Connect with us

government

Barangay captains, inatasan ng Pangulo na dakpin ang mga pasaway na unvaccinated residents

Published

on

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga punong barangay na dakpin ang mga residenteng hindi bakunado kapag patuloy nilang susuwayin ang stay-at-home order na layong mapigilan ang paglobo pa ng mga kaso ng covid-19 sa bansa.

Image from PCOO

Simula noong January 3 ay muling nagpatupad ang pamahalaan ng mahigpit na restriksyon sa buong Metro Manila at ilang karatig probinsya kung saan ang mga unvaccinated residents ay pinagbawalang lumabas ng bahay maliban na lang kung may mahalagang pupuntahan o gagawin.

Nilinaw ng Pangulo na hindi naman agad huhulihin ang mga taong hindi bakunado na lumabag sa stay-at-home order kundi pakikiusapan muna.

“Because it’s a national emergency, it is my position that we can restrain people who have not got their shots,” sabi ni Pangulong Duterte.

“I’m now giving order to the barangay captains to look for those persons who are not vaccinated and just request them or order them if you may to stay put. And if they refuse and go around the community, they can be restrained. If they refuse, then the barangay captain, being a person in authority, is empowered now to arrest the recalcitrant persons,” wika pa ng Pangulo.

Image from MindaNews

“Pakiusap lang. Eh, hindi ka nagpabakuna, then you put everybody in jeopardy. Being the President, ultimately, I am responsible for the ssafety and well-being of every Filipino, and that is why my orders are to restrain them,” aniya.

Handa raw niyang harapin at akuin ang responsibilidad sakaling  siya ay idemanda dahil sa kanyang kautusan.

“Meron naman na akong kaso sa ICC (International Criminal Court), eh. ‘Di, ipatong na ninyo para isang sagutan na lang pagdating ng panahon,” aniya.

Ayon sa Department of Health (DOH), nakapagtala ang bansa ng 17,220 new infections noong Huwebes, January 6 at 21,819 new covid-19 cases ngayong Biyernes, January 7.

Mula sa mga nabanggit na kaso, sinabi ng DOH na halos 94% doon ay mild at asymptomatic.

Image from DOH

government

Booster shots puwede na sa botika at private clinics na lumahok sa “Resbakuna sa Botika” campaign

Published

on

By

Sa layuning mahikayat pa ang mas maraming Pinoy na magpabakuna kontra COVID-19 ay sinimulan na ng pamahalaan ang “Resbakuna sa Botika” campaign sa mga piling botika at pribadong klinika.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar na si Secretary Carlito Galvez, Jr., malayo pa ang pamahalaan sa target nito na mabakunahan ng booster shots ang 75 million Pinoys.

“Medyo mababa pa ang booster shots, more than 5 million pa lang,” anang kalihim sa paglulunsad ng kampanya na ginawa sa Watson’s pharmacy.

Kabilang sa mga lumahok sa kampanya ang Healthway Manila, Mercury Drug (Manila-Malate President Quirino branch), Southstar SSD (Marikina branch), Watson’s SM Supercenter (Pasig), Generika (Signal 1, Taguig), The Generics Pharmacy (Parañaque), at ang Qualimed (McKinley, Taguig).

Sinabi ni Presidential Adviser for COVID-19 response na si Vince Dizon, hiningi ng pamahalaan ang tulong ng mga pribadong botika at klinika matapos tamaan ng covid ang mga health personnel sa mga vaccination sites.

“We need to act fast to address this big problem because many of our vaccinators are getting sick. We would like to thank them because they responded immediately to the call of the national government,” aniya.

Sinabi pa ni Dizon na sa ngayon ay sa Metro Manila pa lang ang kampanya, pero  gagawin din ito sa ibang lugar sa buong bansa matapos ang pilot implementation.

Tiniyak ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na libre ang pagpapabakuna sa mga botika at private clinics. Ang kailangan lang ay magparehistro sa nakakasakop na local government units bago magtungo sa mga botika at klinika na lumahok sa kampanya.

“We can make sure that those who will go to the pharmacies are the ones needing boosters. It should be at least three months from your second dose and two months from the single-dose Janssen,” aniya.

Tanging AstraZaneca at Sinovac lang muna ang gagamiting booster shot sa kampanya dahil hindi maselan ang storage nito. Puwede ito kahit sa regular refrigerator.

Continue Reading

government

Sampal sa gobyerno: Hindi katanggap-tanggap na hindi bakunado si PAO chief Persida Acosta – Sen. Drilon

Published

on

By

Nanawagan si Senator Franklin Drilon sa Malacañang at sa Department of Justice (DOJ) na huwag papasukin sa kanyang trabaho si Public Attorneys Office (PAO) Chief Persida Acosta hangga’t hindi siya nagpapabakuna kontra sa COVID-19.

Sa gitna raw ng ginagawa ng pamahalaan na kumbinsihin ang mga mamamayan na magpabakuna, hindi katanggap tanggap na ang isang government official tulad ni Acosta ay hindi bakunado.

Posible raw na ang naging pahayag ni  Atty. Acosta ay lalo pang magpalala sa vaccine hesitancy ng mga tao na pilit tinutugunan ng gobyerno.

“Hindi ba sampal iyon sa gobyerno? I hope it is not deliberate but Acosta’s recent statements can fuel vaccine hesitancy that we are trying to address. Until she gets vaccinated, she should be barred from reporting to work,” wika ng senador.

Sabi pa ni Sen. Drilon, maaakusahan pa ang pamahalaan ng double standard kung hahayaang mag-report sa trabaho si Acosta habang nirerendahan ang galaw ng mga unvaccinated na mamamayan.

“If the government is serious about its ‘no vax, stay at home; no vax, no ride policy,’ it should apply it to all. Otherwise, it will not work. The government should take the same hardline stance against their own officials. Set an example with Acosta,” giit ng senador.

Kamakailan lang, inamin ni Atty. Acosta na hindi pa siya nababakunahan dahil sa health considerations.

Hindi naman daw siya anti-vaxxer. Sinusunod lang daw niya ang payo ng kanyang doktor na hintayin na magkaroon ng tamang bakuna na puwedeng ibigay sa kanya.

“Wala po akong agenda na ako’y anti-vaxxer…Yung bunso ko na lang hindi pa nabakunahan at ako kasi hinihintay naming dalawa ‘yung protein-based vaccine na parating at ‘yun ay pwede sa akin sabi ng aking mga doktor,” aniya.

Naranasan na raw kasi niyang mamantal ang buong karawan at mangapal ang mukha dahil sa maling medisina.

Kumapal ang mukha kobuong katawan ko namantalSo, hindi ako basta pwedeng gumamit ng bagong gamot na hindi akma sa ating cellular system.” 

Continue Reading

government

Inday Sara isusulong ang mandatory military training para sa lahat ng kabataang Pinoy

Published

on

By

Katulad ng ginagawa sa South Korea, isusulong umano ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang mandatory training para sa lahat ng kabataan kapag siya ay nanalong bise presidente sa darating na eleksyon.

Ayon sa anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, gagamitin niya ang Office of the Vice President (OVP), ang Senado, at ang Kamara upang itulak ang pagsasabatas nito.

Sasaklawin umano ng batas ang lahat ng kabataang Pinoy, babae at lalaki, na tutuntong sa edad na 18.

“Gagamitin ko ang aking opisina— Office of the Vice President — para kausapin ang ating (to talk to our) Congress and the Senate of the Philippines to make military service for all 18 years old, male and female, mandatory in our country,” ani Inday Sara sa ginanap na virtual caravan ng UniTeam nina Marcos at Duterte nitong Miyerkules.

“Nakikita po natin ito sa ibang bansa, sa South Korea, Israel. Nakikita po natin doon sa kanila. Hindi ROTC lang na isang subject, isang weekend o isang buwan sa isang taon,” dagdag pa nito.

Nilinaw naman ng alkalde na bibigyan rin ng subsidy ang lahat ng mga sasailalim sa training na pamamahalaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Inalmahan naman ito ni Walden Bello na tumatakbo rin bilang pangalawang pangulo.

Ani Bello, ang planong ito ni Duterte-Carpio na gagamitin ang OVP para isulong ang mandatory military training ay nangangahulugan lamang na isa itong ‘dictator-in-waiting’ at wala rin siyang kaibahan sa kaniyang ama.

“Like father, like daughter.  Duterte’s legacy was to arm people…  Now his daughter wants to do it to the youth as well,” ani Bello sa Twitter.

Ang mandatory ROTC training para sa lahat ng estudyanteng Pinoy ay tuluyang binuwag taong 2002 sa pamamagitan ng Republic Act 9163, ang batas na  bumuo sa National Service Training Program (NSTP).

Continue Reading

Trending