si Dexter. Ngunit sa halip na malugmok at matapos ang lahat para sa aso na noon ay hindi pa man nag-iisang taon, ang pangyayaring iyon pa ang naging dahilan para magsimula ang buhay niya bilang isang ‘taong’ naglalakad gamit lamang ang dalawang paa.
At ngayon, ang araw-araw na karanasan at pakikipagsapalaran niya bilang isang seven-year-old dog na naglalakad kagaya ng isang tao ay nagbibigay-aliw at inspirasyon na sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na Dexter Dog Ouray.
Kuwento ng tagapangalaga niya na si Kentee Pasek  sa isang panayam nito sa Newsweek, tumagal nang 45 minuto ang pagliligtas kay Dexter matapos itong mahagip ng isang sasakyan. Mahirap ngunit sa huli ay naging maayos din ang lahat. At pagkalipas ng dalawang buwan, nagulat na lamang sila nang matuto itong maglakad gamit ang dalawang paa.

“My reaction was pure shock and disbelief I called the vet and it was decided Dexter was safer to walk upright if he wished without the wheels than to walk upright with them attached,” pagpapatuloy ni Kentee.
And the rest is history, ‘ika nga. Isa na si Dexter sa mga nagdadala ng inspirasyon, aliw, at pag-asa sa napakahirap na sandaling katulad nito. Kung kaya niya, kaya rin ng mga taong bumangon at muling magsimula, anila.
Samantala, mayroon din namang mga nag-aalala na baka lalo pa itong makasama sa lagay niya. Pero pagtitiyak ni Kentee, sumasailalim ito sa regular checkups at ang tunay na dapat ikabahala ay kung maglalakad si Dexter na isa na lamang ang paa sa harapan dahil masyado na raw itong mahina at tiyak na magdudulot na ng matinding hirap at sakit sa kanyang alaga.
“He’s developed massive, weight-lifter thighs. It was his desire to adapt,” kuwento ng beterenaryong nag-aalaga kay Dexter sa interbyu rito ng Denver Post. “He chose two legs. They didn’t make him walk on two legs. He accepted that he has this adversity and that he’s not going to let it get him down. He has amazing resilience.”
Sa kabila ng lahat, masaya raw si Kentee na hindi nawala sa kanila ang alaga.
“We are grateful to still have Dexter in our life. We did not know if he would make it past the first night, first surgery, then all of the other surgeries,” aniya. 

Continue Reading

Trending