Connect with us

Social News

‘When mommy is life but majorette is lifer’: Buntis na dating majorette, nagpabilib

Published

on

Matindi ang tawag ng musika kaya’t hindi na nakapagpigil pa ang isang babae na magpakitang gilas sa publiko nang dumaan ang isang banda. Kaya lang ay buntis siya!

Ibinahagi ni Sharmaine Federizo sa kanyang Facebook account nitong January 23 ang video ng isang buntis habang nagme-majorette performance ito sa gitna ng kalsada.

“ATE YUNG BATA!   HHAHAHAHAHA” ang caption ni Sharmaine sa video clip. Kapansin-pansin namang malaki na rin ang tiyan ng ginang.

Makikitang hawak ng babae ang dalawang baton at nagme-majorette moves ito sa saliw ng tugtog ng banda. Halatang na-miss ni ate ang kanyang majorette days ah! Ang galing niya!

Maririnig sa video ang hiyawan ng mga tao at may mga sumisigaw pa ng “Ate ang bata!”. Maliksi kasi at ‘bouncy’ ang ‘da moves’ ng babae kaya’t hindi maiwasang mag-alala ng ibang nanonood sa kanya.

Ang buntis ay nakilalang si Nicole Caimoy Marbella na isa palang dating lead majorette. Siya ay taga Tanay Rizal  at nagdaraos ng pista sa kanilang lugar noong Linggo.

Instant celebrity

Humakot agad ang naturang video ng mahigit 13k reactions at may halos 700K views na sa Facebook clip pa lang.

Marami ang naaliw at mayroon din namang nabahala sa pag-indak ng ginang. Baka daw kasi ito mapaanak nang wala sa oras.

“Hooyyyu. Nicoleeeeee… Uwi.. Makukurot kita jan.”

“Ako lang ba yung kinakabahan kasi baka matamaan tyan nya haha.”

“Pag passion mo talaga kahit ilang dekada ang lilipas pag nagawa mo uli ang saya ng feeling parang ako passion ko sumayaw dito ko na lang sa TikTok nilabas.”

“Galing ni ate.”

“When mommy is life but majorette is lifer.”

“Tapo paglabas nung baby nag mamajorette na rin HAHAHAHAHHAH cotton buds hawak n’ya.”

“ay Bongga hehehehh dating majoret ata.”

May mga naka-miss din noong panahon na nagma-majorette pa sila. “Yung laking Banda ka nakakamiss to nung Elem/highschool.”

Naalala ko nung nag majoritte din ako during my teenage ang saya saya lalo na kapag naka uniform na kami at nagpaparade”.

Panoorin ang video:

entertainment

‘Sana all’: Mister sinurpresa, pinakilig ang asawang bagong panganak

Published

on

By

Sino ba naman ang hindi kikiligin at sasaya kung kahit matagal na kayong nagsasama ay sinusurpresa ka pa rin ng taong mahal mo?

Masayang ibinahagi ni Michelle sa kanyang TikTok ang video kung saan ay makikitang sinurpresa siya ng kanyang asawa. Mabilis naman itong nag-viral online.

Ayon sa uploader pinapalabas siya ng kanyang asawa ngunit dahil busy sa pagbabantay ng anak ay hindi na niya ito sinalubong at hinintay na lamang niyang lumapit ito.

“Love, labas ka saglit may bigay ako. Misis: ‘Di ako makalabas, nakabantay ako sa anak mo,” ani Michelle sa text caption.

Matapos ang mahabang duty ng mister sa trabaho ay nagawa pa rin nitong pasayahin siya’ lalo na ang kanyang baby na may diaper at gatas pa. Ayos, ‘di ba?

“After a long duty nagawa mo pa rin kaming pasiyahin ng anak mo, We love you daddy!” masayang post ng uploader na may kalakip na awiting ‘Forevermore’.

Masuwerte talaga ang isang misis o mister kapag lagi kang naaalala at ang inyong anak sapagkat doon mo mararamdaman na sa simpleng bagay man ay mahalaga kayo at mahal kayo.

Sa mga ibang uploaded na video ay makikita na masipag rin pala si mister mag-alaga sa kanilang anak. Makikita mong hands-on ito sa kabila ng pagiging busy bilang isang alagad ng batas.

Bumuhos ang mga komento at napapasana-all ang mga ibang nanay; na sana ay ganoon din ang kanilang asawa.

“Hindi ko kilala si hubby mo. Pero 107% sure ako mahal na mahal ka niyan hehe. God bless your family!”

“Normal na ‘yung flower e hpero ‘yung gatas at diaper.”

“‘Yung sa GATAS @ DiAPER ako kinilig miieee”

“Sana all your so blessed”

“Kapag nanay ka na kahit gatas at diaper sobrang saya na talaga.”

“Napapangiti na naman tayo sa relasyon ng iba.”

“‘Di pa ko mommy pero mas natuwa ako sa dala n’yang diapers at gatas.”

“Sana all may asawang ganyan.. Kakainggit naman.”

“Kainggit sis sanaol provider ang asawang lalaki sanaol talaga. huhu”

Continue Reading

Social News

Usapan ng gamer na si H2WO at ng kaniyang nanay hinggil sa pera, umani ng sari-saring reaksyon

Published

on

By

Nag-viral at umani ng sari-saring reaksyon mula sa netizens ang ibinahagi na screenshot ng usapan ng Pinoy online gamer na si H2WO at kaniyang nanay hinggil sa isyung pinansiyal ng kanilang pamilya.

Sa Facebook post ni H2WO o John Paul Salonga ng Nexplay EVOS, ipinakita niya ang naging usapan nila ng kaniyang ina na si Susana Campos Miranda na noong isang araw ay nag-live stream sa Tiktok para ilabas ang kaniyang saloobin hinggil sa kanilang personal at pinansiyal na isyu.

“As much as possible ayoko sana gawing public to dahil usapang pamilya ‘to. Ito pinaka masakit na pwede ko gawin sa buong buhay ko, ang ilabas yung kwento ng family ko sa public,” saad ni H2WO.

“Kailangan ko gawin kasi ang dami ng taong nadadamay, mga taong mahal ko at ni rerespeto ko na hindi naman dapat nadadamay,” wika pa nito.

Batay sa kanilang naging usapan, humihingi ng pang-grocery ang nanay ni H2WO kaya hiningan niya ito ng resibo para raw matantiya niya ang ipapadala sa ina kada buwan.

“Ma, next time po pwede ko po bang hingin lahat ng resibo? Para ma tansya ko po kung magkano po ipapadala ko sa inyo, minamanage ko na po kase mga pumapasok at lumalabas na pera,” sagot ng gamer sa kaniyang nanay.

Paliwanag ni H2WO sa caption, palaging kinakapos ang kaniyang nanay na binibigyan niya ng P25,000 kada buwan kaya nais niyang malaman kung magkano dapat ipapadala sa kaniya nang buo.

Mistulang may problema rin ang nanay sa ate at ama ni H2WO dahil nabanggit ito sa usapan. Ayon sa ina, “Utos b yan ng Ate mo? Baka may nagsulsol na sayo n wag mo na ako bigyan ama at ate mo,” wika nito.

Nabanggit din ng nanay na titira na lamang siya sa bundok para daw ‘di na siya mabigyan ng allowance ni H2WO.

Sagot naman ng gamer: “Ma, bakit po kayo titira sa bundok e pinagawan ko nga po kayo ng bahay para komportable kayo?”

Marami pang nabanggit sa usapan na tungkol sa isyu ng pera at mayroon ding nadamay na ibang tao kabilang na ang nanay ng kapwa gamer ni H2WO.

Sa huli ay humingi ng paumanhin si H2WO sa lahat ng nakaladkad sa isyu ng kanilang pamilya. Sana raw ay maunawaan siya at ang kaniyang mga kaanak sa pinagdadaanan nila ngayon.

“Gusto ko din maghingi nang tawad sa papa at ate ko, alam ko yung stress na dinanas niyo simula bata pa kame nina kuya,” saad ni H2WO.

Tunghayan ang kanilang usapan sa Facebook post ni H2WO at kayo na ang humusga.

Panoorin din ang video ng kaniyang nanay:

Continue Reading

Philippine Showbiz

KZ Tandingan pens emotional message to mom who became a Registered Nurse at 56

Published

on

By

Singer KZ Tandingan is one proud daughter to her 56-year-old mom who recently took and passed the nurse licensure examination (NLE).

In a lengthy post on Facebook, KZ looked back on the sacrifices her mom Marites Tandingan, had to make along the way because she prioritized her children over her career.

Her mom got her license as a midwife at 18 years old and became a clinical instructor soon after. She then met KZ’s dad and they got married and had children.

“She attempted to balance being a mom and working, but in the end she made the decision to abandon the career she had fought so hard to achieve in order to concentrate on caring for her children,” KZ said.

When she and her sister were already in high school, her mom decided to pursue nursing. She later found out she was pregnant with her third child and after trying to make it work, she decided to put it on hold to focus on her pregnancy.

“When I finally went to college, my brother had already turned three yrs old, Mum continued her education attending classes on weekends till she received her diploma,” KZ narrated.

“At 43 or 44 yrs old, she tried taking the NLE without a proper review because there was just too much on her plate, and sadly she didn’t pass. She was so heartbroken that she thought maybe she’s too old or that she didn’t have what it took anymore.”

But about 10 years later, Marites decided to try again. For months, she focused on reviewing discreetly.

“Only the family knew abt it because she didn’t want people to be disappointed just in case she didn’t pass it again. She would study so hard that she’d fall asleep while reading her books and sometimes forget to take a break to eat,” she said.

“Today, 18 days after, the results came out, and I’m so proud to share that my mom, 56 yrs old, MARITES LOBRIGAS TANDINGAN is now a REGISTERED NURSE.”

KZ thanked her mom for sacrificing her career to prioritize her children’s well-being.

“Today is a reminder that God sees everything and that He rewards His children in His perfect time. Congratulations Mommy Tess! I’m so proud of you. I love you.”

Continue Reading

Trending