Connect with us

Social News

Bwenas sa Bagong Taon: Isang sanggol na ipinanganak sa Bulacan, may kumpol nang puting buhok

Published

on

Paano mo masasabi na suwerte ka? Kapag ipinanganak ka bang may kakaiba sa iyong katawan?

Katulad na lamang ng ibinahaging kuwento ng KMJS  o ng Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) kung saan ay may sanggol umanong ipinanganak sa Bulacan na may kumpol nang puting buhok sa taas ng kanyangg noo.

Isa nga namang nakamamanghang pangyayari kapag may kakaiba sa iyong isinilang na anak, katulad na lamang ng nangyari kay Lilibeth.

Imahe mula sa KMJS

Si Lilibeth ang ina na nagluwal ng sanggol na mayroong kumpol na puting buhok sa kanyang ulo.

Sa post ng  programang KMJS sinabi niya na “Bagong Taon po ako nanganak. Nu’ng nakita ko po si baby, nagulat po ako! May kumpol kasi siya na puting buhok sa harap! Sa limang anak ko, siya lang ‘yung ipinanganak ko na may puti sa buhok. Ang sinasabi ng iba, suwerte raw iyon! May nakapagsabi sa amin ‘yung puting buhok daw po ng anak ko, ‘tala’ , Siya raw ang magbibigay sa amin ng suwerte na makakaangat sa buhay namin!” ani  Lilibeth.

Narito ang ilang mga komento ng netizens sa post na mayroon nang 440k react at 31k shares:

Marami ang nagsasasabi na baka stressed lamang daw ang ina kaya nagkaroon ng kumpol na puting buhok ang anak nang ipinagbubuntis pa lamang ito. “Melanin imbalance’ o vitiligo naman ang opinyon dito ng ilang netizens.

Imahe mula sa KMJS

“Vitiligo is a skin condition where melanin pigment lacks although swertehan talaga na mapunta sa noo kasi yung iba sa kamay and even causes low self esteem kasi feel nila kakaiba sila,”  saad naman ni C. Palmiano.

May himig pagbibiro naman ang iba. “May lahi yang Mulawin. Magiging tagapagligtas ng mundo laban sa covid 19,” ani R. Otebar.

May iba naman na nagsabing mahilig daw ang ama na maglaro ng ML o ang sikat na laro ngayon na Mobile Legend. “For sure mahilig sa ML tatay at nanay niyan tapos si granger yung favorite hero hahaha,” ani Jan Krisler Da First.

Bakit nga ba nagkaroon ang isang sanggol ng puting buhok?

Maaaring ito ay dahil sa poliosis, na ayon sa Healthline ay isang kondisyon kung saan ang isang tao ay isinilang na may “patch of white or gray hair while otherwise maintaining their natural hair color. It can affect both children and adults. You’ve probably seen people with poliosis in movies, on stage, or on TV.”  Si Johnny Depp ay mayroon nito sa karakter niya sa pelikulang “Sweeney Todd.”  Ang mang-aawit na si Bonnie Raitt ay ipinanganak ring may ganito.

Imahe mula ugetwellsoon.com

 

Samantala, ang pagkakaroon ng isang kumpol na puting buhok ay maaaring hindi basehan ng suwerte o malas, ngunit kung ito ay naghahatid ng pag-asa, wala namang masama, ‘di ba? Para sa iyo, may hatid nga bang suwerte o malas ang mayroon nito? Abangan ang buong kuwento ni Lilibeth at ng kanyang anak sa KMJS bukas, Enero 9.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Social News

Paalala ng netizen sa mga customer ng delivery riders: It’s not very hard to be kind

Published

on

By

Ibinahagi ng isang netizen ang pinaka-hassle na karanasan niya sa isang rider matapos abutin ng dalawang oras ang dapat sana’y 20 minuto lamang na delivery. Sa kabila nito, sinalubong niya ang rider nang may ngiti at triple pa ang ibinayad dito.

Kuwento ni Mariz Agento sa isang Facebook post, nag-book siya ng delivery para sa kaniyang order sa Hidalgo, Pasay bandang 8 p.m. at dumating ito sa kaniya matapos ang dalawang oras kahit wala pang limang kilometro ang layo nito.

Habang nasa biyahe raw kasi ay nagkaroon ng problema ang rider sa kaniyang app kaya hindi niya ito mabuksan.

Sinigurado naman ng rider na maihahatid niya ang parcel ngunit medyo matatagalan ito dahil hindi niya kabisado ang daan.

Sa halip na magalit ay inunawa ito ni Mariz at ginabayan ito kung paano makararating sa destinasyon kahit wala ang app.

“I have all the time to be angry and put pressure on the man, but I didn’t. I have to wake up before 5 am tomorrow, and by this time, I should be asleep already,” aniya.

“I patiently waited and replied to him the exact directions on how to go to my place even without using Waze and when he finally arrived, he kept on apologizing for the inconvenience.”

Buong-puso namang tinanggap ng uploader ang paumanhin ng rider. Triple rin ang ibinayad niya rito at binigyan pa ng five-star rating.

“You see, it’s not very hard to be kind. We must do it often, as nothing compares to the feeling that you did not hurt anybody’s feelings but instead, made them happy even when they expected the exact opposite,” sabi ni Mariz.

“Delivery riders are humans too. They deserve to be respected and they make our lives hassle-free in terms of delivery.  To tatay rider, keep hustlin’. Aahon din.”

Continue Reading

Social News

Solenn at Nico Bolzico’s adorable Baby Thylane, naghatid ng saya sa kanyang bibong pagkanta

Published

on

By

Napaka-cute at smart ng anak nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico na makikita sa Instagram post ng huli sa in-upload niyang video  kamakailan.

Ang kanilang anak na si Thylane na 2 taong gulang na ay makikitang kumakanta ng counting song sa lenggwaheng Espanyol habang buhat-buhat ni Nico sa kanyang likuran nang sila ay nag-hiking sa France.

“Counting the number of days #ElPadre will be in the dog house because we forgot #TiliBolz outdoor jacket,” aniya sa kanyang caption.

Maraming netizen ang nagkomento sa kanilang video dahil sa napaka-cute at sa taglay na talino ni Thylane.

“Tili huhuhu ka cute nimo oy.”

“Very smart and lovable Tili.”

“Grabeh!!!!! Cute!!!! Di ko mapigilan di magcomment.”

Isa rin sa mga ipinost ni Nico ay ang kanyang mag-ina kung saan nakayakap si Solenn sa kanilang anak habang nakangiti naman si Thylane na nakatingin sa camera.

“My whole life in one picture… also the source of all my commands for the rest of my life…,” ani Nico sa kanyang post.

Nag-post naman si Solenn sa kanyang Instagram kasama ang anak kung saan sumisigaw siya at siya namang ginagaya ng anak na ikinatuwa naman ng maraming netizen.

“Screaming our feelings out,”  pagbabahagi ni Solenn sa kanyang caption post.

Kamakailan lang ay pinabilib niya ang netizens dahil sa pagsasalita niya ng iba-ibang lenggwahe – French to Spanish –  habang nakikipag-usap sa kanyang ina.

Si Nico Bolzico ay founder at Presidente sa LM10 Corporationp; isang Argentine na naninirahan sa Pilipinas sa nakalipas na walong taon. Siya ay 38 taong gulang na.

Si Solenn Heussaff ay isang Filipina-French aktres, TV host, model, singer, painter, fashion designer at propesyunal na make-up artist na ngayon ay 36 anyos na.

Ipinagdiwang nila sa France noong Bagong Taon, Enero 1, 2022 ang ikalawang kaarawan ni Thylane Katana Bolzico.

Continue Reading

Social News

Mayor Vico ‘binati’ ng kapwa-COVID patient: “Finally, nakisama ka na rin”

Published

on

By

Kahit na kasalukuyang nakikipaglaban sa COVID-19, nakuha pa ring magpangiti ng kaniyang mga social media followers at supporters si Mayor Vico Sotto.

Noong Linggo, Enero 16, ibinahagi ni Mayor Vico ang screenshot ng isang mensahe na ipinadala sa kaniya  ng isang netizen na isa ring COVID patient.

Bagama’t hiling ng netizen ang agarang paggaling ng butihing alkalde, may hirit pa rin itong nakakatawa.

Anang netizen kay Mayor Vico, “Get well soon” na pinasalamatan naman ng alkalde.

“Finally nakisama ka na. Now IN ka na. Get well soon,” muling hirit ng netizen.

“Ha ha Thanks sir,” tugon naman ni Mayor Vico.

Ang screenshot ng kanilang nakakatawang usapan ay ibinahagi ng 32-anyos na mayor sa kaniyang Facebook story. May caption itong “Ganito na raw ang batian ng get well soon sa Omicron’” with laughing emoji.

Imahe mula sa Facebook| Mayor Vico Sotto

Noong Linggo ay ibinahagi ni Mayor Vico na nagpositibo siya sa COVID-19 at nakararanas ng mga sintomas gaya ng sore throat, lagnat at pananakit ng katawan.

Sa kabila nito, tiniyak niya sa kaniyang mga constituent na maayos ang kaniyang kalagayan at patuloy ang kaniyang pagtatrabaho bilang alkalde kahit nasa isolation.

“Hi everyone, bad news, I’ve tested positive for covid-19. I have sore throat, fever, and body aches, but please don’t worry! I’ll continue to work remotely while in isolation for the next 7 days,” bahagi ng alkalde.

“Naka ilan close call ako sa Delta (gaya nung sa driver ko mismo) pero di ako nahawaan. Matindi talaga ang pagkalat ng Omicron– sabi nga ng ibang eksperto, LAHAT TAYO ay mae-expose sa variant na ito,” kuwento pa ni Mayor Vico.

Nagpaalala rin ito sa lahat na laging mag-ingat, palakasin ang resistensiya at maging responsible. Sakali man umanong makaramdam ng sintomas ay mabuting huwag na lang munang lumabas.

BASAHIN: Mayor Vico ‘nangako’: “Pagkatapos ng pandemya, kahit mag-kiss po tayo puwedeng-puwede”

 

Continue Reading

Trending